TruyenHHH.com

Will You Go Out With Us Sharky And The Giants


✦✧✦

CHERRY


Dumating na ang umaga, pero tila ayaw ko pa ring bumangon sa kama.

Nagbuntong-hininga ako at tumingin sa orasan. Kailangan ko nang magbihis dahil uuwi na rin kami maya-maya.

Nakapag-impake na ako kagabi dahil nahirapan akong makatulog. Na-double check ko na rin ang buong kuwarto kung may naiwan ba akong gamit.

Bakit ganito? Bakit ang lungkot? Sa loob ng tatlong araw ay puro kapahamakan at kamalasan ang nangyari sa akin, pero bakit pakiramdam ko ay hahanap-hanapin ko ang mga ito pagkabalik sa bahay?

Wala nga akong naiwang gamit, pero 'yong sarili ko, gustong maiwan sa resort na ito.

Nagbihis na ako at lumabas ng kuwarto. Bakit parang ang tahimik? Kagabi lang ay sobrang ingay nilang lahat sa pool.

"Want me to help you with that?" Binuhat ni Tobin ang dala kong maleta.

"Uy, Tobin! Maraming salamat ha, pero hindi naman kailangan!" Sinusubukan kong kunin pabalik ang maleta pero karga-karga niya ito sa ibabaw ng ulo niya. Matangkad siya kaya naman kahit anong talon ko ay hindi ko maabot.

"Let me do at least this, Cherry." Nakangiti siya pero naramdaman kong may pagkaseryoso siya sa sinabi niya. "Sa totoo lang, nalulungkot ako dahil hindi ko alam kung kailan ulit kita makikita."

I guess we all feel the same, huh?

Hindi na ako nagreklamo at hinayaan ko na lang na buhatin niya ang maleta ko.

Habang naglalakad kami ay napagmasdan kong maigi ang kaniyang porma. Ano kaya'ng workout nitong si Tobin? Lahat sila sa Green Giants ay maskulado, but this guy is way way jacked!

Pagkarating namin sa baba, nakita kong nakaabang na silang lahat sa may entrance.

"Wow, Tobin. Ibang klase ka. Pauwi na tayo pero nagawa mo pa ring pumuntos kay Cherry," pangungutyang hiyat ni Joon.

"Oo nga. Ipinagyayabang mo na naman 'yang muscles mo." Sinundan naman ni Nikko.

"Hmph. Palibhasa 'yan lang lamang mo sa 'min. Pero pagdating sa cuteness, ako ang number one!" Anlex claimed.

Bigla siyang napalingon kay Gin na inosenteng nagtatali ng sintas. "A-Ako ang pinaka-cute... 'di ba?" ulit ni Anlex na may kasamang pag-aalinlangan. Na-threaten yata siya kay Baby Gin.

"Let's go. The cars are waiting for us already." Pagkasabi no'n, sinuot na ni Kyle ang bag niya at lumabas ng hotel.

Ang sungit naman nito. Bakit ba siya nagmamadaling umuwi?

Ibinaba na ako ni Tobin at kinuha ko na ang maleta ko. Pagkalabas ng hotel, may dalawang van na naghihintay.

Kinailangan daw ang nine-seater Chevy Express nina Joon kaya nagdala ang mga tauhan nila ng ibang mga van para maghatid sa amin pauwi.

Kaso, teka, sa aling van nga ba ako sasakay?

"Let's decide who goes with who. Kailangan nating maghati sa dalawang grupo," kalmadong sabi ni Denz.

"I wanna be with Cherry!" sigaw ni Anlex.

"Ako rin. Gusto kong sumama kay Cherry," sigaw rin ni Gin.

"Doon ako kung saan sasakay si Cherry!" dagdag ni Joon.

"Doon ako sa tabi ni Cherry! Dibs ako!" hiyaw naman ni Tobin.

Nagkatinginan naman bigla si Nikko at Denz.

"Hoy, ang daya niyo!" reklamo ni Nikko.

" Paano ba 'yan, lahat tayo gustong makasama si Cherry," sabay ngiti ni Denz.

"I don't mind. Magsiksikan kayong lahat doon sa isang van kasama ni Sharky. Para solong solo ko 'yong isang van," said Kyle while yawning.

Aba! Aba! Tapos na ang bakasyon but this guy was still getting on my nerves!

"Haha. We should decide fairly and split in half, apat sa puting van at apat sa itim na van," may puntong sinabi ni Denz.

"Alam ko na! Magkampihan tayo kung sino sa itim at sa puti," suhestiyon ni Nikko.

"Kailangan ko bang sumali? That's just a game for kids. Besides, wala akong paki kung saang van ako sasakay. Mauuna na ako sa inyo—" Aalis na dapat si Kyle pero pinigilan siya ni Tobin.

"Sorry Captain, we need to decide this fair and square." Tobin sarcastically smiled at Kyle. "Kunsakaling mapunta si Cherry sa van mo, sayang naman ang slot. Baka ako na sana 'yon."

Biglang tumingin sa akin nang masama si Kyle. Tila ba ako 'yong dahilan kaya hindi pa kami makaalis-alis. Aba! Nananahimik ako rito, ha!

"Cherry! Cherry! Ano pipiliin mo, itim o puti?" Nakangiting lumapit sa akin si Gin.

"Aray ko!" Binatukan naman siya bigla ni Joon. "Hoy, Baby Gin! Bawal mandaya!"

Uuwi na nga lang kami ay biglang ang dami pang mga kung anu-anong trip na naiisip ng mga Green Giants na ito. Kaya heto kami ngayon, nakabilog at magkakapatong ang mga kamay namin sa gitna.

"Kampihan!" sigaw ni Anlex.

Lahat sila ay napatingin sa kamay ko. My palm is facing up, which means that I voted for white.

Pagtingin ko sa mga kamay nila, 'yong iba ay nahuli sa pagboto samantalang 'yong iba naman ay biglang nagpalit ng kulay.

"Hoy! Bawal mandaya!"

"Mga mandurugas talaga kayo!"

"Umayos kayo sa laro!"

"Bawal magpalit!"

At nagrambulan na po silang lahat maliban kay Kyle. Napatingin ako sa kaniya at nagbuntong-hininga na naman siya. "This is all your fault, Sharky. Mata-traffic tuloy tayo nito."

"H-Hindi ako nandaya, ha!" Napatingin naman ako bigla sa kamay niya.

He also voted for white. Magiging magkasama sana kami sa van. Bigla tuloy akong namula.

"Ulitin natin! Bawal na talagang mandaya this time!" pasimunong sigaw ni Anlex.

Nagkumpulan ulit kami sa isang bilog at nagkampihan ulit.

"Kampihan!" Si Anlex ulit ang humiyaw. Ako lang ba o tila enjoy yata masyado si Anlex sa larong ito?

Ang naging resulta, anim sila sa itim at dalawa kami ni Joon sa puti.

"Mouhaha! Tara na, Cherry! Lezzgow!" Inakbayan niya ako at dinala papunta sa puting van.

Hindi pa kami nakakalayo ay hinarangan agad kami ng ibang Green Giants.

"Hoy, Joon! Tumigil ka!"

"Where do you think you're going?"

"Sa tingin mo ba papayag kami?"

Nag-aapoy ang mga mata nina Anlex, Tobin, at Nikko habang nagrereklamo kay Joon.

"What the? I fought fair and square! Hindi ako nandaya, ha! Talagang tinadhana lang kaming dalawa ni Cherry." Tinakpan ako ni Joon na tila ba ipinagdadamot sa iba.

"Guys, this is taking too long already. Inip na inip na ang mga driver natin," reklamo ni Kyle.

Sabay-sabay na tiningnan nang masama nina Joon, Anlex, Tobin, at Nikko ang mga driver na nakaabang sa dalawang van.

"O-Okay lang po sa amin na maghintay. He-he," kabadong sagot ng isang driver

"Take your time lang po, mga sir. He-he," dagdag naman ng isa pang driver.

At heto na naman po kami, nakapaikot na naman. Kahit ako, medyo napapagod na rin, ha!

Naka-ilang ulit kami sa kampihan. Lagi kasing may reklamo sa kung ano mang resulta ang lumalabas.

Then finally, after five tries, naging saktong apat na puti at apat na itim ang resulta.

Ang mga sasakay sa itim na van, ay sina Nikko, Gin, Denz, at Kyle.

At ang mga sasakay naman sa puting van ay ako, si Tobin, si Joon, at si Anlex.

Napatingin agad ako kay Kyle, hindi ko alam kung bakit.

Nahuli kong nakatingin rin siya sa akin, pero iniwas niya agad ito.

Was he also hoping to be in the same van as me? O guni-guni ko lamang 'yon?

But anyway, ito na ang naging hatian naming walo. Tuwang-tuwa 'yong tatlong makakasama ko at nagyayabang. Samantalang inis na inis si Nikko, umiiyak si Gin, tumatawa si Denz, at naiinip si Kyle.

Sumakay na kaming apat sa puting van. Nag-uunahan pa sila kung sino ang makakatabi ko, pero bandang huli ay napag-gitnaan ako nina Anlex at Tobin. Nasa likuran ko naman si Joon.

"Ha-ha! We won!" payabang na sigaw ni Tobin.

"Tara kuya driver, punta tayong Tagaytay! Mouhaha!" palokong sigaw ni Anlex.

"Hoy, pagdating natin sa stopover, palit-palit tayo ng upuan ha!" reklamo ni Joon.

Ang iingay nilang tatlo. At dahil nasa gitna nila ako, salong-salo ng mga inosenteng tainga ko ang mga hiyawan nila.

Habang bumibiyahe, panay sigaw pa rin nila at ang gugulo. Saka ko lang na-realize, puro extroverts ng Green Giants ang mga nakasama ko sa van—si Tobin na siga, si Anlex na hyper, at si Joon na makulit!

Bigla kong na-imagine 'yong kabilang van—si Denz na kalmado, si Gin na inosente, si Nikko na responsable, at si Kyle na tahimik.

Ang peaceful-peaceful siguro do'n sa kabila, sana doon na lang ako napunta.

Mahaba-haba pa ang biyahe, at tila hindi yata ako makatulog dahil sa mga kasama ko. Nagpatugtog sila nang malakas na rock music. Panay kantahan nila at hinihiyaw pa ang mga lyrics. Naghahagisan din sila ng mga tsitsirya.

Ito lang yata 'yong bakasyon na hindi ako nakapagpahinga, hanggang sa biyahe pauwi!

***

"Stopover po muna tayo bago magpatuloy sa biyahe. Puwede po kayong mag-CR o kumain na rin po muna ng lunch," sabi ng driver namin ng van.

"Tara, Cherry! Time to meet up with the other half of the team!" ngiting malaki ni Anlex.

Bigla akong kinilig nang maisip na makikita ko 'yong iba. Tila ba may gusto akong makita.

We got off the car and saw the others already standing outside. Nauna pala silang makarating dito sa stopover.

"We missed you guys so much!" sigaw ni Joon habang sinasalubong sila.

"Tagal namin kayong hindi nakasama!" nagdadramang iyak naman ni Tobin habang tumatakbo papunta sa kanila.

"Baby Gin, ang laki mo na simula no'ng huli kitang nakita!" hiyat naman ni Anlex habang ginugulo niya ang buhok ni Gin.

Ano ba 'to, nasa airport ba ako? Bakit ganito ang eksena? Naglakad na rin ako papunta sa kanila. Lumapit at tumabi naman agad sa akin si Denz.

"How about you?" tanong sa akin ni Denz habang pinapanood 'yong iba.

"Huh?" pagtataka kong sagot sa kaniya.

"Did you miss me too?" sabay tingin niya sa akin na may kasabay na ngiti.

"W-Whatever!" nautal tuloy ako at namula.

"Tara, kain muna tayo!" suhestiyon ni Nikko kasabay ng pagkulo ng tiyan ko.

Tamang-tama, gutom na rin ako. Hmm? Bakit tila kulang sila? Isa-isa kong tiningnan 'yong mga galing sa kabilang van. Si Nikko, si Denz, at si Gin lang ang narito.

"May hinahanap ka ba, Cherry?" tanong sa akin Nikko.

"W-Wala naman!" Nagulat ako kasi napansin niya pala na tila may sinisipat ako.

"Nag-CR lang si Captain," biglang sagot ni Denz sa tanong ni Nikko, nakangiti na tila ba inaasar ako.

Tiningnan ko siya with todo-deny at guilty eyes na tila huling-huli ako sa akto ng krimen.

"Este, naroon 'yong CR. 'Yon ata 'yong hinahanap ni Cherry," ngiti ni Denz sabay turo sa direksyon.

"T-Tama! Hinahanap ko 'yong CR kasi ilang oras ko 'tong tiniis buong biyahe!" aking palusot sabay punto sa direksyong itinuro ni Denz.

Bakit kaya tila lagi akong nahuhuli at naiintindihan ni Denz? Lumingon ako at tiningnan ko siya saglit. Nakangiti lang siya sa akin sabay kindat.

I guess what he said is true. He really understands women—an expert when it comes to ladies.

Pagdating ko sa CR, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Yikes. Ang sagwa na pala ng itsura ko dahil sa biyahe. Nag-retouch ako ng lipstick at kaunting facial powder.

Paglabas ko ng banyo ay tumama ang katawan ko sa isang taong naglakad bigla sa harapan ko. "Ay! S-Sorry po!" Nagpaumanhin agad ako.

"I didn't know that sharks can swim on land."

Buwiset. Si Kyle lang pala. Nabanggit nga pala ni Denz na nasa CR din siya. Nagkabanggan kami dahil magkatapat lang ang CR ng boys at CR ng girls.

One look at his face and my heart suddenly started beating in panic mode. The other guys can make me swoon, but Kyle's effect on me is on a whole other level.

Naglakad na agad siya paalis at iniwan ako. Ang sungit niya talaga. Samantalang 'yong ibang Green Giants ay ang lambing-lambing at ambabait sa akin.

Bigla kong napagtanto, halos hindi kami masyadong nagka-interaksyon ni Kyle sa buong tatlong araw ng date. I was able to hang out a lot with the other guys, but not him. He was always inside his room or under some shade, reading his book.

Kumirot tuloy ang puso ko nang maalala bigla 'yong libro niya at ang nalaman ko tungkol doon. The name Sally Quirino suddenly flashed in my mind. Nalungkot tuloy ulit ako.

Kumain na kami sa loob ng isang fastfood restaurant. Nasa dalawang magkadikit na long table kami. Maingay ang lahat maliban sa aming dalawa ni Kyle. Nasa kabilang lamesa siya.

Akala ko ay oportunidad ko na ito para kahit papaano ay mapalapit sa kaniya, pero malayo na naman siya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya—at nagulat ako dahil nahuli kong nakatingin din siya sa akin. Umiwas siya bigla at bumalik na lamang ng tingin sa pagkain niya.

Lumibot kami saglit sa mall at tumingin ng mga pasalubong. Naghiwa-hiwalay rin kami sa maliliit na grupo habang namimili. Si Gin at si Joon ang mga kasama ko.

Pero ito na naman ang mga mata ko, hindi maka-focus at panay sipat sa kung saan-saan, tila ba may hinahanap na naman.

Nagulat ako dahil biglang nagdilim ang paningin ko.

"Cherry! Gusto mo ba 'tong Beach Hat? Ang cute nito sa 'yo!"

Sinuot pala sa akin ni Joon ang isa sa mga binebentang sombrero at natakpan ang mga mata ko.

"O-Oo nga, ang cute! He-he!" I nervously laughed.

Ano ba, Cherry An! You should be enjoying the last moments of your trip.

Tiningnan ko ang presyo ng beach hat. "What? Bakit ang mahal? One thousand na agad 'to?" Nanlaki ang mga mata ko bigla.

"I'll buy it for you!" alok ni Joon, "Ate, bayaran ko po 'tong suot ni Miss Beautiful."

"Huy! Hindi naman kailangan!" Hinila ko ang dulo ng manggas ni Joon.

"Too late." He winked my woes away as he gave his credit card to the vendor.

"Joon! Ibili mo rin ako nito!" biglang hiyat naman ni Gin habang may hawak na laruan.

Habang tinitingnan ang mga ibinebentang souvenir, naalala ko tuloy ang mga nangyari sa three-day beach trip namin. Lumitaw sa isipan ko ang malalabong sandali noong iniligtas ako ni Kyle mula sa pagkakalunod.

I tried to imagine his hot breath inside my mouth as he gave me CPR.

It's a shame I couldn't remember how his lips felt.

"Mommy Cherry, why are you blushing?" inosenteng tanong ni Gin.

"T-Tara na! Naghihintay na siguro 'yong iba!" Hinatak ko na silang dalawa pabalik sa parking.

Nakasakay na ulit ang lahat sa van. Nag-rotation sina Anlex, Joon, at Tobin ng upuan kaya katabi ko naman ngayon si Joon at si Anlex.

"Ang daya mo, Anlex! Bakit ikaw puwede kang umulit ng tabi kay Cherry?" reklamo ni Tobin.

"Gano'n talaga 'pag cute!" hirit sabay belat ni Anlex.

"Wala na po bang naiwan?" tanong ng driver.

Tumalon bigla ang puso ko sa tanong ni kuya driver. Wala nga ba talaga akong naiwan?

Counted ba ang naiwang pagkakataon?



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com