TruyenHHH.com

Will You Go Out With Us Sharky And The Giants


✦✧✦

CHERRY


Sally Quirino... Sally Quirino... Sally Quirino...

Kanina pa umuulit ang pangalan niya sa utak ko buong maghapon. I scratched my head with both hands. Grabe, tila kantang nakaka-LSS na nakakainis!

Pagtingin ko sa baba, napansin kong nasulat ko na pala ang pangalan niya sa buhangin.

"Cherry?"

Shit! Nagmadali akong burahin ang pangalan niya sa buhangin gamit ang mga kamay ko. Tumayo ako at pinagpag ng mga paa ko ang kung ano mang naiwang bakas.

"Y-Yes?" I straightened my body and flashed a big, hopefully-unsuspecting grin.

Lumapit si Denz at tumayo sa gilid ko. "Ano pa'ng ginagawa mo rito sa beach? Gabi na. Lahat sila ay nasa loob na ng hotel."

"Wala, gusto ko lang mag-senti." Umupo na ulit ako sa buhangin at tumabi sa 'kin si Denz.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Ang sarap pakinggan ng pagbagsak ng mga alon sa dagat. Malamig ang paligid pero masarap sa pakiramdam. Marahan na hinahangin ang buhok ko.

Malamig ang paligid pero nagulat ako nang biglang may mainit na kamay na dumampi sa kamay ko.

"D-Denz?" Hindi ko alam kung bakit, pero bumilis ang tibok ng puso ko sa pagtama ng aming mga balat. Hinayaan ko lang siyang hawakan ang kamay ko.

"Ganito pala 'yong feeling na may maka-holding hands," aniya.

"Huh? Eh, ang dami mo nang naging girlfriend, ah."

"Well... I didn't exactly hold hands with them..."

My chest suddenly started to palpitate.

"Does it bother you?" He asked while intertwining our fingers.

"H-Hindi naman, ayos lang." Umiinit na ang mga pisngi ko. Nararamdaman kaya ni Denz na lumalamig na rin 'yong kamay ko dahil sa sobrang kaba?

"After all, this whole thing is a date, right? I'm just collecting my share." He winked at me, sending electric signals to my heart.

Napangiti na lang ako. Oo nga, may point siya. This whole thing is a date at hindi ako dapat nalulungkot.

Maraming kaguluhang nangyari, unang araw pa lang–dahil kay Custard, tapos nalunod pa 'ko. Ngayong second day, wala akong ginawa kundi magmukmok sa nalaman ko kay Kyle.

We're on vacation, dapat ay magpakasaya ako at i-enjoy ang beach!

"Aw!" Biglang may tumamang malambot na beach ball sa ulo ko. Tumayo ako habang hinihimas 'yong tinamaang parte. "Oy! Ang sakit no'n, ah!"

Biro lang 'yon kasi 'di naman talaga masakit matamaan ng mahangin at magaan na beach ball, pero pagdilat ko—nagulat ako.

Si Kyle pala ang nagbato ng bola. "Hinahanap na kayo sa hotel. Kanina pa nag-aalala si Joon."

Blood rushed to my face and my heart started to race. Kyle was carrying an emotionless expression that's hard to read.

Tumayo na rin si Denz at nagsalita. "Cap, 'di mo ba nakikita na nagmo-moment kami ni Cherry? Istorbo ka."

"Wala akong paki, bukas niyo na lang ituloy 'yan. Inutusan lang ako ni Joon na tawagin kayo," Kyle answered with a straight face.

Hmph, ang sungit talaga nito.

"Tsk tsk tsk. As always, Kyle..." Nakangiti si Denz na hindi ko maintindihan. "Tara na, Miss?" Humarap siya sa 'kin at inalalayan akong maglakad.

"O-Okay..."

Nauna na kaming umalis pabalik sa hotel. Paglingon ko, nakita kong kinuha ni Kyle 'yong beach ball at naglakad na rin pagkatapos nang ilang sandali.

"Sinumpa yata ako," bulong ni Denz.

"Huh?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Wala, wala, forget it." He just smiled.

Pagkarating namin sa loob, nakita naming naglalaro ng billiards si Joon kasama sina Nikko at Tobin.

"Joon, hinahanap mo raw kami?" tanong ni Denz.

Nagulat si Joon at nagtaka. "Huh? 'Di ko naman kayo hinahanap."

Nagkatinginan agad kami ni Denz. I blushed and asked Joon once again. "Sure ka? Pero sabi ni Kyle—"

"Ah! Dahil yata niyaya ko siyang sumali sa billiards," biglang bawi ni Joon. "Naghahanap kami ng mga kalaro, baka kaya niya kayo tinawag."

I sighed. I didn't know if I should be convinced... but for some reason... my heart wasn't calming down for a good, long while.

***

Hindi pa rin ako makatulog. Panay isip ko sa mga nangyari kanina at kahapon simula ng pagdating namin dito sa resort.

Was Kyle just playing with me, or is he somehow interested in me?

Kanina pa ako panay buntong-hininga, baka kabagin ako nito mamaya. Eh kasi naman! Si Kyle na yata ang captain of mixed signals. Minsan malambing siya, pero madalas ay masungit naman.

Hindi niya ba alam na deadly para sa isang dalaga ang mga kinikilos niya?

I remember Denz telling me that Kyle had an ex. Si Sally Quirino kaya iyon? Grabe, ang daming pumapasok sa isip ko.

Lord, bakit ang sakit?

***

Kinabukasan ay gumising ako nang may malalaking eyebag sa ilalim ng mga mata.

"Good morning!" May bumati sa 'kin pero pinili kong 'di pansinin ang narinig ko. Hindi pa 'ko nakakatulog nang maayos.

"Carpe diem! Sieze the day!"

Shut up. Tinakpan ko ng unan ang mga tenga ko. Gusto ko pang matulog. Ayaw ko pang bumangon sa kama.

"Another day is another chance!"

Luh, sa'n naman galing 'yon? "Antok pa me..." mahina kong bulong.

Umalog 'yong mundo ko nang maramdaman kong may lumundag sa kama. "Cherry! Gising na!"

Medyo dinilat ko halfway ang mga mata ko. May pitong lalake akong nakita na nakaikot sa paligid ko.

"Cherry Pie Pikachu! Bangon na!" hiyaw ni Anlex.

"Cherry, ano ba! Itutulog mo lang ba 'yong last day natin dito sa beach?" Niyugyog ni Tobin ang kanang balikat ko.

Bumaling ako sa kabilang gilid ng kama.

"Oo nga. 'Di pa tapos 'yong date!" Narinig ko si Nikko.

"Nakikipag-date pa 'ko sa kama ko," nakapikit kong bulong.

"You're so unfair! Akala ko ba may deal tayo?" reklamo ni Gin.

'Di pa 'ko gigising, may hindi pa 'ko naririnig na boses.

"Cherry, marami akong hinandang fun activities para sa last day natin!" Joon exclaimed.

"Sleeping beauty is still taking her rest," hirit naman ni Denz.

"Baka need niya ng kiss from Prince Anlex!" hiyaw naman ng makulit na si Anlex.

Kulang pa rin, may hindi pa nagsasalita kaya hindi pa ako babangon.

May hindi pa tumatawag sa 'kin, at gusto kong gisingin niya rin ako.

Nakaabang ang mga tainga ko nang magsalita na siya sa wakas.

"Kung ayaw niya pang gumising, mauna na tayo," walang paking sabi ni Kyle. "Tara, iwan na natin 'yan."

Talaga namang bumangon agad ako at hinagis ko sa kaniya ang unan. "Good morning din sa 'yo, Kyle!"

Hinihingal ako nang hinarap ko ang ibang boys na may mga nakakatakot na ngiti sa mukha. "Tara! I've never felt so alive!" hiyaw ko.

Natahimik ang buong team at napalunok. Hindi nila alam kung matutuwa ba sila na gumising na rin ako sa wakas.

"Hooray! Bumangon na rin si Cherry!" sigaw ng clueless na si Anlex na hindi marunong makiramdam.

Last day. This will also be my last chance.



#WillYouGoOutWithUs

#WYGOWU

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com