Sweet Scandal
"Good morning, Mom, Dad." Lumapit na rin muna ako sa mga ito para bumeso bago ako naupo. Napasulyap din ako sa bakanteng silya na naroon. Walang nakahandang plato sa harap nito. "Huwag mo ng hanapin. Alam mo naman ang kuya mo," sabi ni Mommy na ngumiti sa akin at nagsalin na rin ng juice sa baso ko. Tumango ako rito. Alam ko naman ang bagay na iyon. Hindi naman din talaga madalas na kumakain kasama namin si Kuya Cloud dahil busy ito sa buhay nito. Kahit nga sa mga lakad namin kasama ang iba naming mga kaibigan na para na rin naming mga kapatid ay madalas na hindi rin sumasama ang kuya ko. Si Kiro tuloy ang nagiging kuya ng lahat dahil doon. He's giving us money, though. "I will call him and ask him to have dinner with us tonight," sabi ko kay Mommy na ngumiti sa akin at tumango. Sinalinan na rin ni Daddy ang baso nito bago sumulyap sa akin. "Your mom told me that you will soon be busy with your OJT, Caryl. Saan mo gustong magpunta bago ka magsimula sa OJT mo?" Dad asked before eating. Napasulyap din ako sa gawi nito at napangiti. I never really had a problem with dad growing up. He always makes sure that he's there for me and my brother. Kapag may mga school events kami, hindi ito pumapayag na si Mommy lang ang naroon. He's making time to attend and he loves spoiling me, too. Noong nag-graduate ako ng grade school ay nagbakasyon din ito at nagpunta kami sa ibang bansa kasama sina Kiro at ang mga magulang nito. Noong nag-graduate rin ako ng high school ay umalis din kami ng bansa na magkakasamang apat. "As much as I want to go out of the country, I think I will pass, Dad," sagot ko bago kumuha ng hotdog at kumuha rin ng tinapay. "Hindi ko pa napa-finalize ang kailangan ko sa OJT ko," sabi ko bago nagsimulang kumain. Kumunot ang noo ni Daddy. "Hindi pa?" I shook my head. I know that I still have time, I don't really need to panic, but of course, I am worried. What if I ran out of time? Paano kung dahil doon, hindi ako maka-graduate?"Do you need help?" Dad asked. "I can call some of our friends, partners. I know that you don't want to work at our company right now and–""It's fine, Dad. I'll handle it for now, and then if I think I am really going to flunk because of my pride, I will ask for your help," I smiled. Natawa naman din ito sa akin at napailing. "Just let me know if you need any help, okay? Or your mom," he looked at mom. "She's friends with Kerko," Dad chuckled. Napangiti rin si Mommy at napailing. "I will talk to your Tito Kerko if you need help, anak ko." I smiled at her and nodded my head. Siyempre ay pumasok naman din talaga sa isipan ko na kausapin namin si Tito Kerko para makapasok ako sa pagmamay-ari na network ng pamilya nito. Mas madali naman talaga kapag may backer kahit na saan, e. "Alright, Mom. I will holler if I will need help," sagot ko naman dito at nagpatuloy na kami sa pagkain. "Good morning po." Napalingon ako at nakita si Kiro na naroon. Pinapapasok na ito ng diretso sa bahay namin at hindi na kailangan na ipagpaalam sa amin na naroon ang lalaki para papasukin ito. Gano'n din naman ako sa bahay nila, kung tutuusin nga ay may sarili na rin akong silid sa bahay nila na inayos na ni Tita Cristine kaya kung gusto ko raw na maglayas sa bahay namin, puwede raw ako sa kanila sabi nito sa akin at sa mga magulang ko. "Good morning, Kiro," Mom greeted him. "Kumain ka na ba? Maupo ka na muna at maaga pa naman," sabi pa ni Mommy at nagsabi sa isang kasambahay namin na ikuha si Kiro ng plato. "Thanks, Tita," he smiled at her. Bumaling din ito kay sa daddy ko at binati ito. "Good morning, too, Kiro," Dad greeted him before looking at me. Kumunot naman ang noo ko rito. Bumaling muli si Daddy sa lalaki. "Kaunti na lang ay ipapasama na kita sa payroll dito sa bahay at nagiging driver ka na yata ng anak ko.""Daddy," saway ko rito. Pinamulahan din ako ng pisngi. Totoo naman talaga ang bagay na iyon. Kahit naman sa mga lakad na hindi sa eskuwelahan ay nagpiprisinta si Kiro na ihatid ako kaya halos hindi ko na rin magamit ang sariling sasakyan ko. "What? That is true," sabi nito bago tumingin kay Mommy. "Right, Heaven?" parang naghahanap pa ito ng kakampi. "Well, there is no need to pay me, Tito PJ. I love what I am doing, and I want to make sure that Caryl is safe, that's why I am doing it," Kiro answered. "Her safety is important for me, too." Tumango-tango si Daddy. "Mukhang naturuan ka ng tatay mo, ah?" "Paul Jake," saway naman ni Mommy rito at umiling-iling. "Just eat, Kiro. Your uncle's just missing the good old days when he's the one driving Caryl to school." "Thank you, Tita Steph," sabi ni Kiro at nagsimula na rin na kumain.Si Daddy naman ay tumitingin sa akin. Alam naman din nito na nanliligaw sa akin si Kiro. Hindi naman inililihim iyon ng lalaki, at hindi naman din ako pine-pressure nito na sumagot sa kaniya. Kahit ang mga magulang ko ay hindi rin naman ako pinipilit na sumagot na o kaya naman ay tanggihan si Kiro. "Mag-iingat kayo, ha?" bilin ni Mommy nang magpaalam na rin kami para pumasok. Kinuha na ni Kiro ang bag ko at ito na ang nagbitbit papunta sa sasakyan nito. "Eyes on the road, hands on the wheel and gear, Kiro," si Dad naman ang nagsalita. I just kissed their cheeks and went to get inside Kiro's car. Ilang sandali pa ay nasa daan na kami papasok sa school. Kinuha ko lang din ang telepono ko para sabihan sina Lean na papasok na kami para kung sakaling maghihintay pa ang mga ito sa parking. "Where's Cloud?" tanong ni Kiro sa akin. "Hmm?" I glanced at him. Kaibigan naman ni Kiro ang kuya ko kaya hindi na ako nagtaka na hinahanap nito ang kapatid ko. "His pad," I replied. "Good thing that you mentioned him. I will invite him to have dinner with us tonight," I smiled and sent a message to my brother's number. Mamaya ay tatawagan ko rin ito para sabihin na magpunta sa bahay para naman makasama namin siya na kumain. "I heard from Keij that one of his teammates wanted to ask for your number..." basag na muli ni Kiro sa katahimikan habang nasa daan kami. Sinulyapan ko siyang muli at natawa naman ako ng mahina. "I don't have any plans on giving away my number, Kiro. And you know that I always give your number to them–just like what you asked me," I smiled at him. Palagi talagang numero ng lalaki ang ibinibigay ko sa mga nakakasalamuha namin na kumukuha ng number ko lalo pa at alam kong hindi naman importante ang sadya ng mga ito sa akin. "Yeah, and almost all of them messaged me, asking me if they can court me A.K.A you." "And I am sure you rejected all of them.""Of course! I need to eradicate potential competitors." Hindi ko na napigilan na mapahalakhak sa sinabi nito. Wala namang kaso sa akin ang ginawa nito, mas pabor pa nga sa akin iyon dahil ayoko rin naman ng masiyado akong maraming kausap na ang sadya ay panliligaw sa akin. Kay Kiro pa nga lang kung minsan ay hindi ko na alam kung paano sasagot, magdadagdag pa ako? Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "I know that it's not right, Caryl. But I can't help it, really. You know that I love you, and even though I don't want to be possessive of you, I can't help it.""It is fine, Kiro," sagot ko. "And I know that. You are important to me, too, and I love it that you're protective of me, and you're always taking care of me, you're always there for me. And I love you for that, too..." "But you're still not planning to say yes now, are you?" Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil talaga namang wala pa rin akong planong mag-oo ngayon. "I am so–""No, don't say sorry," he jumped in. "You confirmed that you're not planning to say yes now. Wala ka namang sinabi na hindi ka na magsasabi ng oo sa akin. Technically, I am not like those guys that you rejected," ngumiti siyang muli sa akin. He's still smiling even though we talked about our relationship again. "So, don't say sorry. I am not giving up yet, Caryl. I will wait for you, how long it may take, I will wait for you," he held my hand and kissed it. I stared at him and nodded my head a little. I am really damn lucky to have someone like Kiro in my life. "Alright, but just so you know, you're the one rejecting them. Not me," sabi ko at hindi na rin napigilan na matawa. Kiro laughed, too, and nodded his head. "Yes, yes. I did. Siyempre babakuran ko ang magiging akin," ngumisi ito at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Nang makarating kami sa school ay naabutan pa namin ang mga kaibigan namin na naroon. Jahann was beside Cherinna and Alyanna, Theon's teasing Lean–as always, Kol and Enzo are talking while Keij was sitting beside Cherinna, kumukuha ito sa cookies na kinakain ng babae. Para na rin akong nagkaroon ng nakababatang kapatid dahil sa mga ito. "Grabe, sobrang sipag ni Kuya Kiro na sunduin ka, Ate," komento ni Alyanna habang nakatingin kay Kiro na kausap ngayon ni Jahann. "Love na love ka talaga niya, e, ano?" kinikilig na sabi pa nito. Napangiti naman ako dahil totoo naman din iyon. "I also want that. Sana ang manliligaw rin sa akin magiging kasing loyal ni Kuya Kiro," sumandal si Alyanna kay Cherinna. "Gano'n din sa'yo, Twin. Dapat loyal din!" Napangiti si Cherinna. "You know that I want someone like dad, remember? So, I am sure I want someone loyal," sagot naman nito."Basta ako, I want someone who will love me, not too serious since I already have Enzo and dad in my life, may pinsan pa akong si Kol at nandiyan din si Jahann. I want someone who will give me excitement, too, maybe playful, but loves me..." Lean smiled. "At ako, gusto ko lang matapos ang preparation ko sa OJT ko," natatawang sabi ko sa mga ito at nagpaalam na rin para pumasok at may mga kailangan pa akong asikasuhin. Nagsabi sila sa akin na sabay na kaming mag-lunch mamaya. Sumang-ayon na lang din ako sa mga ito at nagsabi si Kiro na susunduin ako nito sa room ko para pumunta sa mga ito. "Caryl!" lumapit sa akin si Hazel nang makapasok na ako sa room namin. Inilapag ko ang gamit ko sa may upuan ko bago sinulyapan ang babae. "Guess what?" nakangiti ito. "I received an email for my OJT!" "Really?" I smiled at her. "That's great news. Aayusin mo na lang ang mga papers mo." Tumango siya sa akin at naupo na rin. "Check your email, too!"Kinuha ko na lang ang phone ko para i-check ang email ko roon at tinignan kung may bago ba akong email. I scrolled up to check but there were no emails regarding my OJT. "Wala?" tanong ni Hazel na nakasilip din sa may telepono. "Baka nasa spam?" I checked the spam messages, too, but nothing was there. I breathed heavily and shook my head. "Baka wala pang message sa akin," sabi ko rito at ngumiti. "But I am happy for you. At least you can start preparing for your OJT." "Yes!" Hazel smiled at me. "And don't worry, Caryl, I am sure they will send you an email, too," tumayo na ito at nagpunta sa ibang mga kaklase namin at puro tungkol na sa OJT ang pinag-uusapan ng mga ito. I opened my laptop to check the lists again and check if I sent my applications to the correct email addresses. Tama naman lahat... I leaned on my seat and shook my head. "I just need to wait a few more days..." bulong ko at naghanda na lang para sa klase namin. Nang mag-lunch ay inabangan na rin ako agad ni Kiro sa may labas ng room namin kaya naman magkasabay na kaming pumunta sa cafeteria, naroon na rin ang iba at sabay-sabay na kaming kumain. Ang mga lalaki na ang nag-order ng pagkain namin habang naghihintay kami sa may lamesa. Sumama naman si Cherinna kay Jahann at nakahawak si Jahann sa braso ng kapatid para hindi ito mabunggo ng mga nakakasalubong ng mga ito. "Are you okay, Ate?" Alyanna asked me. "Do you need water? Sweets? Ano'ng gusto mo?" I smiled a little. "I am fine, Alyanna. Thank you. I am just a little stressed and worried..." sabi ko naman din dito. "Caryl, you will be able to make it! Malay mo, kaya hindi ka pa nai-email ng mga companies na iyon kasi may something better para sa'yo," si Lean naman ang nagsalita. "Cheer up!" she leaned on my shoulder. "Thanks, Lean," I smiled at her. Nang dumating ang mga kasama namin at nagsimula na rin kaming kumain. Kahit papaano ay nakakagaan ng loob na kasama ko sila ngayon. It's actually fun watching them talk, make fun with each other. Ang kukulit, e. Hinatid naman din ako ni Kiro sa may room ko nang matapos kaming kumain at magpahinga saglit. Pumasok na rin ako sa loob para maghintay sa sunod na professor namin nang pumasok si Cynthia para sabihin na free time na namin ang buong maghapon para raw mag-asikaso kami ng mga papers namin. Hindi ko napigilan na mapasimangot. Ano namang aayusin ko? Ang ibang mga kaklase ko ay nagplano na rin na bumili ng mga damit na gagamitin nila sa OJT nila habang ang iba ay ang mga papers daw ang aasikasuhin. Naisipan ko na ayusin na lang din ang mga possible requirements na hihingiin sa akin para hindi na ako mahirapan. Wala rin naman akong matatambayan doon sa may school kaya napagdesisyunan ko na umuwi na lang, o kaya ay magpunta kay Mommy sa Sweet Desire. I just sent Kiro a message that I will be going home now, hindi na niya ako kailangan ihatid mamaya bago ako dumiretso na sa paglabas ng room at naglakad para maghanap ng taxi sa labas ng campus o kaya hintayin ang mabu-book kong taxi. Marami ring estudyante ang nasa labas ng campus nang lumabas na ako, some are riding the jeepneys, some are walking. Hindi ko naman kayang lakarin mula rito hanggang sa Sweet Desire kaya plano kong kumuha na lang ng taxi. I was waiting for a rider to accept my booking when I saw a taxi on the other side of the road. Napasulyap naman din sa akin ang driver kaya sumenyas ako rito na hintayin ako at tatawid ako. Naglakad na rin ako para tumawid nang may malakas na busina akong narinig at nang lingunin ko iyon ay isang sasakyan ang tila didiretso sa akin. Mabilis ang takbo ng sasakyan. Namilog ang mga mata ko at para akong nanigas sa kinatatayuan sa mga sandaling iyon. "What the–""Miss!" I was holding my breath while still looking at the car that managed to hit the brake and stopped just a few inches away from me. Sobrang lapit nito sa akin at sigurado akong titilapon ako kung hindi ito nakapagpreno. "What the hell?" huminga ako ng malalim. Hindi pa ako nakakabawi sa katotohanan na kamuntikan na akong mamatay! "Who the hell do you think you are? You're driving too fast in a pedestrian lane! School zone 'to!" I even slammed my bag on the hood of his car. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita ang tao sa loob nito. "Miss, okay ka lang?" tanong sa akin ng ilang tao roon. Sumulyap ako sa mga ito at marami-rami rin ang nakatingin sa akin. "I am fine..." I uttered and looked back to the car. Imbes bumaba ang kung sinumang nagmamaneho ay pinailaw pa nito ang sasakyan na para bang sinasabi sa akin na nakakaabala ako sa daraanan nito. Ikinuyom ko ang mga kamay habang matalim ang tingin sa may dashboard nito kahit na wala naman akong nakikita sa likod noon. "Jerk," I grunted and then walked towards the taxi that was waiting for me. Sinulyapan kong muli ang sasakyan na hindi naman agad umandar. "Kapag minamalas nga naman, oh," I breathed and shook my head. Hindi ko pa nga maayos-ayos ang OJT ko, mamatay pa ako ng maaga dahil sa walanghiyang driver ng sasakyan na iyon!Matalim kong tinignan muli ang sasakyan na kamuntik na bumangga sa akin. Bumaba ang salamin ng bintana nito at nakita kong lumingon sa akin ang lalaki sa likod ng manibela. Hindi ko masiyadong nakita ang mukha nito dahil kalahati lang naman ang ibinaba ng salamin nito. He was wearing shades, too. Sa palagay ko ay nakatingin sa akin ang lalaki. I just made a face before rolling my eyes and getting inside the taxi. I heaved a sigh and leaned on my seat.And I guess this is the reason why Kiro is protective of me. Ang daming gago sa daan. Even people who drive a sports car can be an asshole, too. Parang yung lalaking gago na iyon. Hay nako talaga!
❀❀❀This is an ongoing story in Patreon, VIP Group and VIP Spaces. Send a message to my Facebook page: Vampiremims or Maemae Anderson to join!
❀❀❀This is an ongoing story in Patreon, VIP Group and VIP Spaces. Send a message to my Facebook page: Vampiremims or Maemae Anderson to join!
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com