TruyenHHH.com

Safe Flights Cap

"Safe flights, doc!!"

"Thank you," I replied to my co-worker as she waved her hand, "What time is your flight?" she asked,

I sighed as I put my belongings inside my bag, "Tonight, 6pm," I replied and she nod, "Okay! Take care!" she bid her goodbye before leaving my clinic.

I clocked out from the hospital before taking a taxi to my apartment. The first thing I did as entered my place is to place my bag on the sofa then dropped myself on the sofa.

Finally... peace.

No more crowded hallway and no more noise. Just me and myself.

No more nagging and shouting parents telling me how I should behave and how I should be.

I'm thankful... to myself for reaching this far. My own place, own money and of course, own life. I've finally escaped that hell hole. I've finally escaped my parents.

Though after I graduated from med school, as I take my residency, I still had to live with my parents which somehow a bit better since I finally proved something. I finally proved to them that I am capable of doing things that they want.

It was hard, it was a very tough journey. There were sleepless consecutive nights I thought I won't pull off. There were many times I cried. There were times I was rushed to the ER by my classmates due to fainting and over-fatigue that I never mentioned to my parents because they will just call me weak.

There were nights that I missed him.

Akala ko noong dumating ako dito kaya kong alisin at burahin lahat ng nararamdaman ko sa kaniya dahil sa ginawa niya. Akala ko kapag inisip ko lang yung ginawa niya noong gabing iyon ay hindi ko na siya mami-miss.

Pero hindi lang naman katarantaduhan ang ginawa niya. Napakarami niyang ginawang tama para sa akin na parang gusto ko nalang bigyang-katwiran yung ginawa niya. Gusto kong i-justify yung ginawa niyang pagtataksil sa 'kin. Marami siyang ginawang tama para magalit sa kaniya sa isang pagkakamali lang

Ganun yung pangungulila ko sa kaniya.

Si Haze na yun, eh. Yung nag-iisang tama sa libo-libong mali sa akin. Yung nag-iisang oo sa lahat ng hindi, nag-iisang sigurado sa lahat ng duda at ang payapang kalangitan matapos ang daluyong.

Gustong-gusto ko siyang tawagan, kausapin. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na nahihirapan ako, na gusto ko na sumuko, na gusto ko ng yakap niya, na kailangan ko siya.

Pero hindi ko magawa, dahil sa tuwing na-aalala ko yung video na nakita ko noong gabing yun, nangingibabaw yung galit at poot, masakit, nakakasira, nakakabaliw.

Iminulat ko ang mga mata ko bago napabuntong hininga at tumayo. Dumiretso ako sa bedroom para mag-impake. Ilang damit lang ang dadalhin ko papunta ng Japan para sa isang doctors conference. Hindi rin naman ako magtatagal dahil ang presentation ko ay sa first day lang, baka ako ay hanggang dalawang araw lang doon.

Pagkatapos kong mag-impake ay saka naman ako nagpalit ng damit bago pumunta na sa airport. Doon na ako kumain ng hapunan dahil wala na akong oras para makapagluto kanina.

Pagka-board ko ng eroplano ay agad kong inilabas ang laptop ko para maituloy ang paggagawa ng aking powerpoint presentation.

Nang malapit na kaming mag-take of ay pinatay ko muna ang aking mga devices. Lumabas ang isang buntong hininga sa akin bago sumandal sa bangko.

Tumunog ang speakers indikasyon na magsasalkita na ang piloto.

"Ladies and gentlemen, this is Captain Haze Vergara speaking. On behalf of our First Officer Zian Morales and the entire crew, welcome aboard Silver Sky Airlines flight 603 bound for Japan. We're thrilled to have you with us today as we prepare to take you to the skies. Our flight time is estimated at approximately 10 hours and 40 minutes. Our crew has gone through thorough pre-flight checks to ensure your safety and comfort throughout the journey. We kindly ask that you fasten your seatbelts, stow your tray tables, and ensure your electronic devices are in airplane mode. Sit back, relax, and enjoy the flight. Thank you for choosing SilverSky Airlines."

My eyes shot open, I almost stood up from my seat and beg the flight attendants to open the door and let me out.

Tama ba ang narining ko o natatanga lang ako?!?!

I looked around my surrounding to realize what's happening.

It's SilverSky Airlines, of course there's a possibility he would be here! But I've been in their flights for several times but this never happened! Never!

I closed my eyes before taking a deep breath, I massaged my forehead due to frustration.

"I should've seen this coming,"

I actually did... before, way back my med school years. The first time I board SilverSky Airlines after our break-up. I hoped... he would be there. But after several times of me choosing SilverSky Airlines and it's a different pilot, it slipped out of my mind that this is possible to happen.

Right after the plane boarded and we can finally use our devices again, I plugged in my earphones incase he makes another announcement, I won't be hearing his voice again.

I fell asleep for the first 3 hours of the flight then our foods are served. After eating, I decided to review my presentation while listening to some music.

We're more than half of our flight when I suddenly noticed some of the flight attendants approaching and talking to each passenger.

My brow's furrowed before looking around, I would often see passengers shaking their heads in confusions while the flight attendants seems to be in distress.

I removed my earphones and the a static sound came from the speakers.

"Is there a doctor, a nurse or any medical professional on board? Please proceed to the cockpit right away."

This is one of the time my demons and angels are battling whether I should present myself as a doctor or not since I'm not on duty.

"I repeat, is there any medical professional on board? We are in need of help."

My angels won and I stood up, "Me, I'm a doctor," I presented myself, the faces of the flight attendants looks like they all lit up,

I stepped out of my chair before following the flight attendants.

I was confused at first when they brought me to the cockpit, but the moment I saw the situation, I felt my knees weak.

"Pilipino po ba kayo?" Napabaling ako ng tingin sa isang piloto na nagtanong,

Napalunok ako ng laway bago tumango at natauhan, agad kong nilapitan si Haze na naka-upo, may malay ito pero malalim ang kaniyang paghinga, nakapikit din ito at nakakunot ang noo, halatang nahihirapan.

"Nahimatay po ba siya? As in black out?" tanong ko, kailangan ko munang malaman ang nangyayari bago siya galawin,

Tumango ang isang piloto, "Ang sabi niya sa akin ay magbabanyo lang siya pero hindi na siya nakatayo at napa-upo na. Pagkatapos nun, humihingi na siya ng tulong kasi hindi raw siya makahinga." sagot nito at agad akong tumango bago nilapitan si Haze.

Agad kong tinanggal ang necktie niya, "Good evening, I am doctor Cassandra Gonzales, I am a medical doctor, I will be giving you first aid, sir." I said as I started removing the buttons of his shirt.

I saw his eyes opened, after making a few seconds eye contact, I shifted my gaze to his shirt that I am unbuttoning.

Once few of his buttons are undone, I moved my hands to the belt of his pants, I was about to unbuckle it when he suddenly stopped my hands.

I sighed, "Sir we have to loosen your belt so you can breath." I said, I heard him groan before nodding,

Once I have unbuckled his belt and undo the button of his pants, I took a step back,

"Kailangan niya ng ilang minuto para mahimasmasan at ma-recover ang normal breathing niya." ani ko sa mga flight attendants at co-pilot na kasama niya.

"Ah sige po, aalis po muna kami para makahinga si Cap," ani ng isang flight attendant bago umalis,

Nagparte ang labi ko, "Ah hindi---"

"Tama, alis na rin po muna ako, para hindi crowded dito. Diyan po muna kayo, doc." ani ng co-pilot ng flight,

Natameme ako sa sinabi ng mga ito at pinanood silang lumabas ng cockpit.

Napabuntong hininga ako bago naupo sa isang step ng hagdan. Napasubsob ako sa tuhod ko habang nakikinig ang malalaim na paghinga ni Haze.

Paano ba ako nauwi sa sitwasyong ito? Ang bilis ng mga pangyayari! Tulog lang ako kanina, ah! Okay na okay pa ako kanina, bukod sa alam kong siya ang piloto ng flight at nasa iisang eroplano kami, okay pa ako, pero ano 'to!?

Tahimik akong tumayo para utay-utay siyang silipin kung mulat na ba siya. Mabuti naman ay nakapikit pa rin siya. Malalim pa rin ang kaniyang paghinga at kahit malamig ay pinagpapawisan siya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, mas nag-mature ito, may pailan-ilan rin siyang balbas sa baba, pero sa kabuoan ay walang gaanong nagbago sa kaniyang hitsura.

Nagbaba ako ng tingin sa kaniyang katawan, mas lumaki nag dibdib niya, ganun din nag braso niya. Mas maugat na ang braso at mga kamay niya, may pailan-ilan ding balahibo na lumalago sa kaniyang braso.

Mas bumaba pa ang tingin ko at napansin ko rin ang paglaki ng mga hita niya. Mukhang nagbabatak na siya nang husto sa gym.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago siya tinalikuran, akmang hahakbang na ako paalis nang maramdaman ko ang kamay niya sa pulso ko.

"Shouldn't you be leaving me once I'm okay?"

I felt shivers down my spine. Kanina sa announcement ay hindi ko gaanong napansin ang boses niya, pero ngayong kasama ko na siya at personal na naririnig ang boses niya ay parang kinilabutan ako sa muling pagkarinig ko sa boses niya.

I composed myself before taking a deep breath and facing him, this time his eyes are shot open, "Ano pa bang nararamdaman mo?" tanong ko rito, gusto ko siyang pagtarayan ng boses pero napaka-unprofessional ko kapag ganun.

Bumitaw siya sa kamay ko, "Nahihirapan pa rin akong huminga," sagot niya, napa-ismid ako.

Napaka-bolero mo, sa lagay mong 'yan? Mulat na mulat kana at nagawa mo pa akong hawakan, may pa 'shouldn't be leaving me?' kanina pa siyang nalalaman tapos ngayon mag-iinarte siya na nahihirapan siyang huminga.

Pumikit ang mga mata niya at napakunot ang noo. Pinagmasdan ko siya para tingnan kung pinepeke ba niya ang nararamdaman niya o totoo ba na nahihirapan pa rin siyang huminga.

Halos mag-isang minuto siyang malalim ang paghinga, butil-butil na rin ng pawis ang lumabas sa noo niya.

Bahagya akong nataranta, "Wala ba kayong oxygen tank? Kahit ano? Hindi ka pwedeng mahimatay rito!" ani ko bago binuksan ang iba pang butones ng kaniyang polo. Inalis ko na rin sa pagkakatuck-in ang kaniyang sando at ibinaba ko ang polo niya hanggang braso.

May nakuha akong folder sa isang tabi, binuksan ko muna ito para tingnan kung may papeles ba bago ito ipinaypay sa kaniya.

"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko rito pero umiling siya,

Ilang minuto ko siyang pinapaypayan habang nababalot kami ng katahimikan,

Nang makita kong hindi na malalim ang kaniyang bawat paghinga ay tumigil ako sa pagpapaypay. Tumalikod ako sa kaniya, "Stay... few minutes,"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Pagbabantayin mo ba ako?" tanong ko rito,

Nagmulat ito pero mula sa mga mata niya ay halatang hindi pa siya okay, "Please, just few minutes." He plead,

Something clicked inside me, my brows furrowed before a scoff escaped my lips, "If you think we're okay... you're wrong. Hindi porket inasikaso kita ay may pake na ulit ako sa 'yo. It was my duty and responsibility to help you cause at this time you are my patient and it's just that. Don't think too much or even try to think further than this." I snapped before facing my back at him,

"Cass... please," he called by that didn't stop me from leaving the cockpit, I approached the flight attendants from a while ago,

"He just needs some rest, but make sure to keep an eye on him from time to time. Wala namang serious na nangyari kay Haze--- I mean... sakaniya so he should be fine in few minutes." I bit my lower lip before taking my way back to my seat.

The moment we landed on Japan, my priority is to get out of this plane. Squishing myself out, I manage to pass through the crowd and exit the plane.

Outside the airport, a taxi is waiting for me, it brought me to the hotel where I'll be staying and where the conference will be held.

I just left my belongings in my room before heading to the buffet to have something to eat before heading to bed.

Our conference started at 8am, I'm the third one to present that's why for the first 2 hours, I just sat at my seat, listening. I don't know anyone here and I also didn't bother making friends or approaching anyone first.

It was 10am when I started presenting. I'm doing good and everyone seems very interested on what I'm saying. I felt relieved the moment I finished lecturing. A lot of doctors from different countries congratulated me the moment I stepped down the stage.

When I got back to my seat, I fixed my things before excusing myself. I don't plan on staying for the rest of the conference and reasoned out that I'm still tired from my flight.

I first brought my things to my room before going to the buffet to have lunch. After eating, I went back to my room to take a rest.

It's 5pm when I woke up, I rushed to get up and put my coat on before heading out. I wanted to take a stroll and to also eat outside.

As I walk on the streets, as someone who's her first time in Japan, I take a photo of everything that amazes me. I would also buy every food that seems to be appetizing and good.

I enter every shop that sells anything that catch my attention. In the end, I have 5 huge bags in my hands when I got back to the hotel. I dropped the bags in my room first before heading to the buffet since I got hungry on my way back.

I just had some sweets and desserts to fill my cravings for something sweet. It didn't take me that long to go back to my room. I'm walking in the hallway when a familiar face caught my attention.

"Haze?" I called, he faced my direction and slightly waved his hands,

I walked towards him, "Kamusta?" I asked, genuinely concerned.

He shrugged, "Okay naman na, may lay-over lang kami rito sa Japan." sagot niya at utay-utay akong tumango,

"Masama paba pakiramdam mo?" tanong ko,

"Ah ano, okay--" Hinawakan ko siya sa leeg para tingnan kung nilalagnat ba siya, natigilan siya sa pagsasalita,

Napakunot ang noo ko bago sinalat ang sarili kong noo, pinagkukumpara ang init ng katawan namin, "May sinat kapa, magpahinga ka muna." ani ko bago inalis ang kamay sa leeg niya, nakita ko siyang napalunok at bahagyang namula ang kaniyang pisnge.

Tumango siya, "S-Sige... tutulog na ako, matulog kana rin, goodnight." ani niya at tumango ako,

"Nighty-- I mean, goodnight." I tried not to sound friendly to remind him the boundaries between us and that things are not back to normal.

I head back to my room and the moment I closed the door, I frustrated sigh escaped my lips.

Napasabunot ako sa sarili ko, "Ano ba 'yan, Cass!? Itigil mo 'yan, ha! Itigil mo 'yang nararamdaman mo!"

Kinabuksan ay after lunch ang flight ko pabalik ng San Francisco. Hindi na si Haze ang piloto ng eroplano. Alam kong dapat ay masaya ako na hindi na kami magkasama sa iisang eroplano pero may boses sa loob ko na nadismaya na hindi na siya ang piloto ng eroplano.

Madaling araw nang makarating ako ng San Francisco, bagsak agad ako sa kama dahil sa pagod sa Flight. Hindi rin ako nakapasok nang maaga kina-umagahan. Tanghali na nang pumasok ako at hindi naman ako napagalitan.

Habang nasa shift, habang nakapahinga at wala akong ginagawa ay naisipan kong magbukas ng social media. Pumunta ako sa blocked accouns ko sa Facebook at doon ay nakita ang account ni Haze.

Napabuntong hininga ako, habang nasa flight ako ng gabing yun papunta ng San Francisco at blinock ko lahat ng contact ni Haze dahil ayokong makarining o makakita ng kahit ano mula sa kaniya.

Huminga ako nang malalim bago ini-unblock si Haze at doon ay nakita ko ang mga post sa ilalim ng account niya.

Puro ito tagged post sa kaniya ng mga kaibigan niya, birthday ni kuya Edward, tapos Christmas celebration nila, New Year's Celebration kung saan nasa ibang bansa sila ng pamilya niya at ang birthday celebration niya.

Naghahanap ako ng picture o post kung saan may kasama siyang babae, pero nakarating nalang ako mula sa pinakahuling natatandaan ko ay wala akong nakita na kahit sinong ibang babae maliban kay ate Sav. Kung meron man ay inaakbayan ito ng isa sa mga kaibigan niya, indikasyon na babae ito ng kaibigan niya at hindi niya.

Napabuntong hininga ako bago inilapag ang phone ko. Hinintay kong matapos ang shift ko bago umuwi. Madilim na nang dumating ako sa apartment ko. Um-order nalang ako ng pagkain bago naligo at nagpalit habang naghihintay.

Sakto naman na pagkatapos ko maligo ay dumating na ito kaya nakakain agad ako habang kausap sila Faye at Marga.

[Eh ano ba ang balak mo?] tanong sa akin ni Faye, sumubo muna ako ng manok bago umiling,

"Hindi ko na alam, basta noong nakita ko siya... 'tangina' 'yan agad ang naisip ko." Pagkekwento ko sa kanila,

[Pero yung naramdaman mo? Ano? Noong segundo na makita mo siya?] tanong ni Marga at napabuntong hininga ako,

"Aaminin ko na... yung gulat ko noong nakita siya... parang... miss na miss ko siya. Yun agad yung naramdaman ko na... 'sa wakas, nakita ko ulit siya'." Pag-amin ko at tumango ang dalawa,

[Eh yung galit? Naramdaman mo ba?] tanong ni Marga, napanguso ako, "Sa huli ko na naramdaman yun eh, basta... nag-aalala ako tapos... parang... maginhawa sa pakiramdam na nakita ko na ulit siya." sagot ko sa dalawa,

[Edi... ano? Mahal mo pa rin ba siya?] tanong ni Faye at napahilamos ako sa mukha ko,

"Parang eh... akala ko kasi nawala na yung pagmamahal ko sa kaniya. Pero... andito pa pala, nagiging occupied lang ako sa trabaho pero noong andun na siya, naramdaman ko lahat." Pag-amin ko, napatawa naman si Faye,

[Alam mo... noong umalis ka... hindi lang namin binanggit pero... hindi naman daw talaga hinalikan ni kuya Haze si Camille.] Napakunot ang noo ko sa tinuran ni Faye,

"Ano?" Napalapit ako sa screen ng tablet ko,

Nakita kong napakamot si Faye sa noo, [Hindi namin binanggit sa 'yo dahil alam namin na masama ang loob mo pero... matapos ka kasing umalis... kumalat agad yung usap-usapan na si Camille naman daw talaga ang humalik tapos yung video na nakita mo? Diba 2 seconds lang yun? Kasi after that itinulak daw talaga ni kuya Haze si Camille.] Napa-awang ang labi ko sa sinabi ni Faye,

"S-Seryoso kaba? Sure kaba?" Parang may kung anong umusbong na pakiramdam sa loob ko.

Nanlumo ako bigla.

Nagkibit balikat si Faye [Yun ang sabi-sabi sa internet... pero walang sinasabi sa akin si kuya--]

"Tanungin mo, please, we need to know the answer." Paki-usap ko,

[Tapos? Anong gagawin mo kung malaman mo na totoo yung sinabi ni Faye?] tanong ni Marga,

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, [Makikipagbalikan ka?] tanong ni Marga at napabuntong hininga ako,

"Kung pwede pa," Mahina kong turan,

Napapalakpak si Faye, [Itatanong ko na rin kay kuya kung may babae ba si kuya Haze, pero wala naman akong nababalitaan. Parang siya nga lang ang walang girlfriend sa kanila, eh.] ani ni Faye at tumango ako,

[Pero hoy, Cass, kung totoo yun at wala nga? Makikipagbalikan ka? Babalik ka?] tanong ni Marga at napahilamos ako sa mukha,

"Gagawin ko na yung bagay na hindi ko kayang gawin dati." sagot ko at nakita kong napakunot ang noo ng dalawa,

[Ano yun?] tanong ni Marga, sumubo ako ng kanin, "Piliin siya,"

Sa mga sumunod na araw ay hindi pa nagparamdam sila Faye at Marga. Hanggang sa dumating ang Linggo na day off ko, nang tumwaag ito ay agad ko itong sinagot.

"Ano? May balita naba?" tanong ko agad, [Oo! Marami akong nasagap!] Excited na turan ni Faye,

[Sabihin mo na! Pa-suspense ka pa naman!] ani naman ni Marga at napatawa ako,

[Ayun na nga... confirmed, si Camille Del Mundo ang humalik kay kuya Haze--]

[Sabi ko na nga ba!]

"Putangina!" Napasapo ako sa mukha ko... "Tangina! Tangina!" Napasigaw ako,

[Ito pa! Kakasuhan daw sana ni kuya Haze si Camille! As in! Sexual Harassment! Kasi siyempre... wala naman consent si kuya Haze na ibinigay tapos hinalikan niya bigla.] Nahulog ang panga ko sa tinuran ni Faye,

Napatakip ako sa bibig ko habang may mga luhang namumuo sa mata ko, [Eh bakit malaya pa si Camille--]

[Ito na nga! Nag-beg daw talaga si Camille kay kuya Haze! Buong congress andoon noong lumuhod sa harap ni kuya Haze si Camille! As in! May picture pa nga si kuya Lucas eh, pero hindi ko nakita!] Halos hindi ko na maintindihan si Faye dahil nilalamon na ako ng pagsisi.

Kung pinakinggan ko ba muna siya... hindi kaya kami maghihiwalay? Kung hindi ba ako nagpalamon sa galit at pinangunahan ng loob... maiiba kaya ang sitwasyon namin ngayon?

O baka naman pakinggan ko nga siya pero maniniwala pa rin ako na nangaliwa siya at pinagtaksilan niya ako? Baka naman hindi nga kami naghiwalay pero habang andito ako ay saka naman magkalintik-lintik ang lahat?

Napakaraming pumapasok sa isip ko, napakaraming 'what if' na sumasakit ang ulo ko. Naguguluhan ako at nilalamon ako ng pagsisi at panghihinayang.

[Cass? Uy! Okay ka lang ba?] Natauhan ako bigla nang tawagin ako ni Faye, napahinga ako nang malalim bago tumango,

"Faye... close kaba kay kuya Xandro?" tanong ko at napakunot noo ni Faye, [Ako hindi, si kuya oo,] sagot ni Faye at tumango ako,

"Tanungin mo nga kung... may vacant position sila sa MMH." ani ko at nakita kong napakunot anhg noo ni Faye,

[Bakit?] Taka nitong tanong, napabuntong hininga ako, "Uuwi ako,"

Kahit alam kong biglaan, kahit alam kong walang kasiguraduhan na may mababalikan ako kay Haze ay sumugal ako. Nang malaman ko na hiring sila kuya Xandro at nang malaman niya na ako ang nagpapatanong ay agad ako nitong kinontact at sinabi na may position daw na nakahanda doon at ginawan na niya ng paraan.

Kaya naman agad akong nakapag-resign sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. Sa ate ko lang din ako nagpaalam at siya nalang ang bahala na magsabi sa magulang namin na aalis na ako. Wala na rin naman silang magagawa, kaya ko na ang sarili ko ngayon na walang hinihingi sa kanila.

Sa loob lamang ng dalawang linggo ay nakabalik na ako ng Pilipinas. Sinundo ako nila Simon, Matt at Allan sa airport.

"Kung may taong napaka-impulsive, ikaw na yun." ani ni Simon habang ipinapasok ang mga gamit ko sa sasakyan niya,

Papasok na sana ako nang mapansin kong nakatingin sa akin si Allan, "Hoy, makatingin ka naman sa 'kin." Sita ko at napatawa ito, "Nanibago lang ako sa hitsura mo." ani niya at napatawa ako,

"Crush mo 'ko 'no?" Biro ko at napatawa siya, "Noong college, oo." Pag-amin nito at napasinghal ako bago sumakay ng sasakyan ni Simon,

Dinala muna ako ng mga ito sa condo ni Faye dahil dito muna ako tutuloy hanggang sa makabili ako ng sarili kong apartment. Gustong-gusto rin naman ni Faye na andito ako para may kasama siya.

Nag-ayos muna ako ng mga gamit ko sa guest room ng condo ni Faye, katulong ko yung tatlo kaya bago pa magtanghalian ay natapos na kami. Bumili kami ng tanghalian bago namili ng iba ko pang kakailanganin.

Kinabukasan naman ay inasikaso ko muna ang papeles ko sa ospital nila kuya Xandro, doon ay sinalubong niya ako kasama si kuya Edward.

"Hey, it's been so long," Kuya Xandro offered a handshake that I accepted,

"Yes, it's been 5 years," I replied and they laughed, "Balita namin nagkita kayo recently." ani ni kuya Edward at napatawa ako bago tumango,

"Yes, sa eroplano, siya yung piloto." sagot ko at napatawa silang dalawa,

"Kami na ang nagsasabi sa 'yo, na-miss ka niya." ani ni kuya Edward at napatawa ako, ayaw ko namang aminin na na-miss ko rin si Haze dahil panigurado ay sasabihin nila ito kay Haze.

"Gusto mo ba siyang makita ulit?" tanong ni kuya Edward at napangisi ako, "Kung pwede, why not?" ani ko at napatawa silang dalawa,

"Sige, start mo naman na bukas diba? Pumunta ka sa 14th floor, sa may clinic ko ng mga... 10:30am, may check-up si Haze bukas sa akin." ani ni kuya Xandro at napatawa ako,

"Pero hindi ko siya kakausapin, kunyari makakasalubong ko lang." turan ko at napatawa silang dalawa,

"Sige sige, basta bukas, pupunta yun, ikaw na bahala kung gusto mong makita." ani ni kuya Xandro at napatawa ako bago tumango.

Tanghali na nang maka-alis ako ng ospital, inayos ko pa yung clinic na para sa akin at iba pang gamit doon. Si Faye at Marga naman ay nasa ibang ospital nagtatrabaho kaya naman pagka-uwi sa condo ni Faye ay bumili nalang ako ng pagkain.

Pagkatapos ay naglinis-linis ako ng unit. Naghanda na rin ako ng gagamitin ko para sa pagpasok ko bukas bago hinintay si Faye na umuwi.

Pag-uwi niya ay kasama nito si Marga dahil nag-aaya sila uminom. Hindi kami gaanong nagpagabi dahil baka hindi kami magising nang tama sa oras bukas.

Kinabukasan pagkapasok ko ay winelcome ako ng mga doktor sa MMH. Nakakagulat din dahil may mga naging pasyente rin ako agad at may mga nagpa-clinic na rin. Noong unang araw ko kasi sa trabaho sa San Francisco ay puro utos ang natanggap ko.

Pagsapit ng 10:20 ay umakyat na ako sa floor na sinabi ni kuya Xandro. Pagdating ko doon ay napansin kong may mga nakadisplay dito kaya pinagmasdan ko ang mga ito, hanggang sa may tumawag sa akin.

"Doktora Gonzales?" Paglingon ko sa kaniya ay napakunot ang noo ko, "Hello! Yes that's me," I smiled at him,

I examined his face and he seems... familiar. But I don't quite remember where I met him.

He smiled, "Do you.... remember me?" he asked and my eyes squinted, I knew it! We have met before!

I shyly smiled before shaking my head, "I'm sorry... I don't remember you." I admitted,

He chuckled, "7/11, cashier." he said and my eyes squinted,

I tilted my head... "Cashier? Saan?" I confusedly ask, he smiled, "7/11, sa may Summit Hill, madalas kang pumunta doon kapag madaling araw." he said and that's when it hit me.

"Miss may lamesa na sa loob, malamig diyan."

"Ay... sige po,"

"Hindi ba kayo nalalamigan sa labas miss? Gabing-gabi na, oh."

"Okay lang po, mainit naman yung sabaw."

"Bye po miss, ingat!"

"Morning ma'am, dami nito ma'am ah, delikado 'to."

"Wow kuya ha, concerned?"

"Para sa exam 'to ano ma'am?"

"Ito ang papatay sa akin kuya,"

"Sus, kaya niyo 'yan ma'am, exam lang 'yan

"Ahh!!" I clapped my hands and he laughed, "You remember now?" He asked and I immediately nod,

"Oh my gosh! I didn't know! I'm sorry," I apologized and he smiled, "It's fine, when I heard you'll be transferring here, I was unsure if it was you, but I'm glad it's you." he said and a small smile printed on my lips,

"I also attended SHU, scholar lang, irregular din, I'm Kendrick Dizon, by the way." he said and my lips parted, "Really? I never saw you sa campus." I said in disbelief, he laughed, "Baka hindi mo lang ako napapansin, pero nakikita kita." ani niya at napangisi ako,

"I'm glad that you made it. Na-aalala ko dati, kapag pupunta ka ng 7/11 na pinagta-trabahuhan ko, it's either you're studying or you'll get energy drink or may problema ka." ani niya at doon ay napangiti ako,

What he said is just touching that made me smike, "Aww, thank you doktor Dizon," I smiled and reach for his arms to slightly squeeze it.

He smiled, "Just call me Kendrick starting now, doktora Gonzales." he said and I chuckled, "Okay, then call me Cass," I said and he nod,

I'm looking straight at his eyes when something from behind him caught my eyes. I slightly moved my head to see who it is.

There I saw Haze, looking at us two. My lips parted when our eyes met, "I... uhmm--"

I was about to say somehing to excuse myself when I saw Haze left by the stairs.

"Mhmm? May sinasabi ka?" Malumanay na tanong ni Kendrick, nagbalik ako ng tingin sa kaniya bago umiling, "Ah wala, wala naman." sagot ko at tumango ito, "Pwede kabang maaya para mag-miryenda?" tanong ni Kendrick,

Nagparte ang mga labi ko bago tumango, "Sure, pwede naman."

Habang naglalakad kami paalis ng hallway ay muli kong nilingon kung saan ko huling nakita si Haze. Nakita ba niya lahat yun?



------

A/N: wala na guys... graduate na crush ko, ilang araw na ako umiiyak randomly

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com