TruyenHHH.com

Safe Flights Cap



Napahagalpak ng tawa ang buong congress matapos itong sabihin ni kuya Shawn nang pabalang. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang bahagyang pinaglalaruan ang buhanging natatapakan ko. 

Napasaltik ng dila si kuya Lorenzo bago hinawakan sa balikat si kuya Haze, "Naku, naku Haze, magpapalusot ka na nga lang..." ani nito at napatungo ako, umalis na ba agad ako? Magpaalam pa ba agad ako? Ano pa bang ginagawa ko rito? 

"Uh--" naputol ang sasabihin ko nang tawagin ako ni kuya Shawn, "Cass, saan ka nadaanan ni Haze?" tanong nito, bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat. 

"Uhm... sa may ospital po." sagot ko at utay-utay itong tumango, nakangisi, ganun din ang iba sa kanila. 

"Anong sabi noong nakita ka?" tanong ulit nito, hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko na ma-alala ang sinabi ni kuya Haze kanina. Na-tanga na yata ako at hindi ko na ma-alala. 

"Ahm..." bahagyang napatagilid ng ulo ko, "Hindi ko na po tanda, pinasakay lang po ako." sagot ko at tumango ang mga ito. Nilingon ko si kuya Haze at naka-upo na ito sa isang monobloc chair at mukhang busy na sa kaniyang cellphone. 

"Aakyat kana ba? Hatid na kita," bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi ni kuya Shawn, "Po? Hindi na po, kaya ko na po." sagot ko rito at umiling ito bago kinuha ang mga hawak ko. 

"Hatid ko muna 'to sa kwarto nila." Paalam ni kuya Shawn sa mga kaibigan niya, tumango lang ang mga ito at kumaway pa nang paalis na kami. 

Nilingon ko ulit si kuya Haze at nakitang nakatingin ito pero nang magtagpo ang mga mata namin ay agad itong nag-alis ng tingin. 


Tahimik kaming nag-lalakad ni kuya Shawn, hindi rin naman ako nakakaramdam ng hiya dahil sa paningin ko ay para ko na rin siyang kuya. Pagpasok namin ng elevator ay saka ito nagsalita. 

"How's your day?" tanong nito at napa-angat ako ng tingin sa kaniya. 

Napangiti ako, "Okay lang naman po, pagod. Si Faye po? Kamusta?" tanong ko rito pabalik, napahagikhik ito, may katangahan nanaman sigurong ginawa ang kapatid nito. 

"I honestly don't know what to reply, masigla siya sa umaga pero sa gabi nilalagnat." sagot nito at nagpatango-tango ako, "Ahh, pasumpong-sumpong ang lagnat." ani ko at tumango ito. 

"I guess, ganun na nag siguro, I'm not a med student so I honestly don't know what's happening." ani nito at napatawa ako, bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas na kami. 

"Grabe naman, you don't have to be a med student to know that. Ganun lang talaga ang mga nagkakasakit." ani ko rito at nag-hum ito, "Ikaw ba? Nagkakasakit kaba?" tanong nito at bahagyang akong napa-isip. 

Napabuntong hininga ako habang binubuksan ang pinto ng kwarto namin, "Sa totoo lang po, hindi ko na alam." Napahagalpak ako ng tawa, "Kasi kapag masama ang pakiramdam ko, hinahayaan ko nalang. Inom nalang ng gamot, ganun." sagot ko rito bago pumasok ng kwarto, "Pasok ka po." Pag-imbita ko rito, nakita kong bahagyang nagulat ang ekspresyon nito bago nagpagpag pa ng sapatos at saka pumasok. 

Siya na ang nagsara ng pinto at ako naman ang nagbuhay ng mga ilaw sa kwarto. 

"So... kapag nagkakasakit ka, hindi ka nagpapa-check-up?" tanong nito, nang lingunin ko ito ay inilalapag na niya ang mga gamit ko. 

Napangiti ako bago umiling, "Hindi na po, lagnat lang naman. Tsaka tumatagal lang naman ng mga apat na araw ang lagnat ko." sagot ko at nakita kong kumunot ang noo nito. 

"Isn't that kinda dangerous na?" tanong nito at nagkibit balikat ako bago napatawa, "Opo, yata? Sa totoo lang hinahayaan ko na nga. Noong bata lang naman ako sakitin at pinapa-ospital, pero matanda na ako ngayon, eh." Pagbibiro ko at napatawa rin ito, "Juice, kuya?" Alok ko rito, 

"Ahm... water will do." sagot nito at tumango ako  bago pumunta sa kusina para ikuha siya ng tubig. 

"Ang lalaki niyo na nga, I remember before mga 8th graders lang kayo." ani nito at napatawa ako, "Sus, grabe ka naman, isang taon lang naman tanda niyo sa amin." ani ko at nakita ko itong tumango-tango habang nakangiti. 

Napasandal ito sa counter, "But still, you know what I mean. Ang babata pa natin noong nagkakilala tayo." ani niya at tumango ako bago inilapag sa counter ang tubig. 

"Na-alala ko pa noong mga grade 8 kami at nanood kami ng isa niyong play, Noli Me Tangere ba yun?" ani ko at napatawa ito bago tumango, "Yes, yes, Noli yun. Wow, you still remember." ani nito bago uminom ng tubig. 

Tumango ako at napasandal din sa counter sa tapat niya, "I have good memory when it comes to good memories. Pero kapag masama, hindi ko na inaalala." ani ko at napatawa ito, "Of course, who wants to remember bad memories anyway?" tanong niya at muli akong tumango. 

"Remember when you had a sleep over when you were 10th graders sa bahay? And sakto kasi andoon mga kaibigan ko, takot na takot sila sa inyo." ani nito at napatawa ako, "Luh, bakit naman?" tanong ko at ngumisi ito, "I don't know, hindi naman siguro takot, nahihiya siguro." sagot nito at napa-iling ako. 

"Haze was there if you're wondering." I was caught off guard with what he said, nanlaki ang mata ko at nakita ko naman itong nakangisi habang sumisimsim ng tubig. 

"I know," ani niya at nanlaki lalo ang mata ko. "EH?!" Napasigaw ako halos at tumawa ito. 

"Does he...-" "Nope," Agad itong umiling, "Haze doesn't know, but I just noticed few things. And... yeah, Faye mentioned." Napasapo ako sa mukha ko, Faye talaga!!! 

"But please don't get mad at her." ani agad nito at tinanggal ko sa mukha ko ang kamay ko bago napanguso. 

"Sige na nga, I won't say na I know you know. Pero secret nalang natin, kuya. Please!" Pagmamaka-awa ko rito at napatawa ito, nasamid pa ito sa tubig at napa-ubo kaya pati ako ay napahagalpak ng tawa. 

"Of course, I won't say anything to Haze. I'll keep my mouth shut, hindi ko lang sure kung pati si Lorenzo ay nakakahalata." ani nito at nanlaki ang mata ko, "Luh! Si kuya Lorenzo?! Eh diba madaldal yun!? Baka sabihin kay kuya!" Natataranta kong turan at napahagalpak ng tawa si kuya Shawn. 

"Chill, chill, ako bahala sa 'yo. Why won't you say it to Haze nalang ba?" tanong nito at napasimangot ako. 

"Of course I won't do that--" Pinagtaasan ako nito ng kilay, "Yet, there will be a perfect time for that." ani ko at tumawa ito, "Yeh, yeh, perfect time. But you know you can just say it, wala namang babae si Haze." ani nito at napatawa ako, nakita ko itong tumingin sa kaniyang cellphone. 

"Eh ikaw ba kuya? May babae ka ba?" Nag-angat ito ng tingin at napatawa bago umiling at ibinulsa ang cellphone niya. 

"Secret, isipin mo." ani nito bago inubos ang tubig, "I gotta go, hinahanap na nila ako." ani nito at napasimangot ako, "Luh! Ang daya! Meron ba?" Pangungulit ko rito, nilayasan ako nito sa kusina at naglakad na papunta sa pinto. 

"Kuya Shawn!!" tawag ko rito, "Secret! Byee!" ani nito bago narinig ko nang bumukas ang pinto at sumara. 

Napasapo ako sa mukha ko, si kuya Haze? Walang babae? Imposible naman yata. Kung makapal-kapal lang ang mukha ko ay haharutin ko na ito ng bonggang-bongga! Come on, kuya Haze is worth kneeling for. Kapag nakita ko ulit ito ng nakapang-piloto ay baka luhuran ko na agad siya. O di naman kaya ay may mga oras at suot talaga siya na mapapa 'I do father' nalang ako bigla. Ano kayang trip niya at wala itong babae? 

"Baka naman... secret lang." Pagsasalita ko mag-isa, napatakip ako sa bibig ko sa kung ano man ang pumasok sa isip ko, "What if... hindi lang niya sinasabi sa mga kaibigan niya at super-duper lowkey lang ni kuya Haze?" Napasapo nanaman ako sa mukha ko, ano ba naman 'yan! Nakakabaliw kana! 


It was the next morning and actually a sunny morning. Hindi gaanong mainit pero hindi naman maulan, malilom lang kaya hindi naman siguro ako mahihirapan mag-commmute. Naglalakad na ako paalis ng canteen nang biglang tumigil sa harap ko ang pamilyar na motor. 

"Kuya Haze?" Gulat kong tawag rito, nagtanggal ito ng helmet at ibinigay sa akin ang helmet na pinahiram niya sa akin kahapon. 

"Sakay na," ani nito at napakunot ang noo ko, "Bakit po? Pwede naman na mag-commute nalang ako." ani ko at umiling ito, "Sakay, nautusan lang." sagot nito, yung tono ng boses niya parang inuutusan ako. Ramdam na ramdam ko na nautusan lang talaga siya at napilitan. 

Napatango nalang ako bago ini-abot sa kaniya ang mga dala ko at isinuot ang helmet. Sumakay na ako sa motor at kumapit sa damit niya sa tagiliran. Nang umandar na ang motor ay doon gumuhit ang malawak na ngiti sa aking labi na halos mapunit pa ito. Hindi ko rin pinalampas ang pagkakataon an ito para amuyin siya. 

'Shaks! Ang bango!'

Bagong ligo siya at bahagyang basa pa nga ang buhok nito nang magtanggal siya kanina ng helmet. Ang bango-bango niya, yung pabango niyang gamit ay bagay na bagay sa kaniya. Halatang pangmayaman, amoy palang pogi na. 

Ibanaba ako nito sa harap mismo ng ospital, ang iba ko ngang kasamahan sa clinical ay napatingin pa. Buti nalang at hindi ko sila school mate at hindi rin naman nagtanggal ng helmet si kuya Haze. 

"Thank you po," ani ko nang i-abot nito sa akin ang mag papel ko matapos kong hubarin ang helmet. 

Tinanguan lang ako nito at tinalikuran ko na siya, naka-ilang hakbang na ako nang tawagin ako nito. 

"Cassandra?" Agad akong humarap at nginitian ito, "Yes po?" Did he just called me by my second name?!

Itinaas nito ang face shield ng kaniyang helmet kaya nasilayan ko nanaman ang pogi niyang mukha. 

"What time ka uuwi?" 

"Po?" Hindi ko lubos naintindihan ang sinabi niya dahil medyo malayo ito, umalis ito mula sa pagkakasakay sa kaniyang motor bago ako nilapitan. 

I froze when he lean down on me, "I said what time ka uuwi?" He pulled away and played with his keys. 

"Ahm..." napalunok ako ng laway, "3pm po, bakit?" sagot ko rito, tumango ito bago naglaakd pabalik sa kaniyang motor at sumakay rito. 

"Susunduin kita, 'wag kang aalis hangga't wala ako." ani nito bago humarurot ng takbo. 

I was left there hanging. Tangina, what just happened?! 

"Boyfriend mo?" Napalingon ako sa isang estudyante sa likod ko. 

Nahihiya akong ngumiti bago umiling, "Hindi... kakilala lang." sagot ko sa mga ito bago pumasok ng ospital. 

How I wish. 

Buong araw sa ospital, gusto ko na mag alas tres. Hindi ako mapakali, umagang-umaga pa naman ay ginugulat ako ni kuya Haze ng mga pa-ganun niya. Sinong hindi masisiraan ng ulo doon? 

Hatid-sundo? Ganon ba? Ano ba talaga tayo Haziel?! 

Nang sumapit ang 2:30 ng hapon ay hindi na ako makapaghintay. Kung ano-ano na ang ginagawa ko para lang malingat ako sa oras at magulat na alas tres na pala. Nagpaka-busy ako dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang pagka-excited ko. 

"Aalis kana? Tara kakain muna sa labas." Pag-aaya sa akin ng isa kong kasama. Nalaman kasi nito na may sakit ang dalawa kong kaibigan na lagi kong kasama kaya naman inaaya nila ako kapag kakain na sila dahil ayaw nila na mag-isa lang ako. 

Napa-iling ako, "Sorry, pero may susundo kasi sa akin, eh." sagot ko at nagulat ito, "Uy, ikaw ha! Yung naghatid ba sa 'yo kanina?" tanong nito at napahagalpak ako ng tawa, "Paano mo nalaman?!" Gulat kong tanong dito, wala naman siya sa baba kanina para makita niya iyon. 

Napatawa ito, "May nakapag-chismis lang sa 'kin, pero sige, next time nalang tayo kumain sa labas." ani nito at tumango ako, nag-aayos ako ng mga gamit nang may mag-message sa akin na agad kong tiningnan. 


From: Alonzo Haziel

andito na ako,, 


Nataranta ako at mabilis na isinilid ang mga gamit ko sa bag bago napaharipas ng takbo. Pagkalabas ko ng ospital ay agad kong inilibot ang paningin ko. Narinig kong bumusina ang isang sasakyan na nakaparada at naaninag ko si kuya Haze sa loob. Sasakyan ang gamit niya ngayon?

Tumakbo ako papunta rito at pagkatapat ko sa pinto sa passenger seat ay bumukas na ito, binuksan na pala niya. 

"Bakit ka tumatakbo?" tanong nito pagkabukas ng pinto, hindi agad ako nakasagot dahil inalis ko muna ang plastic ng kwek-kwek na nasa uupuan ko. 

"Ayaw ko kasing paghintayin ka ng matagal." Naupo na ako at isinara ang pinto, 

"Bakit pala sasakyan na ang ginamit mo?" tanong ko rito, hindi ito sumagot at umiling nalang, luh, ano ibig sabihin nun. 

Mukhang wala siya sa mood makipag-usap kaya naman nanahimik nalang ako. Siguro nga ay napipilitan lang talaga ito na sumundo sa akin. 

Humarap nalang ako sa bintana at doon ay tinanaw ang mga nadadaanan namin. Ang awkward naman nito. Mas maganda pa kapag naka-motor, maingay yung motor tapos mas magaan ang pakiramdam ko. Ang awkward kasi namin ngayon. 

"May pagkain diyan, yung nasa bangko mo kanina." ani nito kaya napalingon ako sa kaniya, hinanap ko ang plastic na kaninang itinabi ko bago ito ipinakita sa kaniya. 

"Ito po ba?" tanong ko, mabilis ako nitong nilingon bago agad nagbalik ng tingin sa kalsada, "Oo, nadaanan ko lang kanina, baka gutom ka." ani nito at binuksan ko ang plastic, kwek-kwek ang laman nito at gumuhit ang ngisi sa labi ko. Cute naman, kwek-kwek. 

"Ikaw po ba? Kumain na?" tanong ko at umiling ito, sumubo na ako ng isang kwek-kwek na nakasawsaw na sa sauce nito, ang sarap ha! Tsaka sakto rin para sa miryenda. 

"Can I have some?" tanong nito at inilahad ko sa kaniya ang cup na may lamang kwek-kwek, narinig ko itong humagikhik mag-isa. 

"Can't, nagmamaneho ako." ani niya at napakunot ang noo ko, "Eh paano po?" tanong ko at napatawa ulit ito, "Ah," ngumanga ito at napa-awang ang labi ko, ha? Ano raw? 

Isinara nito ang bibig bago napasaltik ng dila, "Feed me, silly." ani nito at saka lang ako natauhan bago siya ipinagtuhog ng kwek-kwek at sinubuan ito. 

"Sarap?" tanong ko at tumango ito, sumubo ulit ako ng kwek-kwek at ilang segundo bago ko napagtanto ang nangyari. 

Nanlaki ang mata ko bago ito nilingon, OMG! What's happening right now?! Bumili siya ng kwek-kwek kasi baka gusto ko? Tapos nagpasubo pa siya ng pagkain?! Haziel ano ba talaga tayo?! 

Pumasok na ang sasakyan niya sa gate ng university. Hindi ko alam kung saan niya ako balak ibaba ngayon, pero nang ma-aninag ko ang aviation building at nakita sila ate Savanna ay parang alam ko na. 

Tumigil ang sasakyan nito sa harap mismo nila, napasandal muna ako sa upuan bago huminga ng malalim. Ito nanaman tayo, kuya Haze. 

Nagulat ako dahil si kuya Shawn ang nagbukas ng pintuan ko, "How was the car ride? Kaskasero ba magmaneho si Haze?" Pag-bibiro nito at napatawa ako bago umiling, "Hindi naman po, saks lang." sagot ko nang makalabas ako ng sasakyan. 

"Ay, hindi ko naman alam na personal driver mo an si Haze." May nakakalokong ngiti sa labi ni ate Sav at napatawa ako ganun din ang iba sa congress. 

"Napaki-usapan lang ako na sunduin siya, I'm not a driver." ani ni kuya Haze at lahat kami ay napalingon sa kaniya. 

Nang lahat kami ay nagkatinginan ay sabay-sabay kaming nagkibit balikat. 

"Diba pupunta pa tayo sa birthday ni Edward? Ano na? Tara na!" Pag-aaya ni kuya Haze, napatawa ang congress at nanatili lang akong nakatayo doon. 

"Grabe naman si Haze, eh. Alak agad ang nasa-isip, tara na nga!" ani ni kuya Adrian bago isinakbat ang kaniyang bag. 

"Una na kami Cass, may pupuntahan pa kami." Tinapik ako ni kuya Shawn sa balikat bago lumapit sa sasakyan niya. 

Inakbayan ako ni ate Sav, "I'm rooting for you already. Kaya mo 'yan, konti pa, mabibingwit mo rin si Alonzo." ani nito habang nakangisi, napatawa ako bago ito binangga ng tagiliran ko. Inalis nito ang pagkaka-akbay sa akin bago napatawa at umalis na rin. Pinanood ko ang mga sasakyan nila na isa-isa umalis. Ang yayaman talaga, sari-sarili ng mga sasakyan, dagdag pa sila sa traffic. 

Si kuya Shawn pa nga ay ibinaba ang bintana ng kaniyang sasakyan para kumaway sa akin nang dumaan ito sa harap ko. Nang lahat sila ay maka-alis, napabuntong hininga ako. 

Hindi ko na alam ang nangyayari, basta ang alam ko ay parang sasabog na ako sa sobrang dami ng nangyayari. Parang it's too good to be true. Si kuya Haze? Ihatid-sundo ako? What's happening?! 


"Cass! Wait for Haze!" It was the next day and I was about to leave the canteen when kuya Howard and Adrian called me. Napakunot ang noo ko at nilapitan sila. 

"Bakit po? Ano pong meron kay kuya Haze?" Taka kong tanong nang makalapit dito, kumakain ang mga ito at si kuya Haze lang ang wala sa kanila. 

"Ihahatid ka nun, na-late lang ng gising." sagot ni kuya Lucas at napa-awang ang labi ko. "Sus, wala ngang planong pumasok dahil sa sobrang hangover, pero noong ma-alala na ihahatid pa niya si Cass, biglang bangon." ani ni kuya Lorenzo at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya pero naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. 

"Ahm... pwede naman po na mag-commute nalang ako." Nakakahiya naman na mahimbing pa yatang natutulog si kuya Haze pero dahil ihahatid pa niya ako ay naputol ang pagtulog niya. 

"No no no, ihahatid ka niya." sagot ni kuya Shawn, nahihiya ako napakamot sa aking braso, "Pero ano po kasi--" naagaw ang atensyon naming lahat nang may sasakyang bumosina sa may amin. 

"Ayan na si Haziel." Bumaba ang bintana ng sasakyan at kumaway si kuya Haze, "Cass! Get in!" sigaw nito, humarap ako sa congress, "Bye po," kumaway ako sa kanila at kumaway ang iba sa kanila pabalik bago ako tumakbo papunta sa sasakyan ni kuya Haze. 

Pagkasakay ko ng sasakyan ay agad itong pinatakbo ni kuya, "Okay ka lang po ba?" tanong ko rito, mukha kasing hagas si kuya Haze. 

Nagkibit balikat ito pero kita ko sa ekspresyon niya na mukhang labag talaga sa loob niya ang ginagawa niya. Hindi na tuloy nakakakilig, nahihiya na ako, iniistorbo ko yung tao. Halata naman na ayaw niya ang ginagawa niya. 

"Kuya alam mo hindi mo naman ako kailangan ihatid, eh. Hindi naman kita pinipilit, kaya ko mag-commute." Hindi ko alam kung ang tono ba ng boses ko ay bahagya nang tumaas pero sinubukan ko naman na hindi magtaas ng boses. Talagang ayaw ko nalang na makita siyang napipilitan, parang ang laki ng kasalanan ko sa kaniya sa hitsura niya ngayon. 

Halos mapatama ako sa unahan ko nang bigla nitong itinigil ang sasakyan. Aba, papababain nga yata ako. 

Narinig ko itong bumuntong hininga bago ako hinarap, "Sorry," ani nito at napakunot ang noo ko, "Para saan po?" Nagtataka kong tanong, bakit biglang nag so-sorry ito?

Nakita kong gumalaw ang dila nito sa loob ng kanyang pisnge bago nagkibit balikat. "Just... I'm sorry, I was being grumpy. Ayaw kasing mag-start ng sasakyan ko kanina bago kita puntahan. And I don't want you to get late." ani nito at nagparte ang mga labi ko, luh, huy kalma!

He raised his left brow at me, "I'm calm na, I'm sorry, do you feel unsafe with me ba kanina? Baka ba ibangga ko yung sasakyan bigla?" tanong nito at hindi ko napigilan ang mapatawa. 

Ano bang pumapasok sa isip nito? Ang OA ha! 

"Hindi ah, akala ko... alam mo yung..." hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, may mga hand gestures pa akong ginagawa pero hindi ko masabi yung gusto kong sabihin. 

He slightly tilted his head, "What? Alam ko yung...?" he urged, napabuntong hininga ako, "Yung... feel ko kasi napipilitan ka lang na ihatid ako and it made me fele bad. It's making me feel guilty at nakakahiya dahil parang masyado kitang ini-istorbo. Idagdag mo pa na may hangover ka right now at napilitan kang bumangon dahil sa 'kin." Paliwanag ko rito, pinagmasdan ko ang reaksyon niya at nakita kong napakunot ang noo niya. 

Then a slight smile drew on his lips before he once again started driving, "Ahm... yes, I'm having a hangover right now, pero..." he paused as he took a turn, "Let's  have drive through, kumain kana ba? Hindi pa kasi ako, let's older, my treat." ani nito at hindi na ako nakasagot pa. 

Pumasok na siya sa drive through ng McDo at pinanood siyang um-order. 


"What do you want?" Nilingon ako nito, "Ahm... ano po... burger lang." ani ko at napakunot ang noo nito, "Sure ka? Miryenda mo mamaya sa ospital? Lunch mo?" tanong nito, tumingin ako sa menu para pumili. 

"Spaghetti tapos chicken." ani ko at tumango ito, "Then 2 piece chicken with rice, spaghetti and a burger." ani nito at hindi na ako naka-angal pa. Spaghetti na may chicken sana yung gusto ko, tsaka bakit two piece pa? Ganun ba ako katakaw sa paningin niya?! 

Nagbayad na siya bago nagmaneho papuntang kasunod na window. Nang makuha niya ang orders ay agad ko itong inabot para hindi siya mapuno ng paper bags. 

"Thank you!" sabi ko sa cashier sa window, "Thank you," Nag thank you rin si kuya Haze bago nagmaneho na. 


Nang tumigil kami sa harap ng ospital ay nahirapan akong bumaba dahil ang dami ng dala ko. Biglang lumabas si kuya Haze ng sasakyan at kinuha ang mga papel na hawak ko. "Ihahatid na kita sa loob." ani nito at agad akong umiling. "Hindi na po, kaya ko na 'to, nahirapan lang akong lumabas." ani ko nang saraduhan ko ang pinto ng sasakyan niya. 

"Sure ka? Kaya mo?" tanong nito at napatawa ako nang bahagya bago tumango, "Yes, kaya akin na po 'yang mag gamit ko." Ini-abot niya sa 'kin nang dahan-dahan ang mga papel. 

"Thank you nga po pala sa pabaon." Ngumiti ito at tumango, pumasok na ako ng ospital at narinig ko na umalis na ang sasakyan. 


Buong araw nanaman akong masaya at kinikilig. Ang ilan kong kasamahan dito ay inaasar ako na boyfriend o di naman kaya ay manliligaw ko  iyon. Noong una na sinasabi kong hindi at kakilala ko lang ay medyo naniniwala na sila. 

Pero noong nabanggit ko na kaibigan ito ng kapatid ng kaibigan ko, kung ano-ano na ang sinasabi nila. Kesyo may gusto raw sa 'kin si kuya Haze o di naman kaya ay natitipuhan ako nito. Inihatid-sundo lang? Ang assumera naman ng mga kasama ko. 

Hinatid-sundo lang? Halata naman na hindi ako papatulan ni kuya Haze. Halata rin na hindi niya ako tipo. Ang bagay sa kaniyang babae ay yung maganda, sexy, fresh kahit bagong gising. Effortlessly elegant and pretty. Yung pwede niyang ipagmalaki sa mga kaibigan niya. Siyempre, yung mayaman gaya niya. 

He's way out of my league. 

Tanghaling tapat ay kausap ko si Faye sa Messenger, sinabi nito na maayos na raw ang lagay niya at makakapasok na bukas. Nang kamustahin ko si Marga ay ganun din ang sinabi nito. Sa wakas ay may makakasama nanaman ako sa pagpasok at pag-uwi. Kaso... hindi na ako maihahatid-sundo ni kuya Haze. 

Hindi ako saktong alas tres natapos ngayon sa mga gawa ko. 3:20 PM nang makabalik ako sa station namin at saka lang nakapag-out, kagaya kahapon ay nag-message na si kuya Haze sa akin. 

From: Alonzo Haziel

andito na ako,, matagal kapa ba?? 

To: Alonzo Haziel

Wait langgg, malapit na, nag-aayos lang me ng gamit


Binilisan ko na ang pag-aayos ng gamit ko na napansin ng iba kong kasama sa station. 

"Andiyan na sundo mo 'no? Kaya nagmamadali ka na?" tanong ng isa na halatang nang-aasar. 

Napatawa ako bago napa-iling, "Ewan ko sa inyo, basta ako, uuwi na." Paalam ko sa mga ito bago umalis ng station at sumakay na ng elevator para bumaba. 

Pagkalabas ko ng ospital ay agad kong nakita si kuya Haze na nakapanghina ng tuhod ko. He's wearing his student pilot uniform and a pair of sunglasses while leaning on his car, his left hand inside his pocket and his other holding onto his phone. 

Parang sumabog ang mga kalamnan ko at nanuyo ang aking lalamunan. Hindi agad ako nakagalaw pero pakiramdam ko ay mapapaluhod nalang ako sa panghihina. 

ANG POGI!! 

Dahil ba sa kapeng ininom ko kanina kaya ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng puso ko o sadyang nakakabilis lang ng tibok ng puso ang hitsura ni kuya Haze ngayon? 

Sobrang lakas ng dating, charisma at appeal niya. Lahat na! Pogi na, charismatic pa! Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? 

"Cass?" Natauhan ako nang kawayan niya ako, napalunok ako ng laway bago nag-ayos ng tayo at naglakad papunta sa gawi niya. 

Itinago nito ang phone sa kaniyang bulsa, "Tara na ba?" tanong nito at tumango ako, pinagbuksan niya ako ng pinto at inuna kong pinasok ang mga gamit ko. Pagkasarado niya ng pinto ay umikot siya sa kabila at pumasok na. 

"Kanina kapa po ba naghihintay?" tanong ko at umiling ito, "Hindi naman, mga 20 minutes lang." sagot niya at nanlaki ang mata ko. "Hala, sorry po, pinaghintay kita ng matagal." ani ko at umiling ito, "Hindi naman, okay lang, wala naman akong prof na makakakita sa 'kin." sagot niya at bahagyang kumunot ang noo ko. 

"Bakit po?" Taka kong tanong, anong connect ng prof niya sa paghihintay sa 'kin? 

He giggled, "We're not allowed to wear our pilot uniforms outside the campus or ground." he replied and my eyes widened. "Eh?! Bakit mo sinuot sa pagsundo mo?" tanong ko at nagkibit balikat ito. 

"Wala lang, it was 5 minutes before 3 when we finished our class. Mahuhuli ako sa pagsundo kapag nagbihis pa ako, baka umuwi ka mag-isa." sagot nito at naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge. 

Ano kaba naman Alonzo Haziel Vergara! Ano bang pinaggagawa mo sa 'kin?! 


"Gutom kaba?" tanong nito at agad akong umiling, "Hindi po, pagod lang." sagot ko at tumango ito, "So I'll send you straight sa dorm?" tanong niya at nag-hum ako. 

Sumandal ako sa bintana at sandaling ipinikit ang aking mata. 


"Cass? Gising na." Utay-utay kong iminulat ang aking mga mata, bumungad sa 'kin ang gwapong mukha ni kuya Haze at napangiti ako, "Gwapo mo naman," bulong ko at nakita kong kumunot ang noo nito, "Huh?" Napakunot din ang noo ko, shit! Hindi ako nanaginip! Agad akong napa-ayos ng upo at bahagyang umurong si kuya Haze mula sa pagkakalapit sa akin. 

"We're here, nakatulog ka sa biyahe." ani nito at nanlaki ang mata ko bago inilibot ang tingin, nasa harap na kami ngayon ng dorm. 

"Ay, sorry po," kinuha ko ang mga gamit ko at binuksan ang pinto bago lumabas, "Salamat po!" Kinawayan ko ito at tumango lang ito bago nagmaneho paalis. 

Pagkadating ko sa kwarto namin ay hindi ko na nagawang magpalit ng damit at nakatulog sa sofa. 

Nagising ako sa mga ingay at kaluskos sa paligid ko. Pagkamulat ng mata ko ay agad akong napabangon at naglibot ng tingin. Nakita ko si Marga at Faye na nag-aasikaso ng mga pagkain sa kusina at nanlaki ang mata ko. 

"OMG!! Andito na kayo!" Agad akong napatayo at tumakbo sa gawi nila bago ito hinigit sa yakap. 

"Finally!! Hindi na ako mag-isa!!" sigaw ko at napahagalpak ng tawa ang dalawa, "Na-miss mo naman kami masyado." ani ni Marga at pinandilaan ko ito, "Tsaka nakakatakot mag-isa dito, ha! Feeling ko may sumisilip sa 'kin kapag nagluluto dito." ani ko at napahagalpak ng tawa ang dalawa. 

Inayos namin ang mga pagkain na dala nila bago naghapunan. At habang kumakain ay kinwento ko sa kanila lahat ng nangyari nitong nakaraan. At ang bukhang bibig ko ay si kuya Haze at ang paghatid-sundo niya sa akin. 

"Alam mo... feeling ko... nagkakagusto na sa 'yo si kuya Haze." ani ni Faye at napangirit ako, "Luh! Medyo makapal tayo sa part na yun, pinaki-usapan mo, diba?" ani ko at napakunot ang noo ni Faye. 

"Hindi ko siya pinaki-usapan... nabanggit ko lang kay kuya na delikado na pumasok at umuwi ka mag-isa." ani ni Faye at napakunot ang noo ko ganun din kay Marga. 

"Legit ba? Ibig sabihin... nagsarili si kuya Haze?" Paghihinala ni Marga, "O di naman kaya... sinabi ni kuya Shawn kay kuya Haze?" ani ko at natahimimik kaming tatlo, lahat binabalot ng mga isipin at what if's. 

Umiling ako, "Alam niyo, let's not give meaning. 'Wag tayong mga assumera, mabait lang talaga sila at concerned." ani ko bago sumubo ng kanina, nagkibit balikat si Marga, "Sabagay, mabait naman talaga si kuya Shawn." Pagsang-ayon ni Marga, napasinghal si Faye, "Bahala kayong dalawa, basta ako, I see... a chance?" ani nito habang nakangisi at napa-irap kaming dalawa ni Marga. 

Kinabukasan ay balik kami sa dating gawi, magkakasabay kumain at pumasok. Pagdating ng ospital ay kinamusta sila Marga at Faye ng mga kasamahan namin bago kami bumalik sa mga dapat naming gawin. 

Lunch ay pumunta kami sa malapit na fast food chain dahil na-miss daw ni Faye ang fast food dahil hindi siya pwedeng kumain noong may sakit siya. Hindi kami gaanong nagtagal doon at bumalik agad sa ospital. 

"Alam mo... dapat pala hindi muna ulit kami pumasok?" ani ni Faye habang nag-aayos kami ng gamit para umuwi, "Bakit naman?" Taka kong tanong, "Eh kasi, feel ko... gusto mo pa na  maihatid-sundo ni kuya Haze." ani nito at napa-irap ako, "Sira ka, bilisan mo na diyan at umuwi na tayo." ani ko rito bago isinakbat ang aking bag.

Pagkalabas namin ng ospital ay dire-diretso kami sa paglalakad at hindi napansin ang isang sasakyan. Binusinahan kami nito kaya sabay-sabay kaming napalingon dito. 

"Si kuya Haze?" Nakilala ko ang sasakyan, "Huh?" takang turan ni Faye, hindi ako nagkamali dahil nang tumigil ang sasakyan sa harap namin ay lumabas si kuya Haze, nakapang-piloto ulit ito. 

"Sakay na, pinapasundo kayo sa akin ni Shawn, baka mabinat daw kayo." ani nito at nanlaki ang mata ko, si Faye at Marga ay nakatakbo agad sa backseat kaya ako ay walang nagawa kundi ang sa harapan umupo. 

"Si Shawn sana ang susundo sa inyo, pero may klase pa siya kaya ako na ang pinasundo." ani nito at tumango ako, 

"Ikaw ba kuya Haze? Wala ka bang klase?" tanong ni Faye mula sa likod. Nakita kong tiningnan ni kuya Haze sa rear mirror si Faye, umiling ito, "Wala na, my class ended at 3pm." sagot nito at napatango lang ako. Hindi ko alam ang ia-asta ko ngayon dahil pakiramdam ko ay mangungulit lang si Faye at Marga. Parang mas kinikilig kasi sila kaysa sa akin ngayon. 

Pagkadating namin ng dorm ay nagpasalamat kami kay kuya Haze bago umakyat. At pagkapasok ng kwarto ay agad kung ano-ano ang inisip ni Faye. What if nagsasarili raw pala talaga si kuya Haze dahil ako naman daw talaga ang gustong sunduin. Masaya magkaroon ng supportive na kaibigan pero kapag ganito na, parang masisiraan ako ng bait. 

Akala ko ay iyon na ang huling beses na susunduin kami ni kuya Haze, pero kinabukasan, kaparehas na oras, nasa labas ulit ito ng ospital. Naghihintay sa labas ng sasakyan niya, naka unform pero pinapatungan niya ito ng jacket. 

"Pinapasundo ulit kayo sa 'kin ni Shawn, plus, he bought some foods, baka raw nagugutom kayo." ani nito nang makapasok kami sa sasakyan niya. 

Pagkarating namin sa dorm ay agad kaming dumiretso sa lobby kung nasaan ang ibang congress at may mga nakahaing pagkain. 

"How's your day?" Kuya Shawn kissed the top of Faye's head, napangiwi si Faye, "Oks lang, pagod," bumagsak sa bangko si Faye at bumuntong hininga. Mukhang sanay na sanay siya sa harap ng congress pero kami ni Marga ay meydo nahihiya pa. 

Tumawa si kuya Shawn bago napa-iling, "Okay, go eat na, baka nagugutom na kayo." ani nito at nahihiya kaming tumango ni Marga, may sarili kaming table tatlo pero nakapaligid lang sa amin ang congress. 

Tahimik kaming kumakaing tatlo habang ang congress ang maingay nang bigla akong kausapin ni kuya Lorenzo, "Cassandra, kamusta naman ang isang linggong paghahatid at sundo sa 'yo ni Haze?" tanong nito at para akong natigilan. 

Shit, ayan na, nakakahalata na ba si kuya Lorenzo? 

"Uh..." hindi ako makasagot, nagtagpo ang mga mata namin ni kuya Shawn at bahagyang napakunot ang noo nito bago umiling. 

Does that mean hindi alam ni kuya Lorenzo? Was that an assurance? 

"Okay lang naman po, sakto lang siya magpatakbo." sagot ko at tumango ang mga ito, si kuya Haze pa ay napagkantyawan ng mga kaibigan, binatukan pa nga ni kuya Lucas, eh. 

"Smooth driver naman pala si Alonzo, eh." Pang-aasar ni kuya Adrian, ang expert sa mga sasakyan sa kanila. 

Nag-angat ng ulo si kuya Haze mula sa spaghetti na kinakain nito at nagpahid ng tissue sa labi, "Tumahimik nga kayo, I did it cause Shawn forced me to. I didn't want to do it in the first place anyways." 

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com