TruyenHHH.com

Safe Flights Cap


It's the second week of our clinical. And it's almost the end of 2nd week. Unlike the first week, this week feels more hectic, more stressing. Mas marami na kaming ginawa, inuutusan na rin kami na hindi naman connected sa pag-aaral namin. Parang nasanay na ang mga tao rito na andito kami at itinuturing na kaming empleyado kahit ang totoo ay andito kami para matuto. 

Kung dati ay madalas ang pahinga namin, ngayon ay swertehan na ang makapagpahinga at walang doktor o nurse ang mag-uutos sa amin para ibili sila ng pagkain o ikuha sila ng kung ano pa man. 

Ala una ng hapon, ngayon palang ako magtatanghalian, sila Faye at Marga ay nakakain na kanina pero ako ay hindi dahil may doktor pa na nag-utos sa akin. Habang kumakain ay nag s-scroll ako sa IG stories ng mga kaibigan ko. Natigilan ako nang mapadaan sa IG story ni kuya Shawn. 

Gumuhit ang ngiti sa labi ko na utay-utay lumawak nang mapanood na nag ja-jamming ang buong congress. Nakatapat pa ang camera kay kuya Haze na siyang kumakanta habang busy sa kaniyang cellphone. 

Napatikom ako ng labi bago tumingin sa paligid para makita kung may nakatingin ba sa akin. Nang makitang wala ay saka ako napatakip sa bibig at napapadyak sa sahig. 

"Ano ka ba naman! Hinaharana mo ba ako?!" Medyo delusyonada na ako sa mga oras na ito. 

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago inulit-ulit ang video. Ang mga mata ko ay nakatutok kay kuya Haze na medyo malayo sa camera. Kahit si kuya Shawn ang pinakamalapit sa camera at siyang tumutugtog ng BeatBox ay hindi ko ito pinagtuunan ng pansin kundi sa crush kong pasimpleng kumakanta. 

Hindi ko nga makinig ang boses nito! Pero kung kiligin ako ay halos magwala na ako dito. 

Kahit tuloy gaano ako kapagod ngayong araw, ginanahan tuloy akong gumalaw ngayon dito sa ospital. Pagkatapos kumain ay bumuntot na ulit ako sa mga doktor. Parang hindi na ako napapagod, okay na, wala na yung pagod ko. Nakita ko na yung crushiecakes ko, eh. 


"Alam mo ba--" 

"Yung IG story ni kuya? Oo, nakita ko, kumakanta si kuya mo." Putol sa akin ni Faye habang naglalakad kami palabas ng ospital, napatawa ako bago ito hinampas sa braso, kinikilig. 

"Ikaw naman!" turan ko bago pagewang-gewang na naglalakad, kinikilig nang sobra. 

"Ang cute niya! Ang astig, like, pa-simpleng kumakanta lang, ganon!" May sinisipa-sipa pa akong bato sa daan. 

Narinig kong suminghal si Marga, "Kaya pala ang sipag mo kanina, isipin mo naman! Mula 3rd floor, dinala yung tray sa 43rd floor! Wow ha! Sana pala lagi kang kinikilig!" ani nito at napangisi ako, dire-diretso akong naglalakad nang biglang sumigaw sila Faye. 

"Cass! Saan ka? Dito tayo, oh!" Nang lingunin ko ang mga ito ay napagtanto kong sa ibang direksyon pala sila naglalakad at medyo malayo-layo na ako sa kanila. 

Napakunot ang noo ko bago tumakbo papunta sa kanila, "Saan tayo pupunta?" Taka kong tanong bago sinabayan na silang maglakad. 

"May bibilhin lang ako sa bookstore, naubusan ako ng sticky notes." sagot ni Marga at tumango ako. 

Nang makarating kami sa NBS ay hindi lang sticky notes ang binili nito kundi pati na rin bagong aklat. Kami naman ni Faye ay binili ang cute na notebook na nakita namin, bagay na di naman namin kailangan. 

Pagkatapos namin magbayad ay agad din kaming umalis, napadaan kami sa isang bakery at hindi ko napigilan ang hindi mapatigil nang maamoy ang bagong lutong brownies. 

"Huy! Saglit! May bibilhin lang ako!" Tawag ko sa dalawang nauuna sa paglalakad. 

"Isa nga po nito, miss." ani ko sa tindera bago kumuha ng pagbayad sa wallet. 

"Ang dami nating matamis sa kwarto, bumibili ka pa?" ani ni Faye at napangisi ako, "Hindi naman para sa 'tin ito. Para kay kuya Cap." Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Faye bago ako hinampas. 

Pagkadating namin sa dorm ay mabuti nalang na wala sa lobby sila kuya, kaya naman agad akong lumapit sa receptionist. 

"Hello po! Pwede po kayang makikibigay nito kay Haziel Vergara kapag dumating na siya?" Nakangiti kong turan sa receptionist, 

Tumango ito, "Yes po, si miss Cass nga po kayo diba?" tanong nila at nag-aalinlangan akong tumango, "Opo, pero, kapag tinatanong po kung sino ang nagbigay, huwag na huwag niyo pong sasabihin kung sino, please? Please po!" ani ko rito at napatawa ito bago tumango at tinanggap ang brownies. 

"Noted miss Cass." ani nito at nagpasalamat na ako bago kami umakyat sa kwarto. 

Pagka-akyat namin ng kwarto ay agad akong nagpalit ng damit para mamahinga, kagaya nila Faye at Marga ay nakatulog din ako sa pagod. 

Gabi na nang magising ako, hindi ko muna ginising ang dalawa at nagluto na ng hapunan namin. Ginising ko nalang sila nang tapos na akong magluto at kakain nalang. 

Habang kumakain ay nararamdaman kong matamlay ang dalawa, si Faye nga ay sinisipon pa at umuubo. 

"Ayos lang ba kayong dalawa? Mukha kayong himatlugin, eh!" Pabiro kong pang turan sa dalawa, pero bumagsak ang ngiti ko nang mukhang masama na nga ang pakiramdam nito. 

"Huy, masama ba ang pakiramdam niyo?" Seryoso kong tanong, napasapo si Faye sa noo nito bago tumango. 

"Oo yata, pero iinom lang ako ng gamot, mawawala rin agad 'to." sagot nito at tumango ako, 

"Ikaw Marga? Anong masakit sa 'yo?" tanong ko rito, "Sipon lang, gamot lang din sagot dito." sagot naman ni Marga. 

Nauna akong matapos kumain sa dalawa dahil mabagal ang galaw nila ngayon. Agad ko naman silang ikininuha ng gamot para mainom agad nila ito. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising para magluto ng almusal naming tatlo at para na rin maka-inom ulit sila ng gamot. 


"Bakit mukhang himatlugin 'yang dalawa?" tanong ni Matt nang magkita-kita kaming lima sa canteen, napatawa ako bago tumango, "Grabe ka! Nilalagnat 'yang dalawang 'yan kaya ganiyan." sagot ko at tumango si Matt, si Simon naman ay nag-angat ng tingin. 

"Eh kamusta na kayo ngayon? Masama pa rin ba pakiramdam niyo? Papasok  pa rin kayo?" tanong ni Simon sa dalawa, tumango si Faye at Marga. 

"Kailangan, tsaka lagnat lang 'to, mild lang naman." sagot ni Marga at tumango si Simon, "Ikaw Cass, masama rin ba pakiramdam mo?" tanong nito sa akin at umiling lang ako, pagkatapos namin kumain ay agad din kaming naggayak paalis. 

Sakto naman ang pagdating ng congress sa canteen. Nagdadalawang isip tuloy ako kung magpapatagal-tagal pa ba kami o aalis na. 

Akala ko ay ang makita ko lang si kuya Haze ngayong umaga ang magpapagana sa akin, pero nang makita kong kumakain ito ng brownies galing mismo sa kahon ng ipina-abot ko sa kaniya kahapon ay dumaloy nanaman nag kilig aking buong kalmanan. 

"Hoy, Cass, okay ka lang ba? Tara na?" Hinampas ako ni Marga sa braso kaya natauhan ako bigla, 

Nilingon ko ito bago tumango, "O-Oo, tara na?" Natatanga kong turan, bago umalis na sa canteen. Habang naglalakad palayo ay nililingon ko pa rin sila kuya Haze na mukhang pinaghatian na nila ang brownies. 


Pagkapasok namin ay ayos lang naman ang hitsura nila Marga at Faye, kasama ko pa nga ito ng mga unang isa o dalawang oras. Pero pagsapit ng lunch break ay lumapit sa akin ang dalawa, parehas namumutla. 

"Hoy! Anong nangyayari sa inyo?! Okay paba kayo?!" Taranta kong turan sa dalawa, umiling si Faye, "Hindi na, uuwi na kami ni Marga, lumalala yung lagnat namin. Nagpaalam na rin kami kila doc." sagot nito at agad akong tumango. Inihatid ko pa ang dalawa sa labas ng ospital sa pagsakay ng taxi pauwi sa kanilang mga bahay. Paniguradong family doctors nanaman nila ang mag che-check-up dito. 

Hindi tuloy ako napanatag buong hapon. Hanggang sa pag-uwi ay natutulala ako, ngayon lang ako uuwi ng mag-isa. 

"Miss, bakit mag-isa ka lang? Gusto mo ba samahan na kita--" Sinamaan ko ng tingin ang lasing na nadaan ko. 

"Gago! Pangit mo!" sigaw ko bago mabilis na humaripas ng takbo, mabuti naman at hindi ito humabol, lasing na lasing na siguro. Nakakatakot yun! Pero bad trip ako kaya mas nangibabaw ang inis kaysa takot sa akin. 

Pagdating ko ng school ay nag-report muna ako sa prof namin tungkol sa pag-uwi nila Faye at Marga at baka absent din muna sila sa mga susunod na clinical. Mukhang na-overwork ang dalawa at hindi sanay sa ganoong pagod. 

Pagdating ko ng canteen ay nakita ko sila Simon at Matt na kumakain, hindi nakalampas sa paningin ko na buong congress ang nasa katabi nilang table. 

"Oh, sila Marga at Faye?" tanong sa akin ni Simon nang naupo ako sa tabi nito, napahalumbaba ako sa lamesa. 

"Umuwi, parehas nilalagnat." sagot ko rito, nakita ko pa na napalingon sa akin si kuya Shawn, alam na kaya nito ang nangyari sa kaniyang kapatid? 

"Edi mag-isa kang umuwi?" tanong ni Simon at tumango ako, "Oo, may mga bastos pa ngang nag-iinom sa daan, mga gago, ang papangit!" turan ko at parehas napakunot ang noo ng dalwa kong kaibigan. 

"Kamusta ka? Anong ginawa mo?" Bakas sa boses ni Simon ang pag-aalala, napatawa ako, "Ayun, sabi ko 'gago' tapos 'pangit mo' basically inaway ko lang." Nakangisi kong turan, napasaltik ng dila si Simon. 

"Mabuti nalang hindi ka ginago ng mga yun." ani nito at tumango ako, "Delikado yun Cass, mabuti nalang talaga hindi ka sinundan." Dagdag ni Matt, napatawa ako sa dalawa, "Kalma, buo pa ako, oh." ani ko bago tinapik sa balikat si Simon na napabuntong hininga at umiling. 


Hindi ako sanay na mag-isa ako sa kwarto namin. Kaya naman mabuti nalang at kinabukasan ay Sabado, naisipan ko na bumisita sa bahay nila Marga at Faye. Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng prutas para sa dalawa. 

Nauna akong pumunta sa bahay ni Marga, sinalubong agad ako ni tita Melody. 

"Kamusta po si Marga?" tanong ko rito, "Ayun, may trangkaso, masyado yatang napagod sa clinical niyo." sagot ni tita at tumango ako, "Yun na nga po, nabigla siguro ang katawan niya. Gising na po ba siya?" tanong ko rito, 

"Ay naku, tulog pa, gisingin ko ba?" tanong ni tita at agad akong umiling, "Ah hindi na po, makikibigay nalang po sa kaniya nito." Ini-abot ko kay tita ang shopping bag na laman ang prutas na para kay Marga. 

"Aalis na rin po ako, kay Faye naman ako bibisita." Paalam ko kay tita, gusto pa ako nitong pakainin pero nakakahiya dahil hindi ko naman kasalo si Marga. 

Isang sakay lang ang papunta kila Faye, pagdating ko sa labas ng bahay nila ay agad akong pinagbuksan ng katulong. 

"Salamat po!" ani ko bago dire-diretso sa loob, ang sumalubong naman sa akin dito ay si kuya Shawn. 

"Ipinapatawag ko na si Faye, nasa kwarto pa, ayaw bumaba kanina." ani nito at nahihiya akong tumango, nakita ko itong papunta sa kusina, sumunod ako rito para ilagay ang prutas na dala ko sa fruit tray nila. 

"According to our doctor, Faye is currently suffering from the flu. She should be well in a week, I hope." ani ni kuya Shawn habang nagluluto, hindi ko napansin kanina na nakasuot pala siya ng apron.

Utay-utay akong tumango, "Parehas po sila ni Marga na may sakit ngayon." ani ko at nilingon ako ni kuya Shawn. 

"How about you? Kamusta pakiramdam mo?" tanong nito, "Okay lang naman po ako, surprisingly. After going through the same thing as Faye and Marga. Idagdag pa na lagi kaming magkakasamang tatlo, hindi naman nila ako nahawaan." sagot ko at tumango ito, "I guess you have strong immune system" ani nito bago muling hinarap ang kaniyang niluluto. 

Ilang segundo kaming natahimik, busy ako sa pag-aayos ng mag prutas nang tawagin ako ni kuya Shawn. 

"Cass? Can you please come here? I want to know your thoughts about this." Tawag nito, dahil patay gutom ako, lumapit agad ako para tumikim. 

"Mainit, ihipan mo muna." Hawak ni kuya Shawn ang sandok sa harap ng bibig ko ay dahan-dahan kong tinikman ang luto niya. 

Ilang segundo akong natahimik at hindi agad sumasagot, masarap naman siya para sa akin. 

"I want you to be brutally honest." ani nito at utay-utay akong tumango, "Medyo maalat po." sagot ko agad, napahagikhik ito nang bahagya bago tumango, nagulat ako nang bigla itong lumapit sa akin para may abutin sa likod ko. Napahakbang ako paurong at napadikit ang aking likuran sa counter nang maramdaman ko ang katawan ni kuya Shawn na dumikit sa akin. 

Nang lumayo na ito ay napabuntong hininga ako, ang bango pala ni kuya Shawn. Ngayon lang ako naging ganon kalapit sa kaniya. 

"Hoy! Anong ginagawa niyong dalawa!" Parehas kaming napalingon ni kuya Shawn kay Faye na nasa pintuan ng kusina. 

Tumakbo si Faye papunta sa akin, "Tara na Cass, 'wag ka diyan kay kuya." ani nito bago ako hinigit papalabas ng kusina at dinala ako sa dining. 

"Ikaw ha! Nakita ko yun! Yung magkalapit kayo, ano yun, ha?!" Eskandalosang tanong ni Faye, napatawa ako bago napa-iling at sumandok na ng kanin. 

"Alam mo naman na kay kuya Haze ako diba?" Bulong ko rito, "Tsaka may inabot lang si kuya sa likod ko. Napaka-issue mo!" Dagdag ko rito at napangisi ito. Sabay kaming nag-almusal ni Faye at kinamusta ko na rin ito. Kung ano ang sinabi ni kuya Shawn ay siya ring sinabi sa akin ni Faye. 

"Allison, I'll be out with my friends, do you need something?" Napa-angat kami ng tingin ni Faye kay kuya Shawn nang inilapag nito sa lamesa ang beef and mushroom na niluluto niya kanina. 

"Hmmp! Ayaw! Wala! Hindi mo ako ibinili ng Dimsum kagabi!" Parang bata na pagmamaktol ni Faye kaya napatawa si kuya Shawn. 

"Come on, sorry na nga. May gusto kaba ngayon? Pupunta lang ako kila Haze, may gagawin kami." Parang tumayo ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni kuya Haze.

Nakita kong nilingon ako ni Faye at may ipinaparating ang reaksyon niya. "Ahh... kay kuya Haze? Sama kami!" Nanlaki ang mata ko at napalingon kay kuya Shawn na napakunot ang noo. 

"Pwede naman... pero--" 

"Hindi na po kuya! Dito nalang po kami ni Faye." Putol ko rito, may pilit na ngiti. 

Utay-utay tumango si kuya Shawn, "Alright, Allison, if you need something, just message me, promise ibibili na kita this time." Pinandilaan pa ni Faye si kuya Shawn bago ito tuluyang umalis. 

Nang tuluyang naka-alis si kuya Shawn ay sinamaan ko ng tingin si Faye. 

"Ano kaba?! Baka makahalata si kuya Shawn!" Saway ko rito at napatawa ito, "Ano ka ba! Hindi yun! Walang pake si kuya sa ganiyan!" ani nito at napa-irap ako bago nagpatuloy sa pagkain. 


I spent the whole day there. Dahil wala akong kasama sa unit at tinatamad din ako magluto. Tsaka libre lahat dito, kasama pa ang miryenda at dessert. Kapag andito ako, nagsasarili na akong magbukas ng ref. Wala rin dito sila tita at tito kaya hindi ako nahihiya. 

Nakitulog lang naman ako sa kwarto ni Faye, kahit sa sofa lang ako natulog ay ayos lang. Nag-chismisan na rin kami ni Faye pero siyempre mas pinagpahinga ko ito para gumaling na siya agad. May mga gamit din itong ipapadala sa akin sa unit gaya nalang ng mga board games niya na hindi raw niya nalalaro dito sa bahay nila dahil lagi rin naman siyang nasa dorm.

Dito na rin ako pinaghapunan ni Faye at siyempre, hindi ako tumanggi rito. Nag-dessert pa kami ni Faye bago ako hinayaan na umuwi na. Inihatid pa ako nito sa may gate nila nang biglang dumating is kuya Shawn. 


"Going home na?" Ibinaba nito ang bintana niya, "Uuwi na raw, kuya. Hatid mo na nga!" ani ni Faye at nanlaki ang mata ko bago ito nilingon. 

Pinanlakihan ako ng mata ni Faye, "Magpahatid kana! Delikado na umuwi ka mag-isa!" Itinulak ako nito papunta sa sasakyan ni kuya Shawn. 

Napilitan na tuloy akong pumasok sa passenger seat. "Sorry po sa pag-abala sa inyo, si Faye kasi." Nahihiya kong turan nang isara ko ang pinto. 

Napatawa si kuya Shawn bago pina-andar ang sasakyan. "It's nothing, we want you to get home safe." sagot nito at nahihiya akong tumango. 

"Just tell me your address." Dagdag nito at napagakat ako sa pang-ibaba kong labi, "Ahm... sa dorm pa rin po ako nakatira." Highschool palang ay nabanggit ko na rito na sa dorm ako nakatira kahit bakasyon o Holiday, siguro ay nakalimot si kuya o hindi lang niya inaakala na dito pa rin ang permanent address ko. 

"Still? Hindi ka pa rin umuuwi?" tanong nito at tumango ako, "It's been years since you started living sa dorm, lahat na siguro ng gamit mo sa bahay niyo ay nasa dorm." ani nito at napatawa ako bago tumango. 

"Hindi naman po since each year ay napapalipat kami ng room, ang kaibahan lang, ako, after school year ends, lumilipat na agad ako ng kwarto." sagot ko at nag-hum ito. 

"Why don't you stay sa bahay nalang kapag summer vacation? You're like a sister to Faye na rin naman." tanong nito at napa-iling ako. 

"Naku kuya! Nakakahiya naman! Siyempre you and your family still needs privacy diba, nakakahiya naman if andoon ako araw-araw." sagot ko at napatawa ito bago tumango. 

"But you do know that our house is always open for you, diba?" tanong nito at tumango ako, 

The rest of the car ride felt okay. Dahil na rin siguro na kapatid siya ni Faye at matagal ko nang kilala si kuya Shawn ay hindi na ako nahihiya. Pero kapag iniisip ko na kaibigan niya si kuya Haze ay saka naman ako tinatamaan ng hiya. 

Pagdating namin ng dorm, akala ko ay ibaba lang ako ni kuya Shawn, nagulat ako dahil kinuha niya ang tatlong board games na ipinadala sa akin ni Faye at nauna pang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. 

"Dahan-dahan, medyo maputik yung lupa." ani nito pagkabukas ng pinto, "Ah, thank you po." ani ko rito pagkalabas ng sasakyan. 

Kukunin ko sana sa kaniya ng board games nang ilayo niya ito mula sa akin, "Ihahatid na kita sa taas, si Faye kasi, pinagdala kapa ng kung ano-ano." ani nito at napatawa nalang ako bago tumango. 

Pagkahatid sa akin ni kuya Shawn sa kwarto ay agad din itong nagpaalam at umalis. Naiwan nanaman akong mag-isa sa kwarto, ang tahimik kapag wala ang dalawa, malungkot ang paligid, nakakatamlay. 


Kinabukasan ay maaga akong nagising at hindi na nakatulog ulit. Kaya naman naisipan ko nalang mag jogging sa loob ng campus. Hindi ko na naisipang lumabas pa ng campus dahil baka mabangga lang ako dahil nakasuot pa ako ng headphones. Hindi ko maririnig ang sasakyan kapag binubusinahan na ako. 

Bandang alas syete nang maglakad na ako pabalik ng dorm. Napadaan ako ng basketball court, doon ay humiram ako sa mga bolang nasa court at doon ay nagsariling maglaro kahit hindi naman ako maalam. Ang ending ay habol lang ako nang habol sa bola. 

Hindi ko namalayan na may iba na palang tao sa court nang ito ang kumuha ng tumalsik kong bola. 

Natagilan ako nang naglakad palapit sa 'kin si kuya Haze hawak-hawak ang bola. 

"Naglalaro ka pala?" tanong nito, para akong nawalan ng boses at napatango na lamang, he's wearing a black sleeveless shirt and a pair of red shorts. He's also wearing a garterized headband, pushing his hair back. 

Tinatamaan nanaman ako ng kilig, ang gwapo niya! He's giving a cool basketball player na playboy! 

Napa-iling ako, "Hindi po, naisipan ko lang." Nahihiya kong sagot at tumango ito. Kahit siguro ilang beses na kaming nagkaka-usap at nagkakatagpo ni kuya ay matatanga at matatanga pa rin ako sa tuwing aksidente kaming magkikita. 

Tumango ito bago i-dribble ang bola, "Would you like to learn? Maglalaro kaba sa girl's basketball sa sport fest?" tanong nito at agad akong umiling. 

Hala siya! Balak ba niya akong turuan maglaro?! Hindi ako magtuto kapag ganiyan! Tsaka maiinis lang siya sa 'kin dahil hindi ako matututo. Ma tu-turn off lang siya sa akin. 

"Hindi na po, na-trip-an ko lang naman maglaro, pauwi na rin po ako, eh." ani ko at tumango ito. 

"Ah sige," Nilampasan na ako nito bago nag-dribble ulit at nag-shoot. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago lumabas ng court na kinikilig at halos mapunit nanaman ang mga labi sa lawak ng ngiti ko. 

Pagka-uwi ay gumawa lang ako ng toast at kape para sa almusal. Pagkatapos ay naligo na rin ako at nag-ayos ng damitan ko pagkatapos. Pagkakain ko naman ng tanghalian ay nakatulog ako na napasarap pa. Alas sais na ng gabi nang magising ako, akala ko nga ay madaling araw na kaya kinabahan ako. 

Naghahanda palang ako ng paglulutuan ng hapunan nang may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko nito ay agad pumasok si Simon. 

"Tulog ka 'no? Di ka sumasagot sa messages ko." ani nito habang may inihahaing pagkain sa lamesa. Nanlaki ang mata ko at agad kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko. Shaks! Daming message ni Si! 

"Sakto, bumili ako ng hapunan, sabay na tayo." Pag-aaya nito, gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko bago bago nagtatalon palapit sa kaniya. Naupo na ako sa bangko at pinanood nalang siya na maghain. Ang saya naman kapag bumibisita si Simon. Siya na ang nag-aasikaso ng lamesa at para akong prinsesa na pinagsisilbihan. 

"Wews! Lechong kawali! Ka-miss!" Natakam ako sa ulam na dala niya, "Hindi ba kayo nagluluto ng  ganito?" tanong niya at umiling ako, "Pare-parehas kaming takot mag-prito, tumatalsik kasi ang mantika. Palakasan nalang talaga ng loob kapag gusto ng friend chicken." sagot ko rito at napatawa ito. Naupo na ito sa harap ko at sumandok na ako ng kanin. 

"Paano ka bukas? Mag-isa kang papasok?" tanong niya at tumango ako, "Siyempre naman," sagot ko at tumango ito, "Bakit hindi ka sumabay sa iba mong ka-blockmates?" tanong ulit nito, 

Napa-ismid ako, "Nakakahiya kaya! Hindi naman ako close sa iba. Kaya ko naman na pumasok mag-isa, eh." ani ko at tumango ito. 

Pasalamat ako na marami ang biniling kanin at ulam ni Simon dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na ako. Ang balak ko pa man din sanang lutuin ay tortang talong lang pero dahil sa kaniya, mas nabusog ako. 

"Iihi lang ako." Paalam ko rito pagkatapos kumain, tumayo na ako at iniwan muna siya sa lamesa. 

Pagkalabas ko ay laking gulat ko dahil malinis na ang lamesa at nasa lababo na si Simon, naghuhugas na ng pinggan. 

"Hoy! Ako na diyan! Ikaw na nga ang nagdala ng pagkain, ikaw pa maghuhugas!" Nilapitan ko ito at akmang aagawin ang sponge nang itinaas niya ito. Bastos! Alam na hindi ko yun abot! 

"Akin na nga!" Tinalon-talon ko pa para abutin ang sponge pero tinatawanan lang ako nito dahil hindi ko maabot ang sponge na nasa taas. 

Napasimangot ako sa inis bago  sumandok ng bula mula sa isang mangkok at inihalos ito sa kaniya. 

"Cass!" Napasigaw ito bago piniga sa ulo ko ang sponge, "Ang gago mo!" Binuksan ko ang gripo bago ito binasa ng tubig. 

"Hoy! Cass!" Napasigaw ito habang patuloy kong binabasa, ako naman itong parang batang naliligayahan sa ginagawa at humahalakhak pa. 

"Cass! Tama na! Basang-basa na ako!" sigaw nito at pinandilaan ko ito, "Ako rin kaya! Puro bula yung ulo ko!" sabat ko rito, napapalirit ako nang bigla ako nitong higitin at niyapos sa magkabilang braso para matigil sa pambabasa sa kaniya. 

"Si!!" sigaw ko habang nagpupumiglas, isang kamay lang ang gamit niyang pang-yapos sa akin habang ginamit niya ang isa para patayin ang gripo at hilamusan ang mukha. 

"Sige na, ikaw na maghugas, pahiram nalang ako ng damit. Basang-basa ako, oh!" ani nito at napahagalpak ako ng tawa. Binitawan ako nito at pinandilaan ko ulit 'to, "Sige na, umalis kana diyan, ikukuha kita ng damit." ani ko bago iniwan ito sa kusina at pumasok ng kwarto. Nagpalit rin muna ako ng damit at pinunasan ang ulo bago ito ikinuha ng t-shirt. Sakto at may malalaki rin akong damit na kakasya sa kaniya. 

Pagkabalik ko ay ibinigay ko na ito sa kaniya at nagsimula na akong maghugas habang siya naman ay nagbihis na. Dahil kaunti lang naman ang ginamit namin ay mabilis akong natapos maghugas. Nag-stay pa si Simon sa kwarto ng ilang minuto dahil naki-inom pa ito ng juice at nakinood ng TV bago umalis at bumalik sa kwarto nila. 

Kinabukasan, gaya ng inaasahan ay mag-isa akong pumasok. Pagdating naman sa ospital, kahit maraming tao ang nakapaligid sa akin, pakiramdam ko ay mag-isa lang ako dahil walang Faye at Marga na kumakausap sa akin. 

Tinamad na akong magbaon kaya naman sa canteen na ng ospital ako nagtanghalian. Mabilis lang natapos ang araw sa 'kin ngayon. Pagsapit ng alas tres ay agad akong nag-out at umalis ng ospital. Naglalakad ako sa sidewalk nang humarurot ang isang motor sa likod ko na medyo naka-agaw ng attensyon ko. 

Malayo-layo na ito nang tumigil, ako na wala namang pake ay dire-diretso lang naglakad sa gawi nito. Nakita kong lumingon ang driver nito pero hindi ko nakilala, nang nakita ko itong nag u-turn ay na-alarma ako. Hinigpitan ko ang hawak sa bag ko at tatakbo na sana nang sumigaw ang driver. 

"Cass!" Agad kong nabosesan ang driver, "Kuya Haze?!" Taka kong turan nang tumigil ito sa gilid ko, inalis nito ang helmet at si kuya Haze nga ito, "Sakay na, papunta rin ako ng univeristy." ani nito at nanlaki ang mata ko. 

"Huh? 'Wag na po! Nakakahiya!" 

Isa pa please! Mag-insist ka na sumakay ako! Please! Please! Pilitin mo ako! 

I saw how his brows furrowed, "Come on, it's dangerous for you to walk alone. Sakay na." ani nito at sa pagkakataong ito ay tumango na ako, kunyari pakipot. 

"Sige na nga po, may helmet--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang i-abot nito sa akin ang kulay pink na helmet, wow ha. 

"Ayan, safety first." ani ko bago isinuot ito sa ulo ko, medyo nahirapan pa akong i-lock ito dahil sa mga dala ko, nagulat nalang ako dahil kinuha ni kuya Haze ang gamit na nasa braso ko para maisuot ko nang maayos ang helmet. 

Ini-abot nito sa akin ng mga papeles ko, "Thank you po," nahihiya kong turan, inayos nito ang porma ng motor. 

"Have you ride a motorcycle before?" tanong nito at umiling ako, "No po," Para akong bata na sumagot. Iba ang histura ng motor niya kumpara sa iba. Pero nakakatakot sakyan, ang laki masyado. Big bike ba ang tawag dito? 

Narinig ko itong nag-hum, "Sakay na," parang nagmamadali na siya, kaya naman kahit kabado ay sumakay ako sa motor niya, hindi naman ako bano sa motor pero ito talaga ang unang beses na sasakay ako sa isang motor. 

"Kapit," Nabingi yata ako, "Po?" Taka kong tanong, narinig ko itong humagikhik. Nagulat ako dahil kinapa nito ang kaliwa kong kamay na walang hawak bago inilagay sa kaniyang beywang. 

"Humawak ka, mahuhulog ka kung di ka hahawak. Tapos lumapit kana rin, masyado kang malayo sa 'kin." ani nito at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi, nagpipigil ng ngiti at palirit. 

"Kumapit ka, ha?" Pag-uulit  nito bago pina-andar ang motor. "Ay!" Sa hindi ko sinasadya ay idinikit ko ang mukha ko sa likod niya dahil napahigpit ang kapit ko sa kaniya. Nagulat kasi ako sa biglang pagtakbo ng motor. 

"Okay kalang diyan?" tanong nito habang nagpapatakbo, agad ko namang inilayo ang mukha ko mula sa likod niya bago tumango, "Opo," sagot ko rito, nahihiya pa ako dahil nakakapit ang kaliwang kamay ko sa kaniya, nahihiya akong ibalot rin ang kanan kong kamay sa beywang niya pero nakakapit naman ako sa damit niya sa likod. 

Hindi ko na napigilan ang amuyin siya at gaya ng inaasahan ko ay sobrang bango nito. Kung kanina ay medyo takot ako, ngayon ay gumaan na ang pakiramdam ko. Idagdag mo pa na kinikilig na talaga ako. I didn't imagine this to happen. I didn't actually think he would let me ride his motorcycle. I didn't imagine I would get to put my hand on his waist and us to be this close to each other.

"Sa gate niyo nalang po ako ibaba, kuya." ani ko rito nang malapit na kami sa gate ng dormitory. Hindi sumagot si kuya bagkus ay lumampas sa gate. Nagparte ang mga labi ko habang habol ng tingin ang gate. 

"Kuya?" tinawag ko ito dahil baka hindi niya ako narinig, pero sumagot naman ito, "Hmm?" 

Parang umurong ang sikmura ko nang makita na papunta kami sa gawi harapan ng dorm kung nasaan ang pitong congress. 

"Kuya," tawag ko nanaman dito, bumitaw ang kaliwa kong kamay sa kaniya at naramdaman ko na ang pag-init ng magkabila kong pisnge. Idagdag mo pa na nakita na kami nila kuya Lorenzo at naituro  na kami sa ibang congress, lahat sila lumingon sa gawi namin. 

"Bakit dito?" tanong ko nang tumigil ang motor sa harap mismo ng pito niyang kaibigan na lahat nakaharap sa amin. 

Bumaba na ako at nahihiyang tumingin sa congress, lahat sila nakatingin sa 'kin, may nakakalokong ngisi sa mga mukha nila. Nilingon ako ni kuya Haze nang bumaba ng motor at nagtanggal ng helment niya. 

Pinagtaasan niya ako ng kilay, "Bakit hindi?" ani nito bago kinuha nanaman ang mga papel sa braso ko, "Yung helmet," itinuro niya ito, natauhan ako bigla at nagkusa na tanggalin ito. Di manlang ako ipinagtanggal, walang ka-sweet-sweet!

Ini-abot ko ito sa kaniya at ini-abot naman niya sa akin ang attache case ko. Narinig kong may humagikhik sa congress kaya napalingon ako rito. 

Tumuro sa akin si kuya Howard, "Bakit kayo magkasama?" tanong nito, nang-aasar pa yung mukha niyan na parang nanadya siyang magtanong pa.

Si kuya Haze na nakatalikod sa amin at animo'y walang pake ay nagkibit balikat, "Nadaanan ko lang." sagot nito habang may inaayos sa kaniyang bag.

Nag-alis ako ng tingin kay kuya Haze bago nahihiyang nagablik ng tingin sa congress, pinagtaasan ako ng kilay ni kuya Edward, ako ba o yung sinabi ni kuya? 

"Saan mo nadaanan?" tanong ni kuya Edward, humarap sa amin si kuya Haze habang umiinom ng Gatorade. 

"Sa may ospital, doon yata sila nag cli-clinical?" Hindi sigurado ang sagot nito. Humagikhik si kuya Shawn bago napa-iling, "Fool, ang paalam mo sa Taft Avenue ka pupunta. Paano ka nakarating ng Ayala kung saan sila nag cli-clinical? Hindi mo yun madadanan papuntang university." 



--------

A/N: ang hirap ng hindi taga Manila please, hindi ako familiar sa mga lugar HAHAHHAHA 

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com