Safe Flights Cap
"Eh!? Talaga? Ginawa ni Haze yun?" gulat na tanong ni ate Sav, andito kami ngayon sa isa sa mga classroom sa aviation building. Tapos na ang klase at madilim na rin ang langit, nakasalubong namin si ate Sav kanina at napa-kwento kami tungkol sa nangyari noong isang gabi at napatambay na kami dito habang nag-aaral.Tumango si Faye, "Opo! Isinigaw niya talaga! As in, alam niyo yung mga nangyayari sa movies!? Ganun! Yung mga tao sa lobby, napatingin sa kanila!" Kinikilig-kilig na paliwanag ni Faye. Mabuti nalang at walang ni-isang congress dito ngayon o kahit sinong ibang tao. Napatakip sa bibig si ate Sav, "Talaga ba? That is very not Vergara, ha!" ani nito at napapalirit si Faye habang napasapo ako sa noo ko. "Diba ate?! Kasi, si kuya Haze, na itago na raw natin sa ngalan na 'Kuya Cap' he's very shy type diba? Kung magpapasalamat man siya kay Cass, mahina lang, bulong, o di kaya ay sa chat, pero yung sigaw!? Wooh!" Napapaypay si Faye sa kaniyang sarili gamit ang isang reviewer nito. Nakita kong kumunot ang noo ni ate Sav, "Kuya Cap? Bakit ayaw niyong tawagin sa pangalan niya?" takang tanong nito, "Dahil ayaw niya na may ibang makarinig na pinag-uusapan namin si kuya Haze, ayaw niyang i-name drop." sagot ni Marga at lalong nagtaka si ate Sav. "Bakit naman? Ano naman kung may ibang makarinig?" tanong nito, napabuntong hininga ako. "Alam mo ba ate na simula noong gabing yun na may mga nakarinig sa lobby sa sinabi ni kuya Haze, I get the glance from other girls." Paliwanag ko bago napahagalpak ng tawa si ate Sav. "Oo nga pala! Nakalimutan ko na bukod sa maraming nagkakagusto kay Haziel ay maraming mai-issue sa school." ani nito at napasapo nanaman ako sa mukha ko. "Ano nga ulit yung eksaktong sinabi ni Haze?" tanong ni ate, "Salamat nga pala kagabi, sorry rin dahil na-abala kita!" Humagalpak ng tawa si Faye pagkatapos gayahin ang pagkakasabi ni kuya. "Yun! Yun ang dahilan! Akala nila kung ano ang ginawa niyo ni Haze." May halong pang-aasar sa boses ni ate Sav kaya napasimangot ako. "Ate naman, ehh!!" Napatakip nanaman ako sa mata ko, namumula na yata ako, oo nga, namumula na ako. Iniisip ko palang kung ano man ang pumapasok sa isip ng iba ay parang kakapusin na ako ng hininga. Noong isinigaw iyon ni kuya Haze ng gabing yun ay para akong natanga. Halos hindi ko nga ma-alala ang sinabi niya kung hindi pa inulit-ulit sa akin nila Marga sa kwarto. Tanging ngiti nalang ang naisagot ko kay kuya Haze ng gabing yun bago umalis. Pinangunahan ako ng kilig at pagka-tanga kaya hindi ako nakasagot nang maayos. "Pero kamusta naman kayo ni Haze?" May nakakalokong ngiti sa labi ni ate Sav bago inangat-angat ang magkabila niyang kilay. Doon ay napanguso ako bago bumuntong hininga at ibinaba ang tingin ko sa papel sa harap ko. "Hindi nga ako pinapansin. Para siyang sira, matapos siyang gumanon noong isang gabi ay hindi siya mamansin! Ang ingay-ingay at ang harot-harot pa niya kapag lasing! Tapos in normal basis, halos lingon ay hindi manlang!" Napasinghal ako, si Marga ay narinig kong humagikhik sa tabi ko. "Yun, very Haze na yun." ani ni ate at napa-iling ako. "Pero naisip ko..." kaming tatlo ay napa-angat ng tingin kay ate Sav. "Na-aalala kaya ni Vergara yung mga ginawa niya at pinagsasabi niya noong lasing siya?" ani nito at napasinghal ako bago umiling. "Siguro ay hindi na po, wasted na siya nun, grabe. Tapos nalaman ko pang nabugbog na pala siya noong 2nd year siya kaya hindi ko na iniwan sa 7/11" sagot ko rito at tumango si ate Sav. "Grabe naman ang caring mo dun sa isa. Siguro ay mahiya-hiya yun kapag na-aalala niya ang mga pinaggagawa niya. Isipin mo yun, you had to call his friends just because he passed out. Iba ka, Cass, iba ang tama mo kay Haziel!" Napa-iling si ate at napahagikhik nalang ako habang umiiling din. Naagaw ang atensyon naming tatlo nang may biglang kumatok sa pinto, si kuya Edward? "Anong ginagawa niyong apat dito? Mag-gagabi na, Savanna, idinamay mo pa talaga 'yang tatlong 'yan sa pagtambay mo rito." ani nito at napa-ismid si ate Sav. "Siraulo, nag-aaral kaya kaming tatlo." sagot ni ate Sav, napakamot sa ulo si kuya Edward. "Kahit na, umuwi na kayong apat. Sa dorm na kayo mag-aral. Gabi na oh, delikado na kayo rito." sagot ni kuya Edward, napasimangot ako at ganun din sila bago kami tumayo na at inayos ang mga gamit namin. Hinintay pa kami ni kuya Edward at sinamahan hanggang sa makababa ng building. "Umuwi na kayong apat, mag-iingat kayo." Pa-alala ni kuya Edward, tumango lang kaming apat bago nakita itong pumasok sa isang sasakyan. "Saan kayo?" sigaw ni ate Sav, dumungaw si kuya Edward mula sa pintuan ng sasakyan, "May pupuntahan lang!" ani nito bago isinarado na ang pinto at pinanood naming umalis ang sasakyan.
Pagdating namin ng dorm ay dumiretso na kami agad sa kwarto namin at doon ay inilabas ang mga dapat namin aralin. Malapit nanaman ang mid term namin kaya bigayan na ng mga quizzes ang profs namin. Mabuti naman at hindi ito nagsasabay-sabay kagaya ng dati. Kung hindi ay baka magsariling lumabas ang utak ko."Umorder nalang tayo ng hapunan? Nakakatamad magluto." ani ni Marga, nasa isang oras na yata kaming nakaka-uwi at nag-aaral, gabi na rin kaya nakakatamad na talaga magluto. Tumango ako, "Sige, ako kahit ano basta chicken." ani ko at napatawa si Faye. "Kahit ano basta chicken," pag-uulit nito kaya napatawa rin ako habang sinamaan ako ng tingin ni Marga. Mabilis naman kaming naka-order agad dahil nagkasundo naman kami sa Tokyo-Tokyo. Kalahating oras ang nakalipas at dumating na ang order namin. Kami na ni Marga ang kumuha nito sa baba habang si Faye ang nag-ayos ng lamesa.
"Huy! Tingnan mo 'to!" Habang kumakain ay biglang nanghampas sa braso si Faye, may laman pa nga ang bibig nito, eh.
Post ito ni kuya Shawn sa kaniyang Instagram story, nasa bar nanaman sila. "Woooh!" Napatawa kaming tatlo nang umalingawngaw ang sigaw mula sa IG story ni kuya Shawn, nagkakasayahan nanaman ang congress, ito siguro ang sinasabi ni kuya Edward kanina na pupunta nila. "Ingay naman nila." ani ni Marga at napakunot ang noo ko, "Bar nga diba? Saan ka nakakita ng bar na parang lamay sa tahimik?" Sabat ko rito, sumimangot ito bago umirap. Nag-swipe si Faye sa kasunod na story at agad iniharap sa akin ang cellphone niya. Bakas ang gulat sa mukha nito, "Tingnan mo naman ang kuya mo, oh. Grabeng pogi, naku, kung ako sa 'yo, mag o-overthink ako na may mga babaeng lalapit sa kaniya!" ani ni Faye, napasinghal ako bago inilayo sa mukha ko ang cellphone niya. "Sus, di 'no, bahala siya diyan."
Jusko po ang pogi niya! I must say, he looks extremely attractive in that photo. He's dressed in a cream or beige button-up with the top two buttons undone, displaying a little portion of his chest and collarbone. He's giving a peace sign in the photo, and to top it off, he's wearing shades. He wasn't smiling, but he was pouting in the photo. He was giving an expensive party-boy vibe. And what's funny is that he's exactly like that.
"Ito pa Cass, panoorin mo!" Muling iniharap ni Faye sa mukha ko ang cellphone niya. Doon ay nag-play ang video nila kuya Lorenzo at Lucas na sumasayaw sa tugtog, nahagip sa likod ng video si kuya Haze na tahimik lang naka-upo sa sofa habang sumisimsim ng alak. Nang lumibot ang camera ay kitang-kita ang ibang congress na nakatayo, sumasayaw o di naman kaya ay may kinakausap na babae. Inilayo ni Faye ang camera, "Bait naman ng kuya Haze mo." ani nito habang nakangisi. "Patingin nga ako, patingin!" Inagaw ni Marga ang cellphone ni Faye, napa-iling ako bago sumubo ng kanin. "Diba nga, shy type ang crush mo. He's really just there for the drink and his friends and not for something else." ani nito at tumango ako na animo'y naiirita na. "Oo na na, oo na, ito naman! Tama na ang usapang kuya Cap, kumain na tayo, mag-aaral pa tayo, oh." ani ko sa dalawa bago ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos ay itinapon lang namin ang mga pinagkainan. Ang dalawa ay ipinagpatuloy na ang pag-aaral habang ako naman ay naligo muna at nagpalit ng damit bago bumalik sa pag-aaral. Mag a-alas dose na nang masiyahan ako sa inaral ko. Nang magligpit ako ng mga gamit ko ay nagligpit na rin ang dalawa. Nauna akong pumasok ng bedroom dahil may inasikaso pa sila Faye at Marga, habang hinihintay ang mga ito ay nagbukas muna ako ng Instagram at tiningnan ang IG story ni kuya Shawn. Wala namang bago, iyon pa ring kaninang ipinakita sa akin ni Faye. May nadagdag man pala pero picture lang ito ng mga inumin nila. "Naka-uwi na kaya sila?" tanong ko sa sarili ko, sakto naman na pumasok na sila Faye at Marga kaya napa-upo ako sa kama. "Faye, makikitanong nga kay kuya Shawn kung naka-uwi na sila." turan ko, nakita kong kumunot ang noo ni Faye. "Sige, wait lang." ani nito bago isinara ang pinto sa likod niya. Napabuntong hininga ako bago napatingin sa may bintana, naka-uwi na kaya sila? Naka-uwi na kaya si kuya Haze? "Naka-uwi na raw sila," nilingon ko si Faye, utay-utay akong tumango. "Si kuya Haze kaya?" tanong ko rito at pinanliitan ako nito ng mata. "Gusto mo ba itanong--" "'Wag na, wag na." Agad kong putol rito, nahiga na ako sa kama bago nagbalot ng kumot at tinalikuran sila. Pumikit na ako at sumubok matulog pero binabagabag ako ng isipin na baka nasa 7/11 nanaman si kuya Haze at makatulog nanaman ito doon. Baka mangyari nanaman yung mangyari noong isang gabi, o di naman kaya ay yung nangyari dalawang taon na ang nakakalipas, napa-praning na yata ako. Hindi ako nakatiis bago bumangon sa kama, "May bibilhin lang ako sa labas." ani ko at agad akong nilingon ng dalawa. "Gabi na, bukas nalang." Nag-aalalang turan ni Marga, humahangos akong nagsuot ng hoodie bago umiling, "Di pwede, need na ngayon ko na bilhin, mabilis lang ako." Pagkasuot ng hoode ay agad akong lumabas ng kwarto at ng unit.Hindi rin ako nagpakita sa guard ng building nang lumabas ako dahil baka galitan ako nito. Pagpasok ko ng 7/11 ay agad kong inilibot ang paningin ko. Pinuntahan ko rin ang bawat table at nakitang wala namang lasing at natutulog na kuya Haze rito. Nakahinga ako nang maluwag, "Tulog na siguro si kuya." bulong ko sa sarili ko bago humarap sa aking likuran sa gawi ng pinto, doon ay sakto namang pasok ni kuya Haze ng store. Agad nanlaki ang mata ko at nag-panic, nadampot ko tuloy ang kung ano man ang nasa may counter. "Ito lang po miss," ani ko bago kinuha ang wallet mula sa bulsa ng jacket ko. Nang tingnan ko ang nadampot ko ay napatawa ako sa sarili ko. Napansin kong isang maliit na Cadbury ang nadampot ko, "Pakidagdag na rin po pala nito miss," idinagdag ko ang isang KitKat at Toblerone bago ini-abot ang bayad.Bahagya kong nilingon si kuya Haze kung saan ko siya nakita kanina, pero wala siya roon. Kaya naman lumingon naman ako sa aking kanan at doon ay halos mabali ang leeg ko sa bilis kong maglayo ng tingin. Kuya Haze was standing next to me, right next to me!! He's holding a bottle of energy drink and sandwich. "Salamat po," Kinuha ko na mula sa cashier ang supot na may mga chocolates. Agad akong umalis sa cashier para makalayo na kay kuya Haze na hindi amoy alak gaya ng aking inaasahan. Naka-pajama na rin siya at bahagyang basa pa ang buhok, paniguradong nakapaligo na ito kaya ganon. Mag s-stay pa kaya siya dito? Makakatulog nanaman ba siya mag-isa? Tanungin ko kaya? What if mag-stay ako para makita ko kung uuwi naba siya? Hindi ko napansin na matagal-tagal na pala akong nakatayo sa may pinto, nagulat ako nang biglang buksan ni kuya Haze ang pinto at lumabas na ito. Na-alarma ako nang lumingon siya, "Lalabas kana ba?" tanong nito habang hawak ang pinto, nanlaki ang mata ko at agad naglakad palabas, "Thank you po," Tinanguan lang ako ni kuya Haze. Nauna siyang maglakad at dahil wala naman na akong hihintayin pa doon ay napahabol ako ng lakad dito. "Kuya," tawag ko rito, nag-hum lang ito habang umiinom ng energy drink. "Bakit... bakit po kayo pumunta ng 7/11?" Nahihiya kong tanong dito, halos isa o dalawang dangkal ang pagitan namin sa paglalakad, nahihiya naman akong tapatan ito mismo pero may lakas ako ng loob na kausapin siya. Noong minsan kasi, makaka-usap ko na sana dahil dinadaldal ako pero masyado akong busy sa pag-aaral. "Wala, bumili lang talaga ako nito." ani niya bago itinaas ang bote at sandwich na binili niya, napatango ako, "Madalas po ba kayo sa 7/11?" tanong ko ulit, bahagya ako nitong nilingon, napatikom ako ng bibig, madaldal naba ako masyado? "Hindi naman, minsan lang." sagot niya at tumango ako, naubusan na ako ng itatanong at malapit na rin naman kami sa building.
Pagpasok namin ng building ay hindi naman kami napansin ng guard, mabuti naman. Dumiretso na kaming dalawa sa elevator, tiningnan ko kung anong floor ang kwarto nila, sa baba lang pala ng floor namin. The whole elevator ride was silent. He's still drinking his energy drink while I stand there in silence, gripping the chocolates in my hand. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba sa kaniya ito. May mga chocolates naman kami sa kwarto, ang dami pa nga. Para lang talaga akong tanga na bumili pa ng mga ito. Nang makita ko na malapit na kami sa floor nila ay nagpanic ako bigla. Ibibigay ko ba yung chocolates o 'wag na? Tatanggapin kaya niya? Obvious naba na crush ko siya kapag ibibigay ko sa kaniya 'to?
Bumukas na ang pinto ng elevator at agad humakbang si kuya Haze, "Kuya!" Hinawakan agad ni kuya Haze ang gilid ng pinto nang humabol ako, "Sa inyo nalang po," Inilahad ko ang supot na hawak ko, napakunot ang noo niya, "Hindi ba para sa inyong tatlo 'yan? O para sa 'yo?" tanong niya at napa-iling ako, "Hindi po, kanina gusto ko, pero hindi ko na po pala gusto, sa inyo nalang." sagot ko, utay-utay siyang tumango bago tinanggap ito gamit ang isa niyang kamay. "Thank you," he smiled at me, smiled.
Ngumiti siya! Nginitian niya ako! Lumabas yung ngipin niya at umangat ang pisnge niya! That was the first time he smiled at me!
Binitawan na niya ang pinto at tuluyan itong sumara. Natameme ako sa loob ng elevator hanggang sa makabalik ng kwarto. Gusto kong magsisigaw, gusto kong gisingin yung mga kaibigan ko at i-kwento ang buong pangyayari pero tulog na ang mga ito. Naka-ilang buntong hininga na ako, naka-aircon nag kwarto pero pagpapawisan yata ako sa sobrang init.Para akong sasabog, ramdam na ramdam ko kung gaano kainit ang pisnge ko ngayon. Kinakapos na rin ako ng hininga, napa-inom ako ng tubig at ilang minutong naka-upo sa sahig malapit sa kama ko. Gusto kong pumalirit sa sobrang kilig, gusto kong magwala, pero baka magising ang mga kasama ko sa kwarto. "Ano ba namang ngiti yun! Pa-fall!!" Pabulong kong sigaw bago isinubsob ko ang mukha sa unan bago nagwala sa aking kama.
"Ano yung binili mo kagabi?" tanong sa akin ni Marga habang nag-aalmusal kami. Napangisi ako bago umiling, "Wala, wala palang ganun sa 7/11." sagot ko bago uminom ng tubig. "Ano ba yung kailangan mo?" tanong ulit nito at umiling ako bago tumayo para dalhin ang pinagkainan ko sa dishwasher. "Hayaan mo na yun, di ko na pala kailangan. Bilisan niyo na diyan at maaga ang first period natin." sagot ko rito, sumimangot ito bago tinapos na ang pagkain nila.
"Kamusta tulog niyo kagabi?" tanong sa amin ni Simon habang nagmi-miryenda, unang pumasok sa isip ko na wala namang spesyal na nangyari sa tulog ko kagabi dahil normal lang ito hanggang sa na-alaala ko yung nangyari kagabi sa elevator.
"HOY!" Sabay-sabay napa-angat ng tingin sa akin ang apat, Napasapo ako sa buong mukha ko, "Ahhhhh!!!!" Napapalirit ako bago napatayo at nagmamartsa sa kinatatayuan ko. "Something happened last night! Sa elevator! With kuya Cap!" ani ko bago nagmamartsa sa sobrang kilig, nakita kong nanlaki ang mata ni Marga at Faye. "Kuya Cap is kuya Vergara, right?" tanong ni Simon at tumango ako, "Oo! And guess what happened last night!!" I couldn't contain my emotions and kilig. Dahil hindi ko nailabas ito kagabi ay ngayon lumalabas ang karupukan ko. Kumunot ang noo ni Simon, "What? What happened between the two of you last night?" tanong nito, Narinig kong suminghap si Faye bago napatakip ng bibig, "Don't tell me hinalikan ka niya sa elevator dahil sa sobrang kalasingan!?" tanong nito at napasimangot ako, "Mangarap tayo-- pero hindi yun! Masyadong mataas, ha! Hindi yun ang nangyari! He smiled at me! As in! SMILE! Like a big one! Ganito oh!" Ipinakita ko pa kung paano yung ngiti sa akin ni kuya Haze kagabi, tandang-tanda ko yun, eh. Yung hitsura niya, yung kung paano niya iwinagayway sa mukha ko yung supot na may lamang chocolates. "You were with him last night?" tanong ni Simon, seryosong-seryoso, napanguso ako bago naupo. "Kasi nga, diba, kung titingnan mo naman yung IG story ni kuya Shawn, nag-inom ulit sila kagabi. Eh nag-alala ako, baka makatulog nanaman si kuya Haze sa 7/11, kaya pumunta ako, buti wala siya doon-- PERO!! Bigla siyang dumating, bumili lang ng energy drink at sandwich, tapos nagkasabay kaming umuwi tapos--"
"Wait wait, you risked your life just to check if he's in there and if his life is in danger?" Simon cut me off, napanguso ako bago tumango, bigla naman itong suminghal, "Sira! Akala ko ba hindi mo uulitin?" turan nito at napa-irap ako, "Hindi naman madaling araw nun--" "Pero you still did, para lang sa lalaking yun!? Gosh, Cass, delikado yun." ani nito at pinandilaan ko ito bago inirapan. "So ito na nga! Noong nasa elevator na kami, may binili kasi akong chocolates, tapos, noong paalis na siya, ibinigay ko sa kaniya yung chocolates, tapos ganito..." kinuha ko ang isa kong notebook at ginamit na props. "Kunyari ito yung supot ng 7/11, hawak niya, tapos iwinagayway niya sa 'kin, tapos sabi niya 'thank you' with a big smile! Ang cute niya,please! Alam mo yung hitsura ng batang napagbigyan?! Super cute niya!!!" Nagpapadyak ako sa ilalim ng lamesa, napasapo sa noo si Marga habang hindi nakapag-pigil ng tawa si Faye.
Natigilan ako nang senyasan ako ni Marga na tumahimik bago may itinuro gamit ang kaniyang mga mata. Agad akong lumingon sa itinuturo niya at doon ay nakita sila kuya Haze, Howard at Lorenzo na magkakasama. Hinabol ko pa sila ng tingin, nagbabakasakali na lilingon si kuya Haze, pero na-dismaya lang ako dahil kahit sulyap ay hindi manlang nito ginawa. "Oh, ano ka ngayon? Hindi ka manlang nililingon." Binasag ni Simon ang katahimikan, Napakamot ako sa ulo ko, "Alam mo, Simon, napaka-KJ mo!" Inis kong turan dito bago sumimsim sa inumin ko.
Dahil Biyernes ay wala kaming masyadong klase, ang last period ko ay alas dos ng hapon, pagkatapos nun ay pahinga na ako at pwede ng umuwi. Pero dahil may mga ibang bagay pa ako na kailangan tapusin, nanatili muna ako sa library at hinintay na matapos naman ang klase ng mga kaibigan ko at saka kami umuwi.
"Cass, may gagawin ka ba bukas?" tanong sa akin ni Faye habang nagluluto ito ng hapunan, bahagya akong napatingala sa kisame at napa-isip. Sabado bukas, wala naman akong meeting sa kahit ano, natapos ko na rin ang mga dapat kong tapusin, wala naman. Umiling ako, "Wala, bakit?" tanong ko rito, tila ba ay lumiwanag bigla ang mga mata nito. "Ayan! Pwede favor? Please, please!!" Nagmamakap-awa nitong turan habang magkawahak ang dalawang kamay. Napatawa ako at ibinaba ang binabasa kong libro, "Ano yun?" tanong ko, ibinaba nito ang hawak-hawak na sandok bago tumakbo papuntang kwarto. Paglabas nito ay may hawak na itong brown envelope. "May hinihingi kasi sa akin si mommy na papeles, kailangan niya bukas. Pero diba nga may aasikasuhin ako bukas para sa laboratory namin? Can you please bring this kay mommy sa office?" Ini-abot sa akin nito ang envelope, nagparte ang labi ko at natameme. "Sis, gusto mo 'kong papuntahin sa office ng mom mo? Nakakahiya!" Sumimangot si Faye, "Please! Love mo 'ko, diba? Diba?? Si Marga uuwi naman sa kanila, ikaw nalang pag-asa ko." Nagpa-pretty eyes pa ito kaya napahagalpak ako ng tawa. "Oo na, sige na nga!" Nagtatalon si Faye sa tuwa, "Thank you talaga! Si kuya kasi! Umuwi na agad kanina! Hindi ko tuloy naipadala sa kaniya! Hayaan mo, pag-uwi ko bukas, papasalubungan kita ng Krispy Kreme!" Panunuhol nito kaya napangisi ako bago umiling. "Ide-deretso ko na ba ito sa office ng mom mo? O ipapa-abot ko nalang sa secretary niya?" tanong ko rito, "Kay mom na mismo, alam mo naman na ang office niya diba? Plus, kilala kana ni mommy! Kilala kana rin ng secretary niya, dire-diretso ka nalang doon!" ani nito bago napatawa at hinampas ako sa braso.
Kinabukasan ay maagang umalis si Marga, pauwi ito sa bahay nila, nami-miss siguro ang mga magulang. Sabay naman kaming bumangon ni Faye at nag-almusal. "Huy, anong balak mo pagkadala mo ng papel kay mommy? Mag-isa ka rito mamaya, baka hapon pa ako maka-uwi." ani ni Faye habang kumakain kami ng almusal. Nagkibit balikat ako, "Siguro ay mag ma-mall nalang ako, doon nalang ako magpapalipas ng oras." sagot ko at tumango ito, "Alam mo ba?" Napakunot ang noo ko sa tanong nito, "Na ano?" taka kong tanong, ibinaba nito ang tinapay na hawak at napatakip sa labi. "Na business partners namin ang magulang ni kuya Cap mo." ani nito at napakunot ang noo ko, "Ano naman?" tanong ko rito, napasapo ito sa kaniyang noo, "Abay, yung building na pupuntahan mo, baka makita mo si kuya Cap doon." ani niya at bahagyang nanlaki ang mata ko. "Para ka namang sira, hindi yun! Bibilisan ko lang! Ayaw ko ngang makita yun doon!" turan ko at napahagalpak ng tawa si Faye. "What if yung mommy ang makita mo!? Naku! Yari ka!" Pananakot nito, napasinghal ako, "Hindi ko naman kilala ang mommy ni kuya Haze, makita ko man siguro ay hindi ko makikilala. Tsaka ano ba?! Bakit mo ba ako tinatakot? Pag 'yan di ko dinala--" "Joke lang naman! Hindi mabiro!" Putol nito at napatawa ako bago napa-iling. Pagkatapos kumain ay naligo na kami at nagbihis. Sabay kaming umalis ng building pero magkaibang jeep ang sinakyan. Lampas alas nuebe na nang makarating ako sa building. Hindi na ako bago sa lugar na ito, senior high palang ay namamalagi na kami rito lalo na noon dahil madalas mag-akit si Faye rito. Para niyang ginagawang study area ang building lalo na ang office ng mommy niya. Dito ko nga rin unang nakilala si kuya Shawn. "Good morning po, I'm Cassandra Gonzales po, may dadalhin lang po ako sa office ni Mrs. Estrella." Pagpapakilala ko sa tao sa receptionist nang makapasok ako ng building. Napangiti ako habang tumitipa sa kaniyang computer, "Ah, yes ma'am, itinawag na po kayo ni miss Allison dito, proceed na po kayo sa office ni ma'am." sagot nito at tumango ako bago nagpasalamat at pumunta na sa elevator. Kahit madalas na ako dito dati, dati iyon, noong mag-college kami ay hindi na kami inaaya ni Faye rito. Kaya naman ngayon ay nahihiya na ako. Sinigurado ko rin na presentable ang damit na suot ko dahil mayayamang tao ang nasa loob ng building na ito, mabuti nalang ay wala akong nakasabay sa elevator. Pagdating ko sa floor ng office ni tita Alice ay hindi na ako nahirapang maghanap ng office nito. "Good morning po, tita." Bati ko agad, gumuhit ang malawak na ngiti sa mukha ni tita Alice nang makita ako. "Cassandra! Ang laki mo na! How are you?" Sinalubong ako nito ng yakap, "Okay lang po ako, ito nga po pala yung pinapadala ni Faye." Ini-abot ko kay tita ang envelope. She smiled, "Naku, si Faye talaga, ikaw pa ang pinagdala, sabi ko kasi kay kuya nalang niya, eh." ani nito bago binuksan ang envelope. "Si kuya Shawn daw po kasi ay naka-uwi na kaya hindi na naipadala kay kuya." ani ko at tumango si tita, "Well, thank you, hija. Do you want something? Coffee? Bread? Cake?" Alok nito, agad naman akong umiling, "'Wag na po tita, okay lang po, busog pa po ako." sagot ko at tumango ako, "Una na po ako, bye po!" Paalam ko, nahihiya na kasi ako, medyo awkward na ang hangin sa paligid. Ngumiti si tita bago tumango, "Sige, take care, ha! Bye!" she waved and smiled, I did the same before exiting her office. Grabe, magkamukha talaga sila ni Faye, para silang carbon copy. Pagkalabas ko ng office ni tita ay nagulat ako dahil may ibang mga tao na sa hallway, marami man ay kilala mo kung sino rito ang boss at ang empleyado. Kagaya na lamang ng babaeng makakasalubong ko na naka red dress at Dior na bag. Habang nakatungo ay nilakad ko na ang papuntang elevator, hanggang sa pinigilan ako ng babaeng makakasalubong ko.
"Hija, can you grab me a coffee sa baba? I want brewed coffee, okay? Makikidala nalang sa office ko." Tumuro ito sa pinto malapit sa amin bago ako tinalikuran at pumasok na sa pinto. Natameme ako at natulala, napagkamalan niya yata akong empleyado. Napakamot nalang ako sa ulo bago sumakay ng elevator at pumunta sa cafeteria sa baba. Mabuti nalang at walang masyadong nagbago rito sa building nila, ganito rin ito noong high school palang kami. Na-alala ko na lagi kaming nasa cafeteria, kumakain at nag-aaral. Dahan-dahan akong naglalakad at inaalalayan ang tray na hawak ko. Nang sumakay sa elevator ay may tatlong tao akong kasabay kaya bahagya akong nahirapan sa tray na dala ko. Paglabas ko ng elevator ay binilang ko pa kung pang-ilang pinto ang itinuro ng babae bago kumatok. "Come in!" sigaw nito mula sa loob, nahihirapan ay pinilit kong buksan ang pinto gamit ang braso ko. "Thank you hija, I'm sorry at ikaw pa ang napag-utusan ko, wala pa kasi ang secretary ko." Agad niyang kinuha ang kape sa tray na hawak ko. "You seem new, who's your boss?" tanong nito at nagparte ang labi ko. Anong isasagot ko doon?! Hindi naman ako empleyado dito! Kalma ka lang po! "Ahm... kay Mrs. Estrella po." sagot ko, I just have to come up with answers and excuses. She nod, "Ah, bago kalang? New face, hindi pa kita nakikita rito." ani nito at nahihiya ako ngumiti. "O-Opo," sagot ko rito, napakamot pa ako sa ulo ko, ano ng gagawin ko? Magpapa-alam na ba ako? Dapat lang. "Una--" "You may go na, sorry for bothering you." Putol nito sa akin, nakahinga ako nang maluwag bago tumango, "Sige po, thank you po." Saktong pagharap ko sa pinto ay bumukas naman ito at iniluwa ang kuya Haze na animo'y hinihingal. "Why are you here?!" Ito agad ang bungad sa 'kin nito, animo'y inis pa. "Ma, why is she here?" Naglipat ang tingin nito sa babaeng pinagdalhan ko ng kape. Nanlaki ang mata ko, 'Ma'?! Nanay niya ang kausap ko?! Nagbalik ako ng tingin sa babae bago nakita ang name plate sa lamesa nito, 'Helen Vegara' !? "Oh, you know her?" Takang tanong ng nanay nito, sinaraduhan ni kuya Haze ang pinto kaya bahagya akong napahakbang paurong, sasabog na yata ang puso ko ngayon. Kuya Haze looks... pissed? Hindi ko alam kung bakit pero dahil ba ayaw niyang makilala ko ang nanay niya? Naiinis ba siya dahil sa tingin niya ay stalker ako kaya pati rito ay naka-abot ako?Tiningnan muna ako ni kuya Haze bago nagbalik ng tingin sa ina, nakakunot na ang noo nito. Para tuloy akong nalungkot bigla, nahihiya ako. Naisip ko kung ano ang nasa isip ngayon ni kuya Haze. Inis na siguro ito sa akin dahil lagi nalang niya akong nakikita. Baka nasa isip niya na lagi akong nakabuntot sa kaniya. "Yes, she's someone from school." sagot ni kuya Haze bago naglakad papalapit sa mommy niya. Ang nanay naman nito ay napatayo, "Really? But she said she's--" "She's a friend of Shawn's sister, she's probably here for tita Alice." Putol ni kuya sa nanay niya bago naupo sa sofa. Doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Naisip niya yun? Buong akala ko ay ang unang papasok sa isip niya ay sinusundan ko siya hanggang dito.Nakita kong nagparte ang labi ng nanay nito bago ako nilingon, "Is that true, hija? Friend ka ng anak ni Alice?" tanong nito sa 'kin at nahihiya akong tumango. "Oh Gosh, I'm so sorry, hija! Hindi ko alam na you're not an employee pala, gosh." Napasapo ito sa noo niya, "Haze, why don't you introduce me to her nalang?" Parehas kaming napatigin sa isa't-isa ni kuya Haze, parehas gulat sa sinabi ng kaniyang ina. Naramdaman kong ayaw itong gawin ni kuya kaya nagkusa na ako, "Ahm... I can introduce myself po." ani ko at nagtaas ng kilay si kuya, "She can introduce herself naman pala." ani nito at sinamaan ito ng tingin ng ina. "Haze, come on, she's your friend." ani nito at utay-utay napatakip ako ng bibig ko, I'm not po! Narinig kong bumuntong hininga si kuya Haze bago tumayo at naglakad sa gawi namin, "Ma, this is Cass, Cass, this is my mom." he gave us a slight smile, halatang pilit. Napatawa naman si tita, "Ang binata ko, masyadong mahiyain." Tita playfully hit kuya Haze on his arm. "Halika hija, ke-kwentuhin kita." Hinawakan ako ni tita sa braso at hinatak sa may sofa, nakita kong napakamot sa ulo si kuya Haze bago sumunod sa amin. "What's your course? How old are you? Saan ka nakatira?" Sunod-sunod na tanong ni tita, napangisi ako, "My course if Med-Tech po, third year, and I'm 21 years old po, and as of now, my permanent address is the university condominium." sagot ko at utay-utay tumango si tita. "Your parents? Nasaan sila? What's their occupation?" tanong nito, nahihiya akong ngumiti bago bahagyang nilingon si kuya Haze na naka-upo sa harap namin, his elbows leaning on the sofa while his head is resting on his hand. He's looking straight at me, hindi ko alam if nakatulala pa siya o nakatingin talaga siya sa akin. "My parents are both lawyers sa states po." I replied and tita gasped, "Then why are you staying here sa Pilipinas? Why didn't you take law nalang din?" she asked at napatawa ako nang bahagya. "Hindi ko po kaya, growing up, I saw how my parents struggle with their job, it's not for me po." I replied at napatawa si tita. "What about boyfriend? Do you have a boyfriend?" I was caught off guard with tita's question, muli kong nilingon si kuya at nakita itong pinagtaasan ako ng isang kilay. Napalunok ako ng laway bago nagbalik ng tingin kay tita, "Wala po, hehe." Napatawa si tita, "Sige, how about crush nalang?" she asked, nahihiya akong napatawa. "I'm... I'm interested in this one guy po, pero secret lang." sagot ko at napatawa nang malakas si tita. "Okay, secret lang, sshh!" ani nito at napasabay ako sa pagtawa ni tita. Yung anak niyo po yung gusto ko tita! Pwede po ba na siya nalang?!"How about Haze? Do you have a girlfriend?" Napatingin ako kay kuya Haze, nakita kong bahagya itong nagulat sa tanong ng ina.Napabuntong hininga si kuya bago umiling, "Ma, come on, you always ask this." ani nito at napatawa si tita, "Sorry! Pero I want to meet your girlfriend kasi!" ani ni tita at napa-iling si kuya bago tumayo. "I don't have a girlfriend nor a crush. Let's go Cass, ihahatid na kita sa baba." ani nito at nagulat ako, ano raw? Biglaan naman yata ang pag-aakit ni kuya."Huh? Why naman? We're talking pa, umalis kana kung gusto mo." ani ni tita at napatawa ako rito, itinaboy ba naman yung sariling anak. Napakamot si kuya Haze sa batok, "Balita ko may lab tests kayong kailangang tapusin? Your groupmates are probably waiting for you, tara na." ani nito at napakunot ang noo ko, lab tests? Matagal nang nakapagpa-lab tests ang mga ka-grupo ko, ako na nga ang gumawa ng reports, eh. "Ah ganun ba? Sige na, hija, you should go na. It was nice talking to you!" ani ni tita, napilitan akong tumayo at magpaalam, si kuya Haze naman, halos itulak na ako palabas ng office ng nanay niya. "KJ," sighnal ko nang isara nito ang pinto. Nilingon ako nito bago bahagyang napahagikhik, "Hindi ako KJ, I was saving you from my mother's kadaldalan." ani niya at napa-irap ako. "Hindi ko kailangan ng saving mo dahil nag e-enjoy akong kadaldalan si tita." sagot ko rito, napakunot ang noo nito, "Really? You like being asked kung may boyfriend kana?" he asked at nagkibit-balikat ako. "'Wala' lang naman ang sagot ko doon, eh." ani ko at tumango siya, "Pero still, mom is bothering you, I know you should be doing something else." ani niya at umiling ako, "Wala akong gagawin, tapos na." ani ko, bahagya akong pinanliitan ng mata nito, "What about umuwi? Hindi kaba uuwi?" tanong nito at umliling ako, "Wala akong uuwian." sagot ko at napakunot ang noo nito. Napakamot ito sa sintido niya, "Let's go, I'll treat you ice cream." ani niya bago naglakad at nilampasan ako. "Uy!" Hinabol ko ito, "Ililibre mo 'ko? Talaga?" tanong ko rito, hindi ako nito sinagot at sumakay na sa elevator, napasakay rin tuloy ako. "Saan mo 'ko ili-libre? Gusto ko sa DQ!" ani ko at nilingon ako nito, "Mahal naman," ani niya at nanlaki ang mata ko, "Grabe ka naman sa mahal! Ang yaman-yaman mo! Namamahalan ka sa DQ? Kuripot kaba, kuya?" tanong ko rito at narinig ko itong tumawa, "Fine, sige na, bayad na rin sa pagbabantay mo sa 'kin sa 7/11." ani nito at nanlaki ang mata ko. Na-intriga ako bigla sa sinabi niya, "Na-aalala mo yun, kuya?" tanong ko at nilingon ako nito bago umiling, "Hindi, sinabi lang sa 'kin nila Shawn." sagot niya at tumango ako. Mukhang hindi nga niya natatandaan yung kadaldalan niya ng gabing yun. Paglabas namin ng elevator ay dumiretso na agad siya palabas ng building. "Sasakay tayo sa sasakyan mo, kuya?" tanong ko rito, pinangungunahan na ako ng kilig kaya kung ano-ano na ang tinatanong ko. Imagine being in one vehicle with him!? Ano kayang feeling nun?! Ano kayang hitsura niya habang nagmamaneho?! One hand ba?! Siguradong ang pogi niya habang nagmamaneho!!Nilingon ako nito at umiling, "Hindi, lalakarin lang natin yung mall." sagot nito at napasimangot ako, dire-diretso lang itong naglakad at nakabuntot lang ako sa likod nito, dahil mas mahaba ang binti niya kaysa sa akin ay mas malalaki ang hakbang nito kaya ilang metro rin ang layo ko sa kaniya.
"Yuck!" May mga dumi akong halos matapakan, "Are you okay?" sigaw nito mula sa unahan ko, tumango ako, "Oks lang po." sagot ko, para kaming magkagalit dahil sa ilang metro naming layo sa isa't-isa. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa isang mall. Dito ko rin balak pumunta, eh. Maganda magpalipas ng oras rito, maraming kainan at pwedeng bilhin. "Walang DQ dito," nakanguso kong turan, dinala kasi ako nito sa food court. Naka-upo na ako sa isang table habang siya ay naglilibot ng tingin, "Wait here, ibibili kita ng ice cream." ani nito bago ako iniwan, inilapag ko ang bag ko sa lamesa at naglaro nalang sa iPad ko. Maya-maya ay bumalik ito, may dalang ice cream, "Ayan, masarap din 'yan." ani niya at tumango ako bago tinikman ang binili niya. And in-fairness, masarap nga! Umupo ito sa harap ko at kumain na rin ng ice cream, "Madalas ka rito, kuya?" tanong ko habang parang bata na kumakain ng ice cream. Mukha nga siguro akong bata sa dress na suot ko, mukha akong bata sa tabi ni kuya Haze na naka blue long sleeves at nakatupi ang sleeves nito hanggang siko. Nag-angat ito ng tingin, "Hmm? Hindi, minsan lang." sagot nito at tumango ako, "Kasama mo sila kuya Shawn sa minsan na yun?" tanong ko at tumango siya, "Oo, sila lang naman talaga ang kasama ko lagi." sagot niya at tumango ulit ako bago sumubo ng ice crea,, "Wala kang ibang friends?" tanong ko nanaman, ako na ang bumubuhat sa usap namin, ang awkward siguro kung tahimik lang kami dito parehas. Napatawa, umaalog pa ang balikat niya bago ito tumango, "Meron, yung iba kong ka-block mates, pero iba pa rin pag sila Shawn." Sumubo ito ng ice cream, nakatingin pa rin sa 'kin, "BFFs mo talaga." ani ko at napatawa ito. "Eh sa bahay niyo kuya?" tanong ko at pinagtaasaan ako nito ng kilay, "What do you mean sa bahay?" Napakamot ito sa pang-ibaba niyang labi, "Wala ka bang kapatid?" tanong ko rito at umiling ito habang nakatungo sa ice cream niya. "Ah, ako kasi meron, kaso nasa US din, kasama ng magulang ko." Pagkekwento ko, narinig kong nag-hum si kuya, "Tapos yung tanong ni tita na bakit hindi nalang ako sumama sa US, ayaw ko kasing ma-compare sa ate ko. Masaya naman ako rito sa Pilipinas, kasama ko sila Faye at Marga. Wala man akong ibang matutuluyan pero lagi naman akong welcome sa bahay nila." Dadag ko pa rito, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong naglayo ng tingin si kuya, nakatingin ba siya sa 'kin? Nakikinig ba manlang siya sa kwento ko?"Tapos masaya rin naman na walang naghahanap sa 'kin kapag ginagabi ako ng uwi." ani ko at napatawa ito, "Pero nagagalit si Simon kapag wala ka pa?" ani nito at bahagya akong nagulat, alam pala niya yun? Napakunot ang noo ko, "Paano mo nalaman yun, kuya?" tanong ko at nag-angat ito ng tingin, magkaparte pa ang labi, "Ah ano, wala yun, hayaan mo na." ani nito at napa-irap ako. Halatang namang hindi yun wala lang. Pero ayaw ko na rin kulitin si kuya, baka mainis pa ito sa akin. Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko at may nag-chat, si Faye? Napakunot ang noo ko nang mag sinend itong picture, picture namin ni kuya, ngayon lang, habang kumakain kami ng ice cream. Napalibot tuloy ako ng tingin, andito si Faye! Sa paligid-ligid! Ilang segundo pa akong naghanap at nakita si Faye na nagtatago sa isnag poste, may malawak na ngisi sa labi. "Ah, kuya--" "I have to go, may kailangan pala akong gawin." Putol nito sa akin bago ibinulsa ang cellphone niya.Agad naman akong tumango, "Sige po, ingat po!" ani ko rito, ngumiti lang ito ng bahagya bago tumayo na at umalis, dala-dala ang ice cream niya ay tumakbo na ito paalis. Napabuntong hininga ako bago napasubo ng ice cream. Nagulat nalang ako nang biglang sumulpot si Faye sa harapan ko. "Ano yun? What was that? Date ba yun?! Huy! Sumagot ka!" hinampas ako nito ng bag niya, napasimangot ako, "Gaga, hindi, inilibre lang ako dahil nga sa ginawa ko sa kaniya noong isang gabi." sagot ko at tumango ito, "Eh bakit parang malungkot ka!? Naku! Kung ako sa 'yo! Kikiligin na ako!" tanong nito at napanguso ako, "Yun na nga eh, dapat kinikilig ako, pero hindi!" Pagmamaktol ko, "Feel ko, magaan na yung loob ko kay kuya. Hindi na ako kinakabahan kapag andiyan siya o di naman kaya ay hindi na ako natatanga!" ani ko bago napasapo ang magkabila kong kamay sa noo ko. Delikado nanaman ako, "Crush ko na nga siya!" Napanguso ako, ilang segundo akong tinitigan ni Faye bago napahagalpak ng tawa. "Hindi pa ba? Tagal mo ng gusto yung tao." ani nito at umiling ako, "Hindi, hindi Faye, kasi, feel ko, dati, infatuated lang talaga ako, na ga-gwapuhan lang ako. Pero ngayon, iba na, eh, ang komportable na, alam mo yun?" sagot ko at tumango si Faye, ilang segundo kaming nabalot ng katahimikan bago ako may na-alala. "Hoy! Akala ko ba magpapa-laboratory kayo!? Bakit nasa mall ka!?" turan ko at napahagalpak ito ng tawa. "Maagang natapos yung tests, nanay ba naman ng ka-grupo ko yung nag-tests edi kagabi palang tapos na! Pagdating namin sa lab kanina, ibinigay nalang, kaya ayun, umuwi na agad sila, ako naman, wala, nag-mall lang, tapos nahuli ko pa kayo ni kuya!" sagot nito at napa-irap ako, "Sira ka talaga, nakilala ko pa tuloy yung nanay ni kuya." ani ko at nanlaki ang mata ni Faye, "Talaga?! Anong sabi?! Mabait ba?!" Adilantadang tanong nito at napatawa ako, "Oo sobra, kinwento pa nga ako, eh!" sagot ko rito at parehas kaming parang tangang kinikilig ni Faye. "Sa tingin mo, approved ka kay tita?" tanong nito at napahagalpak ako ng tawa, "Malay ko! Hindi ko naman masasabi yun." sagot ko at napangisi si Faye bago naupo sa harap ko."Pero at least diba, na-meet mo na ang future mother-in-law mo!" Parehas kaming napa-irit ni Faye na parang mga tanga. Gustong-gusto ko talaga kapag dinadamayan ako ni Faye sa mga kalokohan ko, eh. "Pero anong balak mo ngayon? Kay kuya? Sabi mo komportable kana? Ano na ngayon?" tanong niya at ilang segundo akong natahimik. Ano nga ba? Ngayon at iba na ang nararamdaman ko doon sa tao. Sigurado na ba akong gusto ko siya? Hindi na ba ako infatuated lang? Ready naba akong sumugal ulit? Napabuntong hininga ako, "Gusto kong umamin."
----A/N: hi! I suggest to add friend me on Facebook @Dominous WP, the moment I posted this chapter, I posted something on my story that will help you visualize and imagine more about this chapter. All in all, thank you!
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com