TruyenHHH.com

No More Lies

Caleb's P.O.V

"Caleb what's wrong?" Puna sa 'kin ni Karen habang tahimik akong ang nag-mamaneho.

Nag punta kami sa mall, nag-aya si Karen, pang bawi daw niya sa 'kin dahil nitong mga nakaraang araw hindi talaga kami masyadong nakakapag-usap. Dalawang linggo na rin ako sa mga Strauss.

"Bakit?" I ask lazily, not bothering to look at her.

"Anong bakit? Kanina ka pa tahimik, parang wala ka sa mood." Bahagya ko siyang tinignan at muling tumingin sa daan.

"Wala naman."

"Caleb hindi pwedeng wala naman, kasi meron." Irita na ang boses niya.

"Kanina sa movie house ng halikan kita parang wala kang kagana-gana. What's wrong ba?" Agad kong tinabi ang sasakyan at inihinto, tsaka ko siya hinarap ko siya.

"I'm sorry, wala lang ako sa mood." Inalis niya ang pag-kakakabit ng seat belt at nilapit niya ang sarili niya sa 'kin, hinawakan niya ang kabila kong pisngi.

"You want to go somewhere..... some private place either." Ngumiti ako at umiling.

"Uwi na tayo." Binaling ko na ang tingin ko sa daan, umaayos naman siya ng upo at narinig ko pa ang marahas niyang pag-hinga. Muli kong pinaadar ang sasakyan at tahimik namin binaybay ang daan.

Narating namin ang bahay na wala ng nagsalita pa, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito, dati-rati naman hindi ako ganito.

Sa 'ming dalawa ni Karen ako ang mas sweet, tuwing magkasama kami wala akong sinasayang na oras, lagi ko siyang yakap at hinahalikan, pero ngayon bakit ganito? Siguro na gu-guilty lang talaga ako.

Bumababa kami ng sasakyan, kinuha ko muna ang mga pinamili niya na nakalagay sa backseat tsaka kami nagpunta sa loob ng bahay. Pagpasok pa lang namin agad ng may sumalubong na katulong samin.

"Akin na yan Caleb, ako na ang mag-dadala sa taas." Sabi ng katulong habang kinukuha ang mga paper bags sa kamay ko.

"Salamat po manang."

"Nandiyan na pala kayo." Sabay kaming napatingin sa hagdan, pababa si Mr. Strauss at malapad ang pag-kakangiti.

Nang makababa ito agad itong lumapit kay Karen at humalik sa pisngi. Parang lalo akong nako-konsensya sa tuwing makikita ko ang ganitong scene, dati rati inis ang nararamdaman ko pero ngayon hindi ko talaga alam.

"Punta muna ako sa kwarto." Paalam ko kay Karen, tsaka ko sila iniwan pero bago pa man ako makalayo tinawag uli ako ni Mr. Strauss.

"Caleb" Huminto ako nilingon ito.

"Si Rebecca at si Mah-"

"OH MY G! YOU'RE HERE NA PALA CALEB MY LOVESS!" Hindi na natapos ni Mr. Strauss ang sasabihin niya ng may biglang tumili mula sa likod ko.

Nilingon ko ito at si Mahra ang patakbong lumapit sa 'kin, naka-bathrobe ito at basang-basa ang buhok. Agad itong lumapit sa 'kin at umangkla sa braso ko.

"Kanina pa kita ina-antay eh, halika join ka samin ni Rebecca mag-swimming tayo." Ngumiti ako.

"Kayo na lang Mahra."Tanggi ko.

"Aaaa! wag ka namang kill joy."

"Sige na Caleb, pag bigyan mo na yan, kanina ka pa niyan hini-hintay eh." Sabi ni Mr. Strauss, tumingin ako kay Karen at sa itsura nito mukhang iritable.

"Sige po" Sagot ko na lang.

"So let's go." Hinila ako ni Mahra papunta sa may pool area.

Nakita ko si Rebecca na nakaupo sa gilid ng pool at nakatalikod.

"Rebecca look who's here?" Magiliw na sabi ni Mahra, lumingon naman si Rebecca at ngumiti.

"Akala ko ba kukuha ka ng snacks?"

"Mas masarap sa snack ang dala ko." Humagikgik pa ito, natawa naman si Rebecca at tumayo.

Ngayon ko lang siya nakitang naka-suot ng two piece, sobra pala ang ka-sexy-han nito, naka-pink two piece siya at bagay na bagay sa kanya 'yon.

Hindi pwedeng hindi siya hangaan ng kahit sino man, kahit babae siguro talagang hahangaan at kaiinggitan siya.

"Hay naku Mahra, alam mo ikaw bawas-bawasan mo nga ang pag-lalandi mo kay Caleb, kaya minsan kulang na lang mag-tago yan sa likod ko sa tuwing makikita ka eh." Natawa pa ito sa sariling sinabi, napangiti lang ako.

These past few days, medyo nagiging komportable na siya sa 'kin, sinasakyan na rin minsan ang mga biro ko, pero minsan masungit na hindi ko maintindihan ang dahilan.

"Mag-s-swimming ka ba Caleb?" Tanong ni Rebecca sa 'kin.

"Oh yes mag-s-swimming siya." Si mahra ang mabilis na sumagot.

"Iwas-iwas ka lang kay Mahra lalo na pag nasa tubig, delikado ka diyan, nagiging dikya yan baka madikitan ka. ahahaha!" Natawa ako sa sinabi niya.

"Sige mag-papalit lang ako." Nag paalam muna ako sa dalawa at umalis na.

*****

Rebecca's P.O.V

Grebe talaga 'tong si Mahra, walang ginawa kundi ang tanungin kong anong oras uuwi si Caleb, gusto pa talaga niya kanina na tawagan ko at pauwiin ko na, ang adik lang.

"Rebecca, what if ligawan ka ni Caleb, papayag ka ba?" Mahra asks me all of a sudden. Sinabuyan ko siya ng tubig sa mukha.

"Bakit kung sakali mag seselos ka ba?" Nakangiti kong tanong, trying to tease her.

"Hindi naman, okay lang sa 'kin. Pero seriously Rebecca, lately na papansin ko si Caleb iba ang tingin sa 'yo.. Hindi kaya may gusto sa 'yo yon?" Natigilan ako sa sinabi niya at pagkway ngumiti na lang.

"Pina-iiral mo naman ang pagiging observer mo. Feeling mo lang yon."

"No way, magaling na observer ako, kahit nga ikaw iba ang mga titig mo sa kanya minsan eh."

"Hoy Mahra tumigil ka d'yan ah." Singhal ko sa kanya, ibang klase talaga 'to, kung ano-ano ang napupuna.

"OH my god!" Nanglalaki ang mata ni Mahra at natutop pa ang bibig ng mga kamay, sinundan ko ang tinitignan niya.

OH MY! Si Caleb, half naked at tanging suot ay isang white and black board short and he's so hottt!!!!

"Oh my Caleb, bakit ngayon mo lang pinakita sa 'kin ang katawang lupa mo?" Natawa siya sa sinabi ni Mahra, sapat para lumantad ang perfect white teeth niya. And he's more even handsome and hotter when he's laughing.

Bigla akong siniko ni Mahra kaya napatingin ako dito, nakangiti ito ng nakakaloko.

"I told you, I'm a good observer." Bulong niya sa 'kin.

Ano bang sinasabi niya? napayuko na lang tuloy ako.

Lumusong na rin si Caleb at umangkla agad ang maharot kong kaibigan sa braso nito.

"Caleb can I ask you something?" Mahra asks with matching haplos ng kamay sa braso ni Caleb.

Napangiti na lang ako sa mga pinag-gagagawa nito, alam ko naman na puro biro lang ang gingawa nito. Pero mukha siyang manyak sa ginagawa niya.

"Umm.. may girlfriend ka na ba?" Natigilan si Caleb sa tanong ni Mahra.

Ako naman parang lumapad ang tenga ko at nag-aantay ng sagot niya, hindi ko maintindihan pero parang gusto rin malaman.

"Wala" Napangiti ako sa hindi malamang dahilan, pero biglang nawala ang ngiti ko sa sobrang pag kagulat ng sabuyan ako ni Mahra ng tubig sa mukha.

Irita ko siyang tinignan, pero nakangiti ito at sobrang nakakaloko ang ngiti ng bruha.

"Why are you smiling?" She asked.

"I'm not," pinang-dilatan ko si Mahra.

"Hay naku! huli na deny pa.. Kukuha muna ako ng maiinom at natutuyo ang lalamunan ko sa abs ni Caleb." God! wala talaga siyang pakundangan sa pag-sasalita at talagang hinawakan pa ang abs.

Sobra talaga 'tong babaeng 'to. Napailing na lang ako, samantalang si Caleb ay natawa naman. Umalis nga ang babae at naiwan kami ni Caleb sa pool.

"Rebecca anong snacks ang gusto mo?" Tanong ni Mahra nang maka-akyat sa pool.

"Anything" Tipid kung sagot at tumalikod na siya, kung makapag-tanong kala mo siya ang may-ari ng bahay. ahahaha! well, ganun talaga siya, at home na at home talaga samin, ganun din naman ako sa kanila.

Tumingin sa 'kin si Caleb at ngumiti, ngumiti din ako ng bahagya, bumababa ang tingin ko sa katawan niya, ugh! hindi ko mapigilan talaga na hindi tignan eh.

Kitang-kita 'yon dahil nasa mababaw na bahagi kami, hanggang balakang lang ang tubig at ang masasabi ko lang, he's extremely hot, 6 pack abs at may mga butil ng tubig sa abs niya it looks sooo....Arghh! Ano ba 'tong iniisip ko?

I shook my head to supress my dirty thougths, dirty thoughts talaga. Hindi pwedeng pag-hanga lang. Shit! pag-hanga, no! no! no! erase erase erase...

"May problema ba Rebecca?"Bigla niyang natanong.

"Huh?"

"Kanina ka pa kasi parang may iniisip eh."

"Wala, wala." Mabilis kong sagot.

Shit! sana naman hindi niya napansin ang pag-titig ko, kainis naman kasi 'tong si Mahra, nakaka-curious ang mga pinag-sasasabi.

"Saan pala kayo nag-punta ni Karen?" Tanong ko na lang.

"Sa mall lang." Tipid niyang sagot. Tumango lang ako.

"Rebecca" Mahinang sambit niya sa pangalan ko, ngumiti lang ako at nanatiling naka-tingin sa kanya.

"I'm sorry" Nangunot ang noo ko sinabi niya. Bakit siya humihingi ng sorry? Bakit ang seryoso bigla ng mukha niya?

"For what?" Napa-buntong hininga siya at ngumiti.

"Sorry for this." Sabay saboy sa 'kin ng tubig sa mukha, tumalikod ako bigla.

"Tama na Caleb! Siraulo ka, akala ko kung ano na." Sigaw ko sa kanya habang naka-talikod ako, tumigil naman siya kaya unti-unti akong humarap, pero pag-harap ko nasa harap ko na siya at sobrang lapit.

As in inch apart, tumingin ako sa mukha niya. And gosh! nakakatunaw ang titig niya, gwapo talaga siya sobra, siya ang pinaka-gwapong driver na nakita ko.

My driver and my boyfriend pretender. Paano kaya siya maging boyfriend? sweet kaya siya? - I thought myself.

Sa totoo lang lately feel na feel ko yong pag-p-pretend naming mag-boyfriend sa school, at sa totoo lang maraming naiinggit sa 'kin dahil doon. I clear my throat before I speak.

"Bakit ka ba ganyan tumingin Caleb? Nakaka-ilang." Saway ko sa kanya dahil naiilang talaga ako. He's running his fingers through his hair.

"Sorry, kumusta ka pala? Hindi ka na ba kinukulit ng ex mo?"

"Hindi naman masyado... minsan."

"Nakikipag-balikan ba?"Medyo nag-iba ang boses niya at kumunot ang noo.

"He was just asking me to be his ball's date."

"Talaga!? Pumayaga ka ba?" He asks, almost exclaimed, ano bang problema nito? Ngumiti ako at umiling'

"No way."

"Good!" Mabilis niyang sagot.

"He will be lucky kung pumayag ka, lalong yayabang yun. Kaya wag na wag kang papayag ah." Tumitig lang ako sa mukha niya at bahagyang ngumiti, maging siya nakatitig lang din sakin.

Parang nakaka-hypnotist ang mga titig niya.

"Ehem!" Sabay kaming napalingon ng biglang may tumikhim.

Nakaupo si Mahra sa gilid ng pool habang umiinom ng juice, sa itsura ng maharot kong kaibigan parang amuse na amuse na naka-tingin samin.

"Grabe yong eye to eye contact niyo ah. Nag-kakaintindihan ba kayo sa ganon lang?" Bigla akong nahiya sa sinabi ni Mahra, napahaplos lang si Caleb sa ulo niya at ngumiti.

"Sige na nga pinapaubaya ko na nga sa 'yo si Caleb my labs, total kayong dalawa naman talaga ang bagay. Kay Jasper na lang ako." Pasaway talaga 'to.

Si Jasper ang crush na crush nito sa school at todo ang kilig nito dahil inaya siyang maging date sa darating na grand ball.

"Rebecca!"Mabilis kong nabaling ang tingin ko sa my likod ni Mahra sa may di kalayuan ng marinig ko ang tumawag sa 'kin.

"OH MY GODD! NINANG AINA!!!" Napatili ako ng malakas ng makita ko si ninang Aina, agad-agad akong umahon sa pool at agad akong lumapit.

"Aaaa! I can't hug you, basang-basa ako, wait up." Kinuha ko ang bathrobe na nakapatong sa upuan at dali-dali kong sinuot. Tsaka ako yumakap sa ninang Aina ko.

"Did you miss me?" She asks with a smile.

"I miss you so much, I'm so glad to see you again."I say excitedly

"Me too baby, kumusta ka na?"

"I'm good, really good. Nag-kita na po ba kayo ni papa?" I'm so excited, really and ganon din si ninang Aina kitang-kita ko yon sa expression niya.

"Hi ninang Aina."

"Mahra my dear." Nag-beso ang dalawa at nag-yakap din, naka-robe din naman si Mahra.

Hindi naman niya ninang si ninang Aina, pero yon na rin ang tawag niya dito, nakikinang din ang gaga. Natigilan si ninang habang naka-tingin sa may bahaging likuran ko.

"And who is he?" Obviously si caleb ang tinatanong niya. Lumingon ako at si Caleb nga, nakaahon rin na siya.

"He's Caleb ninang."

"Is he your new boyfriend?" Alam niya kasing si Danilo ang boyfriend ko at alam na rin niya ang nangyari samin n'on.

"No ninang Aina, pero malapit na." Si mahra ang agad na sumagot.

"Ouch!" Agad kong kinurot si Mahra sa tagiliran, napakadaldal naku!

"So he's your suitor."

"No ninang."

"Driver niya po. Caleb, Ma'am." Pakilala ni Caleb sa sarili niya. napa-ooh si ninang at bumulong sakin.

"A hot driver huh!" She whispers and chuckle.

"Ninang" I whisper back at her. Medyo may pag-sasaway sa tono ko.

****

Caleb's POV

Narelax ang isip ko kahit papaano sa swimming kanina, medyo na wala ang hindi ko maintindihang pakiramdam ko lately.

Pero sa tuwing titignan ko si Rebecca hindi ko pa rin maiwasang hindi makonsensya, lalo na ngayon na talagang mabait na siya sa 'kin.

Nang-mag sorry ako sa kanya, sorry yon para sa ginagawa kong pang-loloko sa kanilang mag-ama.

Nasa hapag kainan kaming lahat, nasa dating pwesto ako katabi ni Karen, ang ninang Aina ni Rebecca ang katabi niya at katabi naman nito si Mahra.

Mag-e-sleep over daw siya dito, since sunday naman bukas. Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa mga kwentuhan nila.

"Kelan na pala ang kasal niyo Fred?" Tanong ni Ms. Aina.

"Hindi pa kami nakakapili ng date but I guess this year." Sagot ni Mr. Strauss.

"Hindi na ba mag babago ang isip mo papa?" Napaangat ako ng tingin sa sinabing yon ni Rebecca at tumingin naman ako kay Karen, humigpit ang hawak nito spoon and fork na hawak niya.

"Rebecca!" Saway ni Mr. Strauss.

"Sorry"

"By the way Rebecca, next week na ang ball. Sino na ang magiging date mo?" Tanong ni Mahra.

"Wala, okay lang naman sa 'kin kahit wala eh."

"Aay! Hindi pwedeng wala, nakakahiya yon, siguradong pag-tatawanan ka ni Lea. tsk tsk tsk. Balita ko pa naman siya na ang magiging date ni Danilo."

"Mahra I don't care."May ikot pang matang sabi nito.

"Hmmm!" Agad ni Mahrang inubos ang pagkain sa bibig at parang may bigla naisip.

"Why not si fafa Caleb na lang." Natawa bigla si Mr. Strauss. Siguro nakakatawa para sa kanya ang idea na yon. Isang driver ang makaka-date ng anak niya.

"Fafa Caleb, haha! okay yon ah, parang walang tumawag sa 'kin ng ganyan nong kabataan ko." Natatawang sabi ni Mr. Strauss, doon pala siya natawa sa tawag sakin ni Mahra.

"Why not Lynnedoll, si Caleb na lang ang escort mo. Okay lang naman siguro kay Caleb."

"Papa" Tumingin si Rebecca sa 'kin, saktong naka-tingin din ako sa kanya kaya nag-tama ang mata namin. Bigla din siyang nag-bawi ng tingin.

"Okay lang yan kay Caleb, diba Caleb?" Nginitian ko si Mahra bago ako sumagot.

"Kung okay lang kay Rebecca, okay lang naman po sa 'kin. Kaso lang nakakahiya naman kung driver lang ang makaka-date niya."

"Dud! Hindi kaya alam sa school na driver ka diba? alam nila boyfriend ka niya diba?"

"MAHRA!" Napalakas ang boses na saway ni Rebecca kay Mahra, tumingin sakin si Mr. Strauss at Karen nagtatanong ang mga titig sa kin ni Karen.

"How come?" tanong ni Karen na halos panglisikan ako ng mata.

"Nothing, napag-tripan lang. Period." Agad na sagot ni Rebecca.

"So, edi ikaw na lang ang date niya Caleb, total girlfriend mo naman pala siya." Halos masamid si Rebecca sa sinabi ng papa niya.

"papa naman eh."Tumawa lang si Mr. Strauss, kahit ako napangiti ng husto.

"Wag ka na ngang umarte Rebecca, kailangan may date ka kasi pati ako dinadamay mo sa pagmumuk-mok sa gilid sa tuwing may party sa school..... Hep! hep! hep! wag ka na komontra." Agad na sabi ni Mahra dahil mag-sasalita pa sana si Rebecca.

"Okay lang naman siguro sa 'yo mommy Karen diba?.. I mean tita Karen... o siya ate Karen na nga lang." Pag-iba iba ni Mahra sa tawag niya kay Karen dahil sobra siyang sinamaan ng tingin ni Rebecca.

"Okay lang naman ate Karen diba?" tanong uli ni Mahra.

"Yeah, it's up with Caleb." Sagot ni Karen, pero sigurado akong ayaw niya, sa tono pa lang ng boses.

Tumingin ako kay Rebecca at naka-tingin din siya sakin, parang nahihiya siya. She looks ashamed, but why she still looks so cute?

"Okay lang ba sayo Caleb? Para naman hindi mag-mukhang kawawa ang prinsesita ko." Sumimangot si Rebecca sa sinabi ng papa niya.

"Sige po" Tipid kung sagot at ngumiti kay Rebecca. Yong titig niya parang gusto akong tanungin nito ng 'Are you sure?'

***

Matutulog na sana ako, kaso bigla akong nauhaw kaya nag-punta muna ako dito sa kusina para kumuha ng tubig, hindi ko na rin pinag-kaabalahan buksan ang ilaw dahil bukas naman ang blue dim light.

Habang umiimom ako ng tubig ng biglang may tumikhim mula sa likod ko, agad akong lumingon at si Rebecca ang nandoon.

"Rebecca"

"Hi, kukuha lang ako ng tubig."

"Sige ako na kukuha." Kumuha agad ako ng baso, kumuha ako ng tubig sa ref. At sinalinan ko ng tubig ang baso at agad kung binigay sa kanya.

"Thanks" Ininom niya ang tubig at nilapag sa kitchen counter ang basong wala ng laman.

"Nga pala Caleb, sorry sa kanina, napasubo ka pa tuloy, pero don't worry hindi mo kailangan gawin yon."

"Hindi okay lang." Mabilis kong sagot.

"You don't have to."

"But I want to." Medyo natahimik siya sandali.

"Are you sure?" Tanong niya.

"Yeah, gusto ko. Gusto kita."

"Huh?" Takang sambit niya.

"I mean gusto kita, gusto kitang samahan. Yon lang kung ikaw ang may ayaw sa 'kin."

"Gusto ko" Napangiti ako sa mabilis niyang sagot.

"So, edi ako ang date mo, promise hindi kita ipapahiya." Nginitian ko siya ng husto.

"Okay" Napangiti na rin siya sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com