TruyenHHH.com

Ms Clumsy Meets Mr Perfect Book 1 Completed

HI THERE, I AM CURRENTLY EDITING THIS STORY PARA MAS MAIPARATING KO ANG GUSTO KONG IPARATING HAHA MAGULO BA? MAGULO DIN KASI TALAGA TO KUNG HINDI KO EEDIT SO PLEASE BEAR WITH ME.


MARAMING SALAMAT SA MGA TAONG NAGBASA, NAGBABASA, AT MAGBABASA PALANG NETO. 

-RJAT-

___________________________________________________________________________

"pag may tiyaga, May nilaga" yan ang pinaka common na kasabihan para sa taong hindi mawalan walan ng pag-asa sa mga bagay na pinapangarap nila. sabihin na nating yan din ang pinapaniwalaan ko dahil katulad ng iba may pangarap din ako. Ako nga pala si Christina Montenegro pero Tina ang tawag saken ng mga taong ka close ko talaga. dito magsisimula ang storya ko, ang storya namin, ang storya ng isang tatanga tangang babae na nahulog sa taong perpekto. walang taong perpekto? oo wala, pero pag nagmahal ka , kahit ilang beses pang magkamali ang taong mamahalin mo, perpekto pa rin siya para sayo kasi nga MAHAL MO. He's my crush, My very long time crush.

*Montenegro Residence

"nak gising ka na" paggising ni Danny sa kanyang anak, siya ang ama ni Tina. Si Danny Montenegro, isang negosyante at siya rin ang may ari ng pinapasukang paaralan ng kanyang anak ang St. Anthony High.

"pa inaantok pa ko." sagot ni Tina sabay talukbong ulit ng kumot

"eh nak, first day of school mo ngayon baka ma-late ka at masermonan ka ng teacher mo hindi porket saten ang school eh papetiks petiks ka na, you should be an example sa lahat ng nag-aaral sa St. Anthony kaya bumangon ka na okay." pangangaral ng ama nito

"teka onga pala first day of classes ngayon! naku" matapos ay nagtatatakbo ito kumuha muna siya ng Towel matapos ay pumasok na sa C.R para maligo, napabuntong hininga naman si Danny sa Anak, makakalimutin lang kasi talaga si Tina kaya minsan kailangan ipaalala sa kanya ang mga bagay bagay na nakakalimutan niya.

"hay naku anak kelangan mo na ata magpacheck up" sabi ni Danny sa kanyang anak habang kumakain sila ng umagahan

"pa naman eh, alam mo naman na makakalimutin talaga ko" sabi ni Tina sa anak

"kasi naman anak magfocus ka ah, narinig ko na cu clumsy clumsy ka daw sa eskwelahan, minsan nadadapa ka pa ng walang dahilan " pagpapaalala ng ama nito

"pa naman" sabi ni Tina

"oh wag ka ng magsalita ikaw kokontra ka pa mali ka naman basta ah ayusin mo yan, alam mong ayaw kong nasasaktan ka. Wala na ang mama mo, gusto ko maprotektahan kita pero kailangan mo rin protektahan ang sarili mo kasi di laging nasa tabi mo ko" pagsasabi ni Danny sa kanyang anak

"opo pa, alam ko naman yun ah salamat po, nga po pala mauuna na po ako sa school ah" pagsasabi ni Tina sa ama

"oh hindi ka na sasabay saken?" tanong ni Danny sa anak na nasa pintuan na

"ay di na po pa, magscoscooter nalang po ako ah :)" sabi nito

"anak naman kasi meron namang apat na gulong , naku ano ka pa naman." pagsasabi sa anak

"pa naman alam ko na yan pero magtiwala ka lang saken ah " sabi nito matapos ay tumayo na sa kinauupuan at tsaka humalik sa ama at umalis na. sa kabutihang palad ay wala namag nangyaring masama kay Tina habang nasa daaan. nang siya ay makarating sa St. Anthony ay bumili muna siya ng cotton Candy na nasa tapat lang naman ng eskwelahan nila

"ate pabili po." sabi nito

"eto oh." sabi ng tindera sabay abot ng cotton candy

" ingat ka" sabi ng tindera sabay kindat sa dalaga, umalis naman agad din si Tina gawa ng natakot siya sa pagkindat ng Tindera.

"haysst antok pa ko eh" nasabi niya habang humuhikab ng pagkalakas lakas sabay dukot sa cotton candy na hawak niya at dahil hindi siya nakatingin sa daanan ay nakabangga siya ng isang estudyante

"ay sorry! sorry talaga!" sabi niya at sabay napatingin sa relo.

"6:53 am!"

"sorry! sorry! sorry talaga! pasenya na ah nagmamadali talaga kasi ko eh, sorry ulit babawi ako next time sorry" sabi ni Tina habang nagtatakbo sa corridor ng eskwelahan, ni hindi niya na nalingon ang taong nabangga niya, ang maganda naman kay Tina ay kahit na medyo may pagka clumsy siya ay hindi naman naapektuhan ang pag iisip niya, nasa Top Section siya kasama ng kanyang matalik na kaibigan, si Jake Santos

"teka miss yung!" sigaw nung lalaki pero hindi na niya naabutan si Tina sa bilis ba namang tumakbo

*Sa Room

"hoi best first day na first day muntik ka pang ma- late hay naku buti umabot ka chuck norris ka pa pumasok?! hindi ka mo man lang inayos ang Harry Styles mo?!" pagsasabi ni Jake sa kaibigan

"wala rin namang makakapansin noh." matamlay na sagot ni Tina, Si Jake Santos ang kaibigan ni Tina, Bestfriend na pala, gwapo, good looking, maputi, matangkad , mayaman, boyfriend material kaso sayang kasi ka federation niya si Vice kasamaang palad isa siyang becky/shoke/juding/beclabels sa madaling salita bading siya.

"Tina Look si Raye." sabi nito sabay kalabit kay Tina

"ASAN!" pagsagot naman ni Tina ng napakalakas sabay hanap kung asan si Raye

"ay makasigaw lang? pano kasi tulaley ka diyan, hanggang ngayon ba naman patay na patay ka pa rin sa lalaking yun? 3 years na oi! move on move on din! di na nakausad? Lahat ng sirang daan naayos ng gobyerno ikaw di ka pa rin nagbabago!" sabi ni Jake matapos eh umiling iling

"mali, 3 years ko na siyang mahal" pagakakarealize ni Tina sa sinabi ni Jake

"oo teh! 3 years na, 3 years ka ng mukhang shunga!" sigaw neto kay Tina, kaya naman napatingin sa banda nila ang kanilang mga kaklase.

"hinaan mo nga yang boses mo, alam mo Jake pag mahal mo kahit gano pa katagal yan, mahihintay at mahihintay mo siya." sabi naman ni Tina

"naku teh may hinihintay ka ba?" pamimilosopo naman ni Jake

"oi si Raye!" sabi nung isang babae na kaklase nila na nagngangalang desiree na matagal na ring may gusto kay Raye. maraming nagkakagusto Kay Raye Cruz, isa siya sa mga ideal boyfriend ng lahat hindi lang dahil sa angking kagwapuhan at sa pagiging mayaman nito, kundi dahil na rin sa pagiging suplado niya, alam niyo naman benta sa mga babae ang suplado hahaha at dahil si Raye ang usapan agad namang narinig ni Tina ang nasabi ng kanyang kaklase napalingon ito , pero naalala niya na napagdesisyunang lumipat ni Raye ng eskwelahan nung nakaraang taon kaya nalungkot ito

"pero diba lumipat na yun?" sabi naman nung isa nilang kaklase

"duh like use your eyes kaya." sabat naman nung isa pa nilang kaklase, ng lumingon si Tina ay nanlaki ang mata niya dahil totoo ang balita. hindi natuloy ang paglipat ni Raye, halos mapunit naman ang mga labi ng dalaga sa pagkatuwa ng makita si Raye sa kanilang silid, tila maraming puso ang lumabas sa mga mata ni Tina ng makita ang taong kinahuhumalingan

napailing naman si Jake sa nakitang reaksyon ng kaibigan niya, dahil alam niya na magsisimula na naman itong mangarap ng GISING.

_____________________________________________________________________________

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com