TruyenHHH.com

Hunter S Temptation

Mauunang matapos 'to bago ang AL. Kalma. Or I'll make this 40 chaps only. *shrugs*

--

Maaga pa lang ay abala na si Zyline sa pamimili ng damit na susuotin para sa check up niya mamaya. Si Stephanie ang nagrekumenda sakanya ng OB na pupuntahan at sinabi nito sakanya na natawagan na nito ang OB at puntahan nalang niya ito.

Kahapon nang makabalik sila ni Hunter sa Sweet Desire, mas kalmado na ang kapatid niya at ang mga kaibigan nito. He was still mad, though. Hindi naman ata mawawala agad ang bagay na iyon.

Naiintindihan naman ni Zyline kung bakit nagagalit si Blue, eh. Kahit pa sabihin na nasa tamang edad na siya, she was still Blue's little sister. Kahit pa mag-asawa na siguro siya, ganoon pa din ang kapatid niya sakanya. Protective.

He loves Blue. Pero gusto niya lang naman na magtiwala ito sakanya. 'Yon lang. Yon naman ang mahalaga, eh. He should trust her with her decision. Anuman ang kahahantungan nito, at least, alam ni Zyline na sinunod niya ang gusto niya kaya wala siyang pagsisisihan.

Gusto niyang magtiwala si Blue na kaya niyang panindigan 'to. Kaya niyang panindigan ang lahat.

"Morning," sumilip si Cyan sa loob ng kwarto niya. Dalawang linggo na siyang nakatira sa bahay ng Kuya niya. Wala ang Mommy at Daddy nila dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Nagpumilit siya na sa condo nalang niya titira pero ayaw naman ni Blue na tumuloy siya doon.

Minsan talaga, mas paranoid pa si Blue kaysa sakanya.

He was mad because of what happened in Tarlac. Sino bang hindi magagalit? Halos harap-harapang sinabi ni Hunter na babawiin nito si Tanya kahit na anong mangyari. And she was there... girlfriend nito. Napakasakit na marinig 'yon mula sa taong mahal mo.

Hindi naman siya nagalit, eh.

Nasaktan siya.

Alam naman niya na ganoon ang ugali ni Hunter, pero pinilit niyang magtiwala. Maniwala.

Pero nasaktan talaga siya. Para kasing bumalik lang si Tanya, nakalimutan na siya ni Hunter.

Na hanggang ngayon, hindi pa malinaw sakanya kung sino ba 'yon. First love ni Hunter, tapos? Ano pa? Sino pa siya sa buhay nito? Ano pang papel ang hawak ni Tanya sa buhay ni Hunter?

"I was surprised..." umupo si Cyan sa kama niya at tinignan ang mga damit na naroon. "You and Hunter?" ngumiti ito sakanya. "Kailan pa?" tanong ulit ng kaibigan sakanya.

Tinitigan ni Zyline si Cyan. Alam niyang marami na siyang utang na kwento dito. Hindi niya nasabi ang mga nangyayari sa buhay niya dito na dati naman, ginagawa niya.

Kahapon, alam niya na nagkasagutan ito at si PJ. Noong pumasok kasi si Cyan sa shop, nanggagalaiti ito kay PJ. Stephanie said sorry in behalf of her husband. Nagkasabay-sabay naman kasi ang init ng ulo nila... all because of her.

"Hindi mo man lang nakwento," may himig na pagtatampo na sabi ni Cyan sa akin. "Were you scared? Tingin mo ba, hindi matatanggap ng Kuya mo?" tanong nito sakanya.

Ngumiti ng malungkot si Zyline. "Tama naman ako, diba? Hindi naman talaga natanggap ni Kuya," umupo siya sa kama at kinuha ang napiling damit na isusuot.

"Nabigla lang 'yon," sabi ni Cyan. "Tsaka alam mo naman na welfare mo lang ang inaalaa niya, eh..." dagdag nito.

"Andun na ako, Cy. Pero diba... sana magtiwala siya sa akin..." napabuga siya ng hangin bago napahawak sa impis pang tiyan. Ngayong araw malalaman nila kung buntis ba siya o hindi. Kinakabahan siya. Pinapanalangin niyang sana buntis siya. Kasi kahit na hindi pa siya handa, tatanggapin niya ng buong puso ang batang nasa sinapupunan niya kung sakali.

"Intindihin mo nalang. Ang alam ko ngayon, hindi sila nag-uusap ni Thunder," huminga ng malalim si Cyan. "Kahit ako nga, halos hindi kibuin 'non, eh," nakasimangot na dagdag nito. "We need to give him space. Hayaan muna natin siyang mag-isip," hinawakan ni Cyan ang kamay niya.

"Anyway, may naiisip ka na bang pangalan ng anak mo?" tanong ni Cyan sakanya. "Sana babae, 'no? O kaya lalaki... or kambal!" excited na sabi niya habang parang tuwang-tuwa. "May makakalaro na ang kambal ko!" sabi pa nito.

Napangiti nalang siya sa kaibigan. "Hindi pa nga siguradong buntis ako, eh..." sabi niya.

"Ano ka ba, buntis ka! Kapag hindi, ulitin niyo ni Hunter!" matapos magsalita'y tumawa ng malakas si Cyan. "Hanggang ngayon, hindi ko pa mapaniwalaan. My gosh, ikaw, magiging Dela Cruz?" ngumisi sakanya amg kaibigan. "Magandang lahi, hindi na masama..."

Siya, magiging Dela Cruz?

Pakakasalan ba siya ni Hunter? May plano na ba itong pakasalan siya?

Of course, she's hoping they will end up together. Para namang ginagago niya ang sarili kung idedeny niyang umaasa siyang magiging sila ni Hunter hanggang dulo.

Pero sa palagay ni Zyline ay hindi mahalaga ang bagay na iyan sa ngayon. There's too much on her plate now, at alam niya, least priority din ni Hunter ang bagay na iyon.

Ang mahalaga ngayon, malaman nila kung buntis ba siya o hindi.

Hindi nalang siya nagsalita tungkol sa sinabi ni Cyan. Bagkus, nagpatulong nalang siya na mag-asikaso ng gamit niya.

Bumaba na silang dalawa para magsabay-sabay silang kumain. Nasa hapag na ang kambal nang dumulog sila doon. Naroon din si Blue na nakikipaglaro sa kambal ngunit pumormal ang mukha nang makita siya.

Sinalakay naman tuloy ng guilt ang kalooban ni Zyline.

"Morning, Kuya," bati niya dito. Hindi naman siya pinansin ni Blue. Umupo nalang siya sa tabi ng kambal na pinapakain na ng yaya ng mga ito.

"Honey, dadalhin ko ang kambal. Mamamasyal lang kami sa Greenbelt, ha?" sabi ni Cyan kay Blue. Tumango lang ito.

Napangiti naman si Cyan bago tumingin kay Zyline na parang sinasabi na kahit sakanya, masungit ang asawa.

"Hindi mo 'ko sasamahan? Baka may manligaw sa akin 'don," pagbibiro ni Cyan kay Blue.

Tumingin si Blue sa asawa. "May trabaho ako," sabi nito.

Napanguso si Cyan. "Oo na. Ang aga-aga ang sungit mo," sabi nito. "Enzo, wag gagayahin si Daddy, ha? Aga-aga, ang daming lines ng noo!" natatawang sabi ni Cyan.

"Hindi magiging gago ang anak ko dahil hindi naman ako gago," sabi ni Blue bago tumingin sakanya.

Napaiwas nalang ng tingin si Zyline.

"Watch your mouth, Blue Andrew," sabi ni Cyan na pinanlakihan ng mata ang asawa.

Hindi na nagsalita si Blue at nagpatuloy sila sa pagkain. Si Cyan naman ay abala sa pagkain at maging sa pag-aasikaso ng kambal.

Inabala nalang ni Zyline ang sarili sa pagkain at pilit na hindi tinignan si Blue.

"Anong oras ang check up mo?" tanong ni Blue sa kapatid. Nag-angat namam si Zyline ng tingin sa kuya niya.

"10 am pa," sagot niya.

Seryoso ang tingin ni Blue kaya naman mas kinakabahan si Zyline. Sanay naman siyang seryoso ang kapatid niya pero... nakakatakot kasi si Blue magalit.

"Susunduin ka ni Hunter?" tanong nitong muli na para bang lason ang pangalang binanggit base sa ekspresyon ng mukha nito.

"Oo," tanging naisagot niya dito. Hindi naman na muling nagkumento pa ang kapatid niya.

Matapos silang kumain, nagpaalam na si Blue na aalis na siya. Naiwan naman si Zyline sa may living room dahil umakyat na din si Cyan at ang kambal dahil may sariling lakad ang mga ito.

Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Hunter. Panay ring lang ng phone ang naririnig niya sa kabilang linya.

"Nasaan ka na ba?" kunot noong tanong niya bago muling tinawagan si Hunter.

Napabuga nalang siya ng hangin nang maka-limang tawag na siya'y 'di pa sumasagot ang binata.

Hindi niya maiwasang sumama ang loob. He said he'll go with her. Anong nangyari?

Napapailing nalang na kinuha ni Zyline ang susi ng sasakyan niya at lumabas na ng bahay. Alam naman niya kung saan ang clinic ng OB. Makakarating naman siya doon ng mag-isa.

"Hey," natigilan siya sa pagpasok ng keyhole ng susi niya sa sasakyan nang may magsalita sa likod niya.

Nilingon niya ito at nakita niya si Hunter na naroon.

"Hunter!"

"Sorry, I was late. May dinaanan pa ako sa Summer's," ani Hunter bago naglakad papunta sakanya. "Where are you going?" tanong nito sakanya.

"OB. I thought you're not going tp show up. Tinatawagan kita," sabi niya sa binata.

"I left my phone," kibit-balikat na sagot ni Hunter. Maaga siyang nagising kaninang umaga pero maaga din niyang narinig ang boses ni Thunder kaya umalis nalang siya at nagpuntang Summer's para tignan kung ano na ang nagyari doon dahil wala siya kahapon. Naiwan niya ang cellphone niya nang magmadali siyang umalis papunta kay Zyline.

"Don't give me that look," napasimangot si Hunter.

Kumunot ang noo ni Zyline sa binata. "What look?" tanong niya dito.

"Na parang hindi ka naniniwala sa akin," sagot ni Hunter. "Kung gusto mo, itaob mo ang sasakyan ko para lang malaman mong wala ang cellphone ko," ismid nito sakanya.

"No, I didn't mean to--"

"Gago lang ako, 'di naman ako sinungaling," sabi ni Hunter bago siya hinawakan sa braso. "Let's go," aya nito sakanya papunta sa sasakyan nito.

Matapos niyang maisuot ang seatbelt, hindi na siya kinibo ni Hunter. Wala naman siyang ibang ibig sabihin sa tingin niya. She was just worried and surprised.

Hindi sila nagkikibuan ni Hunter hanggang sa makarating silang dalawa sa clinic na destinasyon nila.

"Hindi ka bababa?" tanong ni Zyline na nakakunot ang noo sa binata nang makita niyang hindi nito alisisn ang seatbelt nito.

"Kailangan ba ako 'don?" tanong ni Hunter kay Zyline.

She rolled her eyes. "Hunter, para namang hindi mo sinasamahan si Rain noong pinagbubuntis nito si Theon," sabi niya. Hindi naman sa nagseselos siya. Pero that was Thunder's son. Not his. Itong kanya, kay Hunter 'to, walang duda!

"Hindi ko sinasamahan si Einah sa loob ng clinic. The first time I saw her, I accidentally bumped in to her," sabi nito sakanya.

Hindi siya nagsalita. Binuksan nalang niya ang pinto at naglakad na papunta sa loob ng clinic. Hindi niya talaga maintindihan si Hunter. He told her he'll go with her. Sana ang sinabi nalang nito, ihahatid siya.

"Zyline," hinawakan nito ang braso niya at sinamahan siya. Hindi niya ito pinansin. Nagdire-diretso nalang siya sa pagpasok sa loob ng clinic.

"Good morning, Ma'am," bati sakanya ng guard na nginitian niya nalang ng tipid. "I have an appointment with Doc. Luth," sabi niya sa guard.

"Sige, Ma'am, diretso nalang po kayo, nandon po ang secretary ni Doctora," sagot ng guard sakanya.

Matapos magpasalamat ay naglakad na palapit si Zyline sa lamesang naroon para ipaalam ang appointment niya sa Doctor.

"Ma'am, pasok na po kayo," sabi ng babae sakanya.

"Salamat," sagot niya dito. She's aware of Hunter's presence pero hindi niya ito pinapansin.

"Sir, sasama kayo?" tanong ng babae na ikinalingon ni Zyline dito.

"Is there a problem with that?" kunot noong tanong ni Hunter sa babae.

Umiling naman ito at tila natakot kay Hunter. He's really intimidating. "Ano pong relation sa patient, sir?" tanong nito sa binata.

Nakatingin lang si Zyline. Ano nga ba ang relasyon ni Hunter sakanya? Ano ba ang turing ni Hunter sakanya.

"Girlfriend ko siya," sagot ni Hunter. "Magtatanong ka pa ba?" tanong nito sa babae. Umiling itong muli bago hinayaan itong sumunod sakanya.

Inirapan niya si Hunter nang tignan siya nito.

"Good morning!" bati sakanya ng babaeng naroon sa loob na nakasuot ng puti. Ngumiti naman siya dito.

"Hi, I'm Zyline De Guzman. Stephanie's friend," pakilala niya dito.

Tumayo naman ito at lumapit sakanya. "Yeah, tinawagan nga ako ni Steph, eh," sabi nito. "Magpapacheck-up ka daw..."

Tumango siya.

Napalingon naman ang Doctor kay Hunter. "Asawa mo?" tanong nito sakanya.

Napatingin siya kay Hunter.

"Hin--"

"Hindi pa," sabi ni Hunter na ikinabigla niya.

Ngumiti naman si Luth sa dalawa. "Malapit na ba? Naku, tama 'yan since magkakaanak kayo, eh," sabi nito.

Hindi naman siya nakasagot agad.

"Okay, start na tayo?" tanong nito sakanya. "May mga questions ako, upo ka na muna," sabi nito.

Umupo naman siya habang si Hunter, naupo sa may couch na naroon.

Lahat naman ng tanong ng doctor ay sinagot ni Zyline. Si Hunter ay nakamasid lang sakanila habang nag-uusap sila.

Matapos siyang kuhunan ng ilang tests, at iwan pansamantala si Hunter, lumabas na silang dalawa sa isang kwarto pang naroon at binalikan ang binata.

"May history ba kayo ng kambal? I mean, may family member ka na may kambal na anak, ganoon? Kapatid or pinsan..." sabi ni Luth sakanya habang nakaupo na ulit sa swivel chair nito.

Natigilan si Zyline sa tanong sakanya. Nilingon niya si Hunter na nakakunot ang noo.

"Why are you asking me that?" tanong niya sa doctor na nasa harap.

"Because pf the tendency that you'll have twins," she shrugged and then smiled. "Now that we're sure you are pregnant, may mga tendencies na ganoon ang mangyari sa'yo," sabi ba nito sakanya. "Meron ba?"

Hindi siya nakasagot agad.

Kambal ang anak ni Blue.

"Ikaw, future husband, baka may kambal sa pamilya mo?" tanong ni Luth kay Hunter na nakakunot pa din ang noo. He shook his head. "Walang kambal sa amin," he said.

"Kambal ang anak ng kapatid ko," sabi ni Zyline.

Napangiti naman si Luth. "Okay, so may chance na kambal din ang magiging anak mo. Though I'm not really sure as of the moment. We need to run some tests to make sure and beside, it's too early to tell. More likely, 5 months pa kasi natin malalaman ang gender, but 3 months pa lang, may chance naman na makikita natin kung kambal o hindi ang dinadala mo," sabi ni Luth sakanya.

Hindi siya nakapagsalita agad.

Kambal?

May chance na kambal pa ang anak niya? Kung isa nga, mahihirapan ata si Hunter na tanggapin, paano pa kung dalawa?

"May mga ibibigay akong lists sa'yo ng foods to take at mga bawal sa'yo para mas healthy ang baby mo," sabi nito at inabala na ang sarili sa pagsusulat.

Nagkatinginan naman sila ni Hunter.

Hindi alam ni Zyline kung ano ang tumatakbo sa isip ni Hunter sa kaalaman na maaring kambal ang anak nila.

Matapos magsulat at ibigay ni Luth ang papel kay Zyline, nagpaalam na sila dito.

"Thank you, Doc," they both said.

"Anytime. Congrats to the both of you," she smiled. "Monthly ang check-up, ha? And I'm expecting you to be here next month... at sa mga susunod pa to monitor your pregnancy," sabi nito. Napangiti nalang si Zyline.

Nakahawak si Hunter sa siko ni Zyline habang naglalakad sila palabas.

"Pwede kang magalit," sabi ni Zyline habang tinatahak nila ang daan pauwi. Kanina pa kasi tahimik si Hunter. Maybe he's mad.

"What the fuck are you talking about?" tanong ni Hunter na nilingon lang siya saglit.

"Isang bata nga, ayaw mo. Paano pa kung dalawa?" tanong ni Zyline. Mas bumibigat ang pakiramdam niya dahil sa sinabi. Umaasa siyang magiging masaya si Hunter, eh.

Nakakasakit talaga ng damdamin ang kakaasa. Dapat talaga kapag mahilig kang umasa, marunong ka ding ihinto, eh. Kahit kasi ilang beses mong sabihing pagod ka ng umasa o ayaw mo na, hindi mo naman naihihinto, eh. Umaasa ka pa din. Umaasa kang mahihinto. Umaasa ka kaya ka nasasaktan.

"Ano bang sinasabi mo diyan?" tanong ni Hunter sakanya. "Who told you that?" he added.

"Kitang-kita naman sa mukha mo, eh. It's confirmed. Buntis ako. Pero wala man lang akong makitang ngiti sa'yo," inis na sabi niya.

Nang sabihin ni Luth kanina na buntis nga siya, she was so happy. Her heart was filled with joy... then she saw how emotionless Hunter was.

"What?" kumunot ang noo ni Hunter. "Ano bang sinasabi mo?" tanong nito ulit sakanya.

"Ewan ko sa'yo," hindi niya talaga maitago ang inis sa binata. Siguro dala ng pagbubuntis kaya siya moody pero... naiinis talaga siya dito.

"Look, Zyline. I am happy okay. It's just... I don't know what to say and... fuck. Nevermind. You won't believe me anyway," iiling-iling na sabi nito.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa magpunta sila sa restaurant dahil nag-aya si Hunter na kumain sila.

Nakasimangot lang si Zyline kahit pa nakaupo na ito.

Si Hunter ang umorder ng pagkain nila dahil hindi talaga kumikibo si Zyline.

"Are you really going to frown?" tanong ni Hunter sakanya. Inirapan lang niya si Hunter.

Sumandal si Hunter habang nakatingin sakanya.

"Okay, just frown," he shrugged. "Hindi naman papangit ang anak natin, ako ang tatay, eh," sabi nito.

"Ang kapal ng mukha mo," irap niyang muli.

He smirked at her.

"May naisip ka ng pangalan?" tanong ni Hunter habang kumakain sila.

Umiling siya. Wala pa naman talaga siyang naiisip na pangalan. Hindi pa din kasi niya alam kung ano ang gender ng anak niya.

"Think of a boy's name..." he said. "I'm sure lalaki 'yan," he added.

Kumunot ang noo ni Zyline. "Paano mo naman nasiguro?" tumaas ang isang kilay niya sa binatang kaharap.

"Because I'm a Dela Cruz and I'm a sharp shooter," ngumisi si Hunter sakanya.

Napailing nalang si Zyline. Hindi niya maiwasang mairita buong araw. Ewan ba niya, naiinis siya na hindi niya napaliwanag. Naiinis siya sa mukha ni Hunter.

Gwapo naman ito pero... basta. Naiirita siya.

Sa tapat ng gate ng bahay ni Blue nito inihinto ang sasakyan nito.

"May lakad ka bukas?" tanong ni Hunter sakanya nang makababa na silang dalawa sa sasakyan nito. Umiling lang siya.

"Galit ka ba?" tanong ulit nito sakanya.

Muli, umiling lang siya.

"Zyline..."

She looked at him. "Ano?" kunot noong sabi niya.

"Keij and Kol," sabi nito.

"What?" mas kumunot ang noo niya. Anong sinasabi nito?

"I want those names for my child," he smiled. "See you tomorrow, my lady," mabilis lang siyang hinalikan sa labi ni Hunter bago bumalik sa sasakyan nito.

Naiwang mag-isa si Zyline habang iniisip ang sinabi ng binata.

Keij and Kol?

May naisip na pangalan si Hunter para sa mga anak nila?

Napangiti nalang si Zyline.

May pakialam din pala si gago.

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com