TruyenHHH.com

How To Make A Villain Stand Alone 3

Elevator 



Gusto kong mag-focus sa librong binabasa ko, pero hindi ko ma-iwasang isipin ang sinabi sa akin ni Don Joaquin. Yung saya na nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw ay para bang bulang bigla na lang nawala, sinama ng hangin, tinangay sa kung saan palayo sa akin.

Mula sa libro ay nag-angat ako ng tingin sa kabuuan ng aking malaking kwarto, parang isang buong bahay na ang laki nito sa lugar namin. Napabuntong hininga ako, ang kapalit ng lahat ng 'to ay ang katotohanang hindi lahat ng nandito ay totoo.

Hindi naman kasi talaga 'to para sa akin. Nandito lang ako para magpanggap, nandito lang ako para punan ang pagkawala ng totoong Atheena Escuel. Panakip butas lang ako.

Imbes na ipagpatuloy pa ang pagbabasa ng libro ay binitawan ko na lamang 'yon at pagod na humiga sa malaki at malambot na kama. Kung pipilitin kasi ay wala din naman akong ma-iintindihan. Wala doon ang utak ko kaya naman wag na lang.

Papikit na sana ako nang bigla akong napabalik sa pag-upo nang marinig ko ang mahihinang katok. Mabilis ang naging response ng katawan kong umayos ng upo sa kadahilanang may posibilidad na si Don Joaquin 'yon.

Nakakahiya naman na maabutan niya akong kumportableng nakahiga. E, trabahador lang naman niya ako dito, taga sunod sa mga sasabihin niya.

"Anak..."

Tsaka lang gumaan ang lahat nang marinig ko ang malambing na boses ni Maam Metis. Halos sanay na akong tawagin siyang Mommy kagaya ng gusto niya, pero ngayon ay kailangan ko ulit masanay na Maam ang itawag ko sa kanya sa isip ko.

Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin, napangiti din ako, nakakahawa ang ngiting 'yon. Sobrang swerte ni Atheena dahil siya ang kanyang ina.

"Pasok po kayo..." sabi ko at tumayo para igaya siya papasok sa aking kwarto.

Mula sa akin ay inilibot niya ang kanyang paningin sa buong kwarto, sa paraan kung paano niya ginawa 'yon ay para bang nakaramdam din siya ng pagbabago sa lugar.

"Mommy."

Nawala kaagad ang pag-aalinlangan sa mukha niya nang tawagin ko siyang Mommy. Para bang kanina ay nasa hindi siya pamilyar na lugar, ngayon ay ayos na.

Mula sa akin ay bumaba sandali ang tingin niya sa bitawang kong libro sa taas ng bedside table. 

"Tapos ka nang magbasa?" tanong niya sa akin.

Nilapitan niya ako, hinawakan ang aking mga kamay at iginaya pabalik ng upo sa may kama.

Marahan akong tumango. Ang bawat galaw ko pag siya ang kasama ay awtomatikong nagiging malambing at mahinhin. She deserves that, she's too soft.

Umangat ang isa niyang kamay papunta sa aking mukha, marahan niyang hinaplos 'yon, hindi ko namalayang napapikit na lamang ako dahil doon. Ang lambot ng kamay niya, sa tuwing humahaplos siya ay para bang hinehele ako. Mapapapikit ka, gagaan ang pakiramdam mo.

"Mag-mall tayo bukas? We need to prepare para sa pagpasok mo sa university," sabi niya sa akin.

Bawal tumanggi. 'Yon ang kauna-unang bilin ni Don Joaquin, wag kong tatanggihan ang gusto ni Maam Metis. Ibigay ang gusto nito, kahit ano. Ganoon niya ka-mahal ang asawa.

Pero minsan na-iisip ko, kung sobra ang pagmamahal niya para dito...bakit niya nagawang lokohin ito? Bakit ako nandito?

Aminado naman siyang nagkaroon siya ng kasalanan, ako nga ang bunga. Pero kahit pagbali-baliktarin niya man ang mundo, nagkamali pa din siya, nagloko pa din siya.

"Sige po, Mommy..." nakangiting sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo habang nakatingin sa akin. Alam ko, ramdam ko na may kakaiba na din siyang nararamdaman. Hinding hindi mo talaga malilinlang ang isang ina.

Siguro ay napapaniwala pa namin siya kahit papaano dahil na din sa nangyari sa kanya, pero hindi mawawala sa kanya ang magduda, ang mangulila sa presencya ng kanyang totoong anak.

Ina siya. Kung mayroon mang lubos na nakakakilala sa kanyang anak...siya 'yon.

 "This one looks good on you."

Natuloy ang pamimili namin kinaumagahan. Wala pa halos isang oras pero ang dami na niyang nabili para sa akin. Lahat kasi nang makita niyang sa tingin niya ay bagay sa akin ay binibili niya na kaagad. Hindi na niya iniisip pa ang presyo, kung para sa akin daw ay walang kaso.

"Ang mahal po nito," mahinang sabi ko habang hawak ang dress.

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Don't worry about the price, Hija."

Napaawang ang bibig ko. Taman naman siya, wala akong dapat na ikabahal doon, hindi naman kasi ako ang magbabayad. Pero ang presyo ng isang dress na 'yon ay pwede ko ng budget sa isang buong buwan kung iiwan ako ni Mama sa bahay, may sukli pa.

Damit, sapatos, bags, at ultimo gadgets na gagamitin ko sa eskwela ay bago.

"Is this the latest model?" tanong ni Maam Metis sa lalaking nag-aassist sa amin.

Bagong laptop, cellphone, Ipad. Kahit nga mga relo at jewelries. Kumpleto lahat.

Gusto ko siyang pigilin na. Ako na ang nalulula sa lahat ng 'yon.

"You deserve all of that. You are my daughter. You are Atheena Escuel."

Madiin niyang ipinaalala sa akin na isa akong Escuel. You deserve the world ika nga nila kung ganoon ang apelyido mo.

"E, ano naman?" tanong ni Mama sa akin.

Nagkita nanaman kami, alam ko na kaagad ang gusto niyang mangyari. Nagkamali lang ako sa parte na nasabi kong may card na ibinigay si Maam Metis sa akin, kaya naman nang mapunta kami sa mall ay akala mo nanalo siya sa lotto kung makapag-swipe ng card.

Halos bilin niya ang buong mall. Hindi man lang siya nakunsensya kahit ilang beses ko siyang pagsabihan, ilang beses ko ding sinubukang kuhanin 'yon sa kanya pero hindi siya pumayag.

"Barya lang 'to kay Metis. Alam mo bang bali-balitang may gold ang pamilya nila sa probinsya? Kahit hindi niya mapangasawa si Joaquin Escuel...mayaman na talaga siya. Hindi niya mapapansin 'to," kwento niya sa akin matapos niyang i-abot sa babae ang card para bayaran na ang mga pinamili niya.

"Pero hindi po 'yon rason para abusuhin ang kabaitan niya," giit ko.

Inirapan niya lang ako, habang nasa counter ay panay pa din ang hablot niya ng mga gamit. Kahit hindi naman niya kailangan ay bibilhin niya.

"Ika nga...with great power comes great responsibility," seryosong sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko, kung ano-anong pinagsasabi ni Mama. Hanggang sa huli ay siya na lang din mag-isa ang tumawa sa mga banat niyang hindi ko alam kung saan niya kinukuha.

"Who am I? I am spiderman," sabi pa at tumawa doon na para bang wala ng bukas.

Napa-iling na lamang ako at naglakad palayo sa kanya. 

Weekend nang mapagpasyahan nilang magkaroon ng family time sa may garden. Ang lahat ng 'yon ay na-isip ni Maam Metis. Napansin daw kasi niyang masyado ng abala sina Don Joaquin at Kuya David sa companya. Nakasanayan ko ng tawaging Kuya David ito, tama naman kasi. Kahit hindi ako ang tunay na Atheena Escuel ay kapatid ko pa din naman talaga siya.

Tea time ang tawag niya doon. Hindi ko nga ma-iwasang punahin ang ayos ng lamesa sa may garden. May maliliit na pastries. Para bang kahit mukhang masarap ang mga 'yon ay mas gugustuhin mo na lang na tingnan kesa kainin dahil sa pagkaka-ayos ng lahat.

Hindi ko na-iwasang kuhanin ang phone ko at picturan 'yon. Iyon ang una kong post sa social media na ginawa ko. Kailangan ko daw no'n. 'Yon ang sabi sa akin ng personal mentor ko. Pero kailangan ko din daw pag-aralan ang pagiging pribado, limitado ang mga post at mga impormasyon tungkol sa akin.

"Where did you post it?" tanong ni Maam Metis sa akin.

Napansin ko tuloy na mukhang kanina pa niya pinapanuod ang mga galaw ko.

"Hindi ko siya nakita sa account mo," sabi pa niya.

Ipinakita niya sa akin ang social media account ni Atheena. Mas binabuti ng hindi 'yon ang gamitin ko. 'Yon din ang gusto ni Kuya David.

"M-may bago na po akong account, Mommy..." Alanganin pang sagot ko sa kanya.

Ramdam ko kasi ang tingin ng dalawang nasa harapan namin. Para kasing isang maling sagot ay mababaril ako. Yung klase ng tingin nila ay parang baril na nakatutok sa akin, bawal akong magkamali.

 Hindi naman ginawang big deal 'yon ni Maam Metis. Hanggang sa nakahinga ako ng maluwag ng mag-iba na ang topic nila. Kahit wala akong na-intindihan ay ayos lang, kesa naman tungkol sa akin ang pinaguusapan.

"Marami tayong bagong scholars. Pinili kong mabuti, mataas ang kumpyansya ko sa mga ito," sabi ni Don Joaquin.

Doon ko nalaman na may mga program sila sa company kagaya na lamang ng mga scholarship para sa mga gustong mag-aral ng Architecture at Engineering.

Parte kasi ng Escuel Corp ang pagpapatayo ng mga real estates at subdivisions. Mukhang susubukan na din nilang pasukin ang construction company.

"Ano ba ang leading na companya ngayon pagdating sa mga real estate?" tanong niya kay Kuya David.

Para bang planadong planado nilang dalawa ito.

"Sa mga Jimenez at Herrer po, Dad."

Nanantili ang pananahimik ni Don Joaquin na para bang may hinihintay pa siyang idugtong ito.

"Led by Austin Herrer and Pia Jimenez," dugtong pa ni Kuya David.

Doon lang napatango si Don Joaquin na para bang ayos na siya, nalaman na niya ang mga gusto niyang malaman.

Magkakaroon din ng company party. Naging excited si Maam Metis dahil 'yon daw ang pinakagusto niya sa lahat. Bukod doon ay sinabihan na niya ako na kukuha siya ng designer para sa aming dalawa.

Nakita ko kung paano tingnan ni Don Joaquin ang asawa niya. Doon pa lang ay alam kong totoong mahal na mahal niya 'to. 

"Your favorite of course," rinig kong sabi ni Kuya David.

Naging abala si Maam Metis sa pag-contact ng sinasabi niyang designer. May napag-usapan naman ang dalawa sa harapan namin na halos sila lang ang nakaka-intindi.

"He is a very bright boy. Malaki ang potential niya in the future," sabi pa ni Don Joaquin.

Hindi ko na naalis ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Para kasing ang hirap niyang i-please sa kahit anong bagay. Kaya naman bago sa pandinig ko ngayon na may pinupuri siyang hindi naman parte ng kanyang pamilya.

He must be something.

"Arnaldo Salvador."

'Yon ang pangalan ng lalaking pinaguusapan nila base kay Kuya David. Naging interisado naman tungkol sa lalaking 'yon ay hindi ko na masyadong inisip pa.

Sobra kong nagustuhan ang long gown na ipinagawa ni Maam Metis para sa akin. Isa 'yong lace square collar long evening gown. May mga beads din, simple pero sobrang elegante tingnan. Nakataas din ang buhok ko kaya naman kita ang collar bones ko.

"Ang haba at ganda ng leeg mo," sabi sa akin nung nag-aayos sa amin.

Kahit ako ay hindi makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko lubos ma-isip na mararanasan kong makapagsuot ng mga ganitong klaseng damit.

Sabay kaming bumaba ni Maam Metis mula sa may second floor. Sa baba ay nandoon na sina Don Joaquin at Kuya David. Pareho silang nakatingala at nakatingin sa amin, naghihintay sa aming pagbaba.

Hindi naman ako nakaramdam ng pagka-ilang. Alam ko naman na ang tinitingnan nilang dalawa ay ang aking kasama. Sino ba naman ako para tingnan nila. 

Mga kilalang tao at pamilya ang dadalo sa party na 'yon. Mariing ipinaalala 'yon sa aking ng personal mentor ko dahil na din daw sa bilin ni Don Joaquin. Takot daw itong may gawin akong pwedeng makasira sa imahe ng kanyang anak ay pamilya.

Hindi naman daw magiging problema na lalabas ako bilang ibang tao. Hindi naman daw kasi pala-labas sa publiko ang totoong Atheena Escuel. Hindi mahahalata na nagpapanggap lang ako.

Si Maam Metis ng na kanyang ina ay napaniwala namin, ang ibang tao pa kaya na halos hindi naman siya nakikita.

"Umayos ka. Alam mo na ang dapat mong gawin," madiing bilin ni Don Joaquin sa akin nang makahanap siya ng tiempo na kausapin ako habang wala si Maam Metis.

"Na-iintindihan ko po," paningurado ko sa kanya.

Sandali pang nagtagal ang tingin niya sa akin. Hanggang sa makita ko kung paano nagtaas baba 'yon sa kabuuan ko.

"Don't ruin may daughters image," pinal na sabi pa niya bago niya ako tinalikuran at iniwan.

Imbes na makisaya sa kanilang party ay pinili ko na lamang na maglibot sa buong lugar. Ito ang companya nila. Sobrang laki at elegante ng disenyo sa loob. Hindi ako sigurado kung ilang palag 'to.

Lumapit ako sa elevator para sana pumunta sa kung saan. Wala na akong pakialam pa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang ay maglibot.

May tumabi sa akin sa harapan ng elevator. Hindi ka pa sana papansin hanggang sa marinig kong may kausap siya sa phone.

"I know. Magpapahangin lang ako," sabi niya sa kausap.

Narinig ko ang pagngisi niya, may sinabi ata ang kausap sa kabilang linya na nakakatawa.

Hindi ko tuloy naiwasan na lingonin siya. Hindi ko ma-iwasang punahin ang kanyang itsura. Kahawig niya yung isa sa mga members ng favorite boyband ko. Kahawig niya si Mark Feehily.

May dimples siya, lumalabas 'yon sa tuwing ngumingiti siya. Lilingonin na sana niya ako ng bigla na lang tumunog ang elevator.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Pumasok kaagad ako doon, sumunod naman siya at nakita kong wala na siyang kausap sa phone. May pinindot siya, tumagal ang tingin ko doon. Mukhang sa may rooftop siya pupunta.

"Saang floor ka, Miss?" tanong niya sa akin.

"S-sa rooftop din ako," sagot ko.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. Sa huli ay hindi na lang siya umimik. Habang naghihintay ay nanatili din siyang tahimik, ang magkabilang kamay ay nakapasok sa bulsa ng suot na pantalon.

Ilang beses ko siyang nahuling tinitingnan ako mula repleksyon ko sa pintuan ng elevator. Sumama tuloy ang tingin ko sa kung saan, ayokong tinitingnan ako.

"Anong gagawin mo sa rooftop?" tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Anong gagawin mo sa rooftop?" balik na tanong ko sa kanya.

Sandali siyang nagulat pero sa huli ay ngumisi din.

"Nauna akong nagtanong," natatawang sabi niya sa akin.

"Hindi kita kailangang sagutin," paninindigan ko.

Marahan siyang tumango habang nakangiti pa din.

Naglahad siya ng kamay at nagpakilala. "I'm West Vergara..."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at sa kamay niyang nakalahad. Hindi ako lumaki sa mayaman na pamilya, pero hindi din naman ako lumaking bastos.

"Rhiannon..." sagot ko.

Sa huli ay na-realize kong mali ang sagot ko.

"A-atheena..." pag-uulit ko pa.

Muli siyang ngumiti sa akin.

"Rhiannon," pag-uulit niya sa pangalan ko.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com