Darker Of Dawn
Chapter 3: Who's that shit?
Nakayuko lang ako habang kagat ang ibabang labi dahil sa sobrang kahihiyan na naramdaman. "Nako, pagpasensyahan niyo na po itong si Dawn, bago lang kasi kaya kinakabahan pa," boses iyon ni Ma'am Beth.Mas kinagat ko ang ibabang labi ko, nakakahiya naman. Baka pagalitan ako ni Kapitan, tapos matanggalan pa ng trabaho.Nakakahiya na sa asawa ko, wala na ako maitulong sa bahay.Bahagya kong inangat ang tingin ko sa kaniya.Nakita ko si Kapitan na pakamot-kamot ng batok, si Ma'am Beth naman ay sigeng haplos sa braso no'ng anak ni Mayor.I almost looked up at him because he's so much taller than me.Nakatayo siya ngayon habang pinupunasan ang pantalon niya. Nakakahiya, baka may pupuntahan pa siya, siguradong pati panloob ay nabasa rin.Shit!Kapag nalaman ito ni Kairon, paniguradong mamatay iyon kakatawa. Nakakainis!"It's all right, it was an accident. I believe I startled her. It was my fault." Nakita kong sinulyapan niya ako, bahagya akong yumuko, tumagilid ang ulo niya animong sinisipat ako."Sorry po talaga, Sir."Tumikhim si Ma'am Beth, "Sige na Dawn bumalik ka na roon, ayusin mo na 'yung inaayos mo kanina sa office."Nahihiyang tumango ako at humingi ulit ng paumangin sa anak ni Mayor. He gave me a soft smile, as if he was giving me comfort not to worry about his pants.Nang makapasok ako sa opisina ni Ma'am Beth kung saan ako nag-aayos ng mga papeles ay nanlalatang napaupo ako at napatampal na lang sa aking noo."Mabuti na lang at hindi nagalit," bulong ko sa aking sarili.Paniguradong kung ibang mayaman iyon ay sinigawan na ako, dapat magpasalamat na lang ako dahil mukhang mabait ang binata. Sana lang talaga ay makapasok pa ako bukas.***
Tinuon ko ang atensyon ko sa mga pinag-utos sa akin. Nasermunan pa ako ni Ma'am Beth pagka-alis no'ng anak ni Mayor. Panigurado raw na nahihiya lang iyon pagalitan ako.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay nagpaalam na ako uuwi.
Ala-singko na ng hapon, hindi ko alam kung nasa bahay na ba si Kairon. May phone ako pero wala naman ako load, wala rin silbi.
Bitbit ko ang maliit na bag ko habang naglalakad, hindi pa naman gano'n kadilim. Madami pa rin tao sa kalsada lalo at nasa bayan pa ako. Mga trenta minuto bago ako makarating sa bahay sana mauna ako kay Kai para makapag-luto naman ako.
Alam ko naman kasing pagod iyon tapos paglulutuin ko pa.
Habang naglalakad ay nagsuot ako ng earphone at nagpatugtog.
Mabagal lang ang lakad ko habang sinasabayan ang kanta sa aking tainga ng may humintong puting kotse sa aking unahan.
Napahinto ako sa paglalakad, balak ko na sana umiwas sa pumaradang kotse nang bumukas ng pinto nito at lumabas ang isang taong hindi ko inaakalang makikita ko ulit.
"Sir..." Tinanggal ko ang earphone sa aking tainga.
Iba na ang suot niyang pantalon at naka t-shit na siyang puti. Hmm kung asawa ko naka-ganyan mas gwapo.
Napalingon ako sa likod ko dahil baka iba naman ang dahilan ng paghinto niya pero wala naman.
"Hey. Where are you going?" tanong niya nang makalapit sa akin.
"Uhm, uuwi na ho Sir." Napangiwi ako nang maalala ang katangan nagawa ko kanina. "Sir, sorry po ulit kanina ha? Ang naisip ko kasi mapunasan e, nawala po sa isip ko kung ano, kung saan natapon," nahihiyang pag-amin ko.
Tumawa siya, "It's okay, pero sa susunod huwag mo na gagawin iyon sa iba." Kaagad akong tumango. No way! Hindi na talaga.
Luminga-linga ako. "Saan po kayo pupunta?"
"Pauwi na sana ako nakita kita naglalakad and please stop using "po" hindi pa naman ako gano'n katanda, I'm Damond." Inilahad nito ang kamay sa harapan ko.Napatingin ako roon, bago ko iyon abutin."Dawn, po..."Tipid siyang ngumiti bago bitawan ang aking kamay, hindi ko alam kung imahenasyon ko lang ba o talagang pinisil niya ang kamay ko."Hatid na kita," alok niya tapos at tinuro ang kotse niya.Kaagad akong umiling, baka mamaya ay napipilitan lang siyang maging mabait dahil anak siya ni Mayor."Nako, hindi na po— I mean hindi na, Damond, nakakahiya naman.""Don't be shy. After all, I'll go in that way too. I won't let you walk alone, especially this late. Come on." Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Maglalakad na lang ako, malapit lang naman iyo—""Pambawi mo na lang sa nangyari kanina, hm?" Tipid siyang ngumiti, lumitaw pa ang biloy sa kanan pisngi.Nahihiyang napatango na lang ako, naisip ko na lang ay makauwi na ako at matapos ang usapan na iyon.Dapat nga magpasalamat na lang ako dahil hindi na ako mapapagod, maaga pa ako makakauwi at maipagluluto ko pa si Kai.Inalalayan niya pa akong sumakay sa kotse niya bago siya umikot sa driver seat.Inayos ko ang seatbelt ko bago umayos ng upo. Nakaka-miss din pa lang sumakay sa kotse, palihim akong suminghap dahil ilang taon na rin pala akong hindi nakakasakay sa gano'n.Tipid akong nginitian ni Damond bago paandarin ang kotse. Sinabi ko sa kaniya kung saan ang daan ng bahay namin."So, how old are you?" tanong niya, pagkaraan ng ilang minuto. Mabagal lang siya magpatakbo ng kotse."I'm twenty three, actually my birthday was yesterday," sagot ko at umayos ng sandal. Ah, I missed the smell of air conditioner. Sumulyap si Damond sa akin, "You have an accent, you have a white soft skin, I mean hindi ka mukhang mahirap and the way you walk and speak. Don't get me wrong napansin ko lang," nakita ko kung paano niya kagatin ang ibabang labi parang nahiya siya sa sinabi niya.Ngumiti ako. "Hindi ako mayaman, ang magulang ko sa Baguio ang may kaya."Mukhang nakuha ko ang atensyon siya dahil mas binagalan niya ang pagda-drive."What happened now?" buong kuryosidad na tanong niya.Ilang segundo ako natahimik, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin iyon."Hmm, umalis ako sa amin e. Then two years ago I got married here."Tumango-tango siya animong naiintindihan ang pinagsasabi ko. Hindi ko alam bakit kampante ako sa kinukwento sa kaniya."So you're married at the age of twenty one? Wow. I feel so old," aniya kaya natawa ako."May anak na kayo?" Umiling ako habang may ngiti pa rin. "Wala pa, plinano talaga namin huwag na muna mag-anak kasi nag-iipon pa kami."Sumulyap siya sa akin. "You're in love, kapag nagsasalita ka parang kumikinang ang mata mo."Ngumisi ako, talaga? "Yea, mahal ko e." Tumango-tango lang siya at hindi na nagsalita pa kaya natahimik na rin ako.Natanaw ako ang maliit ngunit magandang bahay namin na kulay pink. "Diyan na lang sa kulay pink na bahay." Turo ko.Nang maihinto niya sa harap ay tinulungan niya ako tanggalin ang seatbelt ko."Salamat sa paghatid, Damond."Binuksan ko ang pinto at lumabas, bahagya siyang yumuko upang makita ako sa labas ng kotse."You're welcome."Bahagya akong tumango bago isara ang pinto. Umatras pa ako para makadaan siya, isang beses pa siyang bumusina bago umalis.Napangiti ako ng maalala ko ang sinabi niya, 'I'm in love' absolutely yes. I love my husband."Who's that shit?"Napaigtad ako nang marinig ko si Kai sa gilid ko. Nakakrus ang braso niya sa harap ng dibdib."Kai..."Matalim ang mata niya nsinundan ng tingin ang kotse ni Damond na papalayo na.Lumapit ako sa kaniya, busangot pa ang mukha nang tumingkayad ako ipang halikan siya nang mabilis sa labi. Pinipigilan niyang mangiti sa pagitan ng halik na ’yon ngunit kitang-kita ko naman sa mata niya."I'm home," I whispered to my husband.***
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com