Conrad Series 1 The Servant
Kabanata 34:
"Anong pinaplano mo, Ebony?" nag-aalalang tawag sa akin ni Daddy pagkatapos kong sabihin kay Kuya Maddox ang pagtawag ni Anna.I know he's frustrated and hopeless. Despite the fact that I already ordered to secure the house in Spain. I still want to go there to make sure, pero anong magagawa ko kung gano'n nga?Kapag pumunta ako roon ay baka parehas lang kaming mamatay ni Anna at ang mas malala pa ay madamay ang iba.That's the worst-case scenario playing in my mind. Kung ganito katakot ang mga tao sa aking paligid, ibig sabihin ay hindi ito basta biro lamang o basta-bastang grupo. It is absolutely worse than I imagined. Hindi ako pwedeng sumugod doon na walang balang dala, hindi sapat ang tapang ko roon.I can't stand there, shouting that I am Alora Ebony.Pakiramdam ko ay kung may mangyari man masama kay Anna ay isusumpa ako ni Kuya Maddox, at paniguradong dadalhin ko sa hukay kung mamatay ako.Mabilis ang aking lakad pababa ng mansyon, kaunting oras na lang ang mayroon ako bago ang dapat na kasal namin ni Gavril mamayang hapon.Not that I'm going to attend. My plan is to fool him, to make fun of him. Ang saktan siya at ipamukhang kaya ko rin silang paikutin sa mga kamay ko katulad ng ginawa nila noon, ginawa niya.Umigting ang aking panga."Ready the private airplane, aalis kami patungong Espanya ni Ephraim pagkadating niya," imporma ko sa isang tauhan na kaagad tumalima. Humarap ako kila Mommy at Daddy na bakas ang pag-aalala. "Tell me what you know, summarize." I ordered them, softly.Alam kong alam nila na galit ako, hindi ako nagbibiro lalo't buhay ang nakasalalay rito."E-Ebony, you're still not part of the organization, at isa pa, limitado lang din ang alam namin," mahinang sabi ni Mommy.Mas umigting ang aking panga dahil alam nga nila ang tungkol sa organisasyon na sinasabi ni Anna.Sandali akong natahimik.Kung hindi nila masabi sa akin ang ibang detalye dahil hindi ako kabilang sa grupong ito o hindi ako asawa ng isang miyembro... If Gavril is really part of that fucking group, then my one option is to marry him, but I don't want to correct this by making another mistake.Pwede ko nga naman siyang pakasalan na lang at direktang tanungin sa kaniya pagkatapos. Pero may kung ano sa akin na ayaw gawin iyon, It's not about my pride that's being talked about here.I don't want him to think that I will marry him just because I will benefit, kaagad kong winaksi ang isip ko nang may pumasok na ideya kung bakit ayaw kong gano'n nga ang isipin niya sa akin.Ah! Focus, Alora. This is not the time for self reflecting, well actually... hindi ko na talaga alam, mababaliw ako kung ano nga ba ang dapat unahin kong isipin at gawin.I can't marry him for this, then what if I join?Nanlaki ang aking mata sa reyalisasyon."I will join the organization!" I said firmly.Kita ko ang gulat sa mukha ni Mommy bago siya marahas na umiling, suminghap naman si Daddy sa sinabi ko."No. I won't let you enter the group. Hindi ko hahayaan pasukin mo ang mundong iyon, Ebony!" My father's voice echoed through our living room.Naikuyom ko ang aking kamao."Bakit hindi, Dad? Sabihin niyo kung bakit para maintindihan ko tutal alam ko naman na e, dahil hindi ako miyembro? Bakit si Mommy alam? Anna told me about these higher and lower members. Then where are you? Hawak lang kayo? Para saan? Give me details about this organization. I'm not bobo, I will understand."Hingal na hingal ako sa sinabi ko, ramdam kong pumipintig ang ugat ko sa leeg."Because she's my wife!"Para bang iyon ang pinaka sagot niya, sa dinami ng tinanong ko."Then I should marry one of the members, huh?"Umawang ang labi ni Daddy, nakita ko ang frustration sa mukha niya. Sumikip ang dibdib ko dahil ayaw kong masaktan sila. I admit. Hindi gano'n kalapit ang loob ko sa kanila, hindi katulad ng inaasahan ko, siguro dahil lumaki akong hindi sila kasama. Oo, na-appreciate ko sila bilang totoong magulang ko, pag-aaruga at pagbawi sa mga taon na nawalay ako pero hindi ko na talaga maibigay 'yong pakiramdam na magulang ko sila, na magtiwala ako sa kanila ng sobra, na mahalin ko sila katulad ng ibinigay ko dati sa mga kinilala kong magulang. May kulang e, para bang natakot na ako dahil sa mga Lavelle.Mahal ko ang Cervantes dahil dugo nila ang nananalaytay sa akin pero sa emosyonal, malayo ako, hindi ko na rin mahanap ang daan pabalik.Marahas umiling si Daddy bago mahinang magsalita muli. "I don't want you to be in danger, anak."Bumagsak ang aking balikat sa sinabi niya.Anong gagawin namin? Hayaan mamatay si Anna dahil nalabag niya ang punyetang batas na iyon?At dahil sa akin iyon, alam na alam ni Anna kung gaano ko kagusto malaman ang nakaraan. Alam niya kung gaano ako kadesperado, kaya maski alam niyang delikado ay sinakripisyo niya para lang sa kapakanan ko.Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, nanghihina pero pinipilit maging malakas. Mas lumakas ang iyak ni Mommy nang mahigpit ko silang yakapin dalawa, naramdaman ko ang kamay ni Daddy sa likuran ko, marahan hinihimas iyon, mapait akong napangiti."Please, take care of my children." I whispered, parang may punyal sa puso ko nang makita ang mga bata sa hagdan, pababa pa lang.Karga-karga ni Gideon si Gael, hawak kamay si Gavin at Giana na naguguluhan nakatingin sa amin.Bago pa sila tuluyan makababa ay mabilis akong umatras at tumalikod, narinig kong tinawag ako nila Mommy, tinawag ako ng mga bata pero dire-deretsyo ako sa palabas ng mansyon. Kinuha ko ang baril ng isang guard na nadaanan ko at inilagay iyon sa aking tagiliran, nagulat pa siya sa ginawa ko pero sa huli ay hindi nagsalita.Sumakay ako sa isang itim na trailblazer paalis roon. Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang iniisip ang gagawin ko.Kung hindi masabi nila Mommy at Daddy dahil natatakot silang mapahamak ako o ang pamilya namin, paniguradong may kinalaman ito sa nangyari noon, kaya gano'n na lang ang takot nila, hindi ba?Ayaw na nila akong mawala muli.Mabilis ang aking pagda-drive, okupado ang isip ko buong biyahe. Nakikipagtalo ako sa sarili ko sa mga gagawin ko, hanggang makarating sa pamilyar na baryo sa Pampanga.Sinipat ko ang relo sa aking pulsuhan, alas-dose na ng tanghali. Mabilis kong pinarada ang aking sasakyan sa harap ng pamilyar na simbahan.Suminghap muna ako upang ipunin ang lahat ng lakas bago tuluyan bumaba sa kotse. I looked at the road, they weren't able to follow me. Somehow, I felt relieved. Mula sa aking pwesto ay tanaw ko ang pamilyar na bahay ng mga Valdemar, halos walang pinagbago. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil may naalala ako sa lugar na iyon. The place that witnessed my young love, my impulsive decision, and how I gave myself to the only man I loved."Ebony?"Napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan, kaagad umigting ang aking panga nang makita ang taong ipinunta ko talaga rito, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na siya naka-pari na damit. Naka-maong na pantalon at itim na shirt lang siya.Hindi ko inaasahan na makikilala pa niya ako o matandaan man lang ang aking pangalan sa dami ng nakakasalamuha niya sa mga nagdaan taon.I smirked at the thought."So you still remember me, Father," I said calmly.Nakita kong bahagyang kumunot ang kaniyang noo.Nilingon pa niya ang sasakyan na ginamit ko animong tinitingnan kung may kasama ba akong bababa pero nang lumipas ang segundo na wala ay ibinalik niya ang tingin sa akin."Hindi ko siya kasama, ikaw talaga ang ipinunta ko rito."Binasa niya ang kaniyang labi, may naglalarong ngisi sa labi ni Father. "Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo, Senyora? Hindi ka naman siguro bibiyahe ng ganito kalayo para lang kumustahin ako. Do you want to confess your sins?"Sandali ko siyang tinitigan.Inilabas ko ang baril na nasa aking tagiliran, walang pakielam kahit nasa labas kami ng simbahan at tirik na tirik ang araw, tinutukan ko siya sa kaniyang ulo.Of course, I can shoot. I practiced when I was abroad, so I can defend myself. Nakita kong tumabingi ang kaniyang ulo animong namamangha sa ginawa ko, wala akong nakitang takot doon kaya mas nainis ako."Ngayon, alam ko na kung bakit ka niya nagustuhan," bulong niya sa sarili pero narinig ko naman dahil sa distansya namin. "Anong gusto mong malaman, Senyora?""I want to join, Conrad."Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa baril, hindi siya kaagad nagsalita.Humakbang ako upang mas lumapit sa kaniya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Is that some charity that belongs to the church? Maybe I can ask my assistant."I gritted my teeth. "Wala akong oras para makipaggaguhan sa'yo, Father."Tumaas ang kilay niya sa salita na ginamit ko. "Hm, I wonder how Gavril can take a woman like you. He's so serious, calm and respectful."Napairap ako, anong ibig niyang sabihin doon?Na hindi ako seryoso, kalmado at bastos ako? Ha! Ngayon, alam ko na kung bakit nga sila magkaibigan.Mas lumapit ako para sindakin siya dahil baka nakakalimutan niyang may baril ako.Nang makita niyang seryoso ako sa sinabi ko ay bahagya siyang umiling. Hindi ko alam kung para saan iyon, dismayado? Ewan.Kalmadong sumimsim siya ng kape sa tasang dala niya. Doon ko lang napansin na nagkakape siya kahit sa tanghali at tirik ang araw.Pinanatili ko ang seryoso kong mukha. Hindi ko alam paano niya nagagawang kumalma kung kahit anong oras ay pwede kong kalabitin 'tong gatilyo."Ang gusto kong malaman ay kung paano ako makakasali. Conrad, huh?
What kind of organization is that? An elite fraternity? You're all working for who? Government? Is it illegal? Hindi naman ako magtataka dahil matataas na tao ng miyembro. Is it for their protection then?" I threw some questions at him.Unti-unting tumaas ang sulok ng kaniyang labi, bahagya akong napaatras nang mas lumapit siya sa akin dahilan para lumapat ang dulo ng baril ko sa dibdib niya."Hmm, what a feisty woman, but you should look at your enemy's eyes. No trembling hands, stand firm and focus. A woman like you can't get in there," he whispered and chuckled. "Ano kayang reaksyon ni Gavril kapag nalaman alam mo na, huh?"Suminghap ako, unti-unting natanto ang mga salita niya.Hindi niya direktang inamin na kabilang nga siya sa kung anong organisasyon iyon pero huli ko na.Stupid Priest!Dahan-dahan kong ibinaba ang hawak kong baril, kunwaring nawalan na ng pag-asa. Ipinakita ko talagang nanlulumo ako dahil ayaw niyang sabihin sa akin."Hindi pala welcome ang mga babaeng katulad ko riyan kung gano'n? Is that part of the rules too?"Hindi siya nagsalita."O baka naman..." Binitin ko ang sasabihin ko, kita ko ang bahagyang inis sa mukha niya pero kaagad din nawala. "Takot kayong maungusan ng mga babae, well... sabagay."Nagkibit-balikat ako, maski ako hindi ko na alam kung saan ko nakukuha ang aking mga pinagsasabi."Try me, come on. Unless, you're all double standard, porket babae kami ay hindi na kami nararapat sumali at mas may karapat ang mga lalaki sa grupo niyo. Men and women are the same; men can do things that women can't. Same as women, may mga bagay din kaming kayang gawin na hindi niyo kaya. Parehas lang tayo. Wait..." Bahagya akong natawa nang mas lalong nakita ang galit sa mukha niya. "Hindi naman siguro kayo takot hindi ba?""Of course, not."Nagkibit-balikat ako. "Kung ayaw mo akong isali maybe I should marry you na lang Father, since isang way rin 'yon para malaman ko ang totoo tungkol sa grupo niyo hindi ba?""Anong sinasabi mo?""Well, I'm desperate now. Come on." Lumapit ako sa kaniya, bahagyang nanlaki pa ang mata niya sa ginawa ko, muntik pang tumama ang tasang hawak niya sa boobs ko sa gulat niyang pagtulak sa akin para makalayo."What? Unless may ibang way?""Y-You can join if someone recruit you. Don't come near me!" sigaw niya.Mas gusto kong matawa, ang daling mahuli.Nakuha niya ang buong atensyon ko, nagkadistansya na kami sa pag-atras niya.Isinukbit kong muli ang baril sa aking tagiliran bago pa makita ng ibang tao kung may dadaan.Nag-replay sa utak ko ang mga naalala ko. If you are married to a member, if someone tries to recruit you. Sigurado akong hindi basta-basta magpapasok ng miyembro, kung gano'n ngang mahigpit sila.Tinaasan ko siya ng kilay."Recruit? Hmm, paano ba kasi iyan? Like some pyramiding business? May nasa itaas at may nasa ibaba, so nasaan parte ka, Father? Saan si Gavril dati? It's for an elite, edi mayaman ka rin?" I concluded.Nakita ko ang pag-irap niya sa akin na parang ang bobo ko sa tanong ko. Well, sinasadya ko naman, mas bobo siya kasi kaunting ikot ko lang ng mga salita ko bigay kaagad."Hindi ako mayaman.""So kahit hindi mayaman nakakasali," paglilinaw ko, hindi siya sumagot ngunit sapat na ang pag-iwas tingin niya at simsim sa kape. "Interesting, huh?"Tumango-tango ako."Hindi na ako magtataka kung kabilang ang ilang kilalang politiko, negosyante rito sa bansa. Baka alam din ito ng gobyerno hindi ba? Kasi kung hindi, edi sana matagal na 'tong alam ng publiko, siguradong may nagtatakip."Hindi siya kaagad nakapagsalita, pero sa mga naunang lumabas sa bibig niya, huli ko na rin naman.Malakas akong bumuntonghininga."Ang alam kong umalis si Gavril diyan sa grupo dahil sa'yo," gawa-gawang sabi ko.I don't know, of course!Pero pinagtagpi-tagpi ko lahat, hindi lang sa militar umalis si Gavril pati sa grupong ito kung gano'n at hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit, sinabi ko lang na siya para mas pigain ang nalalaman niya.If I can't use my gun to push his button, I'll use my mind.Umismid siya, katulad ng inaasahan ko ay pinagtanggol ang sarili."What?! I didn't, kusa siyang umalis!" pakiramdam ko ay galit na siyang talaga.Hindi ko pinahalata ang gulat ko, I noted his words in my mind.Kusang umalis si Gavril sa Conrad at Militar. Kusa? Bakit?Pinantayan ko siya ng mataray na tingin, humalukipkip ako. "Why would Gavril do that? Duh, kung maganda nga riyan, hindi 'yon aalis. Baka mababa ang sahod niyo?"Tumalim ang titig niya sa akin ngunit hindi ako natakot. Naubos na ata ang takot ko.Ngumisi pa ako lalo sa kaniya."Watch your mouth, woman.""Why? Magagalit sila? Hah, as if maririnig nila ang pinag-uusapan natin. May speaker ba silang nakakabit sa paligid huh? Does your body have a secret bug? Ang layo nila, kahit anong sabihin ko. Hindi naman din malalaman." I chuckled, tahip-tahip na ang kaba sa puso ko, mabuti na lang at magaling akong umarte.Galit na lumapit siya sa akin, mas tumalim ang mata ngunit hindi ako nagpatinag.Mamatay na ako, hindi ako papatalo."They will know! Don't underestimate the team. Hindi mo alam ang sinasabi mo, lahat nakakarating sa HQ." He pursed his lips.Gumalaw ang panga ko."Headquarters, huh? Where? Manila? O baka mas liblib na lugar, maybe province around Visaya?"Nagpeke ako ng tawa."Sayang pala ang pagpunta ko rito, mukhang duwag ka rin at hindi handang tumulong." Nagkibit-balikat ako at akmang tatalikod na kunwari nang magsalita siya."I will help!"Ngiting-ngiti akong humarap kay Father, kung hindi ko lang alam na Pari siya iisipin kong gusto na niyang magmura."Fu—Fudgee bar..." He murmured. "Tss, wise woman. Did you just manipulate me?"Natawa ako. "Hindi ah, Father bakit ko naman gagawin 'yon. Ikaw mismo ang nagsabing tutulungan ako, I didn't force you," mayabang na sabi ko, may binulong-bulong siya kaya hindi ko na narinig pa.Mariin siyang pumikit nang dumilat ay blanko na ang mukha."There's no coming back, Senyora."Ngumisi ako kahit malakas ang kabog ng dibdib ko."I don't want to go back, I want to move on and forget the past."
༺❀༻
Tulala ako habang hawak-hawak ng isang lalaki ang aking braso papasok sa isang bakal na pintuan. Hindi ko alam kung nasaan lugar ako dinala, tinakpan ang aking mata buong biyahe papunta rito, hindi ko rin alam kung anong oras na ngunit sa tansya ko ay mahigit isang oras ang naging biyahe namin.Kabado ako dahil hindi ko kilala ang nasa paligid ko, diniretsyo ako sa isang kwarto na puro puti at security camera upang kapkapan at alisin ang lahat ng bawal na gamit na nasa katawan ko bago tuluyan makapasok.I looked around the white room, entrance pa lang armado na ang mga tao, babae ang nagkapkap sa akin, idinaan pa ako sa isang sensor machine, halos mapasigaw ako dahil pati pribadong parte ay hinawakan, gulat ako pero parang wala lang sa kanila, they remained poker-faced."Clear," ani ng babae sa tingin ko ay mas matanda sa akin.Hinawakan muli ako ng matangkad na kalbong lalaki paalis doon."I can walk!" inis na sabi ko."I can shoot you too, now walk."Hah! Ang yabang.Sinunod ko na lang ang gusto niya, pumasok kami sa elevator at imbes mga numero ang nandoon ay mga symbol na hindi ko maintindihan ang pinindot niya.I can say that the place is high-tech. From security to facility. Hindi talaga basta-basta makakapasok ang magtatangka.Nang lumabas kami sa elevator ay mahabang hallway naman ang tumambad, may mga pintuan sa magkabilang gilid, kinilabutan ako dahil para akong nasa isang horror movie at dapat tamang pintuan ang papasukan.Malamig naman ang paligid ngunit pinagpapawisan ako, hindi ko na alam kung nasaan si Father.Base sa sinabi niya kanina ay hindi siya pwedeng sumama rito sa loob, may kinakausap siya, hindi ko na alam, gusto ko na lang 'tong matapos.Malikot ang aking mata, blanko ang mukha habang pinag-aaralan ang paligid."Newbie?" tanong ng isang lalaki na nakasalubong namin, naka-full black."Client."Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila.Itinulak ako ng lalaki sa isang pintuan, sinamaan ko siya ng tingin, narinig ko ang pagtawa ng isang lalaki sa loob kwarto, inilibot ko ang paningin sa loob. May lamesa roon na mahaba, may apat na lalaking nakaupo at isang babae na mas matanda rin sa akin.Sa gilid ng silid ay may higit sampong armadong lalaki. Tahip-tahip ang kaba sa puso ko dahil parang anumang oras ay bibitayin ata ako rito.Ano ba naman 'tong pinasok mo Ebony!Sa tingin ko ay rito ako tatanungin ng kung ano-ano. I just need to answer honestly, right? Parang interview?"Upo!" utos ng kanina pa tulak nang tulak sa akin.Halos mapasubsob ako sa isang upuan na nandoon sa gitna."Aray," I whispered, hinimas ko ang braso ko.Humalukipkip ako habang hinihintay ang sasabihin nila, para talagang job interview dahil may mga papeles pa sa lamesa at folder, hindi ko alam kung ano."Client?" ani ng isang lalaking nasa harapan."Opo," sabi ng lalaking kasama ko, ngayon ay bumait na siya.Hah, plastik mo kalbo!"Name?"Malakas akong bumuntonghininga. "Alora Ebony Donavan Cervantes..." Suminghap ako at inalala ang sinabi ni Father na sabihin ko kapag nandito na ako. "I am... I'm Gavril Lavelle's fiance."Nagulat ako nang sa isang kurap ay tumayo sila, sabay-sabay yumuko. Kulang na lang ay lumuhod ang kalbo na tumutulak-tulak sa akin kanina.What the hell?༺❀༻
"M-Ma'am, tubig po?" Napatingin ako sa kalbo na nagmamalupit sa akin kanina, bumait na siya ngayon.Plastik talaga 'to.Mariin akong pumikit habang dinadama ang tattoo sa aking batok. Masakit iyon, halos umiyak ako kanina pero mas malakas ang kagustuhan kong matapos na ito.I am now a part of Conrad.Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay mas nalinawan ako. Limitado lang ngunit at least ay kahit papaano ay may ideya na rin ako.May iba't ibang uri ng miyembro.The founders. Walang nakakakilala sa kanila, walang nakakaalam kung sino o ilan ba.The bosses. May sampong pinaka namumuno sa iba't ibang parte ng mundo, local and international.The agents. Hindi ko sigurado kung ilan sila ngunit katulad ng mga bossess ay namumuno rin, sila ang mga gumagalaw at nag-uutos.The members. Hawak sila ng sampo, kumbaga sila ang mga tiga-sunod, mga tauhan. May galing sa matataas na pamilya at may galing sa mahirap din na kinailangan ng pera.The clients, mga mayayaman na gusto ng proteksyon, mga politiko na may gustong ipagawa, negosyante na may gustong pabagsakin, at iba pang dahilan.Hindi ko alam kung nasaan si Gavril sa mga iyan, sa members ba? Kasi galing siya sa mahirap na pamilya, iniisip kong baka kinailangan niya ng pera. Sa Agent? Baka isa siya sa mga agent kasi dati siyang military, magagamit nila iyon sa field?I realized that Cervantes and Lavelle were under the clients. Ginusto nilang protektahan sila kaya sumali o may ibang dahilan pa.Gano'n naman talaga, hindi ba? Kakapit sa mataas at may kapangyarihan para iligtas ang sarili mo.They gave me enough information about their organization that I needed. At tama, nakakaengganyo ngang sumali.We also have an agreement, we have a contract. Siyempre, may mga kukunin din sa akin, hindi naman sila magsasali kung wala silang makukuha kapalit. Maswerte na lang ako at malakas sa grupo si Father, o si Gavril? Hindi ko alam kung sino ang nagpadali ng lahat.I need to sacrifice.Mapait akong napangiti nang maalala ang kapalit ng lahat ng ito, ang kapalit ng lahat ng ito.Sinuot ko ang wrist watch at ibinulsa ang aking telepono. Tiningnan ko ang oras at alas-kwatro na ng hapon, isang oras na lang."Ma'am sorry po kanina ah kasi..." Inirapan ko ang lalaki."Oo nga sabi, kanina ka pa sorry nang sorry, naririndi na ako.""Eh, M-Ma'am kasi... may pamilya pa po akong binubuhay, ayoko pa pong mamatay," mahinang sabi niya, parang stress na stress pa siya.Huh? Ano bang pinagsasabi niya?Sasagot pa sana ako nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon, kinuha ko iyon upang patayin ang telepono ko pero nang makitang hindi pamilyar ang numero ay sinagot ko habang nakatingin kay kalbo."Hello?"Narinig ko ang mabigat na paghinga sa kabilang linya bago magsalita ang isang matandang babae."Ebony... b-bumalik na ang ala-ala at ulirat ko... Si G-Gabriella 'to. Nagising na ako, anak."༺❀༻
Napatingin ako sa nagputok ng baril habang nasa kwarto kami at ipinakita ko sakanila ang aking tattoo tanda na hindi na nila maaaring galawin pa kahit sino sa pamilyang ito.Umawang aking labi nang makita si Gabriella, nakasuot siya ng isang bulaklakin na daster habang may hawak na baril.Pinapakita niya ang tattoo na nasa ibabaw ng kaniyang tuhod na kamuka ng sa akin, tanda na katulad ko ay kabilang siya.Gabriella gave a warning shot, napalingon ako sa kanila at kitang-kita ko ang gulat sa mukha nila, maski si Gavril ay naiwan nakatulala sa kinilala niyang ina.Bigla akong nakaramdam ng hiya, dahil ako ang nagwalay sa kanilang mag-ina. Ako ang nagtago kay Gabriella habang tulala siya. Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko para sa kanila.Ibinaba na ng mga miyembro ang baril, animong kumalma sila, na lahat ng nasa kwartong ito ay walang kalaban, walang mamamatay."Hoy, bakit mo tinututukan ng baril 'yang manugang ko ha! Gusto mong tanggalan kita ng esophagus?" Kinagat ko ang labi ko sa tono niya, hindi ko inaasahan na ganito ang asta niya, para siyang hindi matanda.Pinakawalan na nila si Kuya Maddox, kaagad siyang tumayo upang yakapin si Anna at anak, para akong nabunutan ng tinik dahil doon.Lumingon si Gabriella kay Gavril, parang may punyal sa puso ko nang makita ang sakit, pangungulila sa kaniyang mata."Mama..." ani Gavril.Ibinaba na ni Gabriella ang baril, masungit at matapang ang mukha niya, malayong-malayo sa tulala na inaalagaan ko.Inilahad niya ang kamay kay Gavril, naitakip ko ang aking bibig para lang pigilan ang mag-iyak nang dahan-dahan lumapit si Gavril saka mahigpit na niyakap ang ina."M-Mama..."Nakita kong naiiyak si Gabriella ngunit nagawa pa niyang tumawa. "Para kang tanga, Gavril. Huwag kang umiyak, hindi ba sabi ko sa'yo, tutuluin ko pototoy mo ulit kapag umiyak ka!" banta niya habang natatawa, mahigpit na ginantihan ng yakap ang anak.Napangiti ako habang may luha sa aking mata. Sa likod ko ay nag-uusap-usap ang mga miyembro ng Conrad, parang ngayon lang dumating sa kanila ang balita tungkol sa pag-kasela ng order sa kanila rito."M-Ma... wala na po si Tatay. S-Sorry po, h-hindi ko sila naligtas. K-Kasalanan ko po." Parang batang sumbong ni Gavril, patuloy ang pag-iyak ko.Nakita kong mariin pumikit si Gabriella, bago hinimas ang likod ni Gavril."Bobo talaga 'yang Tatay mo, sabi ko huwag mamamatay, k-kahit kailan hindi nakikinig sa akin 'yan, kapag nagkita kami sa langit papatayin ko siya, bobo ampota," sermon pa niya pero ramdam ko ang sakit doon, umiiyak na siya.Ilang segundo ay naghiwalay silang mag-ina, kita kong mapula ang mata ni Gavril, ngumiti si Gabriella sa anak parang may pinag-uusapan sila gamit ang mata."Ma, stop that.""Ay gagong 'to, may sinabi ba ako? Nginingitian lang kita, huwag kang iiyak ha, tanggal angas mo niyan, wala akong anak na weak. Tama na nga drama baka masayahan mga viewers natin," sabi niya sabay turo sa amin na nandoon.Nang magtama ang aming mata ay kumalabog ang puso ko, natandaan ko ang pagtawag niya kahapon sa akin at pagsabi ng lahat ng totoo. Alam ko na lahat, simula una.Tinawag pa niya akong anak dahil asawa raw ako ng anak niya, kaya anak na rin niya ako.Inilahad niya ang kamay sa akin, nahihiyang lumapit ako.Nagtama ang tingin namin ni Gavril, seryoso ang mukha niya animong may iniisip. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya dahil sa panghihina ng aking tuhod, tuluyan akong huminto sa harapan nila.Napasinghap ako nang mahigpit akong niyakap ni Gabriella. Umawang ang labi ko dahil doon, tulala ako sa kaniyang ginawa."Ang laki-laki mo na, parang dati nilalaro ka lang ng anak ko, ngayon iba na nilalaro niyo," humalakhak siya habang umiiyak."Ma!" Gavril groaned.Pilit niya akong hinihila palayo sa kaniyang ina."Alagaan mo si Gavril ah? Gwapo naman 'yan saka mabait naman minsan, hindi lang naliligo.""Mama, tama na!" Tuluyan na kaming nagbitaw ni Gabriella na tumatawa pa. Humarap si Gavril sa mga armadong lalaki. "Kayo, linisin niyo ang mga kinalat niyo sa labas, siguraduhin walang nasaktan, I want to talk to your head," utos ni Gavril seryoso ang boses, namangha ako roon dahil parang ibang-iba siya sa guard ko na pinapanili ko lang ng buko.Akala ko ay hindi susunod ang mga lalaki pero yumuko sila bago lumabas ng kwarto, ang babae naman kanina ay yumuko.Siniko ako ni Gabriella, tipid siyang ngumiti sa akin."Salamat.""P-Po?""Salamat kasi ibinalik mo siya."Nakuha ko kaagad ang punto niya."Mama, ano na naman binubulong mo sa asawa ko?! Bad influence," angal ni Gavrik."Manang-mana sa'yo si Gabrel, Ma. Ang kulit, sabi ko huwag muna lumabas, gala nang gala pa," angal ni Gavril sabay lagay sa akin sa likuran niya nang mapansin ang bulungan namin."Nasaan ba ang kapatid mo? Hanggang ngayon ba kasama pa rin niya 'yong babaeng traydor na 'yon? Hindi na siya nadala no, tanggalan ko siya ng kidney e!" Nakita ko ang pagkasuklam sa mukha ni Gabriella. "Saka aba, lumalaban ka na sa ina mo, gusto mong pitikin ko betlog mo at ah-mmp! Tulong! Minamaltrato ako ng anak ko! Hmp! Anak, Ebony, asawa mo oh, malupit! Awayin mo 'to dali! Help! Darling, multuhin mo 'tong anak mo!" Mariin pumikit si Gavril, natawa ako nang takpan niya ang bibig ng kinilalang ina, may binubulong-bulong si Gavril sa ina.Napangiti ako, mahigpit ko naman niyakap si Anna na umiiyak na at Kuya Maddox na seryoso ang mukha."Thank you, Ebony sa pagligtas sa mag-ina ko," sabi ni Kuya, bakas ang pag-aalala. "Pero paano ka? Hindi ba't..."Tipid akong ngumiti, dahil alam ko ang tinutukoy niya."Ayos lang, Kuya. I trust him."Tumango siya kahit may pagdududa pa rin sa kaniyang mata.Lumagpas ang tingin niya sa akin, napatuwid ako nang tayo nang maramdaman sa likuran ko kung sino ang tinitingnan niya.Gavril's hand rested on my waist. Napanguso ako at tuwid ng tayo nang maramdaman tumabi siya sa akin, ramdam ko ang paglingon niya sa akin, bahagyang kinukurot ang bilbil ko roon.Sobrang lakas ng kabog ng puso ko, bahagyang kumikirot ang ulo ko rin, sa kaba?"Sir..." Nagulat ako ng bahagyang yumuko si Kuya Maddox kay Gavril.Napaangat ako ng tingin kay Gavril, naabutan ko siyang nakatingin din sa akin, tumaas ang sulok ng labi niya nang makita ang nagtatanong kong mata."He was under my supervision before I left the organization. I am your brother's boss, baby," he smirked.༺❀༻
Everything's in my plan.
I saved Anna, Gabriella is back, Gavril take his position. Isa na lang.
Pinanuod ko ang mga puno sa labas ng kotse kung saan kami nakasakay ni Gavril. Kabababa pa lang namin ng eroplano galing Espaniya at dumiretsyo kami rito sa Batangas habang dinala naman ni Ephraim sila Kuya, kasama ang pamilya ni Anna at ang anak ko.
Sumakay kami sa holicopter upang maging mabilis ang biyahe, bago sumakay ng kotse nang nasa mismong bayan na kami.
Kanina pa ako tahimik, nilingon ko si Gavril na nilalaro ang mga daliri ko, kumunot ang noo ko nang parang may sinusulat pa siya sa palad ko.
Tsk.
Dinala niya sa labi niya ang palad ko at hinalikan iyon, mukhang hindi pa niya napansin na gising na ako dahil nakaidlip ako kanina.
"Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita," bulong niya, nangingiti pa, hindi ko alam ano nai-imagine niya.
Umirap ako at nagkunwaring kagigising lang, kaagad niyang kinagat ang kaniyang labi.
"Malapit na tayo," bulong niya, hinihintay na alisin ko ang kamay ko sa kaniya ngunit hindi ko ginawa.
Tahimik kami hanggang tuluyan makapasok sa hacienda Lavelle. Si Gavril ang kumausap sa guwardiya.
Nang makarating sa mismong mansyon ay tumango si Gavril sa akin, pinagsaklob niya ang mga kamay namin saka kami sabay na pumasok.
Sobrang sikip ng dibdib ko.
Gusto kong maluha, pero wala na akong mailabas.
Nakita ko ang gulat sa mata ng ibang bantay at kasambahay nang makita kami. Madaming tao sa sala animong nagkakagulo sila, tumama ang aking mata kay Mr at Mrs. Lavelle, napatayo si Adilyn, nandoon din si Gabrel at ang bata na anak niya.
Sa dami ng tao ay napunta ang tingin ko sa pababa sa hagdanan.
Nagtama ang mata namin, nakita ko ang gulat doon. Pinisil ni Gavril ang kamay ko bago bitawan.
Naglakad ako papalapit sa kaniya, siya naman ay dahan-dahan bumaba. Hindi inaalis ang titig sa akin, uminit ang sulok ng aking mata.
Siguro ay alam na niya kung bakit ako nandito, alam niya kung bakit.
"Sabi ko na, babalik ka," ani Mersita, bakas ang katandaan sa mukha, halos puti na ang buhok, kulubot ang mukha.
Tumulo ang luha ko sa sakit.
Noong nalaman ko ito, hindi pa ako naniwala. Ayoko maniwala sa lahat ng ginawa niya kasi sobra ko siyang pinagkatiwalaan, siya 'yong kasama ko simula noon, sa kaniya ako lumaki, alam niya lahat sa akin.
"B-Bakit?" Humikbi ako, umiling. "Bakit sa lahat ng pwedeng trumaydor sa akin, i-ikaw pa Mersita?" My voice cracked, my tears kept flowing.
She smiled. She didn't refuse my words. I know my Nanay Mersita betrayed me.
_________________
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com