TruyenHHH.com

Conrad Series 1 The Servant



Kabanata 3:



So sikip!

I can't breathe properly, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay kahit kapapasok pa lang namin sa mga hilera ng mga nagtitinda. Hindi ko alam na ganito pala kasikip dito, tapos ang init pa, mamamatay na ako ata ako.

Parang ang panget no'n ilagay sa news.

The heir of Lavelle was found dead because of Divisoria.

Ang una namin dinaanan ay mga tindahan ng damit dahil iyon ang nasa bungad, sobrang dami roon tao. I feel sweaty, mabuti na lang talaga at nag-jacket ako at hindi madidikitan ng pawis ng iba. I can't imagine them, especially the vendor, staying here every day.

Hindi ba sila nahihirapan?

Naramdaman kong mas nabubunggo ako ng mga tao sa likuran na nag-uunahan. Lalaki ang nasa likuran ko dahil naririnig ko tawanan nila ng kasama niya. Napangiwi ako nang mabunggo na naman ako, muntik na akong madapa pero nahawakan ni Gavril ang braso ko.

"Ouch, my feet," I pouted my lips.

"Tangina." Napaangat ako ng tingin kay Gavril na nasa aking tabi nang magmura siya habang dinudungaw ng paa ko, gumalaw ang kanyang panga ngunit kalmado pa rin ang mukha.

Galit ba siya? Sesermunan na naman ako? Eh masakit naman talaga e.

Bahagya siyang bumagal sa kanyang paglalakad dahilan para mahuli siya, lilingunin ko sana siya at papagalitan pero pumwesto na siya sa aking likuran. Halos mapatigil ako sa paglakad nang maramdaman ang palad niya sa magkabila kong beywang.

"Move, your highness," he whispered. I felt his breath on my ear.

Tumango ako saka sinunod ang kanyang gusto, nanatili siyang nasa likuran ko habang naglalakad kami.

I've lost count of how many guards I had before him. They are also assisting me by holding my arms, but I am uneasy with them. That's not how I feel right now. Mas napatanag pa ako na siya ang nasa likuran ko kaysa sa ibang hindi ko kilala.

Hindi na ako masiyadong nahihirapan dahil nakaharang din ang mga braso niya sa gilid ko, para hindi ako mabunggo ng ibang namimili. Madami rin nagtitinda na bigla na lang nanghihila, muntik na akong mahila ng isa pero humarang siya.

Nang makalagpas kami sa mga tindahan ng damit ay bahagya nang lumuwag ang daan. Napabuntong hininga ako habang hawak ang straps ng sling bag ko.

"What are you looking for?" tanong niya sa akin.

Naka-shades na ulit ako kaya hindi naman niya nakita ang pag-irap ko. Malay ko ba kung anong pwedeng bilhin dito, gusto ko lang masubukan dahil kapag nasa mansyon na sila Papá at Mamá ay hindi na rin ako makakalabas ng hacienda lalo't mukhang minamadali nila ang paghahanap sa mapapangasawa ko.

Sumimangot ako saka luminga-linga.

Tinuro ko ang isang shop sa gilid na may tindang mga shorts. Hindi ko naman kailangan no'n at siguradong hindi ko rin susuotin, pero gusto ko pa rin bumili, I want and need to experience this.

Inalalayan niya akong pumasok sa tindahan na tinutukoy ko. Kaagad kaming sinalubong ng matandang tindera na mukhang nabuhayan nang makitang may bibili sa kanya.

"Ano pong sa inyo, Sir? Shorts, pambata po ba o pang matanda? May pangbuntis po kami rito," the old woman said, her natural voice is so loud.

Tinuro ako ni Gavril. "Para sa kanya."

"Oh, madami po rito, bagay na bagay po sa anak niyo," sabi ng matanda. Kaagad akong napalingon, what did she say?

Nagkatinginan kami ni Gavril, nakita kong mas nagsalubong ang makapal niyang kilay bago lumapit sa akin at marahan hawakan ang braso ko.

"Let's go, we'll find another store," he whispered seriously.

Tinabig ko ang kamay, nandito na kami ano bang problema? "Oh, come on. Nandito na tayo, dito na lang." Humarap ako sa nagtitinda na ngiting-ngiti sa amin, nang mapansin niya ang reaksyon ng kasama ko ay unti-unting nawala ang ngiti niya.

"Ay, hindi ho ba? Pasensya na. Ah, Tito ba? Hehe, ang bait naman ng Tito mo ineng," sabi pa niya.

Napairap ako, walang tumama. Well, mas mabuti ng isipin niyang gano'n saka wala na akong oras para ipaliwanag pa ang sitwasyon. Na bantay ko lang ang kasama ko at hindi kamag-anak.

Kamuka ko ba siya? Hindi naman, maski sila Mamá at Papá nga ay hindi ko rin hawig.

Tumalikod ako at mas pumasok sa maliit na shop para magtingin-tingin ng tinda, inalis ko na ang suot kong shades.

Pinasadahan ko ng aking kamay ang mga tela ng shorts, walang maganda. Lahat maninipis at panget ang disenyo. I checked the price, three for one hundred pesos. Wow. I didn't know I could buy cotton shorts at that price. I thought they were not good quality, but still fine for the price.

Nilingon ko si tanda at nakita kong may sinasabi siya sa tindera, tumatango-tango ang babae. Nang magtama ang mata namin ay sinenyasan ko siyang lumapit.

"Done? Which one?" tanong niya nang makalapit.

I pointed at the table. "I don't know their measurements. I haven't measured my waist either." Noong last sukat ng waist ko thirty two na ang beywang ko, siguradong nadagdag pa dahil nag-stress eating ako nitong mga nakaraan linggo nang marinig sila Papá na ipapakasal na ako.

I was in denial, but okay, I know I added some weights from last year. Alam kong mali, hindi ko kaagad natanggap at naisip kong kung ganito na ako, na malayo sa karaniwan gusto nila, baka tumanggi ang mapapangasawa ko at hindi matuloy ang itinakdang kasal na iyon.

Pero sinong niloko ko? Kahit anong idahilan ko kila Mamá, alam kong tuloy iyon.

Binasa niya ang kanyang labi bago nagtingin ang mga shorts sa lamesa, may kinuha siya roon isang itim na cotton shorts na may puting lines sa gilid. Tiningnan niya ang beywang noon saka inabot sa akin.

"This will fit on you, your highness," sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. "How did you know? Ako nga hindi ko alam e."

"I touched your waist earlier, I can still feel it on my palm." Sandali akong napatitig sa kanya dahil seryosong-seryoso siya ng sabihin iyon, walang malisya.

Bumaba ang tingin ko ang binigay niya, okay naman ang design pero hindi ko rin naman 'to masusuot. For sure, Mamá will be mad if she finds that out.

"Fine, I'll buy sizes like this."

Sinabi niya iyon sa tindera na mabilis naman pinagkukuha ang ka-size ng ipinakita ko. They don't have paper bag though, plastic ang gamit nila.

Nang mabalot lahat ay halos sampong plastic na puno ng shorts iyon, ngiting-ngiti ang matanda.

"One thousand five hundred lang ho lahat ng iyan, Ma'am!" Wow, tama si Mersita, mura nga. Maybe I can donate these shorts to my maids, huh.

Kaagad kong inilabas ang card ko at iniabot sa kanya. "Here."

Kumunot ang noo ng matanda, naglipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gavril animong nagdududa. "Ano ho 'yan?"

"My pay?"

"Totoong pera lang ho," sabi niya, nagsusungit na ngayon.

Napamaang ako, totoong pera 'to! May pera 'to, they just need to swipe! I'm always using this!

Ilalabas ko pa sana ang ibang card ko pero nagsalita si Gavril. "Ito ho," sabi niya sabay about ng saktong one thousand five hundred sa matanda.

Doon ko nakitang nakalabas na ang kanyang wallet, nakita ko ang ilang ID's doon pero wala na siyang pera, limang daan na lang.

Kaagad niyang binulsa iyon pero nakita ko na, mabilis niyang kinuha ang mga plastics. I felt guilty, hindi naman kasi ako nagdadala ng cash, I didn't know.

"Babayaran kita, saan ba pwede magpa-cash dito? Don't worry, I'll pay you!" mabilis kong sabi paglabas namin sa shop na 'yon.

Nasa isang kamay niya lang lahat ng plastic bag. Napanguso ako nang hindi niya pinansin ang sinabi ko, nagpatuloy siya sa paglalakad.

"May bibilhin ka pa?" tanong niya.

Wala nga akong cash anong mabibili ko? Dinayo ko lang naman dito 'yong mga pagkain at lugar, okay na 'yon tapos magtitingin na lang ako at pwede na kaming umuwi.

"Magwi-withdraw ako, Gavril."

"Meron pa naman dito."

"What, five hundred pesos? Anong mabibili no'n?" inis na sabi ko dahil mukhang ayaw na niyang bumalik pa roon sa bangko sa labas, kinagat niya ang ibabang labi dahil sa sinabi ko.

Napailing ako. "Nevermind, kumain na lang tayo."

Tumango siya pero seryoso ang mukha, inalalayan niya ako papunta sa mga nakahilerang kainan. I'm not maarte pero mukhang hindi hygienic ang mga cart nila even the spoon!

Oh gosh, how can they eat it in that place?

Napaatras pa ako nang makita ang mga maliliit na bees.

"There's a bee," I informed him. Hinawakan ko ang braso niya para umatras na kami.

"Langaw 'yan, hindi bubuyog," bulong niya.

Kumunot ang noo ko, are they good ba? Nangangagat ba?

Umiling ako sa kanya, hindi niya ako mapapakain doon. "Wala bang Chinese restaurant or Spanish? Maybe a pasta?"

Kinamot niya ang kanyang ilong,

"Nasa labas tayo, ito lang ang malapit. 'Yong mga restaurant na gano'n, nandoon pa sa kabila, iikot pa tayo. Saka limang daan na lang ang pera ko, hindi tayo makakakain sa sinasabi mo, baka sabaw lang mabili natin," mahabang paliwanag niya sa malumanay na boses, para tuloy akong pinapaliwanagan ng magulang na hindi kami makakabili ng laruan.

Pumadyak ako. "Bakit hindi ka kasi nagdala ng maraming pera?!" inis na tanong ko.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Gwardiya mo ako, your highness hindi sugar daddy, kahit gusto kong million ang dalhin ay wala akong madadalang gano'n kalaking halaga," sabi niya, nawala ang inis sa mukha ko at napalitan ng pagtataka.

"What? Why?"

"Anong bakit?"

"Wala kang work bago ito?"

Marahan siyang umiling. "Wala, na-ospital ako, ngayon pa lang ako nakakabalik at ito ang unang trabaho ko pagkatapos no'n," sabi niya saka tinuro ang mga nakahilerang cart. "Kakain ka pa?"

Na-ospital? Related ba sa dati niyang work? Naningkit ang mata ko bago marahan tumango na lang. Well, wala naman mawawala kung susubukan, tutal nandito na rin ako.

Iminuwestra niya ako sa isang kainan, may mga tent sila roon at ilang folded table. Napangiwi ako nang makita ang mga nakalatag sa lamesa.

"What's that?" My eyes wided.

"Isaw."

"Saan gawa 'yan? Uh, worm?"

Kinilabutan ako sa naisip ko, halos pagtinginan kami ng mga nakasabay namin pero wala akong pakielam.

"Bituka ng manok, here try this one, betamax."

"Oh, no." I shook my head.

Umatras ako saka tinuro ang kulay orange na bilog na pamilyar sa akin na alam kong niluluto ni Mersita.

"Ito na lang kweng-kweng," sabi ko.

Natawa ang tindera sa akin, kunot-noong nilingon ko si Gavril na kagat-kagat ang ibabang labi.

"Kwek-kwek, your highness," he whispered. Magkamukha lang, same lang din ng tunog.

"Yes, I know."

Siya ang um-order do'n at may binili pa siyang ibang pagkain na bago lang din sa akin. Naupo kami sa isang table na nandoon, pinagpagan muna niya ang upuan ko bago ako umupo, tinanggal ko ang aking sling bag saka inilagay sa aking likuran.

Una kong tinikman ang kwek-kwek. I can't taste quail eggs, parang walang laman. Masarap naman ang sawsawan pero hindi ko talaga malasahan ang itlog.

Hiniwa ko ang isa sa gitna, doon ko nakitang hinati pa nila ang maliit na itlog sa tatlo, oh my gosh, I will sue them.

"Try this one," may tinuro siya sa akin mahaba at mataba.

"What's that?"

"Corn dog?" Napaatras ang ulo ko nang ilapit niya iyon sa aking bibig animong pinapakain sa akin. "Open your mouth widely, your highness."

Binaba ko ang hawak ko saka inagaw sa kanya iyon pero inilayo niya. "Akala ko ba masakit ang kamay mo? Kaya mo na palang igalaw, your highness?" nang-uuyam na sabi niya.

"Kaya ko, akin na, Gabo!" I hissed.

Nagsalubong ang kanyang kilay, ibinaba niya ang hawak. "Ah, fucking what? Gabo?"

Inagaw ko sa kanya ang stick na pinapasubo niya sa akin, ang laki no'n. Masarap ba 'to?

"Yes, that's your nickname, right? Sabi ni Mersita. Ano bang itatawag ko sa'yo? Surname or your nick name?" Kinagatan ko ang pinapakain niya, medyo matabang.

Sandali niya akong tinitigan, nakatitig siya sa aking pagnguya. Nailang ako roon pero imbes na ipakita ay sinungitan ko siya, ibinigay ko sa kanya ang natitirang corn dog.

"I just tried, ayoko na." Mukhang natatakam siya e, edi sa kanya na para naman humaba pa ang buhay niya.

Imbes kunin sa akin ay hinawakan niya ang pulso ko, natigilan ako nang kagatin niya ang corn dog kung saan ako mismo kumagat.

"Gav."

"Huh?"

"Sinabi ko kay Manang Mersita ng tanungin niya ang pangalan ko, Gav po . . . Not Gabo."

Sandali ko siyang tinitigan, sandali iyon nag-loading sa akin.

"What?! And here I am calling you as Uncle Gabo in my mind! I just realized lang na no'ng pinanganak ako ay binata ka na, thirteen wow," I confessed and chuckled. Uminom ako sa mineral water na binili niya.

Naibuga niya ang kinakain niya, tumilansik iyon sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko, hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat at imbes tulungan ako ay tumawa pa siya.

I stared at him dumbfounded as he chuckled.

Napasinghap ako, naramdaman ko ang mga corn dog na kinain niya sa mukha ko! Ew!

"Gavril you're fired!" I shouted.

Sinenyasan niya akong huwag mag-ingay pero natatawa pa rin siyang inabutan ako ng panyo.

"Hush, lower your voice, your highness."

__________________

SaviorKitty

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com