Conrad Series 1 The Servant
Kabanata 29:
Palingon-lingon sa akin si Giana habang nasa hapag-kainan kami at nag-aagahan. Tuwid ang aking upo habang nasa kabisera at sumisimsim ng mainit na kape. Sa aking kanan ay nandoon si Gael, katabi si Gideon habang sa aking kaliwa ay si Giana at Gavin.Tahimik kaming kumakain, ngunit puna ko ang pagsulyap niya sa akin."Giana, pass me the sauce, please," ani Gideon."Ay maryosep magkamukhang sauce!" gulat na sigaw ni Giana sabay tuptop ng kamay sa kaniyag bibig.Natigil ako sa aking pag-inom, unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanila."Huh?" takang tanong ni Gavin."Hehe, wala. Ito po ang sawsawan, Kuya." Nanginginig pa ang kanyang kamay na inabot iyon sa Kuya, nagtama ang aming mata bago bumaba ang tingin niya kay Gael.Kinagat niya ang ibabang labi pero sa huli ay nagsalita rin."B-Bunso, alam mo may kamuka ka, hehe. Kamuka mo si Angkol, hindi po ba inay?" mabilis na bulalas niya, mukhang hindi na napigilan ang kanina pa gumugulo sa kaniyang isip.Inaasahan ko na iyon, kilala ko na si Giana. Sa daldal niya ay paniguradong hindi niya kakayanin na ilihim ang nakita niya kagabi, kahit isang araw lang.Baka nga napaginipan niya pa iyon kagabi."Angkol?" Gideon asked curiously, with his own accent.I licked my lips and looked at Gael, who was enjoying his breakfast without a care in the world.Inosente siyang ngumiti sa amin nang mapansin nakatingin na kami sa kaniya, kita ang bungi pang ngipin.Nagpapa-cute."Oo, Kuya Gideon. Madilim ngunit kitang-kita ng aking dalawang bilugan na mata sa labas kagabi. Hindi po ba, Inay? Hindi ako maaaring magkamali. Akala ko nga'y namamalik-mata lamang ako, ngunit hindi! Sigurado akong hawak-kamay pa nga sila ni inay hehe, with kiss!" excited na bulalas pa niya.Suminghap ako dahil sinabi niya. "Mommy, me too! I want kiss!" Gael pouted.Hindi pa man ako nakakabawi ay yumuko na ako upang halikan siya sa labi, humagikgik pa siya bago bumalik sa pagkain.Nagtatakang nakatingin sa akin si Gideon at Gavin, si Giana naman ay ngiting-ngiti.Tumikhim ako, walang balak magpaliwanag tungkol sa bagay na iyon lalo't sa harap ni Gael.Siguro maiintindihan ni Gideon, pero ang dalawa ay hindi ko sigurado."I'll tell you next time," pagtatapos ko sa usapan na iyon.Hindi naman na muli silang nagtanong sa bagay na iyon.Pagkatapos ng almusal ay tumawag naman si Mommy at Daddy upang kumustahin ang tinatrabaho ko rito sa Pampanga, mukhang nakarating na rin sa kanila ang balita tungkol sa nangyari kahapon na sagutan sa meeting sa Manila.I told them that it wasn't a big deal and I signed the contract.Nasabi nilang nasa Cagayan pa rin sila ngayon, tinanong ako kung nagkausap na kami ni Kuya Maddox sinabi kong hindi, akala ko nga ay alam na nila ang tungkol sa mga ginagawa ko sa Lavelle ngunit wala naman silang nabanggit.Hindi rin sasabihin ng mga guards iyon, takot lang nila sa akin.Nang sumapit ang hapon ay nag-asikaso ako papunta sa hacienda Lavelle.Kagabi ko pa pinag-iisipan ang bagay na ito, simula nang matanggap ko ang mensahe ni Gavril na hindi na katulad ng dati.Hindi pa ako kaagad naniwala na siya iyon dahil hindi naman gano'n ang text niya noon, ngunit wala naman ibang magte-text sa akin ng gano'n.I remember the three words.Wala akong naramdaman sa huli niyang text, hindi rin naman ako nag-reply.There is still hatred in my chest and even though I saw myself what happened in their factory yesterday, I did not change my mind. I won't change how I feel.I still want a revenge.I glanced at myself in the mirror reflection. I wore a black long silk tube gown with a slit in my right thigh.Kinakabit ko ang aking diyamanteng hikaw nang bumukas ang pintuan, lumingon ako't naabutan si Gael na nakadungaw ang matambok na pisngi at isang mata, sinenyas ko siyang pumasok.Yakap-yakap niya ang kaniyang favorite pillow habang naka-pajama na kulay blue.Parang matandang pinasadahan niya ako ng tingin, ngumuso pa siya makita ang suot."Mommy, are you going to work this late?" he inquired, using his soft voice.Tinapos ko ang aking ginagawa at lumapit sa kaniya.Sinenyasan ko siyang maupo sa aking kama, kaagad naman siyang sumampa roon at tinulungan ko pa siya.This is not actually part of the work, but I can't say to him that I'll go and meet his father and the family who ruined us, the reason why I lost his sister."Yes, baby. I'll finish this, then we'll go back to Spain, huh. You want that? Isang linggo na lang."Ngumuso siya, parang hindi pa sigurado sa pakikipagnegosasyon ko."Hindi po ako sanay mag-work ka, Mommy. I missed you around the house."Hindi ko maiwasan matawa dahil sa cute niyang tagalog na may accent pa. Ginulo ko ang mahaba niyang buhok na nakaladlad, niyakap niya ang unan."Kailangan ni Mommy kasi 'di ba hindi naman 'to maaasikaso ni Daddy Maddox dahil buntis si Tita Anna ngayon so tayo muna ang nandito. Grandpa and Grandma want to be hands-on in this business like our business in Spain. Soon, you'll undestand."He protruded his lips. "I don't want business."Nakuha niya ang buong atesyon ko."Ano pa lang gusto mong trabaho paglaki mo, Gael?" malumanay kong tanong.Well, hindi ko naman na siya pipilitin sa negosyo ng pamilya kung ayaw niyang siya ang humawak no'n. I won't force them to follow the rules and what most royal people do with their children, like how Lavelle controlled me.At isa pa, masiyado pa siyang bata, mas gusto ko sana ay i-enjoy nila iyon dahil dadating naman sila sa tamang edad na. Mas maiisip nila ang gusto talaga nila at kapag nangyari iyon, sisiguraduhin kong susuportahan ko sila sa paraan hindi ko naranasan noon."I want to be a veterinarian! I'll help the sick animals, I'll take care of them!"Napatango ako at hindi na nagulat pa roon dahil pansin ko naman na mahilig talaga si Geal sa mga hayop.Even his bedroom in Spain has this animal theme, from his wall to his clothes.May isang hayop akong kilala, sana lang talaga hindi siya mahilig doon."Ate Giana cried when she saw her dog die, I don't want that," malungkot na sabi niya.Bigla kong naalala na namatay ang asong napulot ni Giana kaninang umaga at iyak siya nang iyak. Hindi ito kumain daw ng almusal at parang nanghihina.According to the doctors, it's parvo, a dog infection.Kaya rin siguro tinapon na lang dahil may sakit na pala. Nagkulong na sa kwarto si Giana simula no'n.I want to buy her a new dog pag-uwi namin sa Spain.Malakas akong bumuntonghininga."That's the life anak, hindi naman kasi lahat ng gusto natin manatili sa atin ay habang buhay natin mahahawakan. So we should appreciate it while we still have it, because the time will come when we lose it. There is no permanent thing in the world, Gael. Lahat ay pahiram lang sa atin, kaya dapat wais tayo sa gagawin natin desisyon."Inosente siyang nakatingin sa sinasabi ko, tipid ko siyang nginitian.Sandali siyang natahimik bago magtanong."Mommy, would you cry too, if you lost me?"Nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya, pagak akong natawa. I felt a pang in my chest, but I remained my smile.Ebony, he's a kid. He'll just be curious. Don't take it seriously."Anong ibig sabihin mo, Gael hmm?"Ngumuso siya, parang nalungkot."Nothing, Mommy. I just don't want to see you cry like how Ate Giana cried earlier when she lost her dog."Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinasabi, ngayon lang siya nagsalita nang ganito. Wala naman nagtuturo sa kaniya ng ganitong mga salita sa bahay."If someday, mawala po ako, huwag ka mag-cry, okay Mommy? Promise me?"Parang may bumigat sa dibdib ko, ngunit kaagad ko iyon iwinaksi dahil alam ko sa sarili kong hindi naman iyon mangyayari, o baka naman iba ang ibig sabihin niya roon.Niyakap ko ang aking anak. Hinalikan ko siya sa kaniyang buhok."I won't cry, Gael. Strong si Mommy at isa pa, gagawin ko lahat para sa'yo, sa inyo. That's why we're working hard so you'll get whatever you want and you'll be secure, anak."Lumiwanag ang kaniyang mukha animong may naalala."Mommy, that's why we have guards. They are ensuring our safety. Do you have a favorite guard Mommy who makes you feel safe and trusting so much?"Napatitig ako sa kaniya dahil sa kaniyang tanong, bahagya kong hinimas ang kaniyang braso."Meron, dati.""Dati? What happened po?""He betrayed, Mommy."Nagsalubong ang kaniyang makapal ng kilay. "Why po?""Because of the money and power, he's not contented and happy." Palihim akong suminghap dahil naisip kong baka may parte rin ako kaya niya nagawa iyon. Masiyado ko ba siyang na-pressure noon? Pero narinig ko naman siya noon, plinano nila lahat so bago pa lang siya mapunta sa bahay ay nakaplano na ang pagpapaikot nila sa akin, dahil galit sila sa mga Cervantes."Is he happy now?"Tipid akong ngumiti, bigla akong nalungkot. "Siguro anak. Anyway, where's your yaya? Go back to your room come on, aalis na rin ako," pag-iiba ko ng usapan.Mabilis siyang tumango, sandali kaming natahimik bago nag-angat ng tingin sa akin."You're so beautiful, Mommy!"I chuckled. "Really? Thank you. Eat your dinner and go to sleep na ha? Paggising mo bukas ay nandito na si Mommy. You're a big boy naman na hindi ba? Kaya mo na?""Yes po!""Good, may gusto ka bang pasalubong?"Umiling siya saka umalis sa kama, dala-dala ang unan niya."Nothing Mommy. I just want to see you when I wake up tomorrow.""Sure. I love you, baby." I kissed his chubby cheek, natatawang niyakap niya ako.Hinimas kong muli ang kaniyang likod habang kinakalma ang kung anong kaba sa dibdib ko."I love you too, Mommy!"
༻𖥸༺
In my mind, I have already planned everything that will happen tonight. I checked everything that I needed. Huminga ako nang malalim nang makitang tuluyan makapasok ang sinasakyan kong kotse sa bukana ng hacienda Lavelle, bumaba ang tingin ko sa phone kong tumunog na naman. I saw some messages from my secretary and guards, but my attention was drawn to Gavril's.From: Gavril LavelleThe party will start at eight.Do you want me to fetch you?Baby, are we okay? Please, message me. I'm worried.Hindi ko pa nababanggit na pupunta ka, but I told them I have special guest.Blanko ang aking mukha na isinara ang mensahe na iyon na iba't iba ang oras, hindi ko siya ni-reply-an maski isa simula kagabi. Magdadahilan na lang ako kung magtanong siya.Wala rin naman akong pakielam kung malaman nilang pupunta ako, wala rin naman makakapigil sa akin. I will ransack their party.Tingnan natin kung anong magiging reaksyon nila lalo na't palubog na ang mga negosyo nila, talagang itinuloy pa rin nila ang party kahit may kinakaharap na issue ang kumpanya at ang pangalan ng ipinagmamalaki nilang pamilya.Tsk.Wala akong ibang maramdaman nang tuluyan huminto ang kotse sa harap ng mansyon, marami na rin kotse ang nandoon.Huli na ako ng isang oras kaya alam kong nagsisimula na rin ang program kung mayroon man.It feels nostalgic, but at the same time, it feels like a nightmare coming back here.Saksi ang mansyon na ito sa lahat ng nangyari noon, sinabi ko noon na kahit anong mangyari ay babalik ako rito upang itama ang lahat.Natagalan lang ako.Nang makababa sa hagdanan ay kaagad akong nilingon ng ibang nasa bungad lang din ng mansyon. Inilibot ko ang aking paningin, wala masiyadong nagbago, katulad pa rin noon.May ilang halaman sa gilid na nadagdag, may isang statue rin sa gilid na hindi pamilyar sa akin.Taas-noo akong naglakad sa red carpet papasok sa mansyon habang malakas ang kabog ng aking dibdib.There are cameras flashing in the entrance, and I overheard some of them wondering why the Cervantes is here.I walked with guards on my both side, sumalubong ang maliwag na chandelier at malamyos na tugtog galing sa isang violin.Unang tumama ang tingin ko sa mga dating kamag-anak, 'yong mga pinsan kong Lavelle sa Manila noon kasama ang kanilang Ina, kita ko ang gulat sa kanilang mukha nang makita ako. Sunod kong natanaw ang pamilya nila Elias sa isang lamesa, una akong nakita ng fiancé niya, may binulong siya kay Elias kaya ito napalingon sa aking gawi, kita ko ang gulat doon. Inalis ko ang tingin sa kanila, may ilan pa akong pamilyar na mukha na nakita.I can sense their gazes on me. I don't like being the center of attention, but I'm enjoying this.Ramdam ko ang tingin lalo na ng mga kalalakihan lalo na sa isang lamesa, nagtama ang tingin namin ni Gavril na nakikihalubilo roon, may sinabi ang isang kasama ni Gavril na hindi pamilyar sa akin.Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang kaniyang panga, umiling siya sa sinabi ng lalaki saka ibinaba niya ang hawak na wine saka naglakad papalapit sa akin.Kahit kakakita lang namin kahapon ay parang ang tagal niya akong hindi nakita sa ibinigay niyang titig na 'yon.With his black suit and his man bun, he looks intimidating. Nothing has truly changed, but he now feels more powerful, which I actually despise.When we stopped in front of each other, he immediately placed his warm palm on my waist as if claiming me, as if informing everyone watching that he was the only one who could do it.Nagawa ko pang pasadahan siya ng tingin. His suit is perfectly fitted to his matured body,"You look stunning," he whispered on me. Napairap ako ngunit sa huli ay ngumisi na lang."I know."Hindi naman ako pupunta rito ng panget at haggard.Naamoy ko ang pamilyar niyang pabango, nakita kong bahagyang lumayo na ang mga guards sa akin at pumirmi sa isang sulok, may ilan na pini-picture-an kami kaya halos masilaw ako.Iniharang niya ang malapad na likod saka iginiya na ako sa lamesa sa bandang harapan kaya naman pinagtitinginan kami ng madadaanan namin.I had already prepared my script for my parents and Kuya when they found out about this.Sigurado naman ako, bukas lang ay kalat na, baka nga ngayon gabi lang ay tatawag na iyon.Malayo pa lang ay alam ko na kung sino ang mga nandoon sa pupuntahan namin lamesa.Parang bumalik sa akin lahat, no'ng panahon na iwe-welcome si Adilyn bilang Lavelle, hindi ako pinalabas ni Mommy dahil nakakahiya at baka makasira ako.Gavril caressed the small part of my back while we were walking. Our eyes met; he smiled lightly, but he looked mad.Bakit? Baka napipilitan siya rito dahil kailangan niya ako, huh? Baka nga nasabihan na niyan ang mga Lavelle tungkol sa pagdating ko."Gusto mo bang sa ibang lamesa? I can ask the-""It's okay, Gavril. Kaya nga ako nandito hindi ba? I-announce natin sa pamilya mo ang kasal?" putol ko gamit ang blanko ang aking boses.I know I can control my actions in front of them now, but I can't forget how they plan to just throw me away when they find Adilyn.Oh, speaking of their righteous daughter.Si Adilyn ang lumingon sa amin gawi, nakasuot siya ng kulay na blue na gown. Unti-unting nawala ang malawak niyang ngiti at hindi natuloy ang sinasabi. I scanned her face like I did before, kita ang pinagbago sa kaniyang pangangatawan, mas sumama ang mukha niya nang makita ang kamay ni Gavril na nakalibot sa beywang ko."A-Alora..."Nanlalaking mata na sabi niya dahilan para mapalingon sa amin ang ibang nasa lamesa. I saw Mr. Lavelle in his wheelchair, Mrs. Lavelle stress face became more problematic.I smirked. Surprise!"Mamá, Papá..." ani Gavril nang huminto kami sa gilid ng lamesa nila.Gusto kong masuka sa tawag na iyon na minsan ginamit ko rin sa kanila.Napatayo pa si Adilyn, namumutla. "A-Anong ibig sabihin nito, Gav?!"She can't even hide her hatred for me, huh?"Anong ginagawa mo rito ha?!" Duro niya sa akin."Calm down, Lavelle, can you just act like a decent person?"Inimuwestra ko ang kamay sa madaming tao na nakatingin sa amin, mukhang doon lang siya natauhan kung nasaan lugar siya kaya dahan-dahan siyang umupo ulit kahit bakas ang pagkamuhi sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang babae na ito, bakit gano'n kalalim ang galit niya sa akin na dumating na siraan niya ako at talikuran ng lahat na inaasahan kong tutulungan ako.May hiya pa pala.Taas-noo na lumipat ang tingin ko kay Mr. Lavelle, kita ko ang gulat sa kaniyang mukha sa biglang pagdating ko kasama pa ang tigapagmana nila, mas nanaig naman ang galit sa mukha ng kaniyang ina.Ipinaghila ako ni Gavril ng upuan, bahagyang gumawa iyon ng ingay, umupo ako roon.Hindi ko na alam kung ang kumakanta ba sa harap ang pinapanuod ng mga tao sa paligid o kami.Walang unang nagsalita sa kanila, tumabi si Gavril sa akin. Naramdaman ko kaagad ang kaniyang isang braso na pumirmi sa sandalan ng upuan ko.Dahil may slit ang gown ko na hanggang waist ko na ay pilit niya iyon tinatakpan ng malaki niyang legs sa mga nakatingin at nagpi-picture."Do you want pasta? Soup? Rice?" nauulol na bulong niya sa akin, kulang na lang kumandong sa akin sa sobrang lapit."Wine."Bumaba ang tingin niya sa labi ko. "Hmm?""I want to drink some red wine." Tumango siya saka sumenyas sa isang waiter na nakaabang sa malapit, nang maglapag ng wine ay umiling ako kunwaring dismayado sa amoy. "This is not my usual wine. Pineapple juice na lang, I want it pure.""Okay. I'll ask them, baby. What else?" Bahagya niyang inalis ang buhok ko sa balikat, exposing my neck and collar bone."Do they serve Gravadlax with celeriac and fennel salad?"He wet lips using the tip of his tongue while looking at my face. "Magpapagawa ako sa chef.""Okay."Sinabi niya iyon sa waiter na nakaabang na mabilis naman tumalima sa utos.Lavelle's looks at me like I am their nightmare. Great.Mas lumawak ang ngisi sa aking mukha dahil kita nila kung paano kaulol ang tigapagmana nila sa utos ko, nanginginig pa.Noon pa man o ngayon.Hindi ko alam kung nagpapanggap lang din ba siya para makuha ang loob ko pero mas natutuwa ako. Ang saya nilang paglaruan."Gavril, anong ibig sabihin nito?" tanong ng kaniyang ama nang makabawi, madiin ang boses.Kung noon ay halos mabahag ang buntot ko sa gano'n tono niya ay ngayon ay wala ng epekto sa akin.Gav sighed heavily, he leaned more in his chair closer to me, causing my arm to hit his chest."Sinabi ko ho sa inyo na may bisita ako.""Alam mo ba ang ginagawa mo, Gavril... alam mong..." Suminghap si Mrs. Lavelle, hindi natapos ang sasabihin.Sumimsim ako sa tubig sa aking harapan, sa ilalim ng lamesa ay nandoon ang isang nakakuyom kong palad, parang may malamig sa aking tiyan. Hindi ko akalain na muli ko silang makakiharap sa ganitong kakalmado na pagtatagpo."Ang pamilya niya ang dahilan kung bakit ka nawala sa amin noon, kaya nagkaletche lahat, baka nakalimutan mo ang nangyayari sa negosyo natin ngayon? Siguradong may kinalamanan ang babae na iyan, anak. Are you out of your mind?!" makangiting sabi ni Mrs. Lavelle, halatang tinatago ang namumuong alitan sa lamesa dahil sa mga matang nakamasid.Sumandal ako papalapit pa kay Gavril, kita ko ang disgusto sa mata ni Adilyn kahit sa simpleng galaw na iyon.Mas pinanuod ko ang mga galit nilang mukha."Ma, hindi ho tayo sigurado riyan. We are not sure, let's not talk about the past. Hindi ba? Walang kinalaman ang Cervantes, noon man o ngayon. Please, don't say those words infront of my fiance.""What?!" sabay-sabay nilang tatlo na sabi.Umiling-iling si Adilyn. "Y-You're kidding us, Gav. H-Hindi ba sabi mo wala sa isip mo ang magpakasal, na negosyo ang pagtutuunan mo ng pansin. Kaya nga..."Pagak akong tumawa, naramdaman kong hinimas ni Gavril ang balikat ko.I am not sure if he's trying to make me calm."Ilang araw pa lang akong nakauwi, napabago ko na ang isip niya. Ikaw taon ng nandito, wala? Oh, why are you here, anyway? You are not a real Lavelle, right?"Namula ang kaniyang mukha."Gavril!" umalingawngaw ang boses ng Ama niya, hinampas ang lamesa. I saw veins pop on his neck, kaagad siyang pinakalma ng asawa.I looked up at Gavril, kita ko ang kalmadong mukha ngunit marahas ang paggalaw ng kaniyang panga."I am going to marry, Alora Ebony," he said softly."Hindi kami papayag! Nasa gitna tayo ng delubyo, Gavril tapos ito ang uunahin mo!"Nilingon ako ni Gavril dahil sa madiin wika ng kaniyang ina. Naglapag ang waiter ng appetizer, kaagad akong sumubo habang pinapanuod ang drama nila.Bumaling siya sa magulang na seryoso ang mukha. Kung ginagamit niya ako para pigilan ang tuluyan pagbagsak ng mga pinaghirapan nila, ang galing niya ngang umarte, kung noon Ebony ako ay madadala ako panigurado."I didn't know your parents were still holding onto your decision, Gavril. Oh, no! Kung sabagay ganito naman talaga ang pagkakakilala ko sa inyo Mr. and Mrs. Lavelle, wait, should I start calling you Mamá and Papá again?" I mocked them more."Wala kang galang!" ani Mamá.I chuckled. "Kahit ako ang pinakamasama sa lahat ng tao sa lamesang ito, ako pa rin ang papakasalan ng anak niyo."Mas lalong sumama ang mukha nila, I feel satisfied because of their reaction, especially when Gavril shook his head at his parents."Sinabi ko lang sa inyo, Mamá ang desisyon kong ito dahil kayo pa rin ang magulang ko. Hindi niyo po ako mapipigilan, pakakasalanan ko si Ebony, ngayon linggo.""She's just using you!" Mr. Lavelle shouted, napahawak siya sa gilid ng lamesa.Wala akong maramdamang awa kahit kita ko ang pagbabago niya ng pisikal, mukhang maiiyak naman si Mrs. Lavelle habang puot ang nasa mukha ni Adilyn.Nanginginig ang kamay ko sa galit ngunit itinago ko iyon sa isang ngisi, sila ang dahilan kung bakit ko nawala ang anak ko.Hindi ako dapat maaawa, kulang pa lahat, nagsisimula pa lang ako.Hindi nakapagsalita si Gavril ngunit malakas siyang bumuntonghininga."Gav, hindi mo man lang ba iniisip ang lagay ng ama mo? Ang pamilya niya, ang babaeng iyan ang sisira sa aatin!" "Ma, hindi gagawin iyan ni Ebony. Please, respect her and my decision. Ayoko na sana siyang iharap rito dahil papakasalan ko pa rin siya kahit wala ang basbas niyo ngunit bilang respeto sa pagiging magulang ko," nahihirapan sabi niya.Marahas umiling si Mrs. Lavelle. "Ang dami namin nirereto sayo, alam namin na nasa wastong edad ka na kaya nagmamadali ka ng magpakasal! Hindi ganito, sabihin natin mayaman sila, pero..." "Hindi ko ho papakasalan si Ebony dahil doon."Nilingon ko si Gavril, seryoso siya ang sinasabi iyon habang bahagyang pinipisil ang aking braso."I wonder why you're so mad at Cervantes."Galit na galit ang tingin nila sa akin."Hindi ka namin tatanggapin!""Edi don't, I don't care."Inalalayan na akong tumayo ni Gavril bago pa kami magkasagutan lalo. "Please, enjoy the rest of the party. My fiancé and I will talk."Tumalikod na kami ngunit bago pa makalayo ay nagsalita si Mr. Lavelle."Tatanggalan kita ng mana, Gavril kapag itinuloy mo ang kabaliwan na ito! Pagsisisihan mo ang pagtalikod sa pamilyang ito," ani Mr. Lavelle, nagbabanta ang boses.Tumigil kami sandali ngunit hindi lumingon. Pinagsaklob niya ang mga kamay namin."Try me."_______________SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com