CHAPTER 37: NOT GUYAM ISLAND
Clio's POVHabang nasa SUV kami, makikita sa rearview mirror ang pagtataka sa mukha ni Vianca. I think she can recognize the route we're heading. "Hindi ito papunta sa airport." She said after looking outside. Nagsalubong ang tingin namin si rearview mirror. She gave me a questioning look. "Papunta tayo sa Avecedo Inc.," sagot ko habang sinasalubong ang nagtatanong niyang tingin. Avecedo Inc. is the building owned by Cora's family. I can see from the rearview mirror that Hyacinth is sleepy. Maaga kasi ang pag-alis namin. Lumihis ang mata ko sa nakaupo sa third row ng SUV. I can't help myself but to roll my eyes back infront. Sumama pa talaga. Vianca didn't ask kung anong gagawin namin sa Avecedo Inc., which is good. Dalawa sila ni Hyacinth na masusurpresa. After a few minutes, we arrived at the building. Nauna akong bumaba. I opened the door for Vianca and Hyacinth. "Why?" Bungad na tanong sa'kin ni Vianca. I just gave her an assuring smile before offering my hand. She stared at it, parang nagdadalawang isip ba kung kukunin pero kalaunan ay hinawakan niya rin ang kamay ko. Sparks rush through my vein with the five seconds contact of our skin. "Ako na kay Hyacinth," I volunteered then approached Hyacinth who's now sleeping. "Hey, Hyacinth, I'm gonna carry you, okay?" I whispered before scooping her. "No.. I want mommy.." nagpumiglas ito habang karga ko kaya mahigpit ko siyang niyakap para hindi mahulog. Later on, she stopped complaining, she fell asleep on my shoulders. I can't help but to hug Hyacinth tighter as her weight fell on me. Gusto ko pang pumikit to savor the moment pero siguro ay kay ibang oras pa naman para doon. All their eyes are on me.Si Vianca na nakatingin sa amin ay sandaling natulala. She seemed touched by the view of us, or maybe just Hyacinth peacefully sleeping. "Pakisunod ng mga gamit namin," utos ko sa driver at isang security personnel ng building. I didn't wait for Vianca to blurt out her question, "Sa rooftop tayo, we're riding a private helicopter to Siargao." Her eyes widen, hindi na siya nakapagsalita. I smiled, realizing how adorable she was. Hindi naman kasi siya nagtatanong, hindi rin hinihingi ni ticket ng eroplano, paano niya malalaman, 'di ba? "Let's go, ma'am." Saad ng isang security personnel at nauna ng maglakad hila ang dalawang luggage. Nakasunod sa kanya ang driver na may hila ring dalawa pang luggage. Sumunod sa kanila si Vianca, na sinabayan ni Rocco. Nauuna sila sa'kin, bitbit ko si Hyacinth. Napairap ako habang pinapakinggan ang usapan nilang hindi ko maintindihan. Vianca looked back, probably to check on Hyacinth. Naabutan niya ang busangot kong mukha kaya agad akong ngumiti. Nakasakay na kami ngayon sa private elevator. Magkatabi parin ang dalawa, sila na ang nasa likod ko. I'm trying to understand their conversation but I really can't grasp what are they talking about. Wala akong background sa lenggwaheng Italiano kaya nabobobo talaga ako. We finally reached the rooftop. Hyacinth woke up due to the noise coming from the helicopter's engine. "I wanna get down.." inaantok paring bulong niya. Pasimple ko siyang niyakap bago tuluyang ibinaba. "Mommy, is that a helicopter?" She asked Vianca. "Yes, honey. We're riding that helicopter." Vianca enthusiastically replied. "Really?" Hyacinth exclaimed, all excited. Mukhang nawala ang antok niya. A smile formed into my lips. The simplest things can make me happy. "Thanks to your mamma Clio," I bit my lip upon hearing what Vianca said. Meanwhile, Hyacinth just gave me millisecond smile before pointing at the helicopter with amusement all over her face. I sighed. It's fine, makukuha ko rin ang loob ng anak ko. "Ma'am, okay na po ang mga gamit." Saad ng driver, kasama niya ang isang security personnel. "Thank you. Ingat po sa pag-uwi." Tinapik ko ang balikat ng driver bago naglakad palapit sa helicopter. Kinuha ko ang mga noise-cancelling headsets at inabot kay Vianca, Hyacinth, at sa isa pa naming kasama. Inalalayan kong sumampa si Hyacinth at Vianca, si Rocco-malaki na siya, kaya kaya niya na 'yan. Gaya parin ng pwesto namin kanina, I'm on the passenger seat alongside the pilot, si Vianca at Hyacinth ang nasa second row, si Rocco ang nasa dulo. Nasa himpapawid na kami. Tahimik ako habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa ibaba. I gave up checking on them at the back. They seem having a great time, especially Rocco and Hyacinth, na ayaw ko mang aminin ay nagseselos ako. I envy Rocco, he had the chance to spend time with Hyacinth, at hanggang ngayon ay mukhang close sila. The travel took about 4 hours. It's lunch time when we arrived at the hotel. Some hotel staffs are waiting for us in the roof deck of the hotel. They helped us carry our luggages down to the first floor. Ako na ang kumausap sa hotel receptionist para sa rooms namin. "Here's your key." Inabot ko kay Vianca ang susi ng kwarto nila ni Hyacinth. It's a presidential suite next to mine. "Room 204," she read the card. "Sei la stanza 204? Sono la stanza 367." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Rocco kay Vianca pero dahil sa mga number ay nagka-idea ako. Nagpigil ako ng ngiti nang balingan ako ni Vianca. "Bakit hindi natin katabi ang room niya? Bago lang siya rito, mas mabuti sana kung magkatabi ang room namin." Saad ni Vianca. She's calm but the authority on her voice is showing. "Akala ko kasi gusto niyang mapag-isa." Pabirong sagot ko. Inaabangan ko ang pag-irap ng mata niya pero naging kalmado siya. She heaved a deep sigh. She had no choice but to let it pass. Punuan na ang hotel, mabuti nga ay nagpa-book pa ako ng kwarto ni Rocco, hindi ko siya hinayaang maghagilap sa ibang hotel. Deluxe room din 'yon, huwag na siyang magreklamo. Nandito na kami sa floor namin. Ako ang nagdala ng luggage nila hanggang marating ang kwarto namin na magkatabi lang naman. "Let's meet in 20 minutes to have our lunch." Nakangiting bilin ko bago tinulak ang luggage nila papasok ng kwarto. I looked at Hyacinth, "What do you want for lunch, Hyacinth?" I asked in approachable tone. "Anything mommy wants," she shrugged then lifted her eyes at her mom. I stared at Vianca too, while raising both of my eyebrow. "A-anything, actually. Hindi rin naman mapili si Hyacinth." Nauutal na sagot niya, pinamumulahan ng mukha. I chuckled due to amusement. Vianca and Hyacinth are both adorable. Mag-ina nga sila. "Okay, then. Sa buffet nalang tayo para maraming pamimilian. See you in 20 minutes." I said before slowly pulling the door of their room, making sure they are safe inside. Within 10 minutes ay tapos na akong i-organize ang mga gamit ko sa cabinet that's why I decided to visit Vianca and Hyacinth's room. I knocked on their door then waited for Vianca to open it. "Ciao, amico!" It's the person I least expected who opened the door for me. "Cosa ti ha portato qui?" (Hello, my friend! What brought you here?) Rocco asked, his head stuck out from the door. "Ako dapat ang nagtatanong sa'yo niyan." Sagot ko na alam kong hindi niya maiintindihan. "Scusi?" Confusion was drawn on his face. (Pardon?)"Ha?" Asik ko. Who knows what he's saying. Baka minumura na ako nito. "I mean, pardon?" Linaw niya. "Hakdog," bulong ko. Kumunot ang noo niya kaya lihim akong napangisi. "Where is Vianca and Hyacinth?" Seryosong tanong ko na. "Inside," turo niya sa loob. He's still keeping the door slightly opened like I am some sort of a bad guy. Seriously? Kaibigan ba 'to ni Vianca o bodyguard? "Vianca, taking a bath," dagdag niya na nagpataas ng kilay ko. Vianca is taking a bath and he's inside? At parang ako pa ang ayaw niyang papasukin? "I want to come in. Can you open the door wider?" Pakiusap ko sa mabagal na paraan para mas maintindihan niya ako. Pinangunutan lang ako ng noo. I almost rolled my eyes. I pointed at myself, then inside, and signaled him to open the door wider. "Wait," he said and left the door slightly opened. I pushed the door using my foot, revealing Vianca inside who just got out from the bathroom, with her clothes on. I felt a massive relief. Lumapit sa kanya si Rocco. Dahil sa mas malaking awang ng pinto ay nasulyapan ako ni Vianca. I smiled and waved my hand. Binalik niya ang tingin kay Rocco, mukhang may sinabi ito. Maya-maya ay naglalakad na rin si Rocco palabas. Hindi nagtagal ay natapos din ang mag-ina sa pag-aayos. Sabay-sabay kaming pumunta sa isang restaurant sa hotel na may buffet. "What's the first activity at our itinerary?" Tanong ni Vianca pagkatapos naming kumain. "Guyam Island," bigkas ko sa isang bangkero na magdadala sa amin sa Guyam Island. "Sige, ma'am, sakay na po kayo," aniya. Nilingon ko sa likuran si Vianca. "We're riding a boat, mommy?" Hyacinth questioned with visible excitement on her face. "Yes, baby, let's go?" Ani Vianca. Pinauna kong sumakay si Rocco, inalalayan ko naman si Hyacinth na makasakay ng bangka, halos ayaw hawakan ang kamay ko pero wala ring nagawa. Huli kong tinulungang makaakyat si Vianca. The moment that her soft hand touches mine, I felt the electricity run through my veins like it's our first time touching hands. Hyacinth kept taking photos of the beach using her CIMELR camera toy while we sail our way to the Guyam Island. Vianca is beside her, watching over. Her beauty always stood out just by breathing. Hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Nakalugay ang mahaba at maalon niyang buhok na malayang dinadala ng malakas na hangin. Her cheeks are naturally red due to the high temperature of summer season. Her lips are always as plump as ever. Her face, her skin that's glowing from the sun's ray, her hair, her beach dress, everything looks magical-"Clio, hey," nagising ako sa katotohanan sa isang tapik sa aking balikat. Si Rocco na nakangisi habang nakatingin sa akin. "Guyam Island," turo niya sa isla, "Not Guyam Island," turo naman niya kay Vianca. I caught Vianca's eyes staring at me. Mukhang nagpipigil siya ng ngiti. Huli na rin para itago ko ang paniguradong namumula kong mukha. "Mas magandang tanawin ang Not Guyam Island," I said, just enough for the two of us to understand. At least, hindi na lang ako ang pinamumulahan ng mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com