TruyenHHH.com

Bakas Ng Kahapon Completed

"You can do it, hon. I have no doubt about that. And you must understand that I am a very shrewd businessman. I wouldn't place anyone in a position in my company if I knew they couldn't perform. At wala akong pakialam kung ang anyone na iyan ay ang napakaganda at sexy ko pang asawa," nakangiting sabi sa kanya ni Rorik habang hinahagud-hagod nito ang gilid ng kanyang pisngi. May kislap ng kapilyuhan sa mga mata nito bago bumaba ang mukha at masuyong humalik sa kanyang mga labi. Hindi niya naiwasang pumikit.

Czarina scowled at Rorik after the kiss. Kunwari'y hindi niya nagustuhan ang pambobola nito.

"Inanakan mo na ako ng dalawa pero hanggang ngayon ay binobola mo pa rin ako. Baka maniwala ako niyan? Ikaw rin. Malulugi ang negosyo mo."

"Sino'ng may sabing nambobola lang ako? At bakit ko hahayaang malulugi ang negosyo ko? You know me well, hon."

Hindi na napigilan ni Czarina ang mapangiti. Totoo nga naman. Lahat ng hinahawakan nitong negosyo na iniwan dito ni Don Jaime ay malayo na ang narating. Katunayan, umabot na nga sa ibang bansa sa Asya ang mga projects ng kanilang construction company. Hindi lamang iyon. Ang dating iisa nilang bangko sa Batangas ay nadagdagan ng limampo pa na nagkalat na sa iba't ibang bahagi ng bansa.

"Sige na nga. I am accepting the position."

Napasuntok sa ere si Rorik at siniil siya agad ng halik sa mga labi.

"That's my baby girl," sabi pa nito pagkatapos.

"We have one problem though, the job is based in Manila. Hindi pwedeng nandoon ako five days a week at uuwi-uwian ko lang dito sa Bataan ang dalawang bata. Ayokong ipagkatiwala nang lubusan si Rory at Erik sa mga yaya nila."

"Sino ba naman ang maysabi sa iyo na gagawin mo iyan? The renovations of our house in Ayala Alabang is done. Doon tayo titira. Uuwi-uwian na lang natin ang bahay dito sa Bataan. Pumayag na ang Tiya Linda na dito na sila pumirme nila Kuya Homer, ang panganay niyang nabiyudo kamakailan. Pumayag na rin ako na dalhin ni Kuya ang mga anak niya dito sa mansion. That is if --- okay lang sa iyo." Sa puntong ito medyo nag-alala si Rorik. Napansin din ni Czarina na mukha itong guilty. Tinapik niya agad ang pisngi nito at in-assure na wala itong ipag-aalala.

"After what Erik did for us, kahit lahat pa niyang kapatid ay tumira rito, wala akong pakialam. They are all welcome here. Kampante ako na kaanak mo ang titingin-tingin sa bahay na ito. Saka, okay na rin na may tao rito habang nandoon tayo sa Manila."

Napangiti nang maluwag si Rorik. Tila nabunutan ng tinik.

"If that's the case, isasama ko na rin si Kuya Homer at mga anak niya sa biometric verification program sa lahat ng locks dito sa bahay pati na sa basement."

"Go ahead."

Niyakap siyang muli ni Rorik at masuyong hinagkan sa noo bago hinugot ang cell phone sa bulsa ng pantalon. Mayamaya pa ay kausap na nito ang pinsan.

**********

Nag-atubili nang kaunti sa pagpasok sa dating pinagtatrabahuhan si Czarina. Nag-aalala siya sa maaaring reaksyon ng mga dating kasamahan. It has been a long time. Naka-retire na sina Ed Santos at Emily at nangibang-bansa naman ang iba, subalit marami-rami pa rin daw sa mga dati niyang katrabaho roon noon ang nandoon pa rin. Kompleto pa raw ang grupo ng Tres Marias. Si Diva ay pinuno na ng news department. Si Luisa naman daw ay nilipat sa marketing. Ginawa rin daw itong head doon dahil very effective sa paggawa ng mga marketing strategies to make their papers popular among the Gen-Z's. Si Wynona nama'y managing editor na.

Si Wynona...Napabuntong-hininga si Czarina.

Sa lahat ng mga dati niyang katrabaho, kay Wynona siya medyo namomroblema. Ever since kasi'y tinik ito sa kanyang lalamunan. Tapos ngayo'y magiging katuwang pa niya sa pagpapatakbo ng newspaper at weekly magazine ng kompanya. Nakikini-kinita na niyang magiging riot lagi ang kanilang pagsasama. Marahil sasalubungin siya ng bruha ng kung anu-anong insulto at sasalungatin ang lahat niyang maging desisyon. Baka ipamukha pa sa kanya na kaya lamang niya nakuha ang posisyon ni Ed Santos ay dahil asawa niya ang major stockholder ng Fajardo Media, ang siyang nagmamay-ari na ngayon ng halos otsenta porsyento ng shares ng newspaper and magazine nila.

Huminga muna nang malalim si Czarina at binistahang mabuti ang sarili sa salamin ng elevator. Napangiti siya sa repleksyon. Sino ang mag-aakala na nag-aalala siya sa madadatnang katrabaho sa dating opisina? The woman staring back at her in the mirror looked calm and composed. At napaka-elegante pa. Wala sa hitsura na kinakabahan siya deep inside her.

Ting. Napalingon si Czarina sa pintuan ng elevator. Nasa 5th floor na pala siya ng gusali.

"Fighting!" sabi niya sa sarili bago taas-noong naglakad patungo sa entrance ng kanilang opisina.

Dahil abala sa kung anu-anong negative thoughts, hindi niya napaghandaan ang masigabong pagsalabong ng mga nagtatrabaho roon. Nagulat siya nang bigla siyang pinaulanan ng confetti at masigabong, "Surprise! And welcome back, Ma'am Czarina!"

Bago pa siya maka-react nang husto ay isa-isa nang nagsilapitan ang mga dating kasamahan at nagbigay sa kanya ng isang tangkay ng pink rose.

"Oh my God, guys! I did not expect this. Thank you so much!"

"Kumusta na, Czarina? Este---Ma'am Czarina, pala." Si Diva. Ang lawak ng ngiti nito. At mukha namang hindi nagpapasaring. He looked sincere and welcoming. Humalik pa ito sa kanyang pisngi.

"Welcome back, Czarina! Na-miss ka namin!" Si Luisa naman. Siniko ito ni Diva. "Ma'am Czarina pala. Sorry. Nasanay na kasi ako, eh." At nag-hug ito sa kanya.

"C-Czarina will do."

Nilingon ni Luisa ang kaibigan at binelatan na para bagang sinasabi na, "Kitam?"

Nawala sa dalawa ang pokus ni Czarina nang mula sa likuran ng crowd ay pumagitna si Wynona. She looked solemn but definitely confident as ever.

"Welcome back, Czarina. We are looking forward to working with you again. Kumusta? Mukhang motherhood has done you well. Blooming na blooming ka."

Medyo nagulat siya sa narinig mula kay Wynona. She didn't sound sarcastic at all.

"Thank you, Wynona. You, too. You look good yourself."

"Halika. I'll take you to your new office," sabi pa ng babae. Hinawakan siya nito nang slight sa baywang at sabay nga silang naglakad papunta sa magiging office niya as the new editor-in-chief.

Pagdating nila roon, may nakaupo sa swivel chair sa likuran ng nag-iisang desk doon. Umikot lamang ang naturang upuan pagkapasok nila. It was Ed Santos.

"Miss Garza! Czarina!" And he broke into a smile. Tumayo na rin si Ed Santos at sinalubong sila ni Wynona. "Welcome back, Czarina! Or shall I say, Mrs. Rojas now?" Ito rin ang natawa sa sinabi. "I am sorry for calling you Miss Garza. Nasanay lang ako."

Nanibago si Czarina sa bagong timpla ni Ed Santos. Ngayon lang niya ito naringgan ng ganoong warmth towards her. Lagi kasi'y pang-iinsulto at pangungutya ang natanggap niya mula rito.

"O, siya. Maiwan ko na muna kayo rito, Sir Ed, Czarina." At lumabas na ng silid si Wynona.

"Hi, Sir Ed. Kumusta po?"

Nakipagbalitaan silang dalawa at habang nakikipag-usap sa matanda, na-realize ni Czarina what money and status can do. Mula sa pagpasok niya kanina sa office hanggang sa marating niya ang sariling opisina, wala siyang narinig at nakita kundi positive welcome sa kanya. May iniwan pang bouquet of pink tulips sa silid niya ang Tres Marias. Maging si Ed Santos ay nagbigay din ng mga bulaklak sa kanya. White rose naman ang binigay nito. Tanda raw ng pakikipag-ayos nito sa kanya.

"Congratulations for the new post, Czarina. Alam kong kayang-kaya mong maging editor-in-chief. Kahit noon pa man ay mayroon ka nang potensyal."

Natawa nang lihim sa narinig sa matanda si Czarina. That was so unlike Ed Santos. Dati-rati kasi'y bukambibig nito na wala siyang kuwentang reporter. Na wala na siyang dinala sa opisina kundi sakit ng ulo para rito.

"Sino ba ang mag-aakala noon na makukuha mo ang elusive interview with the Phil-Australian football player? Pero nagawa mo nga. And that was because you were a phenomenal journalist. You still are---phenomenal, I mean. Speaking of that football player, narinig ko he got married to a Filipina recently. Were you invited to his wedding?" patuloy pa ng matanda.

At ngayon nama'y gusto pang makitsismis.

"Yes. But I was busy with my kids. My youngest had a check up with a pediatric cardiologist in the States on the day of his wedding in Melbourne kaya nag-decline kaming mag-asawa," promal niyang tugon dito.

"Ah, gano'n ba? I heard, pili lang din ang mga inimbitahan niyang Filipinos dahil sa Australia nga ginanap ang kasalan," dugtong pa nito. Then, he gave her a sheepish smile at sinabi pang, "Paano ba iyan? Naunahan ka pa sa church wedding."

Hindi na sumagot doon si Czarina. Sa loob-loob niya gusto niya itong hambalusin. Ganunpaman, she remained cool about it. Nginitian pa niya ito nang ubod-tamis na ang ibig sabihin ay, "Umalis ka na nga nang ako'y makapagtrabaho na!"

**********

Hindi na nagulat si Rorik nang maging panauhin sa opisina sa Crimson Hotel ang malayong kamag-anak ng tatay-tatayan niyang si Don Jaime. Hindi na niya matandaan ang pangalan nito, pero na-involve ito sa maduguang paglusob nila noon sa kanyang bahay sa Ayala Alabang. Papaano niya malilimutan ang walanghiyang kaanak ni Don Jaime kung namatay ang ilan nilang aso't tauhan dahil dito at sa mga kasamahang nagpanggap na loyal guards niya noon?

"Maraming salamat for giving me another chance, Kuya Rorik. Hinding-hindi ko makakalimutan ito. Rest assured, hindi kita bibigyan ng rason para pagsisihan ang pagbayad sa bail ko."

"H'wag ka sa akin magpasalamat. Thank Don Jaime. Natanggap ko kamakailan ang pinadala niyang email years ago telling me na although nasaktan siya ng daddy mo noon, nais pa rin niya kayong bahaginan ng kaunting mana. Iyan ay kung mapatunayan ng iyong ama na nagbago na nga siya."

"Yes po! Born again Christian na si Dad at hindi na siya nagsusugal o umiinom man lang."

"That's good to hear."

Actually, hindi na niya kailangang marinig iyon sa babae. Pinamanmanan niya ang kilos ng mag-ama simula nang lusubin sila sa bahay ng babaeng ito at mukha namang totoo ang sinasabi nito. Nakatulong naman pala ang kanilang pagkabilanggo ng kung ilang taon. Three years na silang nakalaya at sa loob ng mga panahong iyon ay wala na siyang narinig na kung ano sa mag-ama.

"Pero teka, Kuya Rorik. Ang sabi n'yo nag-send sa inyo ng email ang Lolo Jaime. Paanong nito n'yo lang natanggap ang email eh dapat instant sent iyon?"

"Your Lolo Jaime set it that way. Sinend niya noong nabubuhay pa siya with the instruction that it will be sent after 10 years."

"Ah, I see." At ngumiti ito.

Bago ito lumabas ng kanyang opisina, binigyan niya ito ng envelope na naglalaman ng kalahating milyon. Namilog ang mga mata ng babae. Hindi makapaniwala.

"Use it for a new beginning. Sana makatulong. I already sent the same amount of money to your dad. Sana ay hindi ninyo ito sayangin."

Tumulo ang luha ng babae. At humingi uli ito ng dispensa sa mga nagawang kasalanan noon.

Hindi na niya sinabi rito na binigyan niya ng ten percent share kada isa ang mag-ama sa lahat ng negosyong hawak niya na nagmula kay Don Jaime kahit na hindi ito kasali sa bilin ng matanda. Natuwa lang siya sa nakitang pagbabago sa mga ito these last seven years. Ganunpaman, pinangako niya sa sarili na sa oras na may gagawin na namang masama ang mag-ama ay forever na niyang kalimutan ang mga ito kahit pa sabihing sila na lang ang remaining connection niya sa yumaong matanda na nagpabago ng kanyang buhay.

**********

"Mom, are you all right?" masuyong tanong ng mag-aanim na taong gulang si Erik. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi.

Natigil naman sa pagtipa sa laptop na nasa kandungan si Rory. Binaba nito sa kama ang gadget at nilapitan siya sa kabilang gilid ng kama.

"Mama, bakit?"

Dinampi rin ni Rory ang kamay sa pisngi niya. "Normal naman ang temperature mo. What is wrong with you, Mama? Noong isang araw ka pa ganyan."

Noon lang naalala ni Czarina na hindi pa siya dinadatnan ngayong buwan.

"Oh my God!" At natutop niya ang kanyang bunganga.

"What?" pag-aalala ni Rory. Nalukot na rin ang mukha ni Erik sa worry.

Natawa siya sa reaksyon ng mga anak niya. Pareho niyang niyakap ang mga ito.

"Mom is all right. I just might be..."

"Good evening, guys. Did you take care of Mom?"

Napalingon silang tatlo sa kararating lang.

"Daddy! Papa!" At parehong sinalubong ng mga bata ang kanilang ama. Naglambitin pa rito si Erik at nagbida kung ano ang ginawa maghapon.

Si Rory ang nagsumbong na wala na raw siyang ginawa buong araw kundi magsuka. Kaagad na lumapit sa kanya si Rorik at dinama ang kanyang noo. He kissed her gently on her forehead.

"Are you all right, hon?"

"Okay lang ako."

"Kailangan nating magpa-check up. I'll call Dr. Jenna right now."

"Okay nga lang ako. Baka ano lang ito---pagod."

"Are you sure?"

Hindi niya iyon nasagot dahil may kumatok sa kuwarto. Mga yaya ng dalawang bata. Ang dalagitang si Rory ay kaagad na sumalubong sa kanyang yaya. Si Erik naman ay nag-beg pang mamaya na lang maliligo at makipag-bonding pa raw muna sa mom niya.

"Halika na, baby. Papahingahin mo na ang mommy. Ikaw rin. Baka lalong magkasakit ang mommy mo," pagsasamo ng yaya.

Pagkarinig ni Erik sa sinabi ng yaya, na-teary-eyed ito. "I don't want Mom to get sick, Yaya!"

"Kaya nga eh."

Tumakbo pabalik sa tabi ni Czarina si Erik at yumakap sa ina. "I do not want you to get sick, Mommy. Please don't get sick. I'll take a shower now."

Natawa si Czarina sa anak. "Of course, anak." At hinalikan niya ito sa pisngi.

Nang wala na ang mga bata saka sinabi ni Czarina kay Rorik ang pangamba.

"Really? Oh my God! You might be." May halong pangamba at excitement ang tinig nito. "I think we still have some pregnancy test stick in the cupboard in the bathroom."

Bago pa makasagot si Czarina ay tumakbo na ito sa banyo. Pagbalik nito, hawak-hawak na ang sinasabi nitong home pregnancy test kit. Habang tinitigan ang hawak ni Rorik, dumagundong sa kaba ang puso ni Czarina. Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa posibilidad na buntis siya. Kung kailan ang dami nilang trabaho sa opisina. Idagdag pa roon ang nalalapit nilang kasal sa simbahan. Ilang beses na iyong na-postpone. Noong una ay dahil nabuntis siya kay Erik. Ang sabi niya saka na lang kapag malaki-laki na ang bata. Pero nawalan sila ng panahon na magplano para roon dahil labas-masok ito sa ospital in his first four years. Nitong huling dalawang taon lang naman nag-stabilize ang health ng bata dahil naisagawa na ang corrective surgery sa puso nito.

Masuyo siyang inakbayan ni Rorik at sabay silang pumunta ng banyo. Naghintay lamang ito sa labas habang isinasagawa niya ang proseso sa loob. Pagbalik niya sa harapan nito dala-dala na niya ang pregnancy test stick na may dalawang vertical lines. Pagkakita rito ni Rorik, agad itong napasigaw sa tuwa. Siniil siya agad ng halik.

"Paano iyan?" sabi niya kapagkuwan. "Postpone na naman ang wedding?"

"No!" mariin nitong tanggi sabay iling. "We will move it to an earlier date!"

"Talaga? Paano ang preparations? Saka---" Bumaba ang tingin ni Czarina sa tiyan. Sa ngayon hindi pa visible ang umbok pero alam niyang bibilang lang sila ng kung ilang linggo at magkakaumbok na rin doon. Hindi na niya maisusuot ang bridal gown na pinatahi pa nila sa kilalang Pinoy designer.

"In a few weeks, I'll surely gain weight."

"That's not a problem, hon. Ipapaayos natin ang gown. And the wedding will be in a month!"

"What? A month?! Paano ang mga inimbitahan nating importanteng kliyente mo from abroad? Hindi natin sila maaaring i-rush na lang."

"It's not their wedding, hon. Dapat nga ay noon pa natin ito ginawa. We shouldn't have waited for their schedules to be free. Tayo dapat ang nasusunod."

"But you said it would be good for the future of the company."

Matiim siyang tinitigan ni Rorik and then he cupped her face. "Yeah. But they would understand for sure. Ang kagustuhan mo ang dapat masusunod."

Napangiti si Czarina. Tila kiniliti siya sa narinig lalo pa't kinindatan siya nito. Batid niyang may kung ano na namang kapilyuhan itong naisip.

Bumalik sila sa kama nang magkahawak-kamay. She's never been happier. 

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com