No'ng ma-realize ni Czarina na pinagloloko lamang siya ni Rorik, hinampas niya ito sa dibdib saka pinandilatan pa.
"Ouch!" "You played with my emotions? Alam mo ba kung gaano mo kami pinakaba ni Rory kanina? Hindi kami makahinga sa takot at pangamba na baka napaano ka! Tapos prank lang pala lahat iyon!""Hey! Saglit lang at magpapaliwanag ako," nakangising pakli ni Rorik habang hawak-hawak ang dibdib. "Hindi sa pinaglaruan ko ang damdamin mo o ni Rory. Totoong na-ambush kami kanina ng driver ko. Katunayan, nasa ICU pa rin si Miguel. Sinuwerte lang akong galos lang ang natamo."Napahalukipkip si Czarina habang tinitingnan ito nang masama. Hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi nito. Iniisip pa rin niyang parte lang ito ng drama ng lalaki para mapaamin siya sa kanyang damdamin. Palagay niya ay hindi pa rin ito nakaka-move on sa nangyari sa kanila noon. Gusto pa rin nitong maghiganti. Just the thought of it made her even angrier. Lalo niyang tinapunan ng masamang tingin si Rorik.This time, nagseryoso na ang lalaki. Dahan-dahan itong napaupo sa kama at kinuha ang remote control ng TV na nakapatong sa bedside table ng kama. Pagka-on ng TV, napalingon doon si Czarina. Kaharap ng kama ang malaking screen at pinapakita no'n ang isang Jollibee commercial. Lalong napasimangot ang babae sa dating nobyo. Hindi niya alam kung ano ang koneksyon ng palabas sa TV sa pinagtatalunan nila."It was all over the news hours ago. I mean, iyong nangyaring pag-ambush sa amin ni Miguel. I just want to prove to you that I was not simply making it up."Mayamaya nga'y ipinakita sa screen ang popular na news anchor sa ABS-CBN, si Kabayan Noli De Castro. Iniuulat nito ang sinasabi ni Rorik na ambush sa kanila kanina. Ang unang espekulasyon ay namatay pareho ang mag-amo sa naturang insidente. Mabuti na nga lang daw at may reporters ang istasyon na nag-follow up ng news straight from Architect Rojas himself. Sa puntong ito pinakita ang maikling video clip ng interview ng huli sa isang journalist na siyang patunay na nakaligtas nga ito sa isa na namang pagtatangka sa buhay niya."Julius, sandali lang. Na-confirm mo na ba kay Architect Rojas kung mayroon na silang suspect?"Napalingon si Czarina sa dating nobyo sa narinig na tanong ni Kabayan Noli De Castro."Sa ngayon po ay wala pang linaw. But then, Architect Rojas himself has his own suspicion. Hindi lang niya ma-reveal sa ngayon for safety purposes."Hindi nakapagsalita si Czarina. Nahiya siya sa reaction niya kanina. Napatingin na naman tuloy siya kay Rorik. Gusto niya itong tanungin kung sino ang suspect nito, pero parang ayaw niya ng maaari nitong isagot sa kanya. Ayaw niya dahil pakiramdam niya may kinalaman silang mag-ina sa pangyayari. Baka ang away pa rin nila Rory at Daiyu ang naging puno't dulo ng lahat.
Pesteng senador iyon! Nasa bilibid na'y nakakahasik pa rin ng lagim!"Don't worry. It wasn't the senator. This time, I am sure of it. Mukhang matagal na nilang nakalimutan ang tungkol sa away ng mga bata. May mas malaki siyang kinakaharap sa ngayon kaysa sa nangyari sa apo niya.""Totoo bang isa siyang drug lord gaya ng napabalita?""Maybe, maybe not. Alam mo naman ang nangyayari sa politika ngayon. But I am glad that the drug-related case came just right in time. Doon nabaling ang atensyon nilang mag-anak lalo pa't may nakapagsabi na may isang influential person in the government ang nagnanais na mabulok siya sa bilangguan. Marahil ay katapusan na ito ng kanyang political career."Czarina felt relieved. Mabuti kung ganoon. Kapag natanggalan na ng mataas na puwesto sa gobyerno ang matanda marahil ay hindi na ito mang-aapi ng mga kagaya nila ni Rory na walang kalaban-laban.Napansin ni Czarina na napangiwi si Rorik nang dahan-dahan itong bumalik sa paghiga. Nag-alala siya rito bigla. "Are you all right?""Yeah. Medyo may kaunting kirot lang sa dibdib dahil sa mga sugat na natamo pero wala ito. Malayo sa bituka." At napangiti pa ang lalaki sa kanya.Nag-init ang mukha ni Czarina nang maalala na hinampas pa ito kanina sa dibdib."I'm so sorry! Ikaw naman kasi, eh. Akala ko tuloy pin-rank mo lang ako.""Don't worry. Sabi ko nga, malayo ito sa bituka.""What do you want me to do to help ease the pain?"Dahan-dahang napangiti nang pilyo si Rorik. "Do you really want me to answer that?"Nag-init na naman ang pisngi ni Czarina. Nadagdagan lalo iyon nang maalala ang kung anu-anong pinagsasabi kanina kay Rorik. My gosh, umamin na siya kanina rito! Ano ba iyan! She secretly prayed na hindi iyon narinig ng lalaki.**********"B-boss, o-okey ka lang?" tanong ni Miguel sa nahihirapan na tinig. Hawak-hawak nito ang tagiliran habang napapangiwi.Pagkakita ni Rorik sa umaagos na dugo mula sa tagiliran at sentido ng driver, pinanlamigan siya."Stop talking! Makakasama sa iyo!"May panginginig ang kamay na pinulot niya ang cell phone na nahulog sa kanyang paanan. Nagbubutingting siya kasi kanina nito nang bigla na lang may sumabog sa harapan ng kanilang sasakyan. Sa tindi ng impact ay nabitawan niya ang phone at nauntog ang ulo niya sa gilid ng pintuan. Ang akala nga niya'y tinamaan siya ng kung ano mang paputok iyon. Nang masiguro niyang he was not hit, napatingin siya sa driver na dumadaing sa sakit. At no'n niya nakita ang dugong umaagos sa tagiliran nito pati na rin sa sentido."B-boss, if---if ever hindi ako makaka-survive dito, pakisabi kay Elena---sa syota ko na mahal na mahal ko siya. At pakakasalan ko kamo siya sa susunod na buwan kung hindi ito nangyari.""I said stop talking! Tatawag ako ng ambulansya!""Boss, si Don Fernando ba iyon?" Mahina ang tinig ni Miguel. Halos pumipikit na rin ang mga mata nito sa iniindang sugat."Who?"Hindi na nakasagot sa kanya si Miguel dahil nawalan na ito ng malay. "Miguel! Wake up! Do not sleep! Labanan mo ang antok!" May narinig siyang ugong ng papalapit na sasakyan. Marami sila. May nagbaba ng salamin sa passenger's side ng isang kulay itim na Montero. Mayamaya pa'y may lumitaw na isang mahabang armas at tila sila ni Miguel ang pinupuntirya nito. Pero bago ito makapagpaputok ay may umalingawngaw na sirena ng mga police cars. Siguro nataranta ang mga sakay ng Montero dahil may humila papasok sa armas at isinara agad ang bintana. Pinangunutan ng noo si Rorik nang mahagip ng paningin ang plaka ng sasakyan. Pamilyar sa kanya iyon. Hindi niya lang maalala sa ngayon, pero sigurado siyang nakita na niya iyon noon."Sir, are you all right?" kaagad na tanong ng isang pulis nang makita siyang bumababa sa sasakyan."Y-yes. P-pero ang kasama ko---" Hindi na niya nagawang tapusin ang pangungusap. Gustong bumigay ng katawan niya sa kaba para sa isang loyal na tauhan."Don't worry, Architect Rojas," anang mamang pulis. "Nakatawag na kami ng ambulansya."Pinangunutan uli ng noo si Rorik. "You know me?" aniya.Napangiti ang pulis. "Everybody knows you, Architect Rojas. Some of my cousins work for your construction company, sir."Tumangu-tango siya rito bago hinarap ang napadaang grupo ng mga journalists. Galing sila sa isang media conference at huminto lang para alamin kung ano ang nangyari sa kanila. Maingat niyang sinagot ang mga ito. Saglit lang din siyang nagpa-interview dahil hindi siya mapakali sa nangyari kay Miguel.Makalipas ang ilang minuto, dumating na ang ambulansiya. Kaagad na nagsipagtakbo sa sasakyan nila ang mga paramedics at kinuha roon ang walang malay na si Miguel. Pati siya ay sinabihang sumama rin sa mga ito. He refused to go with them at first. Nagpumilit sana siyang ipagmamaneho pa ang Bugatti total naman ay umaandar pa naman iyon, pero hindi na siya pinayagan pa ng mga pulis. Lubhang delikado raw. Isa sa mga police officers ang nagmaneho niyon pabalik ng Maynila habang sila ni Miguel ay sakay naman ng ambulansiya ng Muntinlupa. Buti na lang at hindi pa sila nakakalayo sa Alabang nang mangyari ang ambush kung kaya madali silang naisugod sa Asian Medical Center.Nang nasa ospital, doon na sumama ang kanyang pakiramdam. No'n pa lang nag-sink in ang buong pangyayari. Pinanlamigan siya. He was scared at the thought of dying without settling the issue between him and Czarina. Ang dami niyang hindi pa nagagawa. Nag-uumpisa pa lang siyang magpakita ng malasakit sa kanyang mag-ina. He has not done enough yet for his daughter. Bumuti ang kanilang pakikitungo sa isa't isa nitong mga nakaraan, pero ramdam pa rin niyang may mataas na pader sa pagitan nilang dalawa. He knows she was not comfortable with him yet.Ang isa pang naging palaisipan sa kanya ay ang sinabi ni Miguel bago ito nawalan ng malay. Nakita raw niya si Don Fernando roon. Ang butihing si Don Fernando, ang matalik na kaibigan ng kanyang tatay-tatayan na si Don Jaime. Paanong nandoon sa pinangyarihan ng ambush ang matanda? Saka ang plate number ng sasakyan. Saan kaya niya nakita iyon? Bakit pamilyar sa kanya?"Architect Rojas, we need to have you x-rayed," anang nurse nang lumapit sa kanya."I'm fine. Galos lang ang natamo ko. Hindi ako ang asikasuhin ninyo kundi ang driver ko.""He's being taken cared of as we speak. Kayo naman ang kailangan naming intindihin."Pinangunutan niya ng noo ang nurse. But then when she pointed out dried blood on his forearms and the side of his face, napapayag siya. Nang nasa x-ray room na at pinahubad siya ng polo dahil de-butones iyon, napansin niyang pati dibdib niya'y may sugat. At no'n niya lang napansin ang natuyo na ring dugo sa harapan ng dark blue polo. Nang makapa ang kulay pulang likido roon na patuloy pang dumadaloy, pinanlakihan siya ng mga mata. He was shocked to see fresh blood there. Bumalik ang takot at kaba niya. Dahil matatakutin siya sa dugo, bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin. Paggising niya, nasa loob na siya ng isang silid. **********Kababalik lang nila ni Rory sa ospital mula sa pag-aalmusal sa Festival Mall nang mapansin nila parehong may umibis na pamilyar na bulto mula sa isang itim na Rolls Royce na kararating lang din sa harapan ng ospital. Pagkakita nila kay Don Fernando, umaliwalas ang kanilang mukha."Mama, ang Lolo Fernando," ani Rory pa sa kanya. Nakangiti ito. Mas nauna itong lumapit sa matanda kaysa sa kanya."Ang swerte ko nga naman, ano?" natatawang bati sa kanila ng matanda. "Kayo agad ang nakita ko pagkababa ng aking sasakyan. Bigla tuloy umaliwalas ang langit." At napatingala ito sa maitim na kalawakan. Pati silang mag-ina ay napatingin din doon. Napangiti pa sila pareho sa sinabi nito."Okay na po si Papa," pagbabalita agad dito ni Rory. "Nailipat na po siya sa regular room kagabi."Natigilan saglit ang matanda. Nakitaan ito ni Czarina ng disappointment kung kaya nalito siya. Bago pa siya maka-react doon ay bigla na namang itong napangiti nang malawak. "Magaling kung ganoon. Sobra akong kinabahan nang makita ko sa balita na na-ambush sila. Aba'y malubha raw ang kalagayan ng kanyang driver? Naisip ko tuloy na pati siya ay nasa parehong kondisyon. Mabuti naman pala at hindi siya napaano.""O-opo," pakli ni Rory. "Kaunting galos lang po."Napahawak si Czarina sa anak at pinisil ang balikat nito. Ang ibig sabihin ay tama na ang pagbibida tungkol sa ama. Hindi alam ni Czarina kung bakit, pero hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon kay Don Fernando. Dati-rati nama'y natutuwa siya rito lalo pa't lagi silang pinagtatanggol noon laban sa mapang-aping pamilya ni Daiyu Lee. Pero ngayon, ang weird ng pakiramdam niya sa matanda. Bigla siyang natakot dito na hindi niya maintindihan."Mama?" may himig pagtataka si Rory. Nilingon pa siya nito."'Kako'y tama na ang pang-aabala kay Don Fernando. Baka nagmamadali siya.""Aba'y hindi!" At tumawa na naman ito. "Actually, isa rin kayo sa sadya ko rito. I just thought that maybe you need some company and somebody to tell you not to worry too much because your Lolo Fernando got your back."Kiming ngiti ang isinukli rito ni Czarina. Nilingon niya ang kanilang bodyguards na kanina pa mukhang nagmamadaling makabalik na sila sa silid ni Rorik."Sige po, Don Fernando. Mauuna na po kami sa inyo." Hinila na agad ni Czarina ang anak. "Let's go, Rory. Dali!" anas niya sa bata."Are you going to Rorik's room? Hintay. Ako man ay doon din ang punta. Siya talaga ang aking pakay. Nag-aalala ako sa batang iyon, eh. Lagi ko namang sinasabihang mag-ingat kung bakit hindi ako pinapakinggan. Dapat kasi'y nagpasama siya sa security team niya at hindi lang umasa sa driver con bodyguard niyang iyon. Puro yabang lang iyon, eh."Hindi na sumagot doon si Czarina. Palihim lang itong napasulyap sa kinaroroonan ng dalawang bodyguards nila ni Rory. Nasa likuran lang nila ang mga ito. They seemed okay naman. Siguro napa-praning lang siya masyado. She reminded herself that what she saw from Don Fernando's face a while ago was not something she thought it was.**********Buti at nakabihis na siya nang makarinig ng katok sa pinto. Fresh na rin ang pakiramdam niya dahil bagong ligo lamang siya. He could not wait to see Czarina's reaction now that he has shaved his facial hair. Malinis na malinis na naman ang kanyang mukha, which he knew she preferred. Ang dami nilang dapat pag-usapan.Napangiti siya nang maalala ang mga sinabi nito sa kanya kahapon. Nakadulot iyon ng ibayong excitement sa kanya. Bigla siyang lumakas kahit na medyo masakit pa rin ang dibdib na nadaplisan ng shrapnel ng bombang pinasabog sa harapan nila. Nag-level up na si Czarina. He has to do the same. Kailangan na ring malaman nito na wala pa rin siyang ipinalit dito noon at magpahanggang ngayon. No one could ever replace her in his heart.Pasipol-sipol pa siya nang lumapit sa pintuan at pagbuksan ang kanyang mag-ina. Nang makita kung sino ang kasama ng mga ito, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi."Papa! Lolo Fernando wants to see you," balita agad sa kanya ni Rory. She seemed excited. Pagkakita sa anak hinablot niya agad ito palayo sa matanda. He saw him give an evil smile at what he did, bago ito napalitan ng huwad na pag-aalala sa kanyang kalagayan."I heard about what happened to you. Kumusta ka na, hijo? Sabi ko nga mag-ingat, di ba?"Hindi na niya kinailangang hablutin palapit si Czarina dahil kusa itong lumapit sa kanya at nagkubli sa kanyang likuran kasabay ng pagpahayag ni Don Fernando ng pag-aalala sa kanya."I am okay now, Don Fernando. Napadalaw po kayo?" He tried to remain calm and casual.Ngumiti na naman ang matanda. Napalingon ito sa pintuan na isinasara ng isang bodyguard. Pagkapinid ng huli roon ay bumunot ito ng baril at inasinta ang bodyguard. Bumunot din naman sana ng armas niya ang bodyguard na unang nakapasok sa silid pero naunahan din ito ng matanda. Napasigaw sina Czarina at Rory nang makitang parehong duguang natumba ang dalawang bodyguards. Siya nama'y nagulat din kahit na in a way ay inasahan na niyang maging marahas ang matanda. Hindi niya naiwasang nerbyusin dahil alam niya na walang nakarinig sa nangyari sa loob ng silid dahil ginamitan ng matanda ng silencer ang dala nitong baril."You can do whatever you want with me, Don Fernando, but spare my daughter and her mom."Humalakhak ang matanda sabay agaw sa kanya kay Rory. Doon napasigaw nang husto si Czarina. Bigla nitong sinugod si Don Fernando at pinaghahampas ng dalang shoulder bag. Nabitawan nito si Rory pero ang baril ay hindi. Kasabay ng pagtakbo ni Rory sa kanya, siya namang pag-asinta ni Don Fernando kay Czarina. Tinamaan nito sa balikat ang babae."Czarina! Nooooo!" sigaw niya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang dugong umaagos sa balikat ng dati niyang kasintahan. Pinanlamigan din ang buo niyang katawan. But he had to act as quick as he can. Hindi siya maaaring magpadala sa emosyon kung gusto niyang makalabas sila roong buhay.