Nakita na ni Czarina ang hitsura ni Raphael KD Barrientos, a.k.a. KD-11, ang star player ng Essendon Football Club, isang pamosong professional team sa larangan dahil lagi itong laman ng sports news ng iba't ibang newspaper dailies sa bansa sa tuwing season ng football sa Australia. Sikat ang nasabing footballer sa Pilipinas dahil isa itong half-Filipino. Ang Jersey nga niyang number 11 ay laging sold out sa tuwing football season.
Bukod sa tangos ng ilong at pilantik ng mga pilik-mata, hindi aakalain ninuman na puti ang ina ni KD-11. Mas namana kasi ng lalaki ang skin tone ng ama kung kaya Pinoy na Pinoy ang dating. 'Ika nga ng ibang sports writer, siya ang epitome ng madalas sabihin ng mga kababaihan patungkol sa tipo nilang lalaki, tall, dark and handsome.Alam din ni Czarina na may pagka-pabling si KD-11 at wala ito halos pinapalampas na pagkakataon. Kapag nakakita ng maganda, paniguradong gi-girlfriend-in nito agad. Bukod sa instant celebrity ang napupusuan nito kahit panandalian lamang ang relasyon, galante pa si KD-11. Isang high-end car o 18 karat gold ring ang pagpipilian ng girlfriend sa oras na iwan ito ng binata kung kaya sa kabila ng pagiging chick boy ay popular pa rin siya sa mga kababaihan. Ang detalyeng iyon naman ang usap-usapan sa kanilang opisina kung kaya nag-aagawan ang grupo nila Wynona, kabilang na sina Luisa at Diva, na mapunta sa kanila ang pag-iinterview sa footballer."According to my source, KD-11 wants to be interviewed by a woman. At hindi lang basta-basta babae ang nais niya. Kailangan ito'y maganda at sopistikada, which, as all of you may have known by now," at umikot-ikot ito sa harapan nilang lahat, "they aptly describe me." Tinaas pa ng bahagya ang maikling palda to show her shapely and smooth legs.Bahagyang pinangunutan ng noon si Czarina. Nagkatinginan pa sila ni Emily and she caught the latter rolling her eyes. Pinigilan ng babae ang mapangiti sa ginawa ng kaibigan. She knew what that expression meant. Emily does not share Wynona's opinion of herself.Hindi naman panget si Wynona, pero malayo sa sinasabi nitong maganda at sopistikada. Siguro iyong panghuli pwede pa, pero iyong una medyo malabo. Ganunpaman, ang lakas ng bilib nito sa sarili. Bagyo ang dating.Tumikhim-tikhim si Luisa. "I love you, sistah, but I beg to disagree. Kung mayroon man ditong karapat-dapat sa interview na ito, wala nang iba kundi ako." Kagaya ni Wynona ay umikot-ikot din ito sa kanilang harapan. This time, convinced naman si Czarina sa sinasabi ng katrabaho. When it comes to beauty, pinagpala si Luisa. Pang-modelo at pang beauty queen pa ang figure at height. Ang hindi lang maganda rito ay ang tabas ng dila. Sobrang talim at napaka-taklesa pa.Nang mapansin ni Czarina na hihirit din ng ganoon si Diva, itinaas na niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. Napahalukipkip ang bakla at tinitigan siya nang matalim. Tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa sabay ismid. Hindi iyon pinansin ni Czarina."I'm sorry to inform, everyone, that Sir Ed and I already made a decision as to who will be in charge of the interview."Kinusut-kusot ni Ed Santos ang ilong bilang pag-acknowledge sa sinabi no Czarina. Napalingon dito ang magkakaibigan. Samantala, kakitaan naman ng excitement ang buong newsroom, lalung-lalo na ang mga kadalagahan.Hinila ni Czarina ang isang ginang na in charge sa mga feature stories ng kanilang bi-weekly paper. Nagulat ito. Napaturo pa sa dibdib at sumenyas ng, "Ako? Bakit?"Imbes na sumagot, humila pa ng isa si Czarina. This time ang copy editor nilang si Emily. Nanlaki ang mga mata ng huli sa gulat. Pero napasigaw din sa tuwa. No'n lang napagtano ni Czarina na may tinatago rin palang landi ang kaibigan niyang biyuda.Pagkakita sa mga napili niya napasigaw ng pagprotesta ang magkakaibigang Wynona, Luisa, at Diva. Si Ed Santos na ang humarap sa kanila."This is not part of your job, guys. You know that. Come with me to my office. I have a project for the three of you to do.""No! We do not like ypur project! We want this!" sigaw ni Luisa. Parang nabigla."I'm sorry? What did you say?" tanong ni Ed Santos sa mahinang tinig at tiningnan nang matiim ang babae. Natutup ng huli ang bunganga at kaagad din namang humingi ng dispensa.Sina Wynona at Diva naman ay umismid kay Czarina saka nagparinig."Tingnan natin kung may kapupuntahan ang interview na iyan. Knowing KD-11, hinding-hindi iyan papayag na makikipag-usap sa mga alaga mong ampapanget!"Isang malawak na ngiti lang ang sinagot sa mga ito nila Emily at Mrs. Damiles. Nakitaan din agad ang mga ito ng hindi mailalarawang excitement. Napailing-iling muli si Czarina sa dalawa. No'n niya na-realize na ang kalandian pala ay walang pinipiling edad.**********Nang pumasok sa goal ang sinisipang bola ni Rory at mabigyan ng unang puntos ang koponan, pinakamalakas na hiyaw ang pinakawalan ni Rorik. Napalingon sa kanya ang ibang parents sa bleachers. Nagbulung-bulungan pa ang mga young mothers kung sino siya. Kinilig pa sila. May narinig pa si Rorik na espekulasyon na nagpabilis ng tibok ng kanyang puso sa excitement. May naghinalang anak niya si Rory! Magkamukha raw kasi sila."But who's the mother?" tanong ng isa pa habang palihim na nasulyap kay Rorik. "That woman is maswerte, ha? Ang guwapo na ng baby daddy niya, mayaman pa.""No idea. I just heard from my daughter that Senator Lee's granddaughter is not in good terms with that young lady. Bully daw kasi ang batang iyan. Mukha lang mabait.""Marahil ay pumasok na sa kukote ang ego. Ikaw ba naman ang maging anak ng isang bilyonaryo.""For real?! That guy is a billionaire?!"Lalong nakiliti ang mga mommies. Napailing-iling na lang si Rorik and he continued on watching Rory's moves. No'n niya napansin na parehong-pareho ang style nilang maglaro. Nilalansi muna ang kalabang goalie, kunwari'y sisipain sa opposite direction ang bola, bago pasimple itong itutulak na lang straight sa goal kapag nakaalis na ang bantay.Patapos na ang laro ng mga bata at nanalo ang koponan ng kanyang anak nang may tumakbo papasok sa indoor football field ng eskwelahan. Si Czarina. Nakapantalong maong lang ito na hapit sa katawan at kulay dark blue saka checkered blue and white long sleeves polo, pero mukhang mas sosyal siya tingnan kaysa mga mommies na nakasuot ng summer collection ng Gucci, Fendi, at Hermes. Nang masilayan nga niya ang umbok ng pang-upo nito dahil naka-tuck in ang suot na top, napasinghap siya. May naalala siyang kapilyuhan sa nakita. "Anak! Baby!" sigaw ni Czarina. Oblivious sa ibang nandoon sa bleachers. Kumaway ito sa bata na nang mga sandaling iyon ay naglalakad na sa pinakagitna ng field para kakamayan ang mga miyembro ng natalong team.Rorik saw his daughter turned her head and when she saw her mom, the grumpy, young lady broke into a wide grin. Kumaway din ito sa ina. May kung anong kurot sa puso niya nang makita ang dalawa na nagpapalitan ng matamis na ngiti. Gusto niya sanang kuhanan ito ng larawan pero nag-alala rin siyang maudlot niya ang moment ng mag-ina. Kinuha na lang niya ang sunglasses na nakapatong sa ulo at pinatong ito sa bridge ng ilong. He made his way to the exit of the football field. Kailangan na niyang makaalis doon bago pa man siya makita ni Czarina. Ayaw niyang isipin nito na somehow alam na niya ang totoo. Baka kasi ilalayo nito ang bata sakaling mapag-alaman iyon. The DNA result says hindi siya ang ama ng anak ng dating nobya, pero naniniwala siyang may contamination lang na nangyari sa sample. Pasasaan ba't lalabas din ang katotohanan. Meantime, he relies on his gut-feeling for what to believe in. At sabi ng puso niya, kanya ang bata kaya magaan ang loob dito.As he was making his way out, kumaway sa kanya ang principal, si Dr. Jalandoni na nasa kabilang bleacher. Hindi na niya pinansin ito dahil baka malingunan siya ni Czarina. Ite-text na lang niya rito later na nag-enjoy siya sa panonood ng friendly game ng mga bata laban sa koponan na nagmula pa sa ibang eskwelahan.Bago siya umalis ng school, minabuti niya munang dumaan sa tanggapan ng punong-guro. Halos sabay silang dumating ng kanyang anak doon. Hindi niya napigilan ang pagbulwak ng pride upon seeing his daughter wear her school's football team uniform proudly. Muntik na niya itong masalubong ng yakap at halik. Buti na lang nakapagpigil siya."Good morning, Dr. Jalandoni," magalang na bati ng bata. At bigla itong natigilan nang makita rin siya sa tanggapan ng punong guro. "Good morning, young lady. You did great out there," bati niya rito. Ang lawak ng ngiti niya.Isang simpleng tango lang ang sinagot nito sa kanya bago dumeretso sa desk ng principal."Architect Rojas. Please sit down.," bati ng principal at minuwestra nito ang bakanteng visitor's chair sa harapan ng desk. "Ms. Garza, kindly leave us for a while, all right?"Kaagad namang umatras para lumabas ng opisina ang bata. Hinabol niya ito hanggang sa labas na medyo ikinagulat ng principal. Pero wala na siyang pakialam doon. Excited lang siya sa pagkapanalo nito sa laro. "Please, Architect Rojas, stop coming to my school to pester me. I am asking you nicely." Tumingala ito sa kanya at napakagat-labi. Parang nagpipigil ng emosyon.Awtomatikong sinundot ng kung ano ang puso ni Rorik. Nasaktan siya nang husto. How he longed to give his child a tight hug at sabihin dito na hindi siya kaaway, bagkus isa siyang tagapagtanggol. Iisa lang naman ang nais niyang mangyari. Maisip ng eskwelahan na protector siya nito, kahit hindi na nila malaman na mag-ama sila. Gusto niya lang kasing makasiguro na hindi na mauulit ang pang-aapi rito ng apo ng senador."I actually came here to talk to Dr. Jalandoni about something. As you can see, my firm is the one handling the construction of two of your huge buildings in the campus. I need to check on them from time to time to make sure everything is on schedule. So you see, coincidence lang ang pagkapanood ko sa laro ninyo kanina."Pinaningkitan siya ng bata ng mga mata. Hindi ito naniwala sa rason niya.
Whew! Smart kid! "I know why you are coming to my school, Architect Rojas. You're here to spy on me. Alam ko na rin kung bakit. You're my biological dad. But that doesn't give you the right to impose your presence in my life. Ngayon pa lang ho sisiguraduhin ko na sa inyong ayaw ko sa inyo. Never ko po kayong gugustuhing maging ama. Naisip ko nga, I must have done something bad in my past life to be given a biological father like you."Nayanig sa narinig si Rorik. Nasaktan siya sa sinabi ng anak. Mahina at emotionless ang boses nito, pero tumagos sa kaibuturan ng kanyang puso. Pinilig-pilig nga niya ang ulo para hindi pumatak ang mga luha niyang awtomatikong nangilid sa kanyang mga mata. Buti na lang at naka-dark sunglasses pa rin siya. Hindi halata ang naging epekto ng mga sinabi nito sa kanya."Oh. I never thought I have given you that impression." At tumawa pa siya kunwari para lang pasinungalingan ang mga sinabi nito. "How I wish that's true, hija. I would be a proud dad if ever totoo iyan, kaso---h-hindi, eh. Whether you believe me or not, my coming here is only because of the building I am constructing for your school."The child did not say anything. Magalang lang itong tumalikod. Pagkalayo nito sa kanya, no'n lang niya hinayaang pumatak ang mga luha. Dali-dali siyang humugot ng panyo sa bulsa ng pantalon at pinahid sa mga mata. Kunwari'y may pinunasan siyang alikabok sa sunglasses."Are you all right, Architect Rojas?"Tinitigan siyang maigi ng punong-guro nang bumalik na siya sa harapan nito."Of course, Dr. Jalandoni. Why wouldn't I be?"Medyo pinangunutan ng noo ang principal, pero hindi naman nang-usisa pa. Pagkaupo niya sa harapan ng mesa nito'y dinetalye na sa kanya ang nais nilang gawan niya ng paraan. Nakita na raw kasi ng major benefactor ng school ang construction ng dalawang gusaling gagawing bagong science at communication arts building at may nais lang ito na ipabago kung pwede pa."Don Fernando Ferreira have seen my design and he approved them before we started this project. How come may last minute na hinihinging changes?""Iyan nga rin ang nasabi ko sa kanya. Well, nagbabakasakali lang naman sila, Architect Rojas. Kung hindi na po pwede ay okay lang din naman po."Nakaisip agad ng ideya si Rorik. Kung pagbibigyan niya ang hiling ng eccentric na benefactor, magkakaroon ng marami pang pagkakataon na mabisita niya ang eskwelahan para pamunuan ang changes na gagawin.
Hmm, umaayon sa kanya ang panahon."All right. Kung si Don Fernando naman pala ang may gusto ng changes na gagawin, why not?" Kunwari'y pagbibigay niya sa mga kakaibang hiling ng eskwelahan.Umaliwalas ang mukha ng principal. No'n naman ang pagdating ni Czarina sa opisina. Hinahanap nito ang anak. Pagkakita sa kanya, natigilan ito at napakurap-kurap."Good morning, Architect Rojas," tila napipilitan nitong bati.Tumango siya rito. And he wondered if she was the one who informed their child about the truth. Sa paraan ng pagkakasabi kanina ng bata tungkol sa katotohanang iyon, mukhang hindi naging maganda ang narinig nitong kuwento about him sa nag-iisang significant adult in her family---sa mama niya. Dahil doon, may umusbong na galit sa puso niya para sa dating kasintahan. How could she ruin him in their daughter's eyes? That is so unfair! Isa pa, ni hindi nga niya alam na tinuloy pala nito ang pagbubuntis sa bata. All along ay pinaniniwalaan niyang pina-abort nito ang pinagbubutis noon. Sa isang banda naman, naisip din niya na baka ang bata lang ang nakaisip ng mga sinabi kanina. She's a smart kid. She could have figured it out on her own."Good morning," pakli niya sa dating kasintahan at nagpaalam na rin sa principal na babalik na siya ng opisina. No'n lang nagtuluy-tuloy sa pagpasok sa loob ng tanggapan ng punong guro si Czarina. Nang matapat siya sa babae, nasamyo niya ang pamilyar nitong pabango. Awtomatiko siyang napapikit. Dinala siya ng imahinasyon sa kanilang kamusmusan kung kailan tinuturing nilang mundo ang isa't isa. Ito na ang perfume ni Czarina noon. It smells like an expensive wood. Ang sarap sa ilong. No'n niya na-realize na hindi nagbago ang taste ng dating nobya when it comes to fragrance. Kahit paano ikinatuwa niya iyon. For some weird reason, it somehow made him thought na may pakialam pa rin si Czarina sa kanilang nakaraan. Not changing fragrances means, she is still fixated on the smell that defined the happy memories of their young life. Winish lang ni Rorik na sana pareho ang kanilang naisip na dahilan. Maging siya kasi'y napa-stock ng ganoong uri ng pabago para kung siya'y nalulungkot ay magwiwisik siya no'n sa kanyang silid. Ganoon nga rin kaya ang dahilan ni Czarina? Napalingon pang muli si Rorik sa babae. Abala na ito sa pakikipag-usap sa principal tungkol sa scholarship offer sa anak.
Scholarship offer. Bakit hindi niya naisip agad iyon?**********May napansing kakaiba sa anak si Czarina nang sunduin ito sa eskwelahan kinahapunan. Umikli ng halos two incheas ang buhok nito. "Did you get a haircut in school?"Tumawa ang bata. "I was dared, Mama. Nagpalaro si Dr. Jalandoni ng football trivia at kapag mali ang sagot namin, ginugupitan niya ng isang pulgada ang aming buhok. Lalagyan niya sa sana ako ng bangs but I said, I would rather have it cut na lang dito sa likod kaysa magpa-bangs. Twice akong namali, Ma! Kaya hayan." At napabungisngis na naman ito. Tapos ay naglapag ito ng tatlong mahahabang toblerone sa mesa. Iyon naman daw ang napanalunan niya.
Ang weird, ha. Ano naman kaya ang reaksyon ng ibang nanay dito?"Daiyu Lee refused to have her hair cut. What she did was, she gave everyone her baon na lang. Kada talo niya, she gave up one huge toblerone chocolate. These were from her. Natalo ko siya three times sa trivia question about football ni Dr. Jalandoni, eh."Napangiti si Czarina. Parang nai-imagine na niya ang pagbusangot ng mukha ng tsinitang bata. At lalong lumawak ang ngiti niya. Siguro'y naisip din ng anak niya iyon nang magkatinginan sila kaya kapwa sila nagbungisngisan.