"Hoy! Ano ba? Anyare sa iyo? Pinapatawag ka nila Sir Ed at Architect Rojas. Bakit nandito ka?"
Hindi na kailangang lingunin ni Czarina kung sino ang nagsalita. Alam niyang ang kaibigan niyang si Emily iyon. Dinaklot nito ang braso niya kaya napilitan siyang harapin ito. She looked at her with a pained expression on her face. Saka lang nagbago ang tono ni Emily. Sinapo nito agad ang kanyang pisngi."May ginawa pa bang iba si Sir Ed bukod doon sa ginawa sa iyo kanina?"Marahan niyang tinanggal ang mga kamay ng kaibigan sa kanyang pisngi at tinalikuran ito. Pinagmasdan niya ang daloy ng trapiko sa ibaba. Tanaw mula sa veranda ng kanilang gusali ang Alabang-Zapote Road at nang mga oras na iyon ay hindi na magkamayaw ang mga dyipni, taxi, bus, at pribadong mga sasakyan sa pagpaparoo't parito. Naisip niya minsan na sana ay naging sasakyan na lamang siya. Walang damdamin. Hindi marunong masaktan."Kung hindi si Sir Ed, si Architect Rojas ba? May ginawa ba siya sa iyo? Is that why he's asking you to come see him as well? Ang sabi nila kasi'y kababata mo ito at naging kaklase pa. May unresolved business ba between you guys?"Hindi siya sumagot. Inulit ni Emily ang huling katanungan."Wala," kaila niya rito.Tila nabunutan ito ng tinik. "Buti naman kung gano'n. Kasi nababaitan ako kay Architect, eh. Alam kong hindi siya mapanakit ng kapwa. Alam kong isa siyang mabait na tao."Napalingon si Czarina sa kaibigan at pinangunutan ng noo nang makita itong tila nagpipigil ng kilig. H'wag nitong sabihin na may crush din ito sa dati niyang nobyo?"Ang sabi nila single daw si Architect. Isipin mo iyon? Ang ganoong klaseng lalaki ay single? Hindi kaya sabi-sabi niya lang iyon para mas lalong dadami ang tagahanga niya? Ano kayang klaseng babae ang type ni Architect?"Napanganga si Czarina at tila naalibadbaran na rin. Hindi sa nangmamata siya sa kaibigan, pero she has known Emily for a long time now at naisip niyang ni hindi ito mahilig sa lalaki matapos mabalo. Napakamot-kamot na lang siya sa ulo nang mapagtantong tinamaan nang husto ang manang-manangan niya sa dati niyang nobyo. Imbes na inisip niya kaninang sabihan ito kung ano ang tunay niyang pinagsisintir, nagbago na ang kanyang isipan."Marami lang bills na dapat bayaran tapos tinatakot-takot pa akong paalisin sa trabaho.""Naku, h'wag mong pansinin si Sir Ed. Antipatiko lang ang matandang iyon palibhasa'y matandang binata! O siya, halika na. Bumalik na tayo sa loob. Sir Ed and Architect Rojas want to talk to you daw. Baka good news iyan. Pero kung hindi naman, kung kinakailangan mo ang suporta ko, nandito lang ako lagi para sa iyo.""Mauna ka na sa loob, Ems. I will be there in a few minutes. Kailangan ko lang magpahangin kahit saglit lang. Nasasakal ako sa loob.""Basta sumunod ka, ha?"Tumangu-tango siya rito.Mayamaya nang kaunti, pumasok na siya sa loob ng opisina. Naglakas-loob siyang tumungo sa silid ng kanilang editor na si Ed Santos. Kumatok siya rito nang kung ilang beses, pero wala siyang narinig na tugon mula sa loob. Pipihitin na lang sana niya ang seradura nang lapitan siya ni Diva at inismiran."Ang lakas ng loob mo kahit kailan. Kung iniisip mong you can gain favors dahil kababayan mo ang major investor nating si Architect Rojas, nagkakamali ka. Bad news for you, dahil sa pag-inarte mo kanina binigay na ni Sir Ed ang posisyon mo kay Wynona. Wala ka nang work dito." At humalakhak ito bago maarteng tumalikod. Sinundan ang halakhak ni Diva ng bungisngis mula sa isa pang pamilyar na tinig. Ang kaibigan nitong si Luisa pala. Maarte silang naglakad pabalik sa kanilang work area.Nang makita ni Czarina ang nakangiting si Wynona na iniluwa ng isa pang silid, ang ginagamit nila for small, important meetings, parang may dumaklot ng puso niya't kumuyumos dito. Napalunok siya nang sunud-sunod. She knew she had finally lost her job to her. Ngunit, bakit parang isang bakol naman ang mukha ni Ed Santos? Si Wynona lang ang mukhang masaya, samantala ang kanilang bosing ay daig pa ang hitsura ng isang naluging negosyante.Pagkakita kay Rorik na siyang huling lumabas ng pintong iyon, napatalikod si Czarina. Hindi na niya kailangan pa ng isang stressor.**********"Czarina! Ms. Garza!"Hindi lumingon ang babae sa Czarina, pero nang tawagin niya sa Ms. Garza ay napahinto ito ng lakad. He closed the gap between them."I need to talk to you."Saka lang humarap ang babae. She looked at him with resentful eyes. Sa kabila ng ginawa nito sa kanya noon, that pained expression still has the power to touch his heart. Napakagat-labi siya to control his emotions. Natutukso kasi siyang bigla na lang itong hablutin at yakapin nang mahigpit na mahigpit kagaya noon sa tuwing nalulungkot ito."Mr. Santos will talk to you about my new proposition. You are no longer part of the news department as we speak."Nakita ni Rorik na napalunok nang ilang beses ang babae at may gumuhit na takot sa mga mata nito. Ganunpaman, sinikap pa rin nitong h'wag iyong ipahalata sa kanya. Kaso sa tagal niya itong nakasama noon, he could somehow tell how she feels sa pagmamasid lang sa ekspresyon ng mga mata nito."Just because you have invested a lot of money in the paper does not mean that you have the right to dictate who gets which position," sagot nito sa kontroladong tinig. Tinaasan niya agad ito ng kilay."Ikaw din ang nagsabi na I have invested a lot of money in the paper, kaya bakit hindi ko pakikialaman? Anyways, your editor can explain to you what your new job will be all about. Iyon lang. If you have questions, you can call me anytime."Kikindatan niya sana ito para pagaanin ang sitwasyon nila, pero he changed his mind when she looked more angry at what he said. He had to admit, he got tempted again to reassure her she's not getting anything lesser than what she's receiving as a news editor, kaso nga lang maraming nakatunganga sa kanilang paligid. Naisip niya na baka lalo itong kainggitan ng mga kasama at i-bully pa kung marinig nila ang bago nitong posisyon. Kumaway na lamang siya rito at lumapit kay Ed Santos na nakatayo sa bandang unahan. Hinihintay pala siya nito.Nang silang dalawa na lang ni Ed Santos sa corridor, nag-negotiate pa ang matanda."Baka nabibigla ka lang, Architect Rojas---Rorik. I'm pretty sure, Czarina can work better in her current department than in the other---"Tinaas niya agad ang kamay para patahimikin ito."I've made up my mind, Mr. Santos. Let's drop the subject, okay?"Timing namang tumawag si Mrs. Andal sa kanya. May dahilan siya para talikuran ang lalaki. Hindi na nga ito umimik pa. Sinamahan na lang siya hanggang sa ground floor.Ayon sa sekretarya niya nasa opisina niya sa Crimson Hotel ang isa sa mga naatasan niyang detectives na mag-imbestiga tungkol sa naging buhay ni Czarina sa Japan. Dali-dali siyang pumunta sa parking lot at pinaharurot ang sasakyan papunta sa opisina. Ilang minuto lang ito mula sa gusali kung saan naroroon ang newspaper na pinagtatrabahuhan ng dating nobya."Sir, sorry to interrupt your meeting with Mr. Ed Santos!" salubong agad ni Mrs. Andal pagdating niya sa kanyang silid."No worries, Mrs. Andal. Nasaan na siya?""Architect Rojas," anang detective.Nasa couch lang pala sa isang sulok ng opisina niya nakaupo ang detective. Tumayo ito at sinalubong na rin siya."Do we have some good news?"Ngumiti ang mama. Sumulyap ito kay Mrs. Andal. Kaagad namang nakaintindi ang babae. Kusa itong lumabas ng silid."According to my source, she only stayed in Japan for a few months and then came back here. Hindi na siya nakabalik doon. Hindi masasabi no'ng source ko kung nagpakasal nga sila ng Hapon na may-ari ng club na pinagtatrabahuhan niya roon dahil iyon ang bali-balitang nakarelasyon niya noon, pero hinatid siya rito ng isang Hapon. At makaraan ang ilang buwan ay ipinanganak niya rito ang kanyang panganay."Biglang kumalabog ang dibdib ni Rorik. Magkahalo ang kanyang naramdaman. Nandoon ang kaba at takot saka pananabik na rin. "Nakailang buwan siya sa Japan?""Barely three months lang daw, eh.""Nakailang buwan siya rito sa Pilipinas bago nanganak?"Ngumiti muna ang detective bago sumagot ng, "Barely three months din daw!"Napanganga si Rorik. Nanlaki pa halos ang kanyang mga mata nang mapagtanto na maaaring siya ang ama ng anak ni Czarina. **********"What? I'll be the editor of our weekly paper?""You heard me, right, Ms. Garza. Hindi ko na kasi kayang pangasiwaan pa ang bi-weekly nating paper. Kaya ikaw na ang magiging editor-in-chief no'n. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Aminin mo. This is what you have always dreamed of." May resentment sa tinig ng Sir Ed niya. Hindi iyon nakalampas sa kanyang pandinig. Naisip niya agad si Rorik. Marahil ito ang may gusto no'n. Iyon siguro ang tinutukoy no'n na new job offer. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ano ang gustong palabasin ng lalaking iyon? Na kayang-kaya niyang diktahan kung ano ang magiging career niya ngayon? Na gusto nitong ipamukha sa kanya kung gaano na kalayo ang antas ng kanilang pamumuhay? Napakuyom ang mga palad ni Czarina."Is that what Architect Rojas came here for yesterday?"Ed Santos cleared his throat. Nagkunwari pa itong nagliligpit ng mga papeles at folders sa kanyang desks para hindi makatingin sa kanya. She could feel his anger, too. Alam niyang hindi bukal sa kalooban nito itong pagbibigay sa kanya ng ganoong responsibilidad. He had always been hands on sa pamamahala ng dalawa nilang newspaper, iyong daily saka weekly. Ni hindi nga nito ma-delegate minsan ang ibang trabaho sa kanyang associate editor dahil tinuturing itong baby. Naiintindihan niya ngayon kung bakit ito galit na galit."You may have known by now na siya ang may pinakamalaking investments sa ating daily at weekly newspapers. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi tayo nagsara. I am sure you know his power dahil magkababayan kayo. Ang dinig ko nga'y magkaklase pa kayo noon. Tama? Don't act coy with me, Ms. Garza. I know what women like you can do to get their dream job."Napamulagat si Czarina sa implikasyon ng sinabi nito. "Are you implying---"Ngumiti nang mapakla sa kanya si Ed Santos. "Hindi ba?" he leered. Nag-init ang mukha ni Czarina. Grabe ang pagpipigil niyang hindi ito sampalin. How dare he! Bago pa siya makapasagot sa bosing niya, bigla na lang bumukas ang pintuan ng silid nito at galit na nagmartsa roon ang Tres Marias---Wynona, Luisa, at Diva. Halos nanlilisik ang mga mata ni Wynona. Ganoon din ang dalawa nitong alipores."Sir Ed, is it true? Sinulot ng babaeng ito ang posisyon mo sa weekly newspaper natin? Siya na raw ang bagong editor-in-chief doon?" Si Wynona."You gave Wynona her job because you wanted to promote her to a better position! Yeah, right," sarkastiko namang sabi ni Luisa."My God, Sir Ed! Why this woman? Hindi nga niya nagampanan ang kanyang trabaho sa daily newspaper natin, ginawa pang editor-in-chief ng weekly? Ano ba'ng pinakain ng babaeng ito sa iyo? O kay Architect Rojas?"The moment na nabanggit nito ang salitang 'pinakain', biglang kumurap-kurap ang bakla. Ganoon din ang dalawang kaibigan nito. Ngayon ay tinitingnan nila nang makahulugan si Czarina. They looked dagger at her!"Obviously, may pinakain. Ano pa nga ba?" sabat ni Luisa at napahalukipkip ito. She was eyeing Czarina with contempt.Tumayo na si Czarina at hindi na nakapagpigil. "Bawiin mo ang sinabi mo," she hissed at Luisa."Bakit? Masakit dahil totoo?"Sinampal ito ni Czarina.Nagulat silang lahat. "Czarina!" ang Sir Ed nila. Nabigla rin ito.Nanlaki ang mga mata ni Luisa. "Sinampal mo ako?" tanong nito sa gulat na gulat na tinig habang sapo ang nasampal na pisngi. "Idedemanda kita!"Mananabunot na sana sina Diva at Wynona kay Czarina nang pumagitna na agad sa kanila si Ed Santos. Sinigawan silang lahat at pinalabas na ng silid.**********"You are my visitor?" hindi makapaniwalang tanong ng anak ni Czarina nang siya ang datnan nito sa meeting room ng principal's office."Sit down, sweetheart," masuyo niyang sabi rito saka pinaupo ito sa hinugot niyang upuan. Kaharap iyon ng inuupuan niya. Napatingin ito sa silya tapos sa kanya. She looked kind of suspicious. Kaiba nang una niya itong makadaupang-palad sa SM Southmall. Friendly ang dating nito noon. Ngayo'y parang hindi welcome ang kanyang presensya."How's your studies?" tanong niya rito nang nakaupo na sila pareho.Bahagyang pinangunutan ito ng noo bago sumagot ng, "Good," sa mahinang tinig."I'm glad to hear that. Do you still have problems with your bullies?"Hindi na itinago ng bata ang pagkayamot sa kanya. "Why do you ask? I do not know you. Why would I tell you stuff like that?"Nagulat siya sa isinagot ng bata. Kakaiba na nga ito sa batang nakausap niya noon sa mall. "I'm a good friend, sweetie." At nginitian niya ito. Umatras naman ang bata. Tinitigan pa siya nang matiim. Walang kakurap-kurap. He had to loosen his tie and clear his throat to lessen the discomfort that he was feeling. Gayunman, natutuwa siya. Alam niya kung saan iyon namana ng bata. Gawin man nitong singkit-singkitan ang mga mata sa gamit na pangkulay doon---eye liner, eyeshadow o whatever that is called, kabisado niya ang hugis no'n. He also knew where she got those. "I have classes pa. I need to go now."Nagulat siya sa sinabi ng bata. Napatayo na rin siya para pigilan ito sana nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang babaeng siyang puno't dulo ng lahat. Si Czarina."Mama!" sigaw ng bata sabay yakap sa ina.Napatingin sa kanya nang masama si Czarina bago niyakap nang mahigpit ang anak."Anak, bakit? Ano'ng nangyari? Ano'ng ginawa sa iyo ng lalaking ito?"Napamaang siya sa mga sinabi ng dating nobya. Sasagot na sana siya nang biglang nagsalita ang bata ng, "Nothing, Mama. He was just being creepy."
Creepy. Na-shock siya sa narinig mula rito.Nilingon siya uli ni Czarina at tiningnan nang masama. Gusto niya sanang pigilan ang mag-ina, pero mabilis silang nakalabas ng silid. Nalito ang principal kung ano ang gagawin. Akmang pipigilan niya sana ang dalawa nang sinenyasan niyang hayaan na lang ang mga ito. Napabuntong-hininga na lang siya habang sinusundan ng tingin ang mag-ina. Tingin niya mahihirapan siya sa pagpapaamo sa bata.Napadukot siya sa cell phone nang mag-vibrate ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang pinsan niyang si Erik at may text na naman sa kanya.
"'Insan, positive. Nakita ko ang pangalan ni Czarina sa klinika ng doctor na nagpe-perform ng abortion sa atin sa tamang halaga. Nakausap ko rin ang anak ng sekretarya niya na siyang pumalit dito nang magretiro ito. Totoong dinala roon nila Don Gustavo ang nobya mo noon."Pinangunutan ng noo si Rorik. Napaangat siya ng mukha at sinundan ng tingin ang mag-ina.Ba't gano'n? May nararamdaman siyang something kada tingin niya sa mga mata ng bata. Kahit noong unang kita niya rito sa SM Southmall, magaan agad ang kanyang kalooban.
"Baka nga totoong anak iyan ng Hapon, 'Insan. Ipa-DNA mo kaya?"Iyan nga rin ang nasa isipan niya, kaso paano siya kukuha ng specimen dito? Kung sasabihan niya si Czarina, malamang ay magwawala ang babae. Saka, ayaw niyang isipin nito na may pakialam pa siya sa nangyari sa kanila noon. He wants her to feel that he has already moved on."Architect Rojas?"Napasulyap siyang muli sa principal."I asked if there is something I can do for you."Tinitigan niya ang matanda. Napa-tikhim ito at napa-loosen ng tie. He made him feel uncomfortable. Ito nga at pinamumulahan na ang tao. Napangiti siya rito nang maisip kung ano ang maaari nitong magawa para sa kanya.