Arrest Me Barako Series 4 Published Under Immac Publishing House
ALEXANDRONaibuga ko ang iniinom kong kape dahil sa sinabi ni Melissa. "Hala! Kuya Alex, okay ka lang?" tanong niya na ikinasimangot ko. Paano ako magigin okay sa sinabi niya? "Hindi ako okay?! Mukha ba akong okay?!" naiinis na sabi ko. Inilapag ko sa table ang kape na iniinom ko. "Ano ba kasi ang masama sa sinabi ko? Para makikipag-date lang, eh? Buti nga sinabi ko sa iyo," nakangusong sabi ng bubwit. Tumalikod ako at hindi ko siya hinarap. Naiinis ako. Manhid ba siya? Inamin ko na sa kanya ang totoo kong damdamin pero parang hindi naman siya naniniwala. Lahat ng kagustuhan niya sinusunod ko para lang maipakita kong mahal ko siya kahit ano pa siya. Tiniis ko ang mga luto niyang nakaka-high blood at pati na ang mga shake niyang ubod ng sarap. Pero tila ba balewala pa din ang mga effort ko. Naramdaman kong yumakap sa likod ko ang bubwit. "Sorry na Kuya. Hindi na ako makikipag-date. Gusto ko lang namang ma-experience yung i-date ako ng lalaki. May magbibigay ng flowers tapos aayain akong kumain sa isang restaurant. Tapos ipaghihila niya ako ng upuan. Siyempre kikiligin ako kasi ang gentleman ng ka-date ko. Tapos aalalayan niya pa ako kapag tatayo na kami. Oh, di ba ang sweet. Tapos sasabihan niya ako ng ikaw ang pinakamagandang dilag na nakilala ko. Ayie! Kinikilig ako!" Hinampas niya ang balikat ko."Ako na lang gagawa ng gusto mo. Bakit pa kasi sa iba mo pa gusto? Nandito naman ako?" nagtatampo kong sabi. Itinulak ako ni bubwit."Hindi mo nga magawa yun sa ibang babae. Sa akin pa kaya? Saka hindi ka naman sweet. Panay mo nga akong inaaway," inirapan niya ako. "Babe, naman noon yun. Pero ngayon hindi na kita inaaway di ba?" hinila ko siya upang kumandong sa lap ko. Iniyakap ko ang braso ko sa beywang nito. " Ako na ang magde-date sa iyo. Huwag na yung kaklase mo. May mas may pera ako dun," pagmamayabang ko. "Ang yabang mo. Siyempre may work ka na. Eh, yun student pa lang." "Sabihin mo diyan sa classmate mo hindi ka na available." Sumubsob ako sa dibdib ng bubwit. "Babe, akin ka na lang. Bakit ba hindi ka naniniwala na love na love kita? Seryoso nga ako sa iyo. Hindi mo ba nararamdaman ang mga effort ko para sa iyo? Lahat ng niluluto mo kinakain ko. Binilhan kita ng aso kasi gusto mo may kasama si Dolly. Kahit sinira nila ang sapatos kong mamahalin hinabaan ko ang pasensya ko sa kanila. Kahit gusto ko na silang lunurin sa dagat. Kahit na nga naba-bash na ako na ang sabaw sabaw na daw ng mga ginagawa kong effort. Tuloy pa din ang mga ginagawa kong pagtitiis. Kasi ipinapakita ko lang naman kung ano ang dapat kong tiisin at paghirapan para lang mapasa-akin ang matamis mong oo." Mahaba kong litanya. "Love mo talaga ako? Hindi ka nagbibiro?" umaangat ang ulo ko. Hinawakan ko ang dalawa nitong kamay at nilagay sa dibdib ko. "Nararamdaman mo ba ang mabilis na tibok ng puso ko? Dahil iyan sa iyo. Dahil ikaw lang ang itinitibok ng puso ko. Mahal na mahal kita, babe," sabi ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata. "Ehh.. Naman kasi ehhh.." sumubsob sa dibdib ko si bubwit. Natatawa ako sa reaction niya. Pilit ko siyang inaalis sa dibdib ko. Yumakap lalo ng mahigpit sa akin. "Babe, ano na? Tumingin ka sa akin. Sabihin mo kung anong nararamdaman mo para sa akin?" umiling ito. Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok. "Bakit ikinakahiya mo ba ako?" tanong ko. Napaangat ito ng ulo. Ngumuso at ibinaling sa iba ang tingin nito. "Hindi naman kita ikinakahiya," sabi nito pero hindi naman nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang baba nito para iharap ang mukha sa akin."Babe, hindi mo na sinagot ang tanong ko. Ano bang feelings mo para sa akin? Do you love me too, babe?" napatingin sa akin si bubwit. Halos pulang-pula ang mukha nito.Nagkatitigan kaming dalawa. "Sige na nga mahal din kita. Ehh... Naman kasi kailangan ko pa talaga sabihin. Nahihiya ako." Nagtakip ito ng mukha. Napangiti ako ng malawak sa sinabi niya. Inalis ko ang kamay nitong nakatakip sa mukha nito. "I'm happy, babe, that you love me as well. You will never regret for loving me. I used to be a womanizer, but thanks to you, I've changed. Because you showed me the true meaning of love. Kaya kong gawin ang mga bagay na hindi ko ginagawa noon. Iyon ay magkaroon ng mahabang pasensya na wala sa akin dati. Ngayon na-appreciate ko ang mga bagay na simple para lang maipakita sa minamahal kong babae na mahalaga siya sa akin. Hindi sa edad o hitsura malalaman na mahal mo ang isang tao. Kung hindi dito sa puso. Dahil titibok at titibok iyon sa isang tao lang. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, babe. Sa bawat araw na kasama kita pinasaya mo ang buhay ko. Binigyan mo ng kulay ang paligid ko. Para ngang fireworks ang paligid ko kapag nasisilayan ko ang taglay mong ganda. I love you so much, babe." Mahaba kong litanya para sa bubwit. Napangiti ang bubwit sa sinabi ko. Para akong nagbigay ng mahabang speech. "Basta Kuya Alex ipangako mo sa aking hindi mo ako lolokohin at saka paiiyakin dahil kapag ganun ang ginawa mo break na tayo. Wala ng paliwanagan." Napangiti ako ng malawak. "Of course, babe. I promise hindi ako titingin sa ibang babae. It's only you. Kahit tigang na tigang na ang kapulisan ko magiging tapat ako sa iyo. Kapag natapos ka na ng pag-aral mo magpapakasal na tayo." Yuumakap sa akin si bubwit. Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap nagkatitigan kaming dalawa. "Babe.." paos na sabi ko. Napatitig ako sa kanyang nakaawang na labi. "Babe.." sagot din nito.Nang maglalapat ang aming labi. Biglang may kumalabog.Napalingon kami. Nakita namin si Tita nakanganga habang hawak si Dolly nakalabas ang dila. Napababa ang tingin ko sa paanan ni Tita. Nakatingin din si Coo Coo labas dila din."Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Tita sa amin. Napalunok ako ng laway ko. Patay kang matanda ka. Magpaliwanag ka sa presinto Alexandro "Nay," tumayo si bubwit at pinuntahan ang Nanay niya. Nakasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa anak. Yumakap si bubwit sa Nanay niya. " Kami na po ni Kuya Alex Nay," kumpirma nito. Napatingin sa gawi ko si Tita. Nginitian ko ito ng alanganin. "Kami na po ni Melissa. Huwag po kayong mag-aalala magtatapos po ng pag-aaral si Melissa bago kami lumagay sa tahimik," napalunok na naman ako. Seryoso kasi ang mukha ni Tita. "Siguraduhin mo Alexandro dahil malilintikan ka sa akin." Natakot ako sa sinabi niya kaya napakapit ako sa sandalan ng upuan."Nay, naman ang OA niyo. Tinatakot niyo naman si Kuya Alex, eh?" nakangusong sabi ng bubwit. "Anak naman pagbigyan mo na ako. Ngayon lang ako kunwari seryoso." Napatingin si Nanay sa akin. "Joke lang yun," sabay tawa nito. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. "Oh siya sige ituloy niyo na ang naudlot niyong tukaan. Basta Alexandro hanggang kiss lang walang ariba." Tumango ako. Umalis na ang Nanay ni bubwit.Hinila ko ang bubwit at pinaupo sa kandungan ko. Itutuloy pa namin ang aming halikan. Naglapat ang mga labi namin ng bubwit. Oh, fuck! Ang sarap! Lasang bubwit. I cupped her face and kissed her delicious lips. She moaned when my tongue landed inside her mouth. Halos mapudpod ang labi ni bubwit dahil sa klase ng paghalik ko. May pag-angkin ang bawat hagod ng labi ko sa labi niya. Hindi na yata ako sumagap ng hangin. Ayaw kong bitawan ang labi ng mahal kong bubwit. Natigil lang ng sumagap na kami ng hangin. We were catching our breath. I looked at her swollen lips. I smiled. Isa pang dampi ang iginawad ko. Pinagdikit ko ang ilong namin hindi ang noo. Palasak na kasi para maiba naman."I love you, babe," sabi ko habang magkadikitan ang mga ilong namin. " I love you too my babe," sagot ng bubwit. Hinaplos ko ang labi nito. She is the woman I will spend the rest of my life with.
All Rights Reserved
By coalchamber13
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com