TruyenHHH.com

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE

Chapter 20

coalchamber13

ALEXANDRO

Napahilot ako sa batok ko. Ang dami kasing gawain dito sa presinto. Sumasakit ang batok at ulo ko. Idagdag pa ang mga kaso na hawak ko na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Hindi ako makakauwi ng maaga kaya hindi ko masusundo ang bubwit. Sigurado akong magagalit na naman iyon sa akin. Hindi ko na naman tinupad ang pangako ko.

Tinawagan ko ang number nito. Nagring ng dalawang beses at sinagot naman niya kaso maingay ang background.

"Hello, babe," sabi ko. Halos idikit ko na ang phone ko kasi mahina ang boses ng bubwit.

"Hello, Kuya Alex! Napatawag ka?" tanong nito.

"Hindi kita masusundo ngayon dahil gabi na ang uwi ko. May operation kasi kami ngayon." Sabi ko. Natahimik ang kabilang line.

"Hello, babe?!" tawag ko.

"Okay, ingat ka na lang bye!" sasagot pa sana ako naputol na ang tawag. Galit na naman sa akin ang bubwit. Nangako kasi ako hindi ko naman natupad. Napasandal ako sa upuan ko at napasuklay ng buhok. Babawi na lang ako next time kay bubwit.

"Sir, may naghahanap po sa inyong babae" napatingin ako kay Insp. Danica.

"Okay, patuluyin mo na lang dito. I'm expecting her today" sabi ko.

Ito iyong babaeng lumapit sa amin about sa kaso ng asawa nito na pinatay. Parang ang nangyari love triangle ang kaso na ito. Pinaghihinalaan ng Misis ang pumatay ay ang kabit ng asawa niya. Dahil nakipaghiwalay daw ang asawa nito sa kabit niya kaya ang siste hindi pumayag ang kabit pinapatay na lamang ang lalaki kaysa magkabalikan ang mag-asawa.

Napaka-complicated.

Kaya napaisip ako dahil babaero din ako. Nai-imagine ko ang sarili ko. Ayokong mangyari sa akin iyon. Baka hindi lang ako mapatay, maputulan pa ako ng kapulisan ko. Mahalaga pa naman ang kapulisan ko dahil ito ang precious thing ko. Mawala na ang lahat huwag lang ito - puwera ang bubwit.

Dumaan ako sa bahay nila bubwit para kumustahin siya. Ayokong nagagalit na naman siya sa akin. Ang hirap pa naman paamuin ang bubwit nakakalagas ng bulbol at nakaka-high blood din.

Pagkapasok ko ng loob ng gate nila nakita kong bukas pa ang ilaw. Baka gising pa ang bubwit. Kumatok ako sa pinto nila. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang antok na antok na bubwit.

"Good evening, babe." bati ko sa bubwit. Ngumuso siya at tinalikuran niya ako. Napasuklay ako sa buhok ko. Kailangan ng mahaba-habang paliwanagan.

"Gabi na bakit nagpunta ka pa dito?" umupo ito sa sofa. 

Tumabi ako sa tabi niya. Inilapag ko ang dala kong cake na binili ko sa isang mamahaling bakeshop. Napatingin doon si bubwit.

"Gusto ko kasing makita ka at mag-sorry ng personal. Madami lang talaga akong ginawa sa araw na ito. Babawi ako kapag medyo maluwag na ang schedule ko," napatingin siya sa akin. Tumaas ang isa kong palad para haplusin siya sa buhok. Napayuko siya at kinakalikot ang daliri niya. Napatingin na naman siya sa box ng cake. Napangiti ako. Alam na this.

"You want to eat, babe? Masarap ito," alok ko sa kanya.

Binuksan ko ang box at nakita kong nagningning ang mga mata ng bubwit. Tumayo siya at nagpunta ng kusina para kumuha ng platito at tinidor.

Napamaang ako dahil hindi platito kung hindi bandehado ang hawak hawak nito. Parang gusto kong tumawa pinigilan ko lang at baka mabad-shot na naman ang babe ko sa akin.

"Mukhang masarap itong binili mong cake Kuya Alex," sabi nito.

Umupo ito sa sofa nakacross ang binti nito habang nasa lap nito ang bandehado na may lamang cake. Nagsimula na itong kumain. Napakagana nitong kumain pero hindi naman tumataba.

"Subuan mo ako, babe," napatingin ito bigla sa akin. Itinuro niya ang sarili ko. Tumango naman ako.

"Bakit naman kita susubuan like, duh?" napatirik pa ang mga mata nito.

"Sige na babe, please?" pagmamakaawa ko. Tin-ap ko ang kandungan ko para doon siya umupo. Sinunod naman ni bubwit ang kagustuhan ko. Pinalibot ko ang braso ko sa beywang nito nang makaupo sa kandungan ko. Inamoy ko ang kanyang balikat.

"Say, ah." sabi ng bubwit. Ngumanga naman ang lolo niyo pero imbes na  sa bibig ko napunta ang cake isinubo ng bubwit sa bibig nito.

"Akala mo kuya, huh?"natatawang sabi nito. Isinubsob ko ang noo ko sa balikat nito na parang nagtatampo ako. Nagmumukha akong batang isip.

"Hindi mo bagay Kuya mukha kang abnormal," sabay tawa ng bubwit. Yeah, I know. Ako naman ang napairap sa bubwit.

"Bakla ka, Kuya? May pairap-irap ka pang nalalaman," napanguso ito sabay subo uli sa cake.

"Ngayon lang ako humiling ayaw mo pang pagbigyan," nagtatampo kunwaring drama ko.

"Okay sige. Say, ah na," sabi nito. 

Siyempre ngumanga naman ang lolo niyo. Halos manlaki ang mga mata ko ng makita kong napakalaki ng cake na isusubo niya sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mga mata ng itinikom ko bigla ang bibig ko.

"Ah, na nga!" parang naiinis na ito. So walang nagawa ang lolo niyo kung hindi ngumanga ng todo. Feeling ko mapupunit ang bunganga ko. Isinalaksak niya ang malaking slice ng cake sa bunganga ko. Binalaan niya ako na lunukin ko lahat ang cake.

Parang gusto kong ibuga ang cake. Hindi na ako makahinga ng mabuti. Hinimas-himas ng bubwit ang ulo ko.

"Good, boy," nakangiti pa ang bubwit na parang tuwang-tuwa na nakikita akong parang naiiyak na. Napainom ako ng tubig ng makain ko lahat ang cake na nasa bibig ko.

"Gusto mo ba akong patayin?" salubong ang kilay kong napatingin sa bubwit.

"Hala, grabe ka, Kuya. Patayin talaga? Sabi mo subuan kita tapos ngayon magagalit ka?!" umirap ito sa akin at tumalikod. Napabuntonghininga ako ng malalim kasing lalim ng pacific ocean. Kailangan kong magpakalma ng sarili ko kasi feeling ko aatakihin ako sa puso.

Yumakap ako sa beywang nito.

"Hindi naman ako galit, babe," sabi ko.

Humalik ako sa pisngi nito. Napatingin ako sa cake na dala ko halos makalahati ng bubwit. Ang siba talaga nito.

"Matulog ka na may pasok ka pa bukas," sabi ko.

Napatagilid ang bubwit at inakbayan niya ako.

"Love mo ako, Kuya?" tanong ni bubwit sa akin. Napangiti ako sa tanong niya. Tinatanong pa ba iyon.

"Yes, I do love you. Bakit mo naman naitanong?" curious ang lolo niyo bakit naitanong ni bubwit iyon.

"Kasi kagaya ka ni Elo lagi akong binibigyan ng cake at saka lagi niya akong niyayakap." Nadismaya ako sa sagot ni bubwit. Akala ko naman may feelings na siya sa akin.

"Kasi ikaw ang baby girl namin kaya love na love ka namin," sabi ko na lang para hindi naman ako obvious baka kasi mabatukan na naman ang lolo niyo kapag sinabi ko na naman ang feelings ko.

"Love na love na din Kuya Alex," sabi nito sabay halik sa pisngi ko. 

Parang nagkaroon ng kulay ang paligid. Pinayapa ko ang kapulisan ko at baka bigla na lang magturo. Chillax ka lang man!

"Gusto mo ba kantahan kita?"tanong ko. Napatingin sa akin ang bubwit. Halos isang dangkal na lang ang layo nito sa akin. Kaya napagmasdan ko ang kabuuan ng mukha nito.

"Marunong ka bang kumanta?" tanong nito.

Tumango tango ako. Hindi niyo naitatanong guys sa pamilyang Dela Costa isa ako sa magaling sa pag-awit. Oh di ba makaawit ang lolo niyo.

"Ano bang gusto mong awitin ko babe?" napaisip ang bubwit nakatingala pa ito. Inamoy ko ang leeg nito. Naamoy ko ang natural na amoy nito. Amoy baby.

"Ang baho natin, ah?" biro na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nito dahil sa sinabi ko.

"Naligo ako kanina!"

"Oh? Kaninang?" tanong ko sa kanya. Napanguso ito at napasandal sa ulo ko.

"Kaninang umaga." Gusto ko sanang matawa pero hindi ko ginawa. Gusto ko ang natural na amoy ng bubwit.

"Joke lang, babe. I like your smell. Parang baby." Niyakap ko ito ng mahigpit. "Patutulugin na kita, babe. I'll sing a song for you."

"Ikaw na bahala, Kuya. Ano ba ang gusto mong song para sa akin?" tanong niya saka humikab. Mukhang inaantok na si bubwit. Pinasandal ko siya sa balikat ko habang tinatapik tapik ko ang balakang nito. Nagsimula na akong kumanta.

(A/N: Rakista kasi ang lola niyo kaya yan ang naisip kong song LOL. Nickelback- Lullabye)

https://youtu.be/4OjiOn5s8s8

Nakita kong nakatulog na ito ng natapos ko na ang kanta. Binuhat ko na ito para ipasok sa maliit na silid nito. Bago ako lumabas ng silid nito hinagkan ko ang labi nito.

"Goodnight bubwit. I love you" sambit ko.

Lumabas na ako ng silid nito napalingon pa ako bago isara ang pinto. Ang sarap sa pakiramdam mahalikan ang mahal mo. Inlababo na ang lolo niyo for sure.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13








Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com