TruyenHHH.com

Arrest Me (BARAKO SERIES 4) Published under IMMAC PUBLISHING HOUSE

Chapter 16

coalchamber13

Alexandro 

Umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko dahil may sakit si Mame. Tumawag si Dade kanina sa akin at pinauuwi ako. Ilang buwan na akong hindi umuuwi sa bahay ng magulang ko. 

Pagkapasok ng bahay namin ay nasalubong ko si Dade. 

"Dade! Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw. Madami po kasi akong hawak na kaso ngayon kaya hindi na ako makadalaw sa inyo ni Mame. Kamusta na po si Mame?" sabi ko. 

"Okay, naman na siya at nagpapahinga sa silid namin. Naiintindihan naman namin iyon anak. Puntahan mo na ang Mame mo kanina ka pa tinatanong kung dumating ka na," sabi ni Dade.

Tumango ako. Naglakad na ako papunta sa silid ni Mame. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko si Mame na nakahiga. Naawa naman ako sa kanya. Lumapit ako sa kama niya.

Hinagkan ko ang kanyang noo. Nagmulat ng mga mata si Mame. Napangiti ito sa akin.

"Mabuti naman nakadalaw ka, anak," sabi nito. 

Umupo ako sa tabi ni Mame at niyakap ito.

"Mame, pasensya na po ngayon lang ako nakadalaw. Busy lang po sa trabaho."

"Anak, may ipakikiusap sana ako sa iyo. Alam kong may hindi kayo pagkakaunawaan ni Melissa. Hindi ako magtatanong kung ano man iyon. Pero sana magkaayos na kayo. Miss ko na ang batang iyon. Puwede mo ba siyang puntahan? Sabihin mong dalawin naman niya ako. Nami-miss ko na kasi siya." Pakiusap sa akin ni Mame.

"Okay, Mame. Basta para sa inyo gagawin ko." Hinagkan ko ang noo nito. Napangiti ng malawak si Mame.

Nagpaalam na ako para puntahan ang bubwit. Bahala na kung singhalan niya ako. Basta para kay Mame susuungin ko ang galit ng bulkan.

Nakarating ako sa bahay nila bubwit. Nakasalubong ko ang Nanay nito. "Nay, good morning po. Nandiyan po ba si Melissa?"tanong ko. 

Nagmano muna ako sa Nanay nito. "Tulog pa ang batang iyon. Napuyat kasi kagabi dahil nandito iyong classmate niyang si Andy."

Biglang nag-init ang ulo ko sa narinig kong pangalan. "Ganoon po ba?" sabi ko.

"Ikaw na ang gumising sa batang iyon. Ako naman ay aalis na dahil kailangan ko pa kasing maningil ng pautang. Ikaw na muna bahala diyan, huh? Oh, siya sige mauuna na ako," tumango ako. 

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa silid ng bubwit. Pagkabukas ng pinto ay nakita kong magulo ang kuwarto nito. Nakakalat ang unan at nasa lapag na ang kumot nito. Napabuntonghininga ako. Kadalagang tao pero parang bata lang ang hitsura ng silid nito. Napakalat.

Umupo ako sa gilid ng kama nito. Napangiti ako ng masilayan ko ang bubwit ko. Na-miss ko ito ng sobra. Hinaplos ko ang pisngi nito. She is so cute kapag nakatulog para talaga siyang bubwit.

Mahina kong tinapik ang kanyang pisngi. Umungol lang ito . Tinapik ko uli pero nangamot lang ng ulo nito.

"Nay, mamaya pa ako babangon. Antok pa ako, eh?" reklamo nito. 

Tumagilid ito ng higa patalikod sa akin.

"Gising na tanghali na," mahina kong bulong sa tainga nito. Natawa ako nang makita kong napangiti ito na parang nakiliti.

Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan.

"Babe, wake up. Kapag hindi ka gumising diyan hahalikan kita!" banta ko sa kaniya.

Bigla itong napabangon sa pagkakahiga. Gulo-gulo ang kanyang buhok. Nagmulat ito ng mga mata at saka napatitig sa kinauupuan ko. Mukha siyang bruha sa hitsura niya. Tinapik pa ang sarili nitong pisngi na parang ginigising ang sarili. Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ako.

"Hindi ako nananaginip?" tanong na sabi sa akin. Napailing ako sa bubwit.

"You are not dreaming. I am really here," pagkumpirma ko sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na ayaw na nga kitang makita!" Singhal nito sa akin.

"Babe, please forgive me. Hindi ko kayang ganito tayo. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. Nagsisisi na ako. Saka nandito ako dahil may sakit si Mame. Hindi ka na daw nadadalaw sa bahay. Gusto niyang dalawin mo siya," sabi ko.

Napanguso ito habang nag-iisip. "Okay dadalawin ko siya hindi dahil sa iyo. I love, tita Mame nami-miss ko na din siya.,"sabi nito sabay irap sa akin.

Napangiti ako ng malawak. Tumayo na ang bubwit at dumiretso sa cabinet nito at kumuha ng damit. 

Napalingon siya sa akin. "Lumabas ka na! Talagang dito ka habang nagbibihis ako?" galit na sabi nito.

Tinaboy niya ako gamit ang kamay nito. 

"Puwede ba?"sabay ngisi kay bubwit. 

Sa inis nito binato niya ako ng unan. Umilag ako. Natatawa akong lumabas ng silid nito. Na-miss ko ang pagkapikon ng bubwit. Naalala ko noon ganito din ang asta ng bubwit ng una kaming nagka-encounter. Halos mamula na ang mukha nito sa inis.

Prenteng naupo ako sa sofa habang hinihintay ang mahal kong bubwit. Napaangat ako ng tingin nang narinig ko ang yabag nitong palapit. Napatingin ako sa suot nitong kupasing pantalon at itim na t-shirt. Napababa ang tingin ko sa paa nito. Nakasuot ito ng rubber shoes na converse.

"Oh, ano pang inuupo mo pa diyan? Halika na!"sabi nito sa akin.

"Okay iyon lang pala, eh," sabi ko.

Tumayo ako para lapitan ito. Yumuko ako at ginawaran ito ng halik sa labi. Nagulat ito sa ginawa ko. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin. 

"Bakit mo ako hinalikan, gago ka!"galit na sabi nito sa akin. 

Itinulak niya ako kaya napaatras ako.

"Sabi mo halikan na. Para ka ngang nagmamadali na halikan kita," nanlaki ang butas ng ilong nito sa galit. 

"Wala akong sinabing halikan mo ako! Sabi ko halika na. Gago din ito ang hina ng intindi mo! Bingi ka ba?!" inirapan niya ako at iniwan akong ngingiti-ngiti. 

Tagumpay!

Nakita kong nakatayo na si bubwit sa harapan ng kotse ko. Pinagbuksan ko ito sa harapan. 

"Ayoko diyan sa front gusto ko sa backseat. Ayaw kitang katabi hindi nga tayo bati!" sabi nito. Dahil ayoko namang mainis pa lalo sa akin ang bubwit pinagbigyan ko na total naka-kiss naman na ako sa kanya. 

Panay ang irap nito sa akin habang napasusulyap ako sa rearview mirror ko. Hindi naman ako naiinis dahil natutuwa nga ako, ngayon ay kasama ko na siya.

"Ano iyan?" singhal nito sa akin ng hawakan ko ang palad nito nang nasa loob na kami ng bahay ng mga magulang ko.

"Siyempre kamay ko," pilosopo kong sagot sa kanya.

Halos mamula na ito sa inis sa pinagsasabi ko. Hindi ko pinakawalan ang kamay niya at mas lalo ko lang hinawakan ng mahigpit. Parang gusto kong umawit ng hawak kamay di kita iiwan sa paglalakbay habang nakatingin sa mga mata ng aking si bubwit.

Nakanguso ito habang nakasimangot ang mukha. 

"Hija, masaya ako at dumalaw ka sa amin," bungad ni Dade sa amin. Nakangiting sinalubong ang baby girl naming si bubwit. Yumakap si Dade sa kanya kaya nabitawan ko ang kamay ni bubwit.

"Masaya din po ako, tito Dade na makita kita," sabi ng bubwit.

"Hinihintay ka na doon ni Mame mo," sabi ni Dade. 

Tumango ako. Hinawakan ko uli ang kamay ng bubwit. Napatingin doon ito at napairap sa akin.

"Ngayon lang ito kasi nandito si Tito Dade" bulong nito sa akin.

Ninakawan ko ito ng halik sa pisngi. Mas lalong sumama ang mukha ng bata.

Nakapasok na kami sa loob ng silid ni Mame.

"Baby girl!" sabi ni Mame at iniumang nito ang braso nito para yakapin ang bubwit.

"Tita Mame!" nagtatakbo ito at sumampa ito sa kama at nagyakapan ang dalawa.

Kaygandang pagmasdan ang  dalawang mahalagang babae sa akin.

"Miss na miss kita, baby girl. Hindi mo na ako dinadalaw." Pagtatampong sabi no Mame.

"Sorry po, tita Mame. Nagtampo po kasi ako sa inyo dahil may new baby girl na kayo. Babae niyan ni Kuya Alex," sabay turo sa akin.

"Naku, baby girl, hindi ko siya type mas gusto kita. Mas gusto ko ang pagiging sweet mo at mabait na bata." 

Hinaplos haplos nito ang buhok ng bubwit. Mahaba na ang buhok nito. Napansin ko nga na hindi masaya si Mame kapag nandito si Charise. Alam kong pinakikiharapan lang ng maayos ito ni Mame. Ayaw niya lang maging bastos.

"Talaga, tita Mame?" umaliwalas ang mukha ng bubwit sa sinabi ni Mame.

"Kapag wala na akong lagnat baby girl ipagluluto kita ng madaming cookies at ang favorite mong chocolate cake" napalakpak ang bubwit sa sinabi ni Mame.

"Araw-araw na kitang dadalawin dito, tita Mame!" masayang sabi nito.

*******

"Anak buhatin mo na si Melissa at dalhin mo na sa isang kuwarto. Nakatulog na siya napagod sa kuwentuhan namin," hinaplos  ni Mame ang pisngi ng bubwit at hinagkan sa noo nito.

"Sige po, Mame." 

Binuhat ko na ito. Pumasok ako sa loob ng silid ko. I decided na dito ko na lang patutulugin ang mahal kong bubwit. Aminin ko man o hindi ay may pagmamahal na ako sa batang ito. 

Inilapag ko ito sa kama ko. Inalis ko ang kanyang sapatos. Kumuha ako ng t-shirt at pajama ko sa closet. Binihisan ko ang bubwit para palitan ang suot na damit nito.

Upang hindi ko makita ang kabuuan nito ay tinakpan ko ng kumot ang katawan nito habang hinuhubaran ko siya ng damit. Kahit babaero ako hindi naman ako nagte-take advantage lalo at ayaw ng babaeng hawakan ko ang maselang bahagi  ng katawan nila. Malaki ang respeto ko sa babae. Nang mabihisan ko na ang bubwit ay nagpunta na ako ng  shower room para maligo.

Pagkalabas ko ng shower room ay nakita kong nagkalat  sa lapag ang unan ko. Ibinalik ko sa kama ang mga unan at saka tumabi sa bubwit. 

Habang nakahiga nakaharap ako sa kanya at titigan siya. Hindi ko maiwasang humanga sa taglay nitong ganda. Napakaganda niya. 

"Goodnight bubwit," hinagkan ko ang noo nito. Yumakap ako at natulog na may ngiti sa labi ko.

NAGMULAT ako ng mga mata ng may humampas sa mukha ko.

"Manyak ka! Binosohan mo akong gago ka!" sigaw ni bubwit sa akin habang hinahampas niya ako ng unan sa mukha.

"Teka lang, babe, hindi kita binosohan, okay?! Tinakpan ko ang katawan mo habang binibihisan kita. Hindi ko magagawa iyon nandito ka sa bahay namin. Sigurado magagalit si Mame sa akin kapag may ginawa akong masama sa iyo," paliwanag ko.

Ang sama ng tingin niya sa akin.

"Isusumbong kita kay Tita Mame!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng bubwit. Tumayo na ito at nagmadaling lumabas ng silid ko.

"Shit!" napamura ako. 

Napahilot ako sa batok ko. Pakiramdam ko tumaas ang blood pressure ko. Na-i-imagine ko ang galit na mukha ni Mame. Lagot ako!

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13










Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com