TruyenHHH.com

A Wave Of Vermilion




CHAPTER 4

⊱⊶⊷⊶✧⊷⊶⊷⊰


HER


The vibration in my throat hums low, and my lips continue to quiver behind the stranger's palm.

Our reflection on the grandfather's clock confirms my assumption. It's not just the hair on the back of my neck standing on edge and overreacting to every indication of his presence—my entire body is definitely squeezing against his own within this cramped space.

"Stay still, dandelion." His slow, lazy voice makes its way to my ears.

I got distracted by the deep thrums and bell-like melody of his voice, that I wasn't able to react to his words right away.

"Mmwhat didja just call mme?!" I struggle to say through his palm over my mouth.

Hindi ko alam kung may nakarinig ba sa akin, medyo napalakas kasi ang aking reaksyon. May ilan sa mga guwardiya na naglakad papalapit sa aming puwesto, ngunit magaling magtago at maglaho sa mga anino ang aking kasamang lalaki.

"Do you always do the opposite of what you're told?" bulong niya nang medyo nakalayo na ang ilang guwardiya.

Imbes na mainis ay hindi ko alam kung bakit lumalambot ang mga tuhod ko sa bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig. Sa bawat singhap at garalgal ng kaniyang pagbulong. Hindi nakakatulong ang kaniyang marahang hininga na gumuguhit sa aking tainga.

Hindi nakakatulong ang perpektong pagdampi ng aking bawat kurba sa hulma ng kaniyang matikas na katawan.

Inalis na niya sa wakas ang kaniyang kamay mula sa aking bibig. "Go on. Shout. Let them know you're here."

Kumunot lamang ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay ko. Nagtataka kung seryoso ba siya sa kaniyang sinasabi. Buti na lamang ay nakamaskara ang kalahati ng mukha ko para hindi niya makita ang ekspresyon ko.

"I was right." The corner of his lips arch into a subtle grin. "You really do the opposite of what you're told."

Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Lumingon ako sa kabilang gawi para silipin kung narito pa ang mga guwardiya. Nang wala na silang mahanap ay umalis na rin sila.

Fuck. I was wrong to trust that Rubedo guy.

Bigla akong kinabahan. Should I also trust the person I'm with right now?

Napatingin ako sa kaniyang mga kamay. Nakahinga ako nang maluwang nang makitang walang nakakabit na himelo sa kaniyang mga manggas.

"Sino ka ba? At bakit mo 'ko tinulungan?" I crossed my arms over my chest.

"Last time I checked, it's against the rules to say our names." Ibinalik na niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kaniyang pantalon.

Naalala kong bigla ang aking pagpapakilala kay Rubedo. Ngunit Cerise din naman ang nakuha kong alyas para sa ganap na ito. Kung gano'n, baka nga ang pagpasok ko sa pribadong kuwarto ang dahilan kaya hinahanap ako ng mga guwardiya.

"Your code name. Ano ang alyas na ibinigay sa 'yo?" muli kong tanong sa estrangherong kasama ko.

Dahan-dahan siyang naglakad, pinapaikutan ang aking katawan. Kada hakbang ay sinusuri akong maigi mula ulo hanggang talampakan.

His mask doesn't hide the bone-chilling beauty of his eyes. Icy circles of moonstone blue, so soft and light they are almost clear. Almost colorless.

Said icy blue eyes are focused on my lips. And I don't know if it's because they're the only visible part of my face.

"A lost little dandelion among a sea of red," he whispers low to himself.

Those moonstone eyes begin to wander further down, roaming around the free expanse of skin around my collar bones, diving down my cleavage. As they pass by, they leave behind tiny prickles of cold heat along their path, as if he's rolling an actual ice cube over my naked skin.

I press my lips to moist the dryness away.

"I-I asked who you are." I repeat almost breathlessly, trying to shoo away the brewing tension.

"Guess."

My brows frown at his response. "Last time I checked, there is no shade of red with that name."

"And last time I checked..." His voice becomes slower, more careful, as if his thoughts are searching through his cabinet of memories while his eyes take note of my body from head to foot. "There's no you during the past Nights of Lycoris. This your first time?"

My lips part, and I almost answer. But something about what he said isn't clicking.

"Paano mo nalaman na wala ako sa mga nakaraang party? Kung lahat naman ay nakamaskara?" I challenge. A little hesitant but I'm partly sure that is what I've read on the rules.

Naalala ko ang sinabi ni Rubedo. Na bawat bisita ay may sariling maskara. Pero imposible namang kabisado ng lalaking ito ang bawat bisita sa mga nakaraang taon.

"Trust me. I know." The wolf-masked guy tilts his head to the side, the slow movement a little hypnotizing. "If you were here last year, I would definitely recognize and remember you, dandelion."

'Yan na naman siya sa dandelion na 'yan!

"Cerise ang pangalan ko, Cerise!" Pilit kong ipinaalala sa kaniya. "Huwag kang mag-imbento ng sarili mong alyas para sa 'kin!"

"Really, huh?" He leans forward, his tall silhouette towering over my small frame. Wolf looking down on a poor little raven. "Because that's what you seem to me. A lost little flower seed, hiding another secret behind her bright-colored petals."

Hinawakan niya ang dulo ng aking buhok at dinala ito sa kaniyang mga labi. Dinampian niya ng marahang halik ang mga pulang hibla. Tila ba may mainit na kuryenteng dumaloy papunta sa aking katawan nang tingnan niya ako nang diretso sa 'king mga mata.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nagdilim ang aking paligid. No. No way. There's no way he'll find out. There's no way he will ruin this night for me.

I can't breathe. I can't think. Slowly, he lets the strands of my hair slip away from his fingers and fall back to my side.

Pagkatapos no'n ay iniwan na niya ako't naglakad paalis. Mag-isa at tila estatuwang nakatayo sa mahaba't malungkot na pasilyo.

***

Pinagmasdan ko ang malaking orasan sa kisame habang inuubos ang aking huling baso ng alak. Nakabalik na ako sa main hall kung saan maraming imbitado ang nag-iinuman at nagsasayawan.

Hindi ko ikakaila na paminsan ay lumilibot ang mga mata ko, naghahanap ng gintong maskara na hugis lobo mula sa mga taong nagkukumpulan sa paligid.

2:30 AM.

Ilang minuto na lang ay makakaalis na ako sa salu-salong ito. Bawat segundong lumilipas ay tila impiyerno, puno ng kaba at pag-aalinlangan. Hindi ko alam kung totoo nga ba ang mga sinabi ni Rubedo na kaya niya akong ipapatay gamit lamang ang kaniyang suot na himelo.

This lycoris cufflink is the currency here. Unlike money—these cannot be traced. Inalala kong maigi ang aking mga nakalap na impormasyon. They can pay for transactions that cannot be measured by money.

Like a person's life.

Inililista ko sa 'king utak ang bawat bagay na diskubre ko ngayong gabi. Para pagbalik namin sa mansyon ay maikuwento ko lahat ng nalaman ko sa propesor.

Mayroong anim na korona ang lycoris. Anim na taong nasa pinakamataas na rango at tinitingala ng lahat. Hindi ko na masiyadong matandaan ang mga pangalan nila.

2:45 AM.

Dali-dali akong nagpunta patungo sa entrance. Sa ilalim ng mga hagdan ay nakita ko nang nakaabang ang kotse ni Fuzz para sunduin ako.

Just a few more steps, and I'm finally safe.

Finally free from this hellfire.

Finally...

"Ayon siya!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Paglingon ko, naroon si Rubedo sa ibabaw ng mga hakbang at nakaturo sa akin.

Fuck.

Nagmadali akong bumaba, ngunit nakita kong may ilan ding guwardiya na nakaestasyon sa baba ng hagdanan na malapit sa kotse ni Fuzz.

Fuck. Saan ako pupunta ngayon?

The corner of my eye catches a gold reflection.

I can't breathe. I can't think. I just let my intuition take control of my body.

My legs follow the direction of the gold reflection like it was my north star.

Tears cloud my vision as I make my way towards the steps.

Towards him.

Mayroon pa akong tatlong hakbang bago makarating sa lalaking may suot ng gintong maskara na hugis lobo. Nakabuka ang kaniyang mga braso at handa akong salubungin.

Growing up, I learned from bedtime stories to never trust a wolf.

Wolves are bad guys. Wolves are bad news.

Yet here I am, a poor little raven flocking towards his side.

Malapit na sa aking likuran ang mga guwardiyang humahabol sa akin.

Pumikit ako at nagdasal.

I don't know how the hell he'll save me, but...

I let the winds of fate take the wheel.

My legs jump over the remaining steps.

I stretch my arms forward, letting the wolf-masked stranger catch me in his arms. I bury my face against his chest. My arms are enclosed around his neck. Tila humihingi ako ng saklolo sa kaniya.

Mula sa malayo, nakita kong lumabas ng sasakyan si Fuzz at takang-taka sa mga pangyayari.

Lumapit na sa amin ang mga guwardiya. Naroon pa rin si Rubedo sa tuktok ng mga hakbang at may mukhang namumutla sa takot.

Saan siya natatakot? Kanina lang ay ako ang tinatakot niya.

Hinanda ko na ang aking sarili na hulihin ng mga guwardiya. Ngunit imbes na kunin ako ay tumigil ang mga guwardiya at sumaludo.

"Sir!" sabay-sabay nilang bati. "We're sorry, Sir!"

Huh? Ano'ng...

Sinundan ko ang direksyon ng kanilang mga mata. Lahat sila ay nakatingin at nakasaludo sa lalaking yakap-yakap ko.

"She's with me," banggit ng lalaking nakakapit ngayon sa aking baywang. "Let us leave."

Tumango lamang ang mga guwardiya sa kaniya.

Maya-maya lamang ay sumusunod na ang mga paa ko papunta sa kaniyang sasakyan. Napatingin ako kay Fuzz na nakanganga lamang mula sa malayo.

'I'll explain everything later,' I mouth at him as I follow the wolf-masked guy inside his car. Kahit ako ay hindi rin maintindihan ang mga pangyayari.

Ang alam ko lang ay kailangan kong makatakas mula kay Rubedo. At itong lalaking nagmamaneho ng kotse kung saan ako nakasakay ngayon ang siyang nagligtas sa akin kanina.

Pinagmasdan ko ang kaniyang maugat na mga kamay habang nagmamaneho. Wala siyang himelo ng lycoris sa dulo ng kaniyang mga manggas. Iyon ang nagpapalagay sa loob ko na ligtas ako sa piling niya.

Nang makalayo na mula sa lugar na iyon ay nakahinga na ako ng maluwag. Saka ko lamang napagmasdan ang kotseng sinasakyan ko. It's a fucking McLaren.

I shouldn't be surprised, though. Fuzz have told me that every guest at that party is dirty rich.

"Who are you?" tanong ko sa lalaking hanggang ngayon ay suot pa rin ang kaniyang maskara. "At bakit tumigil ang mga guwardiya nang makita ka nila? Sino ka ba?"

Dahil mabilis ang kaniyang pagmaneho, maya-maya lamang ay nakarating na kami sa isang malaking mansyon.

Awtomatikong umangat ang mga pintuan ng kotse. Pagkalabas ko ay tinanggal ko na rin ang aking maskara. Hinayaan ko itong mahulog sa madamong sahig ng kaniyang hardin.

"Look. I have even shown my face to you. Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako sinasagot." Humakbang ako palapit sa kaniya. "Hindi mo man lang ba tatanggalin ang iyong maskara para magpakilala sa akin?"

Hinila niya ang dulo ng kaniyang manggas para tingnan ang gintong relos sa kaniyang palapulsuhan. "The rules state that we are not allowed to reveal our faces during the Night of Lycoris."

"We're already outside!" sigaw ko, ngunit patuloy pa rin akong naglalakad palapit sa kaniya. "The party's over. Who are you and why did you save me?"

Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa suot na relos. "Not yet. It's still 2:59. May isang minuto pa bago matapos ang gabi."

I bite my lower lip in annoyance. Napakastrikto naman ng lalaking ito! Kanina pa nga ako lumalabag sa mga patakaran.

"Fifty-nine, fity-eight..." Huminga ako nang malalim at nagbilang. "Fifty-seven, fity-six..." Bawat segundo ay may katumbas na hakbang palapit sa kaniya.

Hindi siya umaalis mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Twenty... Nineteen..."

Habang papalapit nang papalapit sa kaniya ay paiksi nang paiksi ang aking mga hakbang.

"Ten, nine, eight..."

The tips of my stilettos kiss the tips of his dress shoes as I close the gap between our bodies.

"Seven, six, five..."

Inangat ko ang aking mga braso na siya kong ipinatong sa ibabaw ng kaniyang mga balikat. Iginapang ko ang aking mga palad sa kaniyang malambot na buhok, hinahanap ng aking mga daliri ang tali ng kaniyang maskara.

"Three, two, one..."

Hinila ko ang dulo ng tali at hinayaang mahulog ang kaniyang maskara sa sahig.

May singhap na nakatakas mula sa aking bibig nang makita sa wakas ang kaniyang napakagandang mukha.

Tila gusto kong lumuhod ngayon sa damuhan para lamang sambahin ang kaniyang nakapagtatakang kaguwapuhan.

Moonstone eyes shining over his gorgeous, lightly-tanned skin. Rosy cheeks above rosier lips.

Para akong nagkasala dahil sa pagtanggal ko ng kaniyang maskara. Hindi nararapat para sa isang hamak na nilalang na tulad ko na masaksihan ang kaniyang nakakasilaw na karingalan.

"You've... turned mute, dandelion."

"I-I, uh—"

Shit. Natuptop ko ang aking bibig. Hindi ako makapagsalita. Ninakaw ng kaniyang nakakaakit at maamong mukha ang kakayahan kong magsalita.

"Vermilion." He smiles with his clear crystal eyes as he finally introduces himself. "You can call me Vermilion, but that's not my real name. That's the alias assigned to me at the Night of the Lycoris."

Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang ngayon. Nakapako pa rin ang mga mata ko sa pag-obserba sa perpektong hulma ng kaniyang mukha.

"How can someone be this beautiful?" bulong ko sa 'king sarili.

Ngunit lumabas yata ito mula sa bibig ko dahil bigla siyang napanganga at napangiti.

Shi—it. Nakakahiya! Tinakpan ko agad ang aking namumulang mukha. Gaga ka talaga!

"Really? I wish I could see it..." Tila malungkot ang kaniyang mga mata nang sabihin iyon habang nakatingin sa sahig.

Hm? What does he mean by that?

Hindi ko na masiyadong inintindi ang aking iniisip. Itinuro ng kaniyang mahabang daliri ang pintuan ng kaniyang malaking mansyon. "So, are you coming in?"

Napalunok ako.

Papasok lang naman sa bahay ang usapan.

Nagsimula na siyang maglakad at sumunod naman sa kaniya ang aking mga binti.

Bakasakali ay mas marami akong makalap na impormasyon mula sa kaniya. Base sa reaksyon ng mga guwardiya kanina ay mukhang importanteng tao siya.

Vermilion...

I repeat his alias in my head.

I think I've heard that name somewhere.

Wala na akong tiyansang maalala kung saan ko narinig ang kaniyang pangalan. Dahil nakapasok na ako sa kaniyang mansyon at sumarado na sa likuran ko ang pintuan.


#AWaveofVermilionWP

#AWOV

Bạn đang đọc truyện trên: TruyenHHH.com